Kabanata 23
Kabanata 23
Why
If my smile can tear my face into pieces, it's already torn. Kanina pa ba naman ako nakangiti!
"Bakit nandito kayong dalawa?" hindi maitatago ang saya ko nang magtanong. Tsaka ko lang pinakawalan ang yakap nang makuntento.
My best friend smiled at me and pointed at Corinthian. Nag-taas baba ang kilay ni Raf bago mapang-asar na ngumiti. Sumunod sa galaw ang striped blue na button-down na suot niya na naka-tucked in sa ilalim ng high-waist na pantalon, binibigyang-diin ang maliit niyang bewang.
Her outfit reminded me of the 90s which fitted her perfectly. Her seafoam eyes that always illuminated her skin complimented her outfit, too. Kumikinang din laban sa ginintuan niyang balat ang suot na gintong kwintas habang ang maalong buhok ay nahahawig sa buhok ni Tita Zara.
Corinthian's thick eyebrows darted up. Amusement laced his eyes before he grinned and licked his bottom lip. He bowed down to scratch his nape before he chuckled. "Binibisita ka. Tagal na kitang hindi nakikita."
I dramatically touched my chest. "Magkano ba gusto mo?" I joked.
"Ide-date ko lang kayo!" He laughed. I saw him flex his muscles because of his muscle tee. Khaki shorts ang pinartner niya sa navy blue na pantaas. Napansin kong bahagya ring basa ang kan'yang buhok.
Itinago ko sa pamamagitan ng pagtawa ang pagdaan ni Elgene sa aking utak. This day should be free from him, kahit ngayon lang. Bukas ko na lang ulit poproblemahin.
"Tapos na ba classes mo, Umbrella?" tanong ni Raf habang papalabas ng building.
"Yep. Nagre-rehearsals lang kami para sa contest sa iasng araw."
Lumiwanag lalo ang mukha ni Corinthian. Hinahangin ang kan'yang malagong buhok. Napapatingin ang ibang babae sa paligid sa paghawi ni Cori... at dahil na rin sa pag-flex ng muscles.
"Girl, ang landi," I heard someone said before they giggled. Palihim kong inirapan at sumama sa kanilang dalawa papunta sa labas.
Pinatunog na ni Corinthian ang sasakyan niya. Mabilis kaming nagtungo ro'n at inunahan siya sa pagbukas ng pinto.
"Wala kang pasok, Raf?" Mabilis akong gumalaw papunta sa backseat ng Explorer. Of course, I want to sit beside my best friend! Ilang linggo ko na siyang hindi nakauusap ngunit natutuwa ako't maayos kami pagkatapos no'n.
She grimaced. "Wala. May seminar yung professors sa university for three days. Wala naman akong magawa ngayon so I went here. Nagpahatid nalang ako kay Kuya."
"Gagawin niyo akong driver?" ungot ni Corinthian pagkasakay sa harap.
Rafaela laughed evilly. "Of course! Or kung okay lang sa 'yo, ako magda-drive ng Explorer mo. Ang saya pa naman nitong ibunggo, ang lakas ng recoil."
Kunot-noong sumulyap si Corinthian sa pwesto naming bago bumelat. Pagkatapos no'n ay binuhay niya na ang makina. Binuhay na rin niya ang aircon pagkatapos ng ilang segundo.
"How's your octopus cousin? Wala na akong nababalitaan sa kan'ya," natatawa niyang sabi. "Nagpa-dye na ba siya ng hair na white? Sabihin mo i-try niya, mas maganda sa kan'ya 'yon para malaki na resemblance niya kay Ursula." Then she laughed again like a witch.
"Hilig mong i-bully si Ursula," komento ni Corinthian habang natatawa.
"Nakaiirita kaya siya noong bata kami! Umiyak-iyak akala mo naman hinampas ko ng dos por dos e tinarayan ko lang naman. Bida-bida!"
Natawa na lang din ako sa kwento ni Raf.
Ursula will always be my least favorite cousin. Pag pumupunta rito sa bahay noong bata ako, sinusubukan ko talagang makisama pero hindi ko talaga magawa. Pabalik-balik sila rito nang ilang beses pero noong isang taon lang tumigil.
"You know, I always wonder. Dati, crush lang ni Brella si Corinthian. Ngayon, pa-epal na ako sa inyo."
Nanlaki ang aking mata. "What? Pinagsasabi mo?"
Her laugh resonated inside the car. "Cute niyo kayang dalawa. Kay Cori ka nalang, Brella. Mas deserve mo siya. 'Di ka deseve ng pasas na suso na 'yon."
Napatawa ako dahil sa reference na sinabi niya. I always remember that when I was a kid, I kept on calling him idiot, escargot, suso, suso pero hindi suso, o di kaya'y pasas. Halos lahat ng mga nicknames ay si Rafaela ang nag-contribute.
I wonder if I didn't get to befriend her back then. Magiging gano'n kaya ka-memorable childhood ko? I guess not.
"Suso?" kunot-noong tanong ni Cori.
"That's nothing, Corinthian! Mag-drive ka na lang. 'Pag ako nainis sa 'yo, magte-take over ako sa manibela then ibubundol ko 'to sa nearby gago," sabi ni Rafaela.
"Nearby gago?" he asked with a chuckle.
"Malawak gago radar ko, ikaw may pinakamalakas na signal."
"Talaga ba? Pa'no mo naman magagawa 'yon kung ako nagda-drive?" natatawa na niyang tanong habang sumusulyap sa rear mirror.
"Bobo ka ba? Ite-take over ko 'tong manibela then sisipain kita palabas. Kapag nakatayo ka na tsaka kita bubungguin nitong Explorer mo. Ang bobo-bobo nito, hindi nag-iisip."
I leaned my back at the seat and listened to their bickerings. Hindi ko mapigilang matawa tuwing walang masabi pabalik si Corinthian.
"E pa'no 'yon 'pag 'di mo ako matulak mula rito?" panghahamon niya nang itinigil ang sasakyan dala ng traffic light.
Rafaela sighed and dramatically knead her forehead. "Then I'll kick the seat itself! Or di kaya iwa-one punch kita palabas ng car. I can do everything, Corinthian Jairus. BDO ako; I find ways."
Lihim akong patawa dahil sa pag-uusap nila. Rafaela looks determined, I swear! And if this philosopher is determined, she'll do everything just to fulfill her plan.
Hindi ko na nasundan ang sunod nilang sasabihin dahil kung ano-ano na ang sinabi ni Rafaela. Tsaka lang natapos ang pagtatalo nila nang mkarating sa The Yard food park. Pagkatapos no'n ay dumiretso kami sa loob at naghanap ng upuan.
Ngumuso ako nang makita ang bulto ni Corinthian. Of course, he's a head-turner. Naka-muscle tee ba naman. Add his height and his foreign looks, he'll surely get the attention without wanting.
"Cori, try dying your hair to brown. Head-turner 'yang blonde hair mo."
He looked up to gaze at his hair. Hinila niya ang ilang hibla at pinakita sa 'kin. "My hair's dirty blonde, B. Head-turner pa rin ako even if I change the color of my hair," he said with a wink.
I groaned at him and rolled my eyes. Yabang! Taas ng level ng self-confidence.
Dumagdag pa sa self-confidence niya ngayong araw ang paglapit ng dalawang babae. Paupo na sana siya ngunit dinaluhan na ang dalawa.
"Hi, Kuya! Taga-Trinity ka 'di ba?" tanong ng isang babae.
He glanced at us. Nag-thumbs up kaming dalawa ni Raf.
Corinthian, being the approachable guy, nodded. His brown eyes played with the glint of the sunlight. He let out a tight-lipped smile before he accompanied their needs.
"Kayo po ay varsity ng swimming team, 'di po ba? Nakita ko po kayo noong tune up sa Kingston! Ang galing-galing mo!" kinikilig na sabi ng babae.
Nakita ko ang mata ng isang babae na kinikilatis ang ugat sa braso ni Cori. Titig na titig ito, kaonti na lamang ay mahihiya ang ugat at mawawala. Hindi ko mapigilang matawa dahil do'n.
"Pwede po pa-picture kami?" tanong ng babae na titig na titig kay Corinthian.
Wala siyang ibang nagawa kun'di tumango. Handa na siyang magpa-picture kanilang dalawa ngunit nagulat na lang kami nang may tawagin pa siyang isang grupo ng babae!
The girl who asked for the picture looked anxious, hindi siguro alam kung kanino magpapa-picture. Since I am entertained by this small event, I volunteered to take the picture.
Corinthian groaned at me. I just smiled and took the picture they wanted. Maraming shots ang kinuha ko para hindi na sila mag-reklamo. I even asked Corinthian to say 'cheese'!
"Thank you po!" sobrang saya na sabi ng mga babae.
Malawak ang ngiti ay tumango ako at nagpaalam sa kanila. Tawang-tawa ako nang bumalik sa pwesto si Corinthian. Gano'n din si Rafaela.
"Pinagkaisahan ako!" maktol niya na parang bata.
"Kung makatango ka akala mo officially part na ng Tidal," pang-aasar ni Raf.
Tumingin ako kay Corinthian nang mapanuri. "Hindi ka pa parte officially? Paano ka nakasama sa tune-up sa Kingston?" tanong ko.
He leaned at his chair and brushed his hair. "Wala si Aquirro noong tune-up. Ipinasok ako ni Kirk sa grupo, buti pumayag 'yung team captain."
Bahagyang naging makahulugan ang tingin niya sa 'kin sa pagbanggit ng huling salita.
I felt uneasy on my seat—it felt like I was watched or even laughed at. I looked away when I felt the bitterness run through my throat.
"U-um, hindi pa ba kayo gutom?" pag-iiba ko ng usapan.
Rafaela noticed what happened that's why she volunteered to get her order by herself. Nanatiling tahimik ang pagitan naming dalawa hanggang sa makabalik si Raf mula sa pag-order.
Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang inakto ni Corinthian. May alam ba siya?
"Mag-order na kayong dalawa," she said and laid out the number.
Nag-aalangan akong tumayo at umalis sa pwesto. Naghanap na ako ng food stall na mapupuntahan. Sa linya pa lang ay pansin ko ang pagtingin ng ibang babae na nasa harapan ko. I didn't need to do a double check to see if Corinthian's following me.
"Sorry..." parang bata niyang sabi.
"There's no need for you to say sorry. Wala ka naming binanggit na masama."
Nakapamulsang pumunta siya sa harapan ko at dinungaw ang aking mukha. I rolled my eyes at him and lightly shoved his face.
"My fault. Sensitive topic 'yon—alam ko kung ano ang issue ro'n. Sorry, binanggit ko pa."
Pinigilan kong magpakita ng gulat dahil sa sinabi niya. Corinthian knows the issue with him? Of course, he might know anything about it. They're both from Trinity. Elgene's girl, too.
"What issue, Corinthian? Alin do'n ang alam mo?" hindi ko mapigilang tanong.
I just want to be aware about the issue that I meddled with. I want my belief to be concise and clear. I want its certainty—its legitimacy. Without legitimacy, there would be entropy.
"I don't think I'm at the right place to tell you, B. Gusto kitang protektahan mula ro'n."
I sighed at him and stepped forward to advance with the line. "There's no need for you to protect me from that. It means no harm."
Sumingit siya sa harapan ko at tinitigan ako nang direkta sa mata. Tila isang espadang bumabaon sa malambot na balat ang intensidad ng kan'yang tsokolateng mata.
"Tell me what your worth is," seryoso niyang sabi, kilay ay salubong, noo ay nakakunot.
Nahigit ko ang hininga nang dumaan ang bagong bugso ng hapdi sa aking dibdib. Napalunok ako nang wala sa oras bago binuo ang lakas na magsalita.
"The expediency of my worth is solely based on how I address myself," I answered with such heavy heart. Bakit puno ako ng pangamba nang sinabi 'yon?
After I got my order, I returned to my seat and stared at my food. Hindi ko na nasamahan si Corinthian sa stall na pagbibilhan.
"Ayos ka lang?" bungad ni Rafaela pagka-upo ko.
"Yes, I'm okay."
Nang dumating si Cori pati na rin ang pagkain ni Rafaela ay tsaka lang ako kumain. Sa buong durasyon na 'yon ay punong-puno ng pangamba ang isipan ko. Kahit sinusubukan kong ibaling ang bigat ng dibdib sa pakikipag-usap, hindi ko pa rin magawa dahil wala talaga akong sa mood.
"Ang tahimik niyo," pagbabasag ni Rafaela sa usapan.
Malalim na buntong-hininga ang ginawa ko. "I'm just... tired."
I'm sorry, Raf. There's something bugging me these days.
"Then umuwi na tayo if you're tired. Uuwi—"
"No," pagpuputol ko at sinubukang ngumiti. "Raf, I know—"
Umiling si Rafaela sa 'kin. My heart swelled when I saw the familiar emotion in her eyes: sympathy.
She reached for my hand and softly held it. "If you can't tell it today, tell it tomorrow."
Ngiti ang tangi kong ginawa bilang pasasalamat.
With a heavy heart, I decided to stay for a while with them. Ito lang ang tangi kong oras para alisin siya sa isipan ko. Kailangan kong alisin ang kung ano 'mang nararamdaman ko kay Elgene bukod sa pagsisi.
Halos apat na oras kaming tumambay sa The Yard. Gabi na nang napagpasyahan namig umalis sa pwesto at umuwi na.
Tumatawa akong umalis sa establisyimento dahil sa mga kalokohan ni Corinthian. Nasa kalagitnaan siya ng pagkukwento nang mahagilap ng tingin ko ang lalakeng nakasandal sa kotse. Naka-park ito sa ilalim ng postlight.
Nang mapansin kami ay nakipagtitigan siya sa 'kin. Mayamaya pa ay kinalas niya ang pagkahaha lukipkip bago lumapit sa 'kin. Sa sobrang bigat ng damdaming dinadala niya ay hindi ko maiwasang mangamba.
The moonlight that stood tall among his figure gave me the most erratic feeling of guilt and loneliness. As he gets closer, the signs of his sadness became even more evident.
His bloodshot eyes were filled with emotions that he was unable to show until now. His weary face was molded into a figure of irrationality. His thin lips were devastatingly placed at a thin line.
Amidst all the complexities in the world, one laid uncomplex—Elgene Donovan's personification of his sorrow and misery.
"Brella, can we talk? Please?"
His voice is lonely but why is my heart rejoicing?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro