Kabanata 24
Kabanata 24
Princess
It's been weeks since our secret rendezvous started. His unit has always been the setting for it. Ito lang ang tanging lugar kung saan wala siyang bahid, walang bakas, at walang piraso. Ako ang may hawak sa lugar na ito ngunit hindi pagmamay-ari ang nakapangalan dito.
Pumayag ako dahil sa kagustuhang maalis ang pagsisisi mula pagkabata. Kahit kong napaka-irasyonal na rason 'yon, pinilit ko pa rin. Gustohin ko 'mang maging rasyonal, pinipigilan ako ng manhid na nararamdaman.
I almost pleaded for this to end but as much as I want to, there are some things that are yet to know. Those are the irrationalities of my feelings and the aftermath of my guilt.
I didn't want to be a part of his—I just want him to be a part of me because I want to know what complexity he could bring. I knew that I didn't want complications—the complexity—but how far can a person's rationality go without it?
Taimtim na nananalangin ang puso kong namamanhid. Kahit gaano ako kadalas manalangin, iyon naman ang kawalan ng kasiguraduhan kung para saan—kung tungkol pa ba sa kasakiman ko o nagpatuloy na ba sa pagkasira ko.
Binalot ng katahimikan ang paligid. Sa sobrang tahimik ay mabibingi ako sa katotohanan. Ang katahimikan na nagdadala ng walang kasiguraduhan na nagbabaon ng hapdi sa dibdib ay tumatarak sa aking balat.
Tuluyan nang binalot ng lamig ang aking katawan, hindi dahil sa lamig ng kwarto o simoy ng hangin, kun'di dulot ng pusong binababaan ang depensa.
Suminghap ako, hindi malaman ang gagawin, nang lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang aking kamay. Mahigpit siyang nakayakap mula sa likod bago halikan ang balikat ko.
"I'm sorry..." he said for the seventh time this day.
He kept on telling me his sorry through any other media. Sinigurado niya na sa dulo ng bawat bakas ng letra, hindi niya makalilimutan ang manghingi ng simpatya. Hindi naman bago 'yon dahil nasanay na ako mula nang magsimula pa.
But I know that I hate how he treats me—parang nagigitgit ang pagtatrato ko sa sarili.
I don't know if he should let me feel this way, after all, I know my worth and he does not. It's being unbearable for someone to disregard your worth just to fulfill their deeds.
Pero hindi ba gano'n din ang pakay ko? Sumasama ako sa kan'ya kasi nasira ko ang pamilya niya noong bata siya dala ng kasakiman ko. Nauna akong nagkamali, sumunod siya dahil pinayagan ko siya. Pareho kaming nagkamali pero mas matimbang ang bigat ko.
Bakit? Alam kong irasyonal ang gagawin ko pero bakit nagpatuloy ako?
Sumandal ako sa kan'yang malapad na balikat at pinakinggan ang bulong ng hangin. Bumuntong-hininga ako at hinaplos ang kan'yang brasong nakapulupot sa aking katawan.
"Tell me a story?" mahina kong tanong, mabigat ang dibdib.
I felt him smile and nodded before putting his chin on my shoulder. Tinagilid niya ang ulo, ang mainit na hininga ay tumama sa aking leeg. Rumahas ang tibok ng aking puso nang makilala nito ang pamilyar na temperatura.
"Hmmm... what about?" tanong niya sa malalim na boses.
"About your date with Quinley. I want to know..." My heart is crying upon pronouncing the words.
He is holding me tonight, but he will hold her with all his might.
"It's fun..." mahina niyang sabi at isiniksik ang mukha sa aking leeg.
I closed my eyes and listened for the silenceness of my rationality. Nagsawa na ba ang rasyonalidad ko kaya gano'n na lang kung umakto?
"Anong ginawa niyo?"
Inilayo niya ang mukha mula sa aking leeg at hinalikan ang aking pisngi. Mariin kong ipinikit ang mata kasingtagal ng paglapat.
"Nothing special. Just accompanied her to some stuff. 'Wag ka na mag-selos."
"I'm not jealous," sabi ko. Hindi naman ako nagseselos; nasisira lang.
"I'm sorry if you have to go through this..."
I stopped myself from being offended, yet again. I need to understand him—it's all that he needed as he battles the complexity of this cruel world.
Iminulat ko ang mata at kinalas ang kan'yang pagkayayakap. He isn't a fan of the idea, so he grabbed my arm lightly and made me face. Napilitan akong tumingin sa kan'ya.
"Aalis ka na agad?" tanong niya, malamlam ang mata. Ang reaksyon niya ay kitang-kita dahil sa liwanag ng buwan at ng mga bituin sa kalawakan. Ngunit gaano 'man kaliwanag ang sinag nito ay siyang kalamlaman ng kan'yang dedikasyong manghamak.
"Anong oras ka ba dumating? Ilang minuto bago mag-alas nuebe. Anong oras ako umaalis? Kapag buo na ang buwan. Buo na ang buwan ngayon, Elgene, kaya aalis na 'ko."
His marvelous face molded into shades of agony. Pinailalim niya ang ibabang labi sa kan'yang ngipin at hirap na hirap na tumingin sa 'kin.
"Stay for another minute?" parang bata niyang tanong.
His youth tucked me. And it pained me—it pained me how my selfishness brought me to this degradation.
"Elg—"
"Please? I'm just lonely..."
Ibinuka ko ang bibig ngunit hindi nagsabi ng kung anomang salita. Unti-unting bumalot ang ginhawa sa kan'yang mukha bago ako hinatak palapit sa kan'yang katawan at niyakap nang mahigpit.
Ganito naman lagi, Elgene, hindi ba? Bibigay ako kapag pinapakita mo ang kahinaan mo. Pinapakita mo sa 'kin ang batang ikaw kaya napipilitan akong samahan ka ulit.
"You know, my sister Elisha... she's not getting well."
Pikitmata kong ibinalik ang yakap at pinakiramdaman ang bawat tibok ng kan'yang puso. Humigpit ang kan'yang yakap. Nagulat ako nang marahas na mag-taas baba ang kan'yang balikat.
Is he crying madly for his sister? At sa akin pa umiiyak?
"I'm worried about her. I'm also worried about my mom. Nahihirapan na siya." Humugot siya ng malalim na hininga. "Prinsesa ko, can you spare me some time for me to settle this? Hindi naman kita bibitawan, pakiki-usapan lang kita na kumapit muna."
Nagmamakaawa...
"Why? You think that I'll let go?" Bumigat muli ang dibdib ko.
Wala naman akong bibitawan e. Wala naman akong panghahawakan. Wala namang tayo, 'di ba?
Hindi siya makasagot, bagkus, hinalikan ang tuktok ng aking ulo.
"Hindi mo ba kayang kumapit?" tanong ko.
"Prinsesa ko..."
I discreetly let out a sigh. "I'm just kidding, Elg. Higpitan mo na ulit yakap mo."
Lalong sumakit ang puso ko nang tanging isagot lang niya ang mahigpit na yakap. Sa maikling oras gabi-gabi nabubuo ang plano kong maalis ang pagsisisi sa 'kin. Ngunit sa maiikling oras na 'yon ay unti-unting nasisira ang mga pader na tila matayog mula pagkapanganak.
Nang makauwi ako sa bahay ay sinalubong ako ng galit na mukha ni Mommy. Sinundan pa niya ako sa kwarto.
"Hindi ka na naman umuwi," monotonong sabi ni Mommy.
I looked at my mom apologetically. "Sorry po. Sinamahan ko pa po kasi si Elgene because he's feeling down. Nagkasakit yata ang kapatid niyang si Elisha."
Mapanantiya akong pinagmasdan ni Mommy habang ako ay naghahanap ng damit na isusuot.
"Did you do something unholy? Say, sexual intercourse?"
Marahas akong napalingon kay Mommy at umiling. "Of course, not!"
Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ko. "I'm glad to hear that."
I rummaged through my closet and looked for something I could pair my jeans off. Sa pagpunta sa official try-out ni Corinthian ay roon ko ibabaling ang pamimigat ng dibdib. Nakapasok na siya sa mismong varsity, ang official lineup na lang ang hindi.
"Lagi kitang pinagtatakpan, Izi, and I am hoping that what you're doing with him does not damage you."
Damage. Napatigil ako.
"It doesn't, Mom. No need to worry." Ngumiti ako kay Mommy. "Pupunta nga po pala ako sa Trinity ngayon. May try-out si Cori sa official lineup ng panlaban ng swimming team nila."
Bumuntong-hininga si Mommy at tumango. "Corinthian is a good man. I know he likes you. Bakit hindi nalang siya?"
"Mom—"
"I'm just kidding. Ingat sa biyahe, Izidara."
Hinalikan ni Mommy ang aking pisngi at umalis na ng aking kwarto. Napunta kaagad ang tingin ko sa mga korona. Sumakit ang dibdib ko dahil do'n.
The crown settled at the middle tier of my decked crowns caught my attention. It looked glamorous today. Sparkly, even. Matagal na sa 'king binigay ni Daddy ito ngunit ilang beses ko pa lang nahahawakan dahil sa takot na masira ito.
I reached for it and held onto it dearly. I let my hand grace the surface of the cold, majestic metal. The crooks and depths of it came to my attention. It felt like something was engraved and meant to be unraveled after a long period of heartaches and grief.
You are enough. You are enough.
I closed my eyes and with a tight-lipped smile, I remembered what I am supposed to do: to replenish my worth.
Dumating ako sa Trinity pagkatapos ng halos isang oras. Nagpapapasok naman ang guard, basta may susundo na taga-Trinity.
Suot-suot ang maroon varsity hoodie ay sinundo ako ni Corinthian mula sa main gate. Nakalagay sa harap ang pangalan ng school, sa likod naman nakalagay ang word na 'swimming'. Natawa ako nang mapansin na suot lang niya bilang pambaba ay ang fitted na swimming trunks at tsinelas.
"Confident na confident kang lumabas ng pool tapos 'yan lang pambaba mo?" pang-aasar ko.
Corinthian laughed at me and slung his arm over my shoulder. Nadala ako sa bigat ng kan'yang braso kaya nahatak ako palapit sa kan'ya.
Elgene will see this.
"May ipagmamayabang naman ako, bakit ba?" he boasted.
"Heartthrob ka ba rito, Cori?" tanong ko nang mapansin ang tingin ng ibang estudyante.
He made a face. Natatawa ko siyang inirapan. Humalakhak siya pagkatapos.
"Heart robber, hehe."
"Corny mo," nakangiti kong sabi.
Nahagip ng mata ko ang isang nagmamadaling bulto ni Eros, isa sa mga kabanda ni Elgene. Kasama niya ang dalawang hindi pamilyar na lalake, siguro ay kaklase niya.
They are suited up nice and clean. Thesis defense? Report? The three of them look so serious and intimidating.
"Go guys!" sigaw ni Corinthian sa kanila.
"Salamat, p're!" sabi ng isa nitong kasama.
"Bakit hindi ko alam na 'Mr. Friendship' na pala ang title mo, Corinthian Jairus?"
Tumaas ang dalawa niyang makapal na kilay. "Putangina, ano? Mr. Friendship? Tangina!" puno ng halakhak at mura niyang sabi.
His voice is loud it caught the attention of other students! Nahihiya kong tinakpan ang muha sa kan'yan ginawa. Magmumura na nga lang, malapit pa sa office! Napalabas tuloy ang isang professor at kunot-noong sinita.
"Mr. Escobar! Your mouth!"
Nanlaki ang mata niya at sumaludo. "Sorry, auntie! Bumisita po pala kayo ngayon kay Tita."
"Corinthian Jairus!" paninita ulit nito.
Nginitian ko ang babaeng professor na sumita sa kan'ya. Nginitian din niya ako pabalik. I recognized the professor as his auntie, hindi ko lang tanda kung anong side. Tapos ang tinutukoy yata niyang Tita ay kaibigan ng nanay niya.
Pagak kong tinawanan si Cori at pinagmasdan ang pag-aaway nila. Lumapit siya sa professor at kinausap saglit. Piningot nito ang tenga ni Corinthian. Nakita ko ang pagngiwi niya at ang pa-ulit-ulit na pag-so-sorry.
"Sorry na po! Sorry na po! 'Di na po mauulit!"
Ginulo niya ang buhok at tumalon palayo sa professor. Kinausap niya muli saglit bago lumingon sa 'kin. Ngumiti ako at umakto siyang kinilig bago ibalik ang buong atensyon sa kausap. He finished their talk after a minute or so.
"Mura pa!"
"Mahal kasi kita e," sabi niya na may pagkindat at pagturo sa 'kin.
Nanlaki ang aking mata at umawang ang bibig. Ilang beses akong kumurap ngunit hindi pa rumerehistro ang sinabi niya sa 'kin.
"What the hell?"
He cheekily smiled showing off his vertical dimples along his lips. Dinepina nito ang banyagang itsura niya at ang estraktura ng mukha.
"Tara na sa loob. Hinahanap na 'ko."
"Hinahanap ka ba? Wala naman yata silang pake sa 'yo, e."
Tinuro niya ang sarili. "S'yempre, hinahanap ako! Mahusay ako, Brella. Watch me."
I smiled at him. "I am forced to watch, Cori, kaya mapanonood talaga kita."
Lumawak ang kan'yang ngiti at niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik. Siya ang naunang kumalas ng yakap.
Medyo marami ang tao sa indoor pool nila dahil maingay ang event na ito. They're using it as an excuse to see their body.
Sina Elgene, Griffin, Kirk, at Quirro ang madalas panlaban nila sa tune-up. Wala pa talagang official lineup para sa mga swimming tournaments ngunit silang apat pa rin ang isinasali. Kung makapapasok si Corinthian sa official lineup, maisasama na rin siya sa panlaban.
Nagpa-iwan na ako sa kan'ya sa mismong entrance at ako na mismo ang naghanap ng upuan. Nag-aalanganin pa si Cori pero pinilit ko na lang. Hinahanap na rin siya kaya pinilit kong magpunta na roon.
Igagalaw ko na sana ang aking paa nang mahagip ng tingin ang bulto ni Quinley. Hindi na nakagugulat dahil lagi siyang nakadikit sa bulto ni Elgene. Nakangiti silang nag-uusap habang ang distansiya ay napakalapit.
I heard my heart broke into pieces. Alam kong pagsisisi dapat ang nararamdaman ko pero bakit may iba?
I forced myself to look away. Ilang segundo bago ako mag-iwas ng tingin ay siyang pagtingin niya sa 'kin. Mabilis ko itong iniwas at naghanap ng upuan.
I clenched my fist and placed it on my lap. I firmly closed my eyes and listened to my heart.
I pray to all the saints in heaven to guide and nurture my fragmented heart, to let me sleep in peace, and relieve the agony from my unattended heartaches.
Pagkadilat ng mata ay napunta napansin kong malapit lang sa 'kin si Quinley. At sumama pa sa kan'ya si Elgene! Ngiting-ngiti pa siya.
Pinilit ko na lamang ang sarili na huwag tumingin at mag-focus sa swimming pool sa harap. Bigla akong nagsisi dahil natagpo ko ang tingin ni Cori.
Magta-thumbs up na sana siya ngunit nawala agad nang dumiretso ang tingin niya kay Quinley. Pumamewang siya at nag-aalangang kumaway sa 'kin. Sinuklian ko ng ngiti at thumbs up.
I silently hoped that I could bear this. But I do—I need to.
Nanahimik ako nang ilang minuto ngunit dinig na dinig ko ang hagikhik ni Quinley. Kinagat ko ang ibabang labi at mariin na sumandal sa aking upuan. Tahimik kong ipinagdarasal na magsimula na ang laro.
I swear I can hear my heart aching and breaking to pieces, which is not right!
At bakit ko pa naaalala kung paano niya hawakan si Quinley? He is holding to her as if his life depends on her while he is holding to me as if his entertainment depends on me.
Ang sakit pala talaga ng pinasok ko. Sabi ko, kahit kaonting pagkasira sa pagkatao ay hindi ako papayag. Ngunit bakit ako nagpatuloy?
Hinigit ko ang hininga at pinakiramdaman ang sarili. I kept on chanting 'no' in my mind just to check if I'm still okay.
Lumapit ang pinsan ni Elgene sa kan'ya na si Griffin. Griffin dilated his irises when he saw me sitting near them. His mouth formed an 'O' and covered his mouth immediately.
"Elgene, and'yan si B– uy! And'yan pala si Quinley..."
Alanganin siyang nagpalipat-lipat ng tingin sa 'kin. Umiwas ako ng tingin dahil ayoko ng gulo.
I am still okay. I am still sane.
Tinuon ko na lamang ang buong atensyon sa nagsisimulang try-out para sa official lineup. Anim silang magta-try out para ro'n. Isang myembro na lamang ang iniintay nila.
Kausap ni Corinthian ang isa sa official lineup na si Kirk Figueroa. Pareho silang tumatawa habang nagbabanat ng katawan si Cori. Tumigil lang sila mula sa pag-uusap nang magsimula na ang tr-yout.
Binalot ako ng kaba nang magsimulang umakyat si Kirk sa bleachers at nag-excuse kay Griffin upang makadaan. Diretso ang seryosong tingin niya sa 'kin.
"Pwedeng tumabi?" he formally asked.
I watched how his mouth moved and disregarded any malice. I nodded.
He doesn't know about me and Elgene. He doesn't know.
He smiled briefly before taking a sit beside me. Hindi na ako makaipod sa kabila dahil may bag na nakapwesto sa kanan ko.
Lumingon si Kirk sa pwesto nila Quinley bago kinulbit ito. "Bag ko? Nakita mo?"
Umarko ang kilay ni Quinley. "Bakit? Babysitter mo ba ako? Pinsan lang kita, Kirk, hindi taga-alaga ng gamit," masungit niyang sabi at humilig kay Elgene.
Nag-iwas ulit ako ng tingin at ibinalik sa try-out. They're cousins. They're cousins.
Kay Corinthian ko itinuon ang atensyon sa buong durasyon ng tune-up. Pabalik-balik sila sa bawat lanes. Ang isang coach ay lumapit kay Corinthian dahil pinatigil ito sa paglangoy. Ang apat pa ay tumuloy sa paglangoy.
Kinunutan ko ng noo nang makita ang reaksyon niya sa pag-uusap nila. Ngumuso si Corinthian at bahagyang ngumisi. Nag-thumbs up ang coach bago bumalik sa dating pwesto.
Pagkatapos ng ilang ulit sa pagsu-swimming ay mabilis siyang umahon at tumakbo papunta sa direksyon ko. Sinita siya ng ilang kaibigan ngunit nag-middle finger lang. Sinubukan kong kilatisin ang ginawa niyang eksena dahil tulo-tulo pa siya habang tumatakbo!
"Hoy! Corinthian! Gago nito. Kapag ikaw nangudngod pagtatawanan kita!" sigaw ni Griffin.
Laking gulat ko nang tumalon si Corinthian sa bleachers. Ngayon ay suot na niya ang varsity jacket na initsa ng kaibigan. Ngiting-ngiti siyang inabot ang pareho kong kamay at hinigpitan ang yakap. Ginalaw niya ito tila sumasayaw.
"Brella, date na tayo! Nakapasok ako sa official lineup e," nakangisi niyang sabi.
Umawang ang aking bibig. Una kong naging reaksyon ay ang pagtingin sa direksyon ni Elgene. Hindi ko siya nakita sa dating pwesto dahil padabog siyang naglakad pababa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro