Kabanata 16
Kabanata 16
Yakap
Puno ng pangamba ang dibdib ay tumitig ako sa madilim niyang mga mata. Ang paraan ng pagdaan ng daliri sa pisngi ay nakaakit, nakalimutan ko tuloy huminga. Idagdag pa na hinahapit ako papalapit sa kan'yang katawan tuwing bahagyang nalalayo.
I feel so sorry for all the rational thoughts I deprived of talking! Why did I even allow myself to be irrational? At nagpahalik pa talaga, ha? Dalawang beses pa!
Marahan ko siyang tinulak palayo ngunit hinila niya ako pabalik. Suminghap ako sa namumuong inis at pinatapang ang sarili.
"Let go of me," matapang kong sabi.
Amusement fueled the crook of his lips to move. Humigit ito pataas tila nakitatawa sa aking ginawa.
Lalong nanuya ang mata niya. "Bakit, Brella? Hindi mo ba ako kilala?"
The remnants of my rational thoughts forced me out of his grip. With a wicked smile, he let me go and distanced himself a little.
Niyakap ko ang sarili at pinakiramdaman ang tibok ng puso. Mapanghamon ko siyang tinitigan. I can't accuse him about the kiss because I am aware of what I did. Tanda kong tinanong niya ako at pumayag ako roon!
"You're the band's pianist and a student of Trinity, that's all I know," I defended. "May dapat pa ba akong malaman?"
His curiosity glistened under the moonlight.
Pumamewang siya at yumuko upang silipin ang paang pinaglalaruan ang bato. "Sigurado ka ba, Brella? Hindi mo talaga ako kilala?"
Humalukipkip ako at tinawanan ang kan'yang kumpiyansa. "Who are you to know in my life? Ilang beses pa lang kitang nakita pero hinalikan mo na agad ako."
"Hindi tayo ilang beses pa lang nagkita, Brella. I know you know it's more than that."
I bit the inside of my cheek to prevent my annoyance from seeping out. For all I know, keeping rational thoughts is a weapon under a forged fight. Kung saan 'man abutin, ang mahalaga ay ang katinuan ng pag-iisip.
Dinilaan niya ang kan'yang labi at kinagat bago pakawalan. He grinned at me. "Your lips taste so sweet, my princess. Pwedeng isa pa?"
Napuno ako ng galit. "And I thought you're a woman advocate?"
He nodded. "It made me rethink your experiences, princess. Hindi ka magaling humalik at—"
"Bastos!" nagpupuyos sa inis kong sabi. Nagpipigil pa ako ng galit nito! Kaonti na lang talaga, Elgene, at hihilahin ko 'yang pilikmata mo!
He shrugged as if he disregarded my invitation for him to stop!
"Well, if you're honestly very eager to know how to kiss—I kiss French, by the way—then I might as well invite you to my pad. You know, MOMOL-MOMOL?"
Kahit gaano kasobra ang inis ay pinigilan ko ang sarili. Hindi ako papayag na mawala ako sa tamang pag-iisip. In a place where people can be irrational, I should be the one to be held rational!
"I am not anyone's MOMOL partner or fuck buddy. Hindi ako gano'ng babae!"
"At hindi rin ako gano'ng lalake," saad niya. "Princess, you're so goddamn hot with that shirt and shorts I want to marry you here right now."
Napasinghap ako. "Your libido! Oh my- I- ang ano mo!"
His raspy chuckle was a symbol of my failure. "Bakit? Halika, dali, isang halik pa, please? Ang sarap-sarap mong halikan," nanggigigil niyang sabi.
Ngumiwi ako dahil sa lumalabas na salita mula sa kan'yang bibig.
Humakbang siya palayo at ako naman ay pakanan. Tumaas ang isa niyang kilay bago ngumuso. "Dalawang halik, ayaw mo? Dali na, ang sarap mong halikan e."
Pakiramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. His mouth is so dirty I don't know what to react! Si Corinthian naman ay hindi ganito pati na rin ang mga pinsan kong lalake. Talaga bang wala nang mapag-tripan ang lalakeng 'to kaya ako ang ginugulo?
Sandaling naningkit ang mata niya. "Isang halik lang, please?"
Mabilis siyang humakbang.
"What are you going to do?" naalarma kong tanong. Kinakabahan ako sa sunod niyang gagawin!
Nang hindi mapigilan ng salita ay itinaas ko ang dalawang kamay para magkaroon ng pagitan sa aming dalawa. Hindi siya nagpatinag at ipinaikot ang braso sa bewang ko. Wala akong ibang nagawa kun'di manatili.
Ngumuso siya kaya't nandidiri kong idinikit ang palad sa kan'yang labi.
Mabilis na nahuli ng kan'yang kamay ang aking pulsuhan. Hinila ang braso ko patungo sa kan'yang direksyon. Kasabay no'n ay ang paglapit ng labi at katawan sa kan'ya. Nakasuporta pa ang isang kamay niya sa likod!
What the hell is he doing? Hinahalikan na naman ako!
Kusang gumalaw ang aking labi nang sipsipin niya ang ibaba. Sumasabay sa ritmo ng kan'yang galaw at sinusubukang sundan ang bawat landas na kan'yang iniiwan. Napatingala ako nang bumaba ang kan'yang labi sa aking leeg at doon namahinga. Naramdaman ko ang maliliit na patak ng halik doon bago tumigil at tanging hininga lang ang pinaramdam.
"Brella..." parang batang nagsusumbong niyang banggit.
At siya pa ang may ganang magsumbong?!
Marahas akong napasinghap. "Elgene!" paninita ko.
Mula sa pagkakasubsob sa aking leeg ay tumingala siya at tinagpo ng isang mata ang aking tingin. "Bakit?" Nakanguso pa siya nang magtanong!
Dahil sa kislap ng mata dala ng buwan ay wala akong ibang magawa kun'di tumitig sa mata niya. His eyes look sharp yet pitiful. May kakaibang emosyong nakaloob doon ngunit hindi ko mahanap-hanap sa isipan kung ano ang tawag do'n.
Humugot ako ng hininga at pinakalma ang tibok ng aking puso. Tumingala ako at tinitigan ang kaliwanagan ng buwan na kumokontra sa kadiliman ng langit. Ang katahimikan ng paligid ang nagdagdag din ng takot sa dibdib ko.
Kahit na gaano kalakas ang tibok ng puso ko ay hindi ako nagpanaig. Dahil ang kalakasan no'n ay siyang katahimikan ng damdamin ko. At sa katahimikang 'yon ay siyang kaliyaban ng aking kinakatakutan.
Ngunit natural na sa mga tao na ang tanging bagay na kinatatakutan ay siyang bagay na ginugusto. Dahil ano nga ba naman ang silbi ng rasyonalidad kung pwedeng maging irasyonal?
The fear that settled in my heart slowly reached the limit to exclude me from my rationality—to break me and allow the impurity to seep through the cracks. To love is to break, and to break is to be selfless.
And for whatever I do, I pray for all the saints in heaven to guide me in this never-ending path of self-worth and aches, love and pain, value and vulnerability. Because if I lose myself in the process, I don't know how to get back.
Please guide me and let me know my worth. Let them know it, even.
I promised myself to spend a great amount of my sembreak with my best friend that's why I visited her at their house at Pampanga. Kababalik lang niya noong isang araw. Nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ngunit mas pinili ko nang banggitin—iyon ang pinaka-rasyonalidad na paraan.
Iniikot ang tingin sa kwarto niya, hindi ko maiwasang maintindihan kung ano ang nangyari noon. Maraming bagay na ang nagbago—oras, tao, panahon, paraan ng pag-iisip at kung ano-ano pa. Ngunit sa dami ng mga 'yon ay nanatiling hindi nagbabago ang kisame ni Rafela.
Ang mga planetang nakasabit mula sa kisame pati na rin ang mga bituin na umiilaw sa kadiliman ng gabi.
Sa alaalang 'yon ay hindi ko maiwasang maalala ang ginagawa ko. For all the times that I was unable to tell my friend about my feelings towards the lanky kid, I told it to the stars and the planets.
But can they hear me, though? Back then, it didn't cross my mind. Ano nga lang naman ba ang mahalaga sa 'kin noon? Ang makamit ang taas para sa pansariling kagustuhan.
Gano'n ako kasakim noon? Para saan? Para sa pansariling kagustuhan.
Habang lumalaki, naiintindihan ko na ang isang inosenteng bagay ay maaaring magtungo sa kasakiman. Kung hindi namamalayan ng isang tao 'yon ay siyang magdadala sa pagkahulog.
Nasa dulo ka na ba, Brella? Kaonting tulak na lang at malapit ka nang mahulog?
Hindi ko mapigilang matawa. Kahit anong pilit kong isipin na tama ang ginagawa ko at may kahulugan ay hindi ko masabing tama. Iba't iba ang paniniwala ng mga tao. Maaaring ang rasyonalidad ng isa ay ibang-iba sa rasyonalidad ng isa. Kahit na sabihing magkapareho lang ng ugali ay hindi eksaktong ganoon.
Gano'n kakumplikado ang mga tao. Akala mo naiintindihan mo na ngunit hindi.
Pero bakit ko nga ba sinusubukang intindihin si Genesis noon? Dahil sa awa? Takot? Pagsisisi? Hindi ko alam. Ang alam ko lang, dala 'yon ng pansariling kagustuhan—para makaahon mula sa pagsisisi. Para hindi na mangamba pa.
At kung gano'n nga talaga... napakasama kong tao. Hindi irasyonal ang paraan na 'yon.
But will they ever know about it? Will I ever tell them? Will it make me worthy if I tell them?
Why am I asking for the approval of my worthiness, anyway? Hindi ko ba kayang aprubahan ang pansariling kahalagahan?
The moment that I've learned the meaning of self-worth is the moment that I've carried my moral code: The expediency of my worth is solely based on how I address myself.
Though it sounds selfish, I always believe in that. Hindi nila masasabi kung ano ang halaga ko dahil hindi sila ako. Ako ay ako—hindi sila. Tanging ako lamang ang makapagsasabi kung may halaga ba ako o wala. Hindi ko kailangan ng ibang tao para banggitin ang halaga ko.
I hope that I can steer clear of it soon. Ayaw ko nang maging irasyonal pa.
"Self-worth is very important, Brella," was Rafaela's words after she heard what happened.
"I know my worth..." Niyakap ko ang stuffed toy niya.
Her eyes were sharp. It told me that she was serious. "Siguraduhin mo munang hindi ka magiging literal na payong kapag nahulog ka, Umbrella Izidara."
"Are you trying to make a joke with my name?" natatawa kong tanong.
But when I tilted my head to see her reaction, she wasn't smiling—she was worried. Nanikip ang dibdib ko dahil do'n.
Bumangon ako mula sa hinihigaan at lumapit sa kan'ya. Mahigpit ko siyang niyakap at ipinatong ang baba sa balikat. Dahan-dahan niya akong niyakap pabalik.
"Are you okay?"
I never got the chance to ask her what she's doing these days. Nagi-guilty ako dahil hindi ko na siya laging nakakamusta. Hindi ko na rin gaanong nakasasama kumpara noong bata pa kami. Ang tangi ko lang magagawa ay gawin nang lahat ng makakaya habang kasama siya.
She sighed. "Bagong payong ka pa lang. Huwag kang magpagagamit sa iba."
Lalong nanikip ang dibdib ko sa narinig. "Is there something wrong, Raf? Binu-bully ka ba sa Makati? Hindi ka ba pinagtatanggol nina Cassian at Kuya Zagreus? Tell me, Raf, anong meron?"
She shook her head as an answer.
Sinilip ko siya. "Kung nasasaktan ka, sabihin mo lang. Kung may hinanakit ka o kaya sama ng loob, sabihin mo sa 'kin. 'Wag mong kimkimin, please?"
Tumango muli siya bilang sagot.
It made me wonder about things that my best friend has been dealing with. May kaibigan kaya si Raf doon? May nakauusap 'man lang na babae bukod sa mga kamag-anak at pinsan niyang mga lalake?
"Are you being used, Rafaela? Ginawa ka bang kaibigan para lang mapalapit sa mga pinsan mo?" dagdag ko, lalong bumibigat ang dibdib.
Still, no answer.
Hinagod ko na lang ang kan'yang likod—pahiwatig na nandito ako.
Rafaela, are you really okay?
Pagkatapos ng ilang araw ng pakitutulog sa kanila ay umuwi na ako. Hindi ko maiwasang malungkot nang iwanan si Rafaela roon. Kahit na nando'n ang kasiyahan ay hindi ko maiwasang mag-alala.
I know that it's just a façade—everyone does that. Ang tanong ko lang ay bakit?
Nagpakawala ako ng buntong-hininga at tinitigan ang sino-solve na activity. Solving Math-related questions kept on bringing me back to the days when I was a kid—the days where I pressure myself and meet my forged thought regarding my parent's demands.
Wala naman talagang hinihiling sina Mommy noon kun'di ayusin ang pag-aaral ko. Wala rin silang sinabi na bungguin ko ang mga estudyante para makaakyat lang sa taas.
Lahat ng ginagawa ko noong bata ay siyang kagustuhan ko lamang. At dahil sa pansariling kagustuhan, namuo ang pagsisisi sa dibdib ko.
It made me remember how irrational and selfish I am.
'I was a child.' No, that's not an excuse. Bata rin noon si Elliot Genesis pero ginawa ba niyang dahilan 'yon? Hindi.
I want to search for him and say my apology. I want to praise him how mature he was. I want to tell him that he did a great job. Paano ko sasabihin 'yon kung hindi ko siya mahanap?
Determined, I put up my effort. Sa loob ng natitirang araw ng sembreak ay sinubukan kong isipin ang kan'yang buong pangalan. Hinanap ko pa sa mga pinakatatagong gamit. Nang mahanap ay hindi ko maipaliwanag ang saya.
Why am I rejoicing? Is it because I am able to talk to him, again? I don't exactly know. All I know is I want to apologize about my selfishness.
I found myself standing behind the close gates of the Fuentabella Mansion. Dinala ako rito ni Corinthian dahil gusto kong makausap si Daniel. Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang tanungin tungkol sa anagram ng pangalan niya.
I felt dumb when I considered anagram as a possibility. Bakit naman gagawin ni Elgene 'yon? For a fresh start? But what about his name 'Genesis'? Isn't the meaning of it 'rebirth'?
Or maybe he wanted a new personality—something far from what he grew up on yet has a touch of who he was no matter how little.
"Murder case ba 'yang inaasikaso mo? Sobrang seryoso, B," natatawang sabi ni Corinthian.
I rolled my eyes at him and rang the doorbell. May naririnig akong mahinang tunog ng beatbox mula sa loob. Tingin ko'y galing sa garden.
"Ano ginagawa mo?"
Napalingon ako sa kanan nang may magsalita. Unang bumungad ang abo niyang mga mata.
Si Cloud pala 'to.
"Uh... nagdo-doorbell?" kunot-noo kong tanong.
Cloud nodded at me and fiddled on the imaginary long beard he has. Hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga.
Napansin niya ang kuryoso kong tingin. "Hinahaplos ko ang imaginary kong balbas," he explained. "Ako si Pilosopo Tasyo at para makapasok ka rito sa loob– ay wait lang wala pa ako sa loob. Manang! Pwede pong pabukas?" Isinigaw niya ang huling apat na salita.
Mayamaya pa ay binuksan na mula sa loob ang gate. Papasok na sana ako pero inunahan ako ni Cloud. Pinagsaraduhan pa ako!
I look at Corinthian, confused. He shrugged at me and left me alone.
"Katok ka sa gate!" rinig kong sigaw niya mula sa gilid ng gate.
I let out a disappointed sigh before I knocked on the metal door. Kumalag iyon bago nabuksan. Dumungaw ang kan'yang ulo mula sa awang. Bahagya rin siyang lumiit.
Why is he crouching as if he's an elderly?
"Hija, hija, ako si Pilosopo Tasyo. Upang makapasok sa mahiwagang lugar na ito ay nararapat kang sumagot ng makabagong bugtong," tunog matanda niyang sabi habang nanginginig ang kamay.
"Makabagong bugtong?"
"Oo, hija, makabagong bugtong. Pick-up lines!"
I nodded calmly. Makapapasok rin ako sa loob.
"Totoo pala ang multo, ano, hija?"
"Ho? Paano niyo ho nasabi?" labag sa loob kong tanong.
Ngumisi si Cloud. "Simula kasi nang makita kita naniwala na 'ko." Humagalpak siya ng tawa pagkasara ng gate. Mukha rin siyang mamamatay katatawa.
Nagpakawala ako ng pagak na ngiti, ibinabaon ng inis. Bakit ba ako pinagti-tripan ni Cloud? May importante akong lakad ngayon!
Sumilip siya mula sa loob. Nakangiti pa habang pinanonood ang reaksyon ko.
Diretso ko siyang tiningnan, unti-unti nang nauubusan ng pasensiya. "Pwede na pumasok?"
I was about to push the gate but he popped out, again. "Teka! May isa pa."
Napaatras ako at hinilot ang sentido. "Okay, fine. Ano?"
"Alam mo kung bakit nandito yung gate?" tanong niya habang tinuturo ang gate na pinagtataguan niya.
"Bakit?"
"Kasi nandito si Freesia." Tumango ako kahit hindi naiintindihan. "Kasi free siya. Libre, gets? Kasi homonyms yung 'Freesia' at 'free siya' kaya nakuha nina Tita Juliet for free. Yung word na 'gate', 'Freesia' ang tunay na pangalan. Wala talagang 'gate' na word, e. Gawa-gawa lang. So, ayon. Hehe. Lalayas na 'ko at– Elgene! Tulong! Mamamatay na 'ko!"
At kumaripas siya ng takbo.
Napatitig ako sa kawalan at nagpakawala ng pagak na ngiti. Tumango muli ako. Hindi ko na nabilang kung ilang beses akong napabuntong-hininga bago tuluyan nang pumasok sa loob.
Bumungad sa 'kin ang mahabang daan patungo sa mismong bahay. Pinalilibutan ng halaman ang pathway at sa dulo no'n ay ang bahay nina Freesia. Nang makarinig ako ng ingay mula sa kaliwa ay roon ako dumiretso. Panigurado akong nando'n sina Cloud.
Hindi ko naman alam kung saan mahahanap si Daniel kaya roon na lang ako pupunta.
Pagkarating ko roon ay nakita ko ang bulto ng mga kabanda niya. Pinalilibutan sila ng ilang instrumento. Ang isa naman ay nakaupo sa beatbox.
I saw Freesia at the garden, too. May katabi siyang babae na pinaalis ni Cloud. Bukod sa anim na magkabanda ay may isa pang lalake roon.
Where's Daniel? I need to ask him some questions but how sure am I that he'll answer me?
Lalapit na sana ako kay Freesia ngunit nahagip ng tingin ko si Daniel. Nanggaling siya mula sa likod habang may tuwalya sa balikat. Nakasuot siya ng muscle shirt at board shorts. Basa rin ang buhok, mukhang kaliligo pa lamang.
I continued to stare at him and realized how handsome he was. Mukha nga lang suplado dahil sa matalim na mata.
"Um—"
"Brella, hi! What brought you here?" Bumungad sa 'kin si Freesia, malawak ang ngiti.
"Uh... anagram?" ang tangi kong nasabi nang maramdaman ang matalim na tingin ni Elgene.
Pasimple akong humakbang pagilid para matakpan ng dahon ang mukha.
Kuryosong tinignan ng mga kabanda niya si Elgene nang tumayo ito. Sinundan din ng tingin nang magpunta sa direksyon ko. Bumilis ang tibok ng puso ko bago humakbang muli pagilid.
"I-I have something to ask to your brother. Corinthian mentioned that 'Daniel' is an anagram of his name so—"
"Hi, Brella," saad ni Elgene at kinindatan ako. Lalo akong kinabahan.
I blinked and looked at her alarmingly. "Freesia, I—"
"Ako na rito, Freesia," nakangiting sabi ni Elgene at pumunta sa gilid ko.
"Magtatanong siya kay Kuya kaya—" Naputol ang pagsasalita ni Freesia nang hilahin siya ni Cloud. She gave me a sorry look. Nginitian ko na lamang siya at nag-thumbs up.
Preskong humarap sa 'kin si Elgene kaya napairap ako. Bakit sumusulpot bigla-bigla? Hindi naman siya ang hinahanap ko!
"So ako pala ang hinahanap mo?"
Peke akong ngumiti at umiling. "No. It's Daniel because—" Lumapat ang gilid ng kan'yang hintuturo sa aking labi kaya tumigil ako sa pagsasalita.
Naiinis kong binaba ang kan'yang kamay bago umalis.
He caught my wrist which forced me to stop. He grinned wickedly before dragging me towards the back. Pwersahan niya akong pinaupo sa isang puwesto roon at inilahad ang kamay.
Tinaasan ko siya ng tkilay.
"Anagram, 'di ba? Anong pangalan ba 'yang i-aanagram mo? Kay Ben Zayb?"
Kumunot ang noo ko. "Ben Zayb?"
"Abraham Ibañez, El Filibusterismo."
Oh.
Umiling ako at naglabas ng papel at ballpen. Sinimulan kong isulat ang pangalan. Pagkatapos ay nilingon ko siya. Nagulat ako nang may makitang kung ano sa mata niya.
May namuong takot sa dibdib ko.
What if he's Elliot Genesis?
No, that's impossible.
But Elgene can come from that name...
"Pati middle initial kuha mo, ha?" natatawa niyang sabi.
Kinakabahan akong tumango habang mapanuring dinadaan ng kan'yang mata ang bawat letrang nakasulat sa papel.
Elliot Genesis L. Donovan
Itinukod niya ang pisngi sa kamao at inagaw ang panulat mula sa 'kin. He started to write random names using the first name on the paper. It went on-and-on until he filled at least half of the paper.
Elgene
Hanggang sa huli ay tumigil siya at tumitig sa 'kin. "Hinahanap mo siya? Bakit mo siya hinahanap?"
Suminghap ako nang makita ang panunubig ng gilid ng mata niya. Hindi ko alam ang gagawin nang makaramdam ng kung ano sa dibdib.
Is this what redemption feels? Like a weight lifted off my shoulders? But then, if it is, what about my guilt? Hindi ba't kaya ko hinahanap si Elliot Genesis ay para pagbayaran ang kasakimang ibinigay ko sa kan'ya noon?
I know that I did the right thing of searching for him yet why did it felt irrational? Is it because it's stemmed from the irrational part of my actions?
Hindi ko na alam ang gagawin lalo na nang yakapin niya ako nang mahigpit. "Hinanahap mo pala ako..."
Nanikip ang dibdib ko dahil sa narinig.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro