Kabanata 17
Kabanata 17
Property
It felt weird that he considered this as a good thing while I considered this as the opposite. Ramdam ko kung gaano kasiya si Elgene ngunit bakit hindi ko maramdaman ang saya?
But out of all the complexities that I have in my chest, I did what I think is rational: to hug him back. Because I know that this is the moment that I've been waiting for eversince I realized my guilt. As much as I want to be clean with my actions, I know my heart felt the opposite because I know that my guilt in actions will start today.
My heart will always be open for guilt, my actions will always be seeping with guilt, and my intentions will always be laced with guilt. And if given the chance, I'll repent for my sins which is my guilt. Dahil hindi kakayanin ng konsensiya ko na ang pagiging makasarili noong bata ay hahantong sa pagkasira ng pamilya at ng pagkatao.
Humugot ako ng malalim na hininga at ipinatong ang baba sa nanginginig niyang balikat. Humahagulgol pa rin si Elgene habang ang mainit na hininga ay humahaplos sa aking leeg. Para siyang batang nawawala.
Tahimik kong hinayaan ang pagtulo ng luha habang pinakikinggan ang kan'yang iyak. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang takas ng boses mula sa nanunuyong lalamunan.
My heart is constricting so much just by hearing his wails. Paano pa kaya 'pag nalaman niya ang totoo? Sigurado naman akong hindi siya masasaktan. His feelings before are brought by his juvenile self—there is no seriousness in it.
Yet he managed to act maturely at such an age.
Lalong nanikip ang dibdib ko nang paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ko na para bang paraan upang makahinga.
Hinigpitan ko ang yakap, pilit na ibinabaon do'n ang paninikip ng dibdib.
What happened, Genesis? Bakit at ano ang nangyari sa 'yo para masaktan nang ganito?
Iyon ang tanong na umiikot sa isipan ko ilang araw pagkatapos niyang umiyak sa 'kin. After he cried, I didn't get the chance to ask how he was because it felt like my guilt increased.
Bakit ako magtatanong? Bakit ako nag-aalala? Kasi nagsisisi ako sa ginawa ko noon. Na kaya ako nagtatanong ay para punan ang pagiging sakim ko noon.
But is there a good thing in that? Is there a rational thing in that? Kahit anong pilit na hanapan ng rasyonalidad ang isang bagay, patuloy pa rin na may lalabas na irasyonalidad—gano'n kadali't kakomplikado ang mundo.
Naalala ko ang usapan namin ni Rafaela noon. It's about Elgene's puberty. I didn't expect that it will hit him like a truck.
The only thing that I recognized is his chinky eyes. Other than that, there's none because everything about him changed.
Ang mahabang buhok noon na tila endorser ng shampoo ay napalitan na ng clean cut na buhok. Idagdag pa na ibang-iba ang dating ng bahagyang maskuladong katawan ngayon kung ikukumpara sa kapayatan niya.
Pero kung magsasalamin siguro siya at maputi pa katulad noon ay mamumukhaan ko.
"Bakit ka pupuntang Trinity?" tanong sa 'kin ni Corinthian pagkasundo niya sa 'kin.
I have no classes for today that's why I decided to visit Trinity. Nagkataon naman na walang klase sa ganitong oras si Corinthian kaya sinundo ako.
"I'll look around," I answered as I checked out my face at the mirror of his SUV. Maayos naman ang kilay ko na hindi kailangang lagyan ng brow liner. Nag-mascara lang ako dahil ayaw ko maglagay ng kung ano-ano sa mukha.
When I glanced at him, I saw how he wasn't convinced with what I said. Tinaasan ko siya ng kilay. Ngiwi lang ang isinagot niya habang tahimik sa buong byahe.
After thirty minutes or so, we arrived at the university. Nang madaanan ang waiting shed ay naalala ko sina Cloud.
"Anong oras ba pasok mo, Cori?" I asked when I got off his Explorer. Inayos ko ang pagkasusukbit ng bag sa likod. Bitbit ko pa ang librong hiniram ko mula sa kan'ya dahil nakalimutan kong iwanan sa bahay.
Pinatunog niya ang sasakyan. Nang umilaw 'yon ay sinundan ko siya sa paglalakad. Pinagmasdan ko ang kan'yang lakad habang dala ang mga gamit. Bukod sa sukbit na guitar case ay may bitbit pa siyang ilang folder at notebook.
"You're in a band now?" tanong ko, mata ay nakatutok sa guitar case.
Bumuntong-hininga siya at umiling. "Gamit lang pang-Arki. 'Di mo pa nata-try?"
I shook my head. "It's not me to bring a guitar case, Cori. Why did you try it anyway? Mas mapadadali ba ang pagbibitbit kapag guitar case ang gamit?"
Nakangiwi ay tumigil siya sa paglalakad. "Inaasahan mo bang kaya kong bitbitin nang gano'n-gano'n na lang? S'yempre, 'di ko kaya 'yon."
Nagtuloy-tuloy siya sa guard house at itinapik ang ID sa scanner. Kumuha pa ko ng gate pass mula sa guard bago makasunod sa loob.
"Hanggang anong oras ka rito, Brella?"
Iginala ko muli ang tingin sa paligid at sinubukang hanapin ang field. Ngumuso ako nang mapansin na ibang lugar ito dahil sa gate malapit sa parking area kami dumaan. Dahil sa unang punta ko noon ay sa main gate ako ibinaba.
"Hanggang anong oras ba klase mo?" I asked.
Nagbilang siya sa kan'yang daliri. "Isa lang klase ko ngayon, tatlong oras lang."
"Anong oras uwi mo?" tanong ko habang may hinahanap.
"Alas tres siguro. Gusto mo bang magpasama kay Ovid o kaya kay Daniel?"
I twitched my lips. "Ayokong mang-istorbo. And Daniel is still studying?"
Tumango siya. "Graduating na, bakit? Plano niya raw mag-Masterals pagkatapos. Business Management ang kinuha niyang course at ine-expect na siya ang magpatatakbo ng kumpanya. Mago-OJT raw siya sa kumpanya nila, iyon ang gusto ni Tito Romeo."
I thought Daniel is older than them. Mas mukha kasing mature at built ang katawan kumpara sa kanila, though Virgil's body is similar to Daniel, so I guess the two of them are older than the rest?
"What is their business?"
He shrugged as an answer. Binitawan ko na ang topic dahil wala na akong maidagdag pa. I wonder how wide their age gap is.
"Saan kita iiwan? I mean, I have a class to attend to. Kung sinabi mo lang sana agad ay masasamahan kita."
Umiling ako sa kan'ya. "There's no need for you to skip classes just to accompany me, Cori. Kaya ko ang sarili ko."
His eyes stayed on me for a while before letting out a sigh, a sign that he let go of the topic.
I smiled since I was pleased with his decision.
"Sigurado ka bang ayos ka lang?" Worry is etched on his face.
Tumango ako sa kan'ya at nag-thumbs up. "Hindi ako maliligaw rito. Is there any studio here?"
He titled his head. "Magkalapit ang band studio at dance studio rito. Bakit?"
Pinigilan ko ang pagngiti at tinulak na siya. "And where is the cafeteria?"
Kumunot ang kan'yang noo. "'Di ka ba nag-lunch sa inyo?"
Tinawanan ko ang komento niya at nagpaalam. Dumiretso na ako sa cafeteria pagkatapos.
Pagkarating ko roon ay hindi ko maiwasang humanga. Mukha siyang malaking café sa ibang bansa. Maraming drop lights at may iba ring fluorescent lights na sakto sa kabuoang itim, puti, at berdeng disenyo. The high tables and the high chairs reeked of modernism and minimality.
Dahil lunch na, pahirapan pang hanapin si Elgene dahil bahagyang maraming nakapila sa mga booths. Habang iniikot ay naagaw ng atensyon ko ang pagtayo ng lalake sa lamesa na nakapwesto sa gitna. Namukhaan ko ang ilan sa kasama ni Cloud ngunit si Freesia lang ang napangalanan ko.
"Hoy, Ethan, baba!"
"Sali ka sa 'kin!" sigaw ng Ethan pabalik.
Napasinghap ako nang sumayaw ito ng kung ano sa taas ng lamesa. The dance move includes the moving of the arm and the leg at the same time.
"Huy, gago! Mahuhulog ka!" Napatingin ang ibang mga tao sa cafeteria dahil sa lakas ng sigaw.
One of the band member dragged him to another table. Nagwawala raw kasi si Ethan.
Pero hindi ko alam kung bakit napunta ang tingin ko sa inaakbayan ni Elgene. Napakalapit pa ng mukha ng babae sa pisngi niya habang tumatawa. Genesis, on the other hand, is laughing with her, too! Ang babae ay namukhaan kong nakita ko pa sa Araceli!
I've been looking forward on seeing him today and the first thing I see is his girl?
Really, Brella, sayang ang pinunta mo.
I refrained my irrational side to work that's why I left the cafeteria. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ngunit hindi ko pinansin. Nasasaktan lang 'tong guilt ko!
I found the peace of my irrational side under the tree near the university's field. Naiinis kong binubunot ang damo at doon binubuntong ang inis.
Why am I annoyed by this? Sa itsura pa lang niya, halata namang malandi ang taong 'yon!
Naiinis akong bumuntong-hininga at naiiritang sinuntok ang bag. Napangiwi ako dahil may hardbound pala akong dala.
Ang pagkita at pagsubok sa katigasan ng hardbound cover ay nagpupursige sa 'kin na ihampas kay Elgene! Kung may picture nga lang niya ako rito ngayon, baka kanina ko pa napunit dahil sa sobrang irita. Pati na rin ang picture ng babaeng 'yon!
"Umalis ka nga r'yan!"
Napaawang ang aking bibig at iritableng sinuklay ang buhok patalikod.
I don't want to pick up a fight because it is irrational. Isa pa, wala ako sa posisyon na mapaaway dahil hindi naman ako rito nag-aaral. Lagot ako kapag napaaway ako!
"Bingi ka ba?" Nahihimigan ko ang kung anong inis at tawa mula sa tono ng kan'yang pananalita.
Nakangisi ba 'to ngayon? Kapag talaga ako sobrang nainis, ihahampas ko 'tong hardbound na libro sa kan'ya!
"Umalis ka r'yan!" pag-uulit niya, malapit na sa 'kin.
Tuluyan na akong binalot ng irasyonalidad. Marahas akong tumayo at hinarap siya, naka-arko ang isang kilay. Pinigilan kong ipakita ang gulat ang nakangising si Elgene.
Presko niyang sinuklay ang buhok at inayos ang pagkasusukbit ng guitar case.
"At sino ka sa inaakala mo? Hari ka ba, ha?"
His thick brow rose while his jaw clenched. Naging aktibo ang kaonting inis sa kan'yang mata ngunit hindi pa rin nawawala ang kasiyahan doon.
Yabang mo! Noong isang araw, umiiyak ka sa 'kin, tapos ngayon kung maka-akto ka parang walang nangyari? Nakaiinsulto!
"Brella naman..." panunuyo niya at sinubukang hawakan ang aking kamay.
I immediately swatted his hand and took a step back.
Why the hell am I annoyed and happy at the same time? Dapat irita lang ang nararamdaman ko! Hindi dapat ako natutuwa sa presensiya niya.
Binalot ako ng kaba nang humakbang siya. Unti-unti siyang lumapit sa 'kin habang dahan-dahan akong umaatras. Sa bawat galaw ay nag-iiwan ng bakas ang kan'yang pango. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang maramdaman ang matigas na puno sa likuran.
He drew his face closer. Napunta ang tingin ko sa ibabang labi na sinipsip niya bago pinakawalan. Napako ang tingin ko ro'n nang ilang segundo.
Nang iniangat ko ang tingin ay bumungad sa 'kin ang kan'yang mata. Ang kapal ng pilikmata ang nagdagdag ng talim at intensidad sa singkit na mata.
"Hindi mo ako kilala?" Itinuro niya ang sarili, hininga ay mas mainit pa sa ihip ng hangin.
Nagtindigan ang aking balahibo nang pumulupot ang kan'yang braso sa aking bewang.
Hinila niya ako palapit sa kan'yang katawan. Tahip-tahip ang aking paghinga dala ng bawat haplos ng kan'yang daliri sa aking pisngi. "E-Elgene..."
I mentally slapped myself. Why the hell am I stuttering?
He gave me a smirk. Tuluyan nang nagpakawala ng kung ano-ano ang puso ko.
Nang pinakawalan ako ay nahugot ko ang hininga. Nanlalambot ang tuhod habang malakas ang tibok ng puso, napaupo ako sa damuhan. Ang paglayo niya ang ginawa kong tsansa upang huminga nang matiwasay. Ngunit nang bumalik siya na may dalang bulaklak ang siyang nagpaalis ng pagiging kalmado sa katawan ko!
He carefully tucked a strand of my hair before he moved on to the flowers.
The prominent nerves on his arm flexes everytime his fingers maneuvered the pattern of the crown. The mass of his fingers seems like it can crush the fragility of the flower. Seeing him removing the strand inside the red Santan flower brings back the memories of my juvenile years with him.
I wonder if he's still the same; I wonder if he treasures those memories like I do. Baka ako nga lang ang nakatatanda noon; baka ako lang ang sentimental sa aming dalawa.
I shouldn't be doing this. Dapat ay pinapaalis ko siya rito!
Ngunit habang tinititigan si Elgene ay hindi ko maiwasang mapatitig sa kan'yang mukha. A prince-like Elliot Genesis flashed at the back of my mind. My memories intensified when I noticed that he was kneeling.
Marahas akong napalunok at inalala ang kagustuhan noong bata.
I knew I loved fairy tales. I still do, but I didn't love it the same way as before. Back then, I only knew about the magical feeling that it can give me. Now that I have matured and experienced the complexity, I believed in them less.
But with Elgene's return, I realized that I'm still hoping—that I'm still believing. That amidst the complexity that I experienced, there could be one thing that would be able to help me overcome it.
Yet my guilt hit me. It was the thing that brought me to him—it is my fuel to be with him.
Or maybe I'm confusing my feelings with my guilt? Alin ba talaga ang totoo at alin ba ang hindi?
Maybe it's too early to conclude that's why I shouldn't worry too much, but soulmates and all things fairytale-like sound so good, doesn't it?
Napakurap ako nang magpatong siya ng korona sa aking ulo. Ang gaan ng kan'yang pagngisi—ngisi na nagpaaalala kung ano siya noon—ang nagdala ng kaguluhan sa dibdib ko.
"Prinsesa..."
Hanggang ngayon ba, Elgene, masaya ka pa rin? Buo ka pa ba? May natitira pa ba sa 'yo?
Napunta ang tingin ko sa bagay na inaalis niya mula sa leeg. Binalot ako ng kaba. Binalot ako ng takot. Binalot ako ng kung ano upang huwag ipaalala sa 'kin ang pagsisisi.
My eyes trained to the dog tag that he's removing. I remember him asking me at Araceli if I want it. Don't tell me that he's going to give it to me?!
"D-D'yan ka lang!" Pinigilan ko ang panginginig ng boses ngunit hindi ko nagawa. He refused my order for him to stop and went to my back.
Sunod kong naramdaman ay ang malamig na bagay na pumulupot sa aking leeg. Nanatili siya roon nang ilang segundo, ang init ng hininga ay lumalaban sa kalamigan ng kwintas sa aking leeg.
Nakahinga ako nang maluwag nang umalis siya sa likod. Sunod kong nakita ay ang papalayo niyang bulto, ang guitar case ay nakasukbit sa balikat. Narinig ko pa ang marahang pag-ugong ng boses.
With a shaky hand, I caressed the engraved letters on the dog tag. Nanigas ako sa pwesto nang lumingon siya at nahuli akong hawak-hawak ang dog tag.
He gave me a wide smile—a smile that might rival all the complexity of this world.
"See you soon, Elgene's Property."
This... I don't like this. I don't like this!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro