Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

Kabanata 2

Chance

Dumiretso ako sa board para makita kung sino 'yung mga nanalong SPG Officers kasi hindi ako naniniwala na talo kami ni Ate Mika! Bakit kami matatalo e ang galing-galing namin sa Math? At tsaka, kilalang-kilala kami sa school kasi pareho kami ni ate na lumalaban sa Math Whiz tsaka Math Wizard!

Hinanap ko ang pangalan namin ni ate. Nakita ko naman kaso nakalagay rin sa ilalim 'yung name ng kalaban niya. Hindi ko nga maintindihan 'yung mga nakasulat, e. Puro box-box tapos ang dami-daming numbers!

Siguro nagbigay sila ng maraming-maraming candies para manalo! Kung alam ko lang, e 'di sana binigyan ko ng Ferrero ang lahat para iboto ang ate ko.

"Bakit ka nakasimangot?" tanong ni Rafaela sa 'kin.

Bumaling ako sa kan'ya at napansin 'yung tuldok-tuldok sa may ilong at cheeks niya. Gumagalaw ang bibig niya kasi ngumunguya na naman siya sa yogurt stick.

"Hindi ko ma-pronounce 'yung name ng kalaban ni Ate," nakanguso kong sabi at ibinalik ang tingin sa mga nakasulat na numbers. Ang dami-dami talagang numbers!

"Talo si Ate Mikaela?" Napasinghap siya.

"Namigay lang ng maraming chocolates 'yung Eyo- Elyo- El- ewan! Basta 'yon!" Humaba ang nguso ko.

"Yogurt, gusto mo?" pagbabalewala niya sa reklamo ko.

Hmp!

Napunta ang tingin ko sa gate kung saan bitbit ni kuya 'yung malaking bag ng isa kong classmate.

Sumunod kay kuya ay si Cassian na kakainin na yata ng big Ben 10 backpack niya! Parang hirap na hirap siya habang suot 'yon sa likod kaso wala yata siyang pake. Nakasunod sa kan'ya si Yaya Melda na nakangiwi.

Napatingin ako kay Rafaela nang may binuksan siya. Umiinom siya ngayon ng kulay orange na Chamyto. Grabe naman 'to! Hindi ba siya nagsasawa sa mga yogurt drink? At tsaka, hindi ba nagagalit sa kan'ya si Tita Zara? Puro yogurt palagi iniinom.

"Ang payat-payat mo pero mag-poprotect ka ng pera!" sigaw ni Cassian nang makalapit sa isang estudyante.

Isusumbong ko talaga siya kay tita. Siya 'yung bully rito!

Bumaling si Cassian kay Yaya at tinuro ang nanalo. "Yaya, 'di ba po 'yung po-protect sa pera dapat big! E mas malaki po si Chelsea kaysa ro'n e!"

"Ay, naku! 'Wag mo na problemahin 'yon. Akin na ang bag mo at tutulugan—"

Nagsimula nang tumakbo si Cassian!

"Sir Cassius! Huwag po kayong tumakbo!"

"Yaya! Payag ka muna po dapat big po-protect ng pera! Dapat si Chelsea!"

"Ang kulit-kulit ng pinsan mo, Rafaela! Ang gulo-gulo!"

"Ikaw rin naman magulo!" sabi ni Cassian, bumaling pa sa 'kin habang natakbo. Muntik na tuloy madapa!

"Ayan, kasi!" natatawang sabi ni Rafaela.

Dahil naririndi na ako kay Cassian, umalis na lang ako roon at nagpunta sa classroom. Mag-aaral na lang ako kasi tuturuan ako ni Miss Ara mamaya. Lalaban daw kasi ulit kami sa Math Whiz na pang-Grade 1 hanggang Grade 3. Grade 2 pa lang naman ako kaya pwede pa ako sa category na 'yon.

Malamig sa classroom pagkarating ko. Buti na lang suot-suot ko 'yung pink furry jacket ko. Kung hindi, lalamigin ako. Medyo malamig pa naman sa pwesto ko kaya very good 'yung jacket!

Kinuha ko ang paper at pink magic pencil mula sa Barbie pencil case. Inalala ko 'yung ilang inaral ko sa Kumon at isinulat sa papel. Gumagawa rin ako ng examples para kapag magsasagot ako mamaya, very good ako kay Miss Ara.

"Twelve 'yung sunod..."

Napatigil ako sa pagsusulat at napansing may nakatayo sa gilid. Nang bahagya kong sinilip ay 'yung nerd classmate ko pala!

Ngumuso ako. "Hindi kaya!"

Kumurap siya habang suot-suot 'yung big glasses. "Twelve..."

"Sure ka ba na twelve, ha?" naiirita kong tanong.

Tumango siya.

"Sige nga! Anong tawag dito?"

Bakit kasi siya nagsasagot e ako lang dapat magsasagot nito? Iniinis naman ako ng nerd na 'to e!

"Arithmetic sequence," sagot niya.

Ngumiwi ako. "Galing mo naman! Sige nga. Ano tawag sa 'pag big 'yung taas ng fraction tapos small 'yung baba?"

Nagkibit-balikat siya. "Improper fraction. Tapos, kapag may number sa left, mixed fraction. Kapag pareho dominator, similar fraction tapos dissimilar kapag magkaiba."

Aawayin ko na sana siya kaso nahulog 'yung salamin niya sa sahig. Hindi ko alam kung bakit gano'n pero yumuko na lang siya para pulutin 'yon.

Siguro masyadong malaki sa kan'ya 'yung salamin. Kung hindi ba naman kasi siya pabida-bida e 'di sana hindi siya mukhang nerd sa glasses niya.

"Ano—"

Hindi agad siya nakatayo kasi nahulog din 'yung name tag niya.

Ano ba 'yan! Napaka-ano naman. Ano ba tawag sa word na 'yon? Minsan binabanggit sa 'kin 'yon ni Mommy kapag madalas akong nadudulas, e. Sa 't' 'yon nagsisimula, e.

Nangunot ang noo ko nang makita ang name tag niya. Bigla akong nainis nang malaman na siya 'yung Eion Jessie na tumalo sa 'kin!

"Hoy, Eion Jessie!"

Nang nakatayo siya ay masama pa rin ang tingin ko sa kan'ya. Nagtataka niya akong tiningnan habang inaayos ang name tag.

"Ha?"

"Ikaw! Eion Jessie!"

"Hindi ako si Eion Jessie. Ako si Elliot—"

"Che!" Sumimangot na lang ako kasi hindi ko pa rin mabigkas 'yung pangalan niya sa isip ko. Iniiba ko na lang ang usapan kasi naiinis talaga ako. "Bakit mo alam 'yung sequence, ha? Dapat ako lang nakaaalam no'n dito! Ako lang nag-kuKumon sa 'tin."

"Nag-aaral ako mag-isa."

Gaya-gaya talaga siya!

Bumelat ako. "Hmp! Wala kang originality!"

Umalis na lang ako sa classroom at hinanap si Rafaela. Ayokong makipag-usap sa taong walang originality!

Sa mga sumunod na araw, nararamdaman ko na iniinis talaga ako ni Eion Jessie. Nagiging bida-bida siya sa Math kaya nakikilala na rin siya. Matataas din ang scores niya katulad ng sa 'kin. Dahil do'n, nainis ako kay Jessie kaya iniyakan ko siya kay Ate Mika. Si Ate Mika naman walang ginawa kun'di patahanin ako. Hindi 'man lang ulit ako turuan para lalo akong maging mas magaling!

Wala rin akong ibang ginawa kun'di kun'di magreklamo kina Mommy, Daddy, at Ate dahil sa nangyayari. Sabi ni Daddy, 'wag ko na lang daw pansinin 'yung gano'n kasi alam ko naman daw kung ano 'yung kakayahan ko. Lalo akong naiyak do'n kasi gusto ko ako lang 'yung magaling!

Dahil gusto kong maging super galing, nag-aral ako nang maigi. Noong Recognition namin, Top 1 ako tapos si Eion Jessie naman ay Top 5. Dalawa kaming Best in Mathematics kaya nagdagdagan 'yung inis ko sa kan'ya. Tapos pinag-picture pa na kaming dalawa lang kaya ang kinalabasan, nakasimangot ako sa litrato.

Nang mag-Grade 3 ako, sumali ulit ako sa Math Whiz. Kaso nga lang, sabi ni Teacher Lala ay kailangan daw partners kami para ro'n.

Sino pa nga ba ang partner ko? E 'di si Eion Jessie!

Bwisit. Bakit classmate ko pa rin 'yon? Ayoko ng bida-bida at walang originality! Pero kahit na ayaw ko sa kan'ya, pumayag pa rin ako kasi gusto ko ulit lumaban. Nanalo naman kami kaso nga lang, napansin ni Daddy si Eion Jessie.

Magtatampo na sana ako kaso sabi naman ni Daddy na mas magaling daw ako. Naniwala naman ako kasi Daddy ko 'yun, e!

Grade 4. Tumakbo ako bilang Grade 4 Representative ng SPG Council.

Nagsabi na rin ako kay ate tungkol sa platform ko. Okay naman daw 'yon. Ginuide rin ako ni ate sa kung ano ang tamang platform. Kailangan ko na rin daw kasing maging independent para paglaki ko, alam ko na ang gagawin.

Grade 4 ang unang beses na hindi ako ang ipinanglaban sa Math Wizard. Nag-peprepare ako para sa meeting de avance no'n nang sinabi sa 'kin 'yon ni Teacher Lala. Sabi naman niya ako naman ang ipanlalaban next year kaya pumayag na lang ako.

Pinigilan ko ang luha habang papaalis si Teacher Lala. Naalala ko kasi 'yung oras na ginamit ko para aralin ang Math book ni Ate. Parang napunta lang sa wala—napunta lang kay Eion Jessie!

Akala ko Math Wizard lang ang hindi ko makukuha noong Grade 4, pati rin pala ang pagiging representative. Kaya lalo akong nainis kay Eion Jessie—lalo akong naging eager na patunayan na mas magaling ako kaysa sa kan'ya. Na mas naiintindihan ko ang Math kaysa sa kan'ya.

At hangga't kaya ko, ipaglalaban ko ang posisyon na sa akin talaga.

Grade 5 ako nang magsimula akong tumambay sa Narra tree ng school. Walang tumatambay roon kaya doon na lang ako nag-aaral. Minsan ay pinupuntahan ako ni Rafaela roon para mangulit o kaya matulog.

Isang beses na magpunta siya ay hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. "Tatakbo bilang Grade 5 Representative si Elliot."

Kahit anong pilit ko na lamangan siya ay gano'n niya kadaling nagagawa! Ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko. Gabi-gabi kong pinagpupuyatan ang pag-aaral. Malapit na rin akong matapos sa Kumon. Kung tutuusin, advanced na advanced nga ako, pero siya na hindi nag-kuKumon ay natatalo ako.

Bakit? Hindi ba talaga ako magaling? Pinilit ko ulit ang sarili ko dahil do'n. Pinaglaban ko ang pagiging Presidente sa classroom. Pinaglaban ko ang pwesto ko bilang Vice President ng Math Club. Pine-perfect ko ang lahat ng mga quiz, seatworks, at assignments. Bukod sa Kumon ay sumasali ako sa workshops tuwing summer.

Sa mga ginagawa ko ay dapat alam na nina teacher na mas magaling ako kay Jessie. Kung alam ko lang, sumisipsip lang siya sa mga teachers kaya matataas ang grades niya lalong-lalo na sa Math! Pantay lang naman ang grades namin kaya bakit siya pa rin ang nangunguna?

"Ginagalingan ko naman, a," ang nasabi ko, pinipigilan ang sariling umiyak.

Humugot ako ng buntong-hininga habang bumibigat ang dibdib. Pinigilan ko ang sariling maiyak.

Kailangan ko lang mag-aral. Kailangan kong pag-igihan ang pag-aaral. Kailangan kong kuhanin kung ano ang akin!

Feeling ko naman nag-pay off 'yung paghihirap ko. Natalo ko si Eion Jessie sa pagiging representative ng Grade 5. Sunod naman na ipaglalaban ko ay ang pagiging contestant para sa Math Wizard.

May tawanan ng mga magulang nang mapadaan ako sa bulletin board kung saan nakalagay ang mga winners. Halatang may hinuhusgahan silang kung sino. Pati na rin ang paraan ng pagtingin nila sa 'kin ay alam kong may itinatago.

Hindi ko na lang sila pinansin at umalis sa school. Pasakay na ako sa service nang makita ang tarpaulin na may mukha ni Eion... at ang award niya na dating sa 'kin.

Elliot Genesis L. DonovanMath Wizard – Grade 5

Akala ko ba may chance ako?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro