Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 21

Kabanata 21

Deny

Ang paglubog ng araw ang siyang nagdikta ng aking pag-uwi. Bitbit ang takot na may pangamba, umuwi ako sa bahay na mabigat ang dibdib. Sinubukan kong umakto na ayos lang ang pakiramdam dahil ayaw ko silang pag-alalahanin.

Humugot ako ng malalim na hininga at pumasok sa loob. Dumiretso ako sa kwarto at doon inisip kung tama ba ang ginawa. Ngunit habang iniisip ko ang sinabi ni Rafaela, patuloy pa rin na bumibigat ang dibdib ko.

I've always believed that guilt should be my driving force—nothing more and nothing less. Paulit-ulit ko ring sinasabi na ayos lang ang aking ginagawa at walang madadamay sa pagtatama ng irasyonalidad. Pilit kong ipinaiintindi sa sarili na hindi dapat ako lalagpas sa kung ano 'mang kamaliang itinakda dahil kung lalagpas pa ro'n ay lalong lalala.

But as much as I always want to act rationally, there will always be a fault at the end of it. It was Rafaela's words that made me believe in it. Ngunit kahit gaano pa siya kagaling magsalita, hindi ko alam kung bakit may pinanghahawakan pa rin ako bukod sa pagsisisi.

Nang maintindihan ko kung ano 'yon ay natakot ako para sa sarili.

If this feeling went overboard, what will happen to me? Will I continuously mask my affection as guilt? My empathy as guilt? My worry as guilt? If I did, will I still be able to repent for my irrationality?

Pilit kong pinaniniwala ang sarili na wala akong kasalanan dito pero bakit ko itinutuloy? Talaga bang desperado akong makasama si Elgene? Na kahit tapos na ang nangyari noon ay pilit kong ibinabalik?

His grades are excellent. He graduated as a Valedictorian. He didn't stop studying and still uses the same family name as before. Sa lahat ng mga 'yon, bakit hindi ko magawa-gawang hayaan siyang mabuhay nang tahimik? Hindi ba't matatahimik din ako kung hahayaan ko na lang siya?

Bakit, Brella? Bakit kumakapit ka pa rin kung ang magiging kapalit nito ay ang kawalan ng rasyonalidad at dignidad mo? Hindi ba't sinabi ni Rafaela na nilalabag ko ang katahimikan niya—ang batas niya? Mas bibigat ang pagiging irasyonal ko kung hindi ko 'to ititigil kaya bakit?

Nalukot ko ang papel na sinusulatan dahil sa kalituhan. Lalong bumigat ang dibdib ko nang hindi ko pinakawalan ang hikbi.

You can do this, Brella. You can do this.

I acted normally when I went down for dinner. The clinking of the glasswares greeted me as soon as I arrived. Ang kabiserang upuan ang inokupa ni Daddy habang sa kaliwa ay si Mommy. Magkatabi naman kami ni Ate Mika sa gilid.

I discreetly studied my father and my mother who looked so lovely. How their souls met and flourished in peace left a bunch of questions for my hoping heart. I wonder, what did they feel before they decided to be together? Are they aware of the aftermath of their chosen actions? What length could their love test their responsibility? Is it enough for them to hold onto each other?

"Izidara..." It is one moment full of silence when my father spoke up. "Nagpunta ka kina Rafaela?"

"Opo," sagot ko. Nagpaalam naman ako kina Mommy kaya wala naming problema.

"Dumadalas," komento ni Daddy at pinagpatuloy ang pagkain.

Nag-iwas ako ng tingin at lumunok. "Hindi naman po."

Katahimikan muli ang bumalot tila pinakikiramdaman ang bawat piyesang nahuhulog sa mesa; hinihintay ang tamang kalas at kabit sa unipormeng hulma.

"May iba ka bang inaalala?"

Nag-angat muli ako ng tingin at napunta sa kanilang mata. Napaawang ang bibig ko dahil sa sinseridad na nakita.

My father—my dear father. Why are you looking so vulnerable in front of your young princess?

"School works lang po."

Gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ni Daddy. "Do not forget that you're my princess, alright? Any man shall not treat you lower than that."

Pinilit ko ang sariling ngumiti at pinakitang nasiyahan sa narinig.

Pagkatapos kumain ay nagtungo ako sa kwarto. Mararamdaman ko na sana ang kalamigan ng door knob kung hindi lang ako tinawag ni Daddy.

Carrying a what it would be a fancy paper bag, he stretched his arm for me to have it. Bakas ang malambot na ngiti ng aking ama sa kan'yang mukha. Nag-umapaw naman ang kagalakan nang matuwa sa ipinakita kong reaksyon pagkakita ko ng laman.

A pink fur covered the top of the bag. Gold and dark blue filled its accents and served as the elegant design of the paper bag which came from a famous brand.

Nag-aalinlangan kong inabot ang nasa loob. Sa nagtatanong na mata ay tumingin ako kay Daddy? "Ano po ito?"

My father smiled at me. "Something precious for my princess."

Kabig ng kaba ang nagpatakbo sa aking nanlalamig na puso. Sa sobrang lakas no'n ay nalilito na ako kung kaba, takot, o tuwa ang naramdaman ko pagkasalat kung ano ang nasa loob.

Malamig na metal ang sumalubong sa dulo ng aking mga daliri. Nang hinaplos ko ay naging pamilyar ako sa aristokratikong hulma. Naramdaman ko rin ang bawat tapyas ng diyamante sa bawat dulo nito. Nang malaman na korona ulit iyon ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman.

When I saw a small note where my father's note is handwritten, I couldn't help being happy.

You are enough. You are enough. Remember that.

Natakpan ko ang aking bibig bago kuhanin ang malaking korona mula roon sa loob. Nahulog na ang paper bag sa sahig dahil dumirekta ako sa pagyakap kay Daddy.

My father, chuckling, hugged me tight and kissed my forehead.

Hindi ko mapigilang maiyak dahil sa tuwa na nararamdaman. Parang bata ulit ako—parang baby girl ulit ako. Sa kahit anong paraan na ginagawa ni Daddy ay hindi niya nakalilimutang prinsesa ang turing niya sa 'min.

It's something I would like to feel in another man's arms. Ngunit ngayon, kuntento na ako sa yakap ng aking ama.

My father is enough for me. My father is my prince for me.

"You are enough, Umbrella Izidara, my princess. You are enough," paulit-ulit na bulong ni daddy sa aking tenga.

Naiiyak akong tumango. "Don't leave me, please..." I pleaded for him, for my worth, for my heartache. "Daddy, 'wag niyo po akong iwan."

Natatawang umiling si Daddy at hinalikan muli ang aking noo. Mariin kong ipinikit ang mata para damhin ang lambing nito.

My father—my dear father, will always be my first love.

"'Pag may nanligaw sa 'yo o nag-boyfriend ka na, dapat pinapahalagahan ka, ha? Hindi ka ginagawang second option, third option, o anomang option. Kasi, anak, kapag option ka hindi ka mahal no'n kun'di reserba lang. Prinsesa ka namin, 'wag mong hahayaan na iba ang itrato nila sa 'yo."

Mabigat ang dibdib ay tumango ako. "I'm your princess."

"Mahal na mahal ko kayo ng Ate't Mommy mo."

There is someone out there who treasures me very much. I shouldn't allow myself to be swayed by my irrationality.

Hindi ako pumasok kinabukasan dahil sa bigat ng nararamdaman. Sa maghapong 'yon ay wala akong ibang ginawa kun'di titigan ang iniregalong korona ni Daddy.

Its sparkle stood out against the array of my crown collection. Siguro ay dahil iba ang turing ko roon kumpara sa mga koronang taon-taong inireregalo ni Daddy. Sa bawat taon na 'yon, hindi niya nakalilimutan na iparamdam kung gaano kami kahalaga.

When I received a call from Therese, I have no choice but to answer it. As much as I want to reject the call, I didn't want her to be worried about my condition.

"Brella, bakit 'di ka pumasok? Hinahanap ka for the pageant," bungad niya sa 'kin.

Humiga ako sa kama at pinakatitigan ang kinang mula sa isang diyamante. "Wala bang ibang representative?"

"Ikaw ang pinili sa botohan para mag-represent sa Architecture Department, Brella. Nalaman kasi nilang lumalaban ka dati."

Bumuntong-hininga ako bago napunta ang tingin sa prism na malapit sa bintana. Ang liwanag ay tumama roon, dinidispersa sa iba't ibang kulay. Tumayo ako at ipinwesto ang daliri sa ilalim ng rainbow.

I need to get my mind off the matter that's why I agreed.

I went to school the next day and headed straight to my locker. Bubuksan ko pa lang sana ang locker ko nang may tumigil na lalake sa gilid at sumandal sa gilid.

"Um, hi!" nakangiti niyang sabi, dimples ay nagpapakita sa may pisngi.

I cautiously eyed the things that he's holding. Umakto akong walang alam at tumango upang pansinin ang presensiya niya.

"Um... ayos lang?"

Nakuha muli niya ang atensyon ko nang inilapit sa 'kin ang hawak niya. An elongated box from Tous Les Jours and a stem of rose greeted me. May ilan pa yatang hawak sa likod at sinusubukan lang itago.

I curiously looked at him and gave it a symbol as a question. "Yes?"

"Regalo ko nga p-pala sa 'yo..." nahihiya niyang sabi.

"For what?"

Nag-iwas siya ng tingin nang makita ang mapanuring akin.

"W-Well... matagal na kitang gusto—"

Mabilis akong umiling. "I'm sorry I can't accept that." Nanatili ang tingin niya sa 'kin bago kumurap. "I appreciate the effort but please don't waste it on me. I mean..."

I tried my best to turn down his offer nicely, but my sour mood got me. Pilit na ngiti lang ang binigay ko dahil wala talaga akong sa mood at in-excuse ang sarili.

"I'm sorry, I got to go. Thank you and sorry, again!" Naiiling akong nagtungo sa lugar kung saan gaganapin ang rehearsal. Along the way, Therese caught up with me and tried to blast me with questions.

"May nag-confess ulit?" tanong niya, sukbit sa likod ang lalagyan ng blueprint habang bitbit ang ilang kagamitan.

I shrugged and pushed the button of the umbrella so it could open. Bahagya akong naginhawaan dahil sinanggahan ang init ng araw dala ng pangatlong oras ng hapon.

"It's just..." Wala akong mahanap na sagot. Hindi naman gano'n kabigat ang pakiramdam ko pero hindi siya maganda.

"Tungkol ba kay Elgene?" nakangisi niyang tanong.

Pigilan ko 'mang huwag na awtomatikong lumingon, hindi ko nagawa. It caught me off guard that's why I forced myself to look away and focus on the path that I'm treading. "Hindi naman related sa kan'ya."

Ang kakaibang pait na dumaloy sa aking sistema ay hindi ko isinawalang bahala, bagkus, naghanap pa ng kasagutan.

There should be a point where it started. Though it might lie infinite, there should still be a place for it to stand.

"Hindi nga ba? Nag-usap pa ba kayo?" she queried like a paparazzi.

"Why are you interrogating me with this? Para namang merong kami."

"Sa kan'ya meron," mabilis niyang sagot na siyang dahilan ng paglingon ko. "Nalaman ko kay Cloud! Patay na patay raw si Elg sa 'yo."

Sa kan'ya meron? At si Elgene ay patay na patay sa 'kin? Imposible. Iba ang gusto no'n.

I couldn't help smiling for myself. I think I'm trying to be rational, again, and that's good! I should be certain of my feelings—keep them calculated in order to avoid the irrationality in an instance.

Nagpatuloy ako papunta sa lugar kung saan gaganapin ang rehearsal para sa pageant. Pagkarating doon, bumungad sa 'kin ang mga pares ng mata na kung makatitig ay parang papatayin ako.

I didn't have the chance to bother myself with it. Nag-aalalang nakangiti, lumapit sa 'kin ang President ng Architecture Department na si Calla. "Uy, pasensiya na ha kung pinili ka agad kahit walang consent mo. Ikaw kasi yung sure na kayang ipanalo yung contest e."

Tumango ako. "It's fine with me. Kailan ba ang laban?"

"Few weeks from now, pero tatlong rehearsals lang naman ang gagawin. Ngayon ang una, pangalawa ay kapag may costume na, panghuli ay 'yung araw bago yung laban."

"What about the costume? Ipo-provide ko or..."

"Kami yung gagawa pero ipa-aapprove namin 'yung design sa 'yo. After no'n, kukuhanin namin ang sukat mo."

I tried to lift my lips for a smile. Modelling, okay. Gusto ko naman 'to. Matagal-tagal na rin mula nang rumampa ako sa stage.

"Kailan ko makikita ang design?"

Nanlalaki ang mata ay nagliwanag ang mata niya. "Payag ka?"

Hindi ko mapigilang mapangiti. "Of course! Miss ko rin naman rumampa."

"Hala! Sige-sige, sama ka sa 'kin at magre-rehearsal tayo ngayon," saad niya bago ako hatakin papunta sa pwesto.

The rehearsal lasted for two hours. We did it on the makeshift stage which is also designed by the Department. Kahit sinabi ni Calla na huwag na akong tumulong, tumulong pa rin ako sa ibang bagay.

"At kamusta naman tayo ngayon?" nanunuyang tanong ni Therese sa 'kin habang nagdo-drawing sa isang cardboard.

I fixed the tie of my bun and dipped the brush into the paint. The streaks of color transferred to the slab of wood after I lathered the material. I stepped back to marvel at the glamour of gold which matched the Asgardian theme. Maganda rin ang pagkabubuo ng gintong kastilyo backdrop na inspired mula sa isang sikat na palabas.

"I'm fine. Bakit?" tanong ko at binalikan ang pagpipintura.

I looked around to see a lot of busy students doing the elements. Ang ilan ay pinupulido ang pagkadidikit sa ilang patong-patong na cardboard. May nag-aassemble rin sa stage.

"Ilang linggo na kasi," nakanguso niyang sabi.

"Ilang linggo na ano?"

"Na hindi ka pinupuntahan ni Elgene o kaya 'di kayo nalabas." Ngumisi siya. "Hindi nga ba?" She wiggled her eyebrows.

I stared at her ridiculously. Ano ngayon kung hindi ako puntahan? As if we're a thing.

"Bakit ka nakasimangot, ha?" pang-aasar niya at siniko ako sa balakang. "Down na down daw si Captain mo."

I glared at her when the gold paint touched a bit of my skin. Ang ligalig!

I rolled my eyes at her. "Kung ano-ano ang pinagsasabi mo."

Pinanlakihan niya ako ng mata. "Huy, totoo kaya! Si Cloud na nagsabi. Siya rin kasi laging pinupuntahan kapag may problema."

Problema? May problema si Elgene? Hindi ko alam na nangungunot na pala ang noo ko.

Napansin ang reaksyon ko kaya tinusok niya ako ng pencil sa braso. "You're worried!"

"He's my friend!" I defended.

"Friend nga ba?"

I let out a sigh. This is ridiculous.

Inirapan ko na lang siya at tumayo. Iaabot ko sana ang natapos na gawa sa kaklase ngunit may humarang na lalake. Pinigilan ko ang pagngiwi nang makita ang bitbit niya.

"For you nga pala, Brella."

Lumingon ako sa likod para humingi ng tulong kay Therese. Of course, she didn't notice me because she's busy calling someone on her phone!

"For what?" kunot-noo kong tanong nang makita ang MedTech lanyard niya. Ang layo ng building nila mula rito sa covered court!

"Manliligaw sana—"

"Layuan mo ang asawa ko." Napasinghap ako nang marinig ang boses ni Elgene. Umalingawngaw pa ang boses niya sa buong lugar.

Anong ginagawa niya rito?

"Hindi ka lalayo?"

Bumilis ang tibok ng aking puso nang mapansing papalapit ang kan'yang boses.

Hindi iyon pinansin ng MedTech student at inilapit pa sa 'kin ang mga regalo. "Please accept this. Hindi ko alam kung ano ang gusto mo pero—"

The MedTech student was cut off when Elgene grabbed me from behind and placed me beside him. Napatingala ako sa kan'yang reaksyon, dahil do'n ay nakita ang kunot niyang noo. Matiim din ang tingin sa MedTech student tila pinipigilan ang galit sa paraan ng pagtitig.

"Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko? Layuan mo ang asawa ko," inis na inis niyang sabi, singkit na mata ay lalo pang naniningkit.

Pasimpleng bumaba ang kan'yang kamay sa aking daliri at pinagsalikop. Ang isang kamay ay pumunta sa aking bewang at hinapit papalapit sa katawan.

"Girlfriend ko 'to. Taken na 'tong prinsesa ko. Prinsesa ko siya at mahal na mahal ko kaya kung gusto mong manira ng relasyon, huwag ang sa 'min kasi hinding-hindi kita palalagpasin," iritable niyang sabi, ang galit ay nag-aalab sa mata.

"Pero—" Hindi na nakapagsalita pa ang MedTech student nang hilahin ako ni Elgene paalis.

Tsaka ko lang napansin na bitbit niya ang bag ko nang marahan niyang ibinigay sa 'kin sa loob ng sasakyan. Kunot na kunot ang noo ay isinara niya ang pinto bago umikot sa kabila. Pagkaupo sa driver's seat ay may inabot sa likod bago ibigay sa 'kin.

Napasinghap ako nang makakita ng bulaklak na mayroong gintong balot. Malakas ang tibok ng puso habang nag-aalanganin, wala akong ibang nagawa kun'di tanggapin. Akala ko'y matatanggal na ang kunot ng noo niya pero nanatili pa ring gano'n habang ikinakabit ang seatbealt ko.

He pouted. "Nagtatampo ako pero gusto pa rin kitang ligtas..."

I don't why I felt pained when I heard the affection in his voice. It sounded sincere—his intentions sounded sincere. But what about mine? Mine stemmed from guilt.

"S'yempre. Prinsesa kita e. Mahal pa. Buhay rin naman kita 'wag kang mag-alala," saad niya habang minamaniobra ang sasakyan.

Mabigat ang dibdib ay hinaplos ko ang iba't ibang kulay ng asul na bulaklak. Hindi ko mapigilang maiyak nang maalala kung gaano kahalaga ang kulay asul sa kan'ya.

"These flowers..." Pinigilan ko ang sariling maiyak.

"S-Sa 'yo talaga 'yan!" nauutal niyang sabi. "K-kaya sila blue kasi y-yung gummy bears..."

"But do I like blue gummy bears before?" Lumingon ako sa kan'ya. Nagulat ako dahil pulang-pula ang mukha niya!

"W-well..."

"You're blushing!"

Marahas siyang humugot ng hininga at parang batang umiling. "Feeling ka."

Lumawak ang ngiti ko. "Crush kita," pabiro kong sabi.

Nanlaki ang mata ko nang marahas siyang napapreno. Sapo-sapo ang dibdib ay hinabol ko ang hininga. Nakahinga ako nang maluwag nang mapansing walang tao.

Hinawakan ni Elgene ang braso ko at nag-aalalang tumingin sa 'kin. "Sorry! Sorry! Nasaktan ka ba?"

I smiled at him to show that I'm alright. "I'm fine, Elg. No need to worry."

"Kasi naman!" maktol niya. Nang makita niya ang nakataas kong kilay ay ngumuso siya. "O-Oo na, ako na may kasalanan."

Hindi ko mapigilang matawa bago iikot ang tingin sa paligid. Mayamaya pa ay naramdaman ko ang kamay niya sa 'kin. Marahan niya 'yong hinaplos bago nagtungo sa aking pisngi. Gamit ang marahang paghawak, ibinaling niya ang tingin ko sa kan'ya, tinatagpo ang malambot niyang tingin.

"Ide-date kita, ha?"

Umawang ang aking bibig dahil sa narinig. "What?"

He caressed my cheeks as he affectionately stared at me. "Date tayo, prinsesa ko..."

Malakas ang tibok ng puso ay napangiti ako. Napangiti siya, ang pisngi ay nilamon ang kan'yang mata. Lalong nagliwanag ang mukha niya nang dumaan ang ginintuang ilaw sa kan'yang balat. Pati na rin ang anino ng kan'yang mahabang pilikmata ay dumagdag sa kahanga-hangang imahe sa aking harapan.

He is, with no doubt, the prince that I'm thinking about.

"Nasa'n dog tag mo, prinsesa ko?" he asked after we got inside the mall.

Nang tumingala ako ay nahagip ko ng tingin ang bagong dog tag niya. "It's in my room."

Elgene shoved his hand in his pocket and the other moved to my waist. Kuryoso ko siyang tinignan pero nginitian lang ako at idinikit sa katawan.

What's with his moves? Ang hilig hapitin bewang ko!

"Daming nakatingin sa 'yo, Elg," natatawa kong sabi.

He shook his head like a kid. "Sa 'yo kaya."

Tumaas ang isa kong kilay bago natawa. Pinalagpas ko na lang 'yon dahil napunta ang tingin ko sa dog tag niya. I think he got a new one because he gave me his? I'm not sure, patuloy kasing gumagalaw ang dog tag niya kaya hindi klaro sa paningin ko kung ano ang bago ro'n.

"Siya yung taga-Trinity, 'di ba? Captain ng swimming team nila?"

"Siya nga! Si Elgene! Nasa banda rin 'yan, nakita ko sila sa Beats!"

Palapit nang palapit ang hagikhikan ng babae na mula sa likod. Nakaramdam ako na tatapikin nila si Elg kaya lumayo ako nang bahagya. Kinunutan niya ako ng noo at hinila palapit sa katawan. Umiling ako at tinuro ang dalawang babae.

"Hi! Pwede pa-picture?"

Elgene glanced at me, asking for permission. Ngumiti ako at tumango. Aalis na sana ako pero hinapit na naman ako!

"Sorry, ayaw ng girlfriend ko."

Pinanlakihan ko siya ng mata. "What? Elgene, it's fine with m—"

"Ayaw ko rin, e. Ayoko pagselosin girlfriend ko. Do'n kay Zake, siguradong gusto niya."

Nalungkot ang mukha ng mga babae. "Pero, Kuya, gusto namin ikaw—"

"Sorry, taken na 'ko." Itinaas niya ang suot na dog tag. "See? 'Brella's property'. Ako nagpagawa niyan kahit hindi niya alam. Wedding ring, gusto niyo makita?"

Nanlaki ang aking mata nang makita ang nakaukit sa likod ng dogtag niya. Lalo pa itong nanlaki nang pinakita niya ang kasama nitong singsing na nakasabit sa kadena!

"Sorry talaga, miss," huli niyang sabi at iniwan na ang limang babae.

Piningot ko ang kan'yang tenga pagkalayo. "Bakit mo ginawa 'yon!"

Ngumiwi siya "Aray! Sorry na, prinsesa ko! You deserved to be bragged about, alright?" madali niyang sabi.

Lumuwag ang aking hawak sa kan'yang tenga. Marahan niya iyong ibinaba at niyakap ako sa gitna ng maraming tao.

This guy, really...

"Landi mo..." Ang tangi kong nasabi.

I watched him chuckle; his chinky eyes disappeared under the mass of his cheeks. Sa pagtagal ng paninitig ko ay unti-unting dumadaan ang sakit sa puso ko. Paunti-unti hanggang sa maramdaman ko ang kabuoan.

His hearty chuckle immediately ended when he spun his head to the side. Nawala ang kan'yang ngiti at napalitan ng lamig. Bigla akong kinilabutan sa talim ng kan'yang mata.

I spun around only to see his father, Architect Thomas Donovan.

Nang ibinalik ko ang tingin aky Elgene ay umigting ang kan'yang panga. Naramdaman ko rin kung paano humigpit ang kapit niya sa aking bewang. Dahil sa kalapitan ko sa kan'ya ay alam ko kung paano nanigas ang kan'yang buong katawan.

Architect Donovan shifted his gaze at me before he lent his hand. "I am Elgene's father, Thomas Do—"

Hinarang ni Elgene ang kamay. I looked at him to ask why.

"Don't," matigas niyang sabi.

"A Garceron, I see..." Kinabahan ako sa tono ng tatay niya. "I'm worried about you, son. You seldomly go home."

Lumalim ang galit sa kan'yang mukha. Kinabahan ako sa nakita.

"Home?" he mockingly repeated and tsk-ed. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pag-irap niya sa ama.

Is his relationship with his father that bad? What happened to him in the past few years? Natuloy ba ang divorce?

Naramdaman ko ang pagkaubos ng pagtitimpi ni Elgene kaya hinatak niya ako papaalis. Napigilan iyon nang kinabig siya ng ama.

"It's a disrespect for a son to walk away from his father." His father's voice was authoritative.

Umigting muli ang panga ni Elgene at iritableng inalis ang hawak ng ama. "Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" nanunuya niyang tanong bago tuluyang umalis.

Kabado akong nakasunod sa kan'ya, pinipigilan ang sarili na lingunin ang kan'yang ama. Habang patuloy sa paglalakad ay hindi ko maiwasang mag-alala. Kahit na nang makalayo ay tahimik pa rin siya, ang mata ay nananatiling matalim.

He has a bad relationship with his father, I can sense it. Dala ba 'to ng nangyari noong bata siya?

As much as I want to show my concern for him, I don't want to meddle because I know that this is stemmed from my guilt. Ayoko nang palalain pa ang irasyonalidad na nangyayari.

"Elgene!" sigaw ng isang pambabaeng boses mula sa kung saan. Napabitaw si Elgene sa pagkahahawak sa 'kin. Humapdi ang dibdib ko dahil do'n.

Naningkit ang aking mata habang hinahanap kung sino ang tumawag. Nang mahagilap ng tingin ang kabanda niya kasama sina Freesia ay hindi ko maiwasang kabahan. Dumagdag ang takot ko nang makita kasama nila ang babaeng masama ang tingin sa 'kin sa Araceli!

I saw how some of his friends panicked when they saw that I'm with him.

"Uy, Quinley, tara ro'n!" dinig kong sabi ni Cloud.

"Ay, tangina, oo nga! Tignan mo 'to may bibilhin si Freesia!" saad ni Zake, hinahatak na si Quinley.

"Hey! Are you guys blind? Si Elgene 'yon!"

"Shit," rinig kong mura ni Elgene. Nataranta na siya kaya hindi na mapakali sa kan'yang pwesto.

Hindi ko maiwasang mag-alala. "Why? Anong meron?"

I saw panic in his eyes when he looked at me. "There's– I– you know—" He let out a deep sigh. "Brella, I hope you understand but—"

Kumurap ako, pilit na doon itinutuon ang paninikip ng dibdib. "Bakit, Elgene? Anong meron?"

Umawang ang kan'yang bibig at mukhang hindi alam ang sasabihin. Tarantang-taranta siya sa kan'yang pwesto!

"Elgene! Can you hear me?" Papalapit na ang boses ng babae.

I felt how he panicked when he grabbed me by my arm and dragged me inside a stationary store. Nagbigay siya sa 'kin ng isang notebook at umaktong may binibili. Sa durasyon na 'yon ay hindi siya makatingin nang direkta sa mata ko.

With a heavy heart, I was forced to follow.

"Ayan, maganda 'yan. Maganda yung quality na 'yan kasi—"

"Elgene! There you are!" Kasunod ni Quinley ang limang mga kabanda ni Elgene kasama si Freesia. Nag-iwas ng tingin ang lalakeng masungit tingnan habang ang may berdeng mata ay ngumiti lang nang kimi.

Anong meron?

"What are you doing here?" bungad niya, ang mata ay palipat-lipat sa 'ming dalawan.

Elgene looked at me as if he's constipated. Itinago ko ang disappointment at tumango na lang.

"Ah, m-maganda quality nito?" I said as I tried to pretend.

Lumingkis siya sa braso ni Elgene. "Elgene, sabi mo magde-date tayo? Akala ko..."

Pansin ko ang takot sa mata ni Elgene habang nakatingin siya kay Quinley. "Nagpapatulong kasi gusto niyang surpresahin katropa ka."

Sumakit ang aking puso nang mag-iwas siya ng tingin. Lalong sumakit nang makita ko ang paraan ng paghawak niya sa kan'yang kamay.

What the hell, Elgene?

"Sinong katropa?"

"Si Corinthian. Kilala mo 'yon, 'di ba? Panandalian siyang pumalit kay Quirro noong tune-up. Close kasi sila ni Brella."

Nananatili akong umaaktong naghahanap ng kung ano. Kahit anong pilit ko na ibaling doon ang atensyon, sumusulpot pa rin ang hapdi sa dibdib ko. Naramdaman ko pang pumwesto sa gilid ko si Freesia at may binulong. Hindi ko naintindihan kung ano 'yon dahil wala roon ang atensyon ko—nasa mabigat kong dibdib.

"Let's go?" tanong ni Quinley.

Napalingon ako sa kanila. Nahuli ko pa ang nag-aalalang tingin ni Elgene sa 'kin. Nang hinatak siya ni Quinley ay bumalik do'n ang tingin niya.

"Bye, guys! Thanks for the help. Magde-date na kami."

At tuluyan na silang umalis. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro