Kabanata 26
Kabanata 26
Ospital
Mabigat ang dibdib ay umuwi ako sa bahay. Sinigurado kong walang bakas ng sakit ang aking mukha. Naghihingalo na ang pigura ng rasyonalidad sa aking isipan at unti-unting napapalitan ng sakit at hindi kasiguraduhan.
Binalot ng kaonting liwanag ang ilang parte ng mansyon. Mula sa dulo ay rinig ko ang mahininang klasikal na tugtog mula sa opisina ni Daddy. Bumuntong-hininga ako nang matantong nakisasabay sa aking damdamin ang atmospera ng buong bahay.
Dumiretso ako sa loob ng bahay at umakyat.
"Izidara."
Napatigil ako sa pag-akyat at napalingon kay Mommy.
Her hair is conformed in a loose bun. Hawak niya ang isang water bottle at nakasampay sa braso ang puting lab coat.
Pag-aalala ang nakamuwestra sa kan'yang mukha kaya bumaba ako't lumapit sa kan'ya.
"It's Elgene, isn't it?" she asks softly as she caress my cheeks.
Napapikit ako sa unang pantig pa lamang ng kan'yang pangalan.
I nodded at her and slowly opened my eyes. She welcomed me to her haven by her open arms. Dumulog ang wasak kong pigura sa kan'ya at pinikit muli ang mata. Ipinatong niya ang baba sa aking ulo at hinaplos ang aking buhok.
I almost asked her to stop from caressing my hair because it reminds me of him... but I remember that I needed my mother's touch the most.
"I don't want him for you, Izidara. Masyado ka niyang sinasaktan. Donovans aren't meant for Garcerons; Garcerons aren't meant for Donovans. Maybe he's hurting you because of the family feud before, sweetie. Hindi ba nakwento sa 'yo ng Daddy mo?"
Tahimik akong umiling at nakinig na lamang dahil kung makikinig ako, siguro aayaw na ako nang tuluyan sa kan'ya.
My mother sighed and kissed my forehead. "It's not the right time to tell you."
Hindi ako umalma dahil alam kong kahit sabihin ni Mommy, hindi papasok sa utak ko dahil sobra na akong nasasaktan.
"Tandaan mo. Don't trust a man who keeps on telling lies and doesn't bother to tell the truth. Don't trust a man who is contented upon seeing you hurting. It's not love—it's selfishness. Do you understand, Izidara?"
Humugot ako ng malalim na hininga at tumango. "Yes po."
She let out a contented smile. "Good. You're our princess, no one should treat you lower than that. Find a man who will treat you as his queen. Dapat mahal na mahal ka niya. Stop your set-up with that kid and break free from him. He doesn't deserve you; you deserve someone who will treat you the way you want to be treated. Huwag mong hayaan na mawasak ka bago kumawala. Your relationship is toxic, not ideal. Remember that."
Kumalas ako sa pagkakayakap at hinalikan si Mommy sa pisngi.
I love her, so much.
Nginitian ko si Mommy at nagpaalam na. May duty pa siya sa ospital.
"Don't downgrade yourself. If he loves and cares for you, he will automatically see your worth. Huwag kang pumayag na second best ka lang," she added seriously.
"Opo, Mom, I understand."
What my mother said somehow made me feel good. Naialis ko na ang ibang bigat sa aking dibdib. I know I need time before I'll eventually let it go. Mawawala rin 'to.
The next Saturday, I am greeted by the annoying voice of my annoying cousin. I already took a bath and I am prepared to eat downstairs.
Ursula, wrapped in a quite fashionable dress, sashayed inside the mansion. Pagkababa ko pa lamang ay bumungad na ang postura niya sa gitna. Nakapamewang at dahan-dahang tinaas ang shades na nakaharang sa mata.
"Hello, Tita!" bungad niya kay Mommy na sumalubong sa kan'ya.
Si Daddy ay nasa ospital ulit dahil may inaayos kaya wala ngayon.
Kunot-noo akong lumapit kay Mommy at humalik. Hindi nakatakas sa paningin ko ang ilang maleta niya na nasa gilid at inaakyat na ng maid.
Akala ko si Ursula lang ang nandito ngayon, hindi pala. Dumating din si Tita Dorothy na halos pareho ng suot sa anak. Dito raw muna sila mananatili hangga't hindi pa naaayos ang estado ng ospital. Naging kakaiba ang reaksyon ni Mommy nang banggitin iyon ni Tita.
May ginawa bang masama si Tita Dorothy tungkol sa ospital?
With their arrival, I was forced to postpone the preparation for a contest. I won the contest last time. Maraming award ang nakuha ko, pati na rin ang title ay na sa akin din. Dahil do'n, isinali muli ako sa isa pang contest ng university. Lalaban naman sa ibang university at ako ang representative ng Kingston.
Gusto ni Tita na magpunta sa ospital namin. Nangiba mula ang reaksyon ni Mommy kaya alam kong may mali.
"You know, I don't actually like the atmosphere of Araceli because it is bounded by politics. Sobrang laki ng sakop ng Orozco, Zevallos, Garabiles doon at mahirap nang makipagsabayan. I tried to suggest a plan to the Zevallos Sr. dahil nahihirapan akong i-contact ang Orozco Sr. about building a so-called hospital dahil hindi gaanong umaasenso ang parteng iyong. He didn't acknowledge the plan, instead, threw me away from his office!" histerikang kwento ni Tita Dorothy habang nasa loob kami ng SUV.
We are forced to head to our hospital because of Tita Dorothy's whims. Sumama si Ursula dahil gusto rin daw makita ang ospital.
"At isa pa, nando'n din ang isang Blancoveño!"
"Blancoveño? Malakas sila sa Cebu. They're trying to take over Batangas kaso 'yung Fuentabella-Mondejar clan ay hindi nagpatatalo," sabi ni Mommy.
Fuentabella... Daniel and Freesia! Hindi ko alam na ang Fuentabella ng Batangas at ang dalawang kilala ko ay iisa! And Corinthian didn't bother to tell it? Nakahihiya sa kanila!
Tita Dorothy laughed. "Ay nako! That Cebuano clan are hiding their children—hindi nila ine-expose sa politics! Pero may nangyaring kung ano sa babae nilang anak kaya napapunta sa Araceli. And take note, alam lang 'yon ng mga officials sa Araceli kaya quiet ka lang. I wonder why? Blancoveños are born with a silver spoon, so I wonder how can a female Blancoveño fathom to be at an island where it is far from Manila?"
Nanatili na lamang akong tahimik habang nakiking sa sinasabi ni Tita Dorothy. Ang alam ko lang ay may mansyon sila sa Araceli at mayroon ding negosyo.
Si Ursula ay busy sa kan'yang cellphone. At kahit na hindi siya abala roon, hindi ko siya kakausapin. I won't talk to people I don't want to interact with, unless needed, that is.
"May problema ba sa mga Blancoveño? Nanalo naman sila sa halalan at may political dynasty naman sila sa Cebu."
Tita Dorothy sighed and dramatically rolled her eyes. "Whatever it is, I'm out of it! Ang sama lang talaga ng loob ko kay Zevallos Sr. kasi tinanggihan niya ang alok ko. Hindi ba niya alam na mahusay akong magpalakad ng ospital?"
Dinugtungan niya ng dramatikong buntong-hininga.
Tumigil na ang SUV sa tapat ng ospital. Mabilis na bumaba si Tita, hinihila si Ursula.
"Siguro narinig niya ang ginawa mo sa ospital namin kaya hindi niya tinanggap," seryosong sabi ni Mommy at pinanood ang kapatid niyang bumaba.
Nilingon ko ang establisyimentong nasa harapan. It is a big hospital with around eight to ten storey-high. It doesn't look like a hospital to me, sort of like a mall. Ngunit nandito pa rin ang vibe dahil sa malalaking letra ng 'Emergency'.
I shrugged and looked at my mom. "This is not our hospital," I pointed out.
My mother sighed. "You are right. Gusto niyang bisitahin ang ospital na 'to dahil may gagawin pa siya. You come along with her. Uuna na ako sa ospital natin dahil may sasabihin ako sa Daddy mo."
I nodded and kissed her cheeks before leaving the vehicle.
Sumunod ako sa kanilang dalawa papasok. I am greeted with a big chandelier hanging from the top. The monochrome color complimented the interior of the building. The interior looks classy with its design.
Maliwanag at amoy ospital pa rin kahit papaano. Kung wala nga lang nakapirming poste ng Information Desk pagpasok, aakalain kong isa itong hotel at hindi ospital.
Gumagalaw nang ayon sa nakikita sa mga ospital ang mga tauhan ng ospital. Mayroong pasyente na nakaupo sa malaking couch at nag-hihintay sa pagbabayad. Sa kanan ay ang double door ng Emergency room.
May kalalabas lang na pasyenteng nakaupo sa wheelchair na may nakatusok na IV. Kasama niya ang ilang nurse na kulay puti ang suot. Mukha ring pang-ospital ang uniform nila.
I shrugged when the uniform met my standards. It's quite overwhelming to see a hospital with a classy interior. It's normal to see those in Manila, ngunit dito sa Pampanga ay kakaiba. Nakapaninibago lang dahil mukhang hotel talaga ang dating o di kaya'y isang aesthetic clinic.
Malawak ang elevator at glass wall ito kaya kita ang nasa labas. Pinaningkitan ko ng mata ang pamilyar na bulto ng isa nilang kabanda.
Really, Brella? Hinahabol ka? Natawa na lang ako sa naiisip.
Sa fourth floor kami tumigil. Bumungad ang maliwanag na lugar dala ng chandelier na nasa gitna at medyo itaas ng nurse desk.
Gusto ko sanang tanungin si Ursula kung sino ang pupuntahan ngunit nanahimik na lamang ako. I know she wouldn't answer. Last time I checked, she hates my guts.
Dumiretso kami sa nurse desk. Si Tita Dorothy ay may tinanong sa nurse na nakaestante roon at sinabihang maghintay dahil tatawagin ang doctor. Inikot ko na lamang ang paningin sa paligid habang iniintay ang susunod na gagawin.
"Sa tenth floor daw po, Ma'am. Do'n po kayo iniintay ni Mrs. Carbajal."
Kumalas ako sa pagkasasandal sa lamesa at tinatamad na sumunod sa kanila pabalik ng elevator.
"Elisha!"
Natigilan ako nang may nabunggo akong babae. Mabilis akong humingi ng paumanhin.
Nang nilingon ko siya ay pansin kong takip ang kan'yang ilong at bibig ng surgical mask. Suot niya ang jacket at naka-patient's suit.
I don't know if this is the first time that I saw her but she looked paler than her natural skin. Namumutla at parang nanghihina. Singkit ang kan'yang mapungay na mata. Lumalabas ang kakaonting dugo mula sa maliit na turok mula sa kan'yang palad. Lumingon siya sa likod kaya napalingon din ako.
Lumapit ang isang babae sa kan'ya. "Elisha, ang kulit mo. 'Di ba sabi kong 'wag aalis sa kwarto? Fourteen years old ka na pero ang kulit mo pa rin."
Nagulat ako nang makita ko ang papalapit na bulto ni Griffin. Nag-aalala rin siya at lumapit dito sa babae.
"Eli—"
Lumaki ang kan'yang mata nang makita ako.
"B-Brella, ikaw pala 'yan..."
"Brella, halika na!" medyo malakas na sabi ni Ursula.
Iniwas ko ang tingin at saglit na ibinalik kay Griffin. "Kapatid mo?"
Kunot-noo siyang umiling. "Kapatid ng pinsan ko. Itong katabi ko ang Ate ko," sabi niya at itinuro ang babaeng unang lumapit.
The little girl reminds me of someone...
Ngiti na lamang ang naibigay ko dahil sumunod na ako kina Ursula patungo sa elevator. Tumigil kami sa pangsampung palapag at bumungad ang executive office. Sekretarya ang unang nilapitan ni Tita bago tuluyang makapasok sa loob.
Executive office sa isang ospital? I don't know. This hospital keeps on getting weirder.
"Mrs. Carbajal, nandito po si Ms. Garceron," anunsyo ng kan'yang sekretarya.
Pinagbuksan na kami ng malaking pinto. Nangunot ang aking noo nang makita si Quinley roon na hinalikan ang pisngi ng matandang babae.
"Bye, Mom," rinig kong sabi nito at umayos ng upo.
Malawak pa ang kan'yang ngiti nang umalis sa pwesto ngunit unti-unting tumigil nang makita ako.
Her reaction mirrored mine. Anak siya ng may-ari ng ospital na 'to?
Tumango ang babaeng nakaupo sa swivel chair at lumapit kay tita. Nagbeso silang dalawa habang si Ursula naman ay kinausap na si Quinley.
"Who is she?" I heard her ask before she glanced at me.
I stood there, uninterested with what's going on.
"Your... daughters?" tanong ng babaeng kausap ni tita.
"That is my daughter, Ursula. Ngayon mo lang ulit nakita, 'no? Ngayon lang kasi ulit nakabalik si Ursula rito mula Araceli. That is my niece, Brella."
Ngumiti ako nang ipakilala ni Tita. Tahimik akong nagdasal na sana may tumawag sa cellphone ko para makalabas dito. Nang tumunog 'yon ay ginawa kong excuse upang makalabas,
I know my presence is not acknowledged here and I'm thankful for Corinthian's call!
"Corinthian, thank God you called!" bungad ko sa kan'ya pagkalabas.
Tawa ang una niyang sagot sa 'kin. "Bakit? Did I save you from something?"
"Kung alam mo lang!" I answered with a hushed tone. "Why did you call? You need something?"
Tanging hinga lang niya ang naririnig ko. Pa-mayamaya ay ang boses niya.
"I... uh... date?" nahihiya niyang tanong.
Nanahimik ako, hindi alam ang sasabihin.
He chuckled. "Joke lang. Labas sana tayo kasama si Raf. Hindi ka ba busy? Kailan ka ba pwede?"
Natawa ako at humilig sa pader. "I should be the one to ask you that. Parang lagi kang vacant."
"Tinatapos ko na requirements ko bago mag-practice. Responsible guy kaya 'to!"
"Really? Hindi ko naman alam na responsable ka pala, Cori. Kailan pa?"
"Nang ma-realize ko na kailangan ko i-step up ang ibibigay ko kung may gusto akong ipaglaban," matapang niyang sabi.
Lumaktaw ng ilang kaba sa aking puso nang mabasa ang katapangan sa kan'yang salita. Marahas akong lumunok at pinigilan ang bugso ng damdamin.
Kung gano'n nga lang si Elgene...
"Kailan ba tayo lalabas?" tanong ko.
"Labas na kaya tayo ngayon? Kailan ka ba free? Ako kahit kailan free, basta ikaw."
Nai-imagine ko na kumindat si Corinthian.
"Nasa'n ka ba at parang lagi kang prepared?"
Bumuntong-hininga si Cori. "Para sa 'yo prepared ako. Prinsesa kita e."
Kinagat ko ang ibabang labi at pinigilang ngumiti. Bakit hindi nalang si Cori?
"Cori, kasi—"
"Hindi ka na pwedeng umayaw. Magagalit si Raf. Sinettle ko na bukas o kaya makalawa. Bawal umayaw, Brella, okay? Magtatampo ako sa 'yo."
Tawa na lamang ang sagot ko. "Fine. Text niyo nalang ako."
Nailayo ko ang cellphone sa aking tenga nang marinig ang irit ni Corinthian. "Love you, B!"
"Love you, too! I'll end the call..."
"Sige, bye!" masaya niyang sabi.
Nakangiti ako nang pinatay ang tawag. Somehow, talking to them, relieves my stress. Silang dalawa ni Corinthian at Rafaela lang talaga ang malapit sa 'kin. Sila ang gustong-gusto kong kausapin palagi.
Wala akong planong bumalik sa loob. Aabante na sana ako ngunit lumabas na si Quinley mula sa pinto. Ngumiti ako ngunit inirapan ako. Pinigilan ko ang pag-awang ng bibig sa kan'yang ginawa.
Ano ang problema nito?
"Malandi ka," bigla niyang sabi pagkaharap sa 'kin. Marahas niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa at itinaas ang isang kilay bago humalukipkip.
"Excuse me?" hindi ko makapaniwalang sabi.
"Ang landi mo talaga, 'no? Lahat pinatos mo."
Tinikom ko ang bibig at matapang siyang hinarap. May natitira pang katahimikan sa akin kaya hinding-hindi ako papatol.
Even though I am offended by what she said, I refrained from talking back. I still have rational thoughts.
"I don't know what you're talking about. Miss, ayoko ng away."
Nang-iintimida siyang humakbang palapit. "You are such a flirt! Hindi mo ba alam na taken na si Elgene? Tapos nilalandi mo pa? Napakakapal naman ng mukha mo."
Kinagat ko ang aking labi at humugot ng hininga. Tumahimik ako at tinitigan na lamang siya.
"Ano? Bakit hindi ka umiimik? Silence means yes, am I right? Kasi, kung hindi totoo, ide-defend mo ang sarili mo."
Nanatili akong tahimik at inintay siyang mainis. It's better to be silent than to keep on blabbering. Iwas gulo, hindi ka pa nagsayang ng laway.
"Sumagot ka!" naiinis niyang sigaw.
Napalingon na ang ilang tauhan sa palapag sa pwesto namin. Walang hiya ang dumaan sa 'kin dahil hindi naman totoo ang sinasabi niya.
I am not the one who's flirting with him. Alam ko kung ano ang pwesto ko rito, siya yata ang hindi.
"Duwag ka ba? Duwag ka, ha!"
I continued staring at her just to piss her off.
"Pipi? Bingi? Walang bibig? Nagsasayang ako ng laway sa 'yo!"
I shrugged at her.
"Sumagot ka! Ang lakas ng loob mo—"
"Quinley, what are you doing?"
Dumako ang tingin ko sa dalawang lalakeng kalalabas ng elevator.
Griffin stayed on his place. Si Elgene ang umabante at lumapit kay Quinley. Kita ko ang pigil niyang galit nang hawakan ang braso nito.
"Gumagawa ka ng away?" pigil sa galit nitong sabi.
Tahimik na lumapit si Griffin kay Elgene at tinitigan ako. Tinantiya ko ang kan'yang tingin at iniwas, nakuntento na lamang sa pagtitig kay Elgene at kay Quinley.
Pinapakiramdaman ko ang aking puso. Iniisip ko ang sakit kung gaano ito aapekto sa 'kin.
Palihim akong suminghap nang ilapat niya ang kamay sa braso ni Elgene. Doon napunta ang atensyon niya bago palihim na tumingin sa 'kin.
A chill ran through my spine. Iniwas ko ang tingin at inilipat sa pader. Tahimik silang umalis at naiwan kaming dalawa ni Griffin.
"Alam mo?" tanong niya.
"Wala," simple kong sagot.
Nagtungo ako sa elevator pagkatapos nilang umalis.
"Brella."
Tumigil ako sa pwesto at pinakiramdaman ang tibok ng puso.
Kaba ang dumaloy rito nang malaman ang kaseryosohan sa kan'yang tono. Pinagdaop ko ang nanginginig na kamay at tinitigan ang namumulang numero na naka-display sa screen ng elevator.
"Ginagamit lang niya si Quinley."
Ah, talaga? Gamitan na pala.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro