Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11

Kabanata 11

New

Graduation day is the day that I last saw him. Ang huling natandaan ko ay ang malawak niyang ngiti habang nakatingin sa pamilya niya. Pinanood ko pa siyang naglalakad patungo sa gilid ng stage. Katatapos ko lang tawagin bilang Salutatorian.

"Valedictorian, Elliot Genesis L. Donovan..." Nang umakyat siya sa stage ay kasama niya si Elisha.

Nothing inside me broke when the word "Valedictorian" accompanied his name. Wala rin akong naramdamang panghihinayang nang abutin na niya ang diploma at medalya. Hindi rin ako nainggit nang magtungo siya sa podium.

Bakit? Dahil ba sa awa? Siguro. Ngunit alam kong higit pa ro'n.

I realized that I shouldn't worry myself too much. Ayon nga sa sinabi ni Ate, sa high school at College na lang ako sobrang magseryoso. Pero hindi ba dapat ay sa murang edad ay husayan na hangga't makakaya? Iyon ang paniniwala ko ngunit parang wala nang saysay.

Ngunit naintindihan ko rin na kung hindi ako sasaya—kung sobra-sobra akong mahihirapan sa isang bagay—hindi ko na dapat siya abutin. Gano'n kadali kong binitiwan ang kasakiman ko noon.

Magkaiba ang pinatutunayan namin ni Genesis. Him, their family; I, my credibility.

At my young age, I know the importance of the family over the credibility. Si Daddy na mismo ang nagbanggit no'n sa 'kin dahil sa nangyari noon. Kahit na hindi ko pa buong naintindihan noong bata ako, nang lumaki ako ay naintindihan ko na ang ipinararating nila.

May mga taong nagnanakaw para pakainin ang anak. May mga taong nangingidnap para magkapera upang makapambili ng makakain sa pang-araw-araw.

No matter how dirty they play. No matter how they tarnish their credibility and names. No matter how complex the challenge that they'll encounter, at the end of the day, they know that it's worth it.

Para sa pamilya, iyon ang nasa isip nila.

"Friends, family, guests, teacher, classmates, staffs, a pleasant morning to all of you..."

I held the edge of the diploma board tightly. Inside is a small pair of graduation picture of me. One is holding the cap while the other one is wearing it.

Noong oras na 'yon ay alam kong bibilis na ang araw. Mawawala na ang pinag-aralan. Makalilimutan na ang nangyari. Magiging alaala na lang ang lahat ng araw na pinagdaanan... kung hindi isinapuso.

That's how the lesson works, right? Lalo na sa Math.

Madaling kalimutan kung walang planong unawain. Madaling makalimutan ang mga formulas lalo na kung hindi isinasapuso. Madaling kaayawan ang Math dahil hindi isinasapuso.

Kung kabisado, madaling kalimutan. Kung inuunawa, hindi makalilimutan.

I guess that's how life works.

"I thank God for this day to give me such an award..."

The beam of light that is focused on the speaker at the podium portrayed the end of the school year. His class-ending speech will surely be forgotten. Gano'n talaga—scripted, e.

But is he really saying the words from a medium?

Umbrella Izidara P. Garceron
Salutatorian

Humugot ako ng malalim na hininga nang mabasa ang pangalan.

To graduate as a Valedictorian is my goal. It has always been. Hindi nga lang ngayon.

Pwede ko pa namang makamit bukas. O kaya sa makalawa. My reach for it won't stop here. Magpapahinga lang ako.

"Come on, Izidara, don't be sad," marahang sabi ni Daddy sa aking tabi.

"I'm not sad, Daddy..."

Ibinalik ko ang tingin kay Genesis na nagsasalita sa podium.

The fiery passion in his eyes portrayed his eagerness. Ang paraan ng pagkintab no'n ay nagpapaalala sa 'kin ng bagay na ipinaglalaban niya.

Pagkatapos ba nito, ipaglalaban pa ba niya 'yon?

Pero, siguro, nagsisisi siya na hindi na niya maipaglalaban next year. Titigil siya sa pag-aaral, hindi ba? Idagdag pa na nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa mata niya.

Para saan ba 'yon? Dahil naabot na niya ang pangarap niya at kuntento na siya ro'n? Kung oo, sapat na ba 'yon sa pamilya niya?

Looking at him, I can only tell that he has regrets in his eyes. Yet the regrets were masked by a false strength.

"I thank everyone who supported me to reach this milestone. Especially to my female classmate, you know who you are. I know she did everything to bring me down. No matter how good she does that, I know she bears a good heart. She has a kind heart. I will forever treasure it..."

Umayos ako ng upo at pinaglaruan ang dulo ng graduation cap.

I realized that this will be the last time that I'll be wearing the toga. And this will be the last time that I am going to see him. Dahil next year ay titigil na siya sa pag-aaral at hindi ko na siya makikita pang muli.

Iniisip ko pa lang 'yon ay naninikip na ang dibdib ko.

The crème toga. The crème graduation cap. The smiles of my friends. The sound of the graduation song as we end the ceremony.

Pati na rin ang huling ngiti sa 'kin ni Elliot Genesis ay nasa isip ko pa rin. Ngunit kahit ilang beses ko siyang alalahanin, ang pakiramdam no'n ay hindi kasing sariwa kaysa sa unang beses kong naramdaman.

I sighed and put back my uniform inside the closet. Ilang taon na ang nakararaan ngunit wala pa rin akong naririnig na balita mula sa kan'ya. Kahit pati si Cassian na ka-close niya ay wala rin alam.

Did he really stop studying?

I was worried as a friend. Nagsisisi pa rin ako sa ginawa ng batang ako noon. Mabigat sa pakiramdam ko na habang ipinaglalaban niya ang pamilya niya, ipinaglalaban ko ang pagiging makasarili ko.

It was a deed that seemed to be immoral—irrational. But it was the truth that buried the guilt that I have.

Tumawa ako nang mapakla. Kumirot din ang puso ko. I couldn't help feeling the guilt every now and then.

About the guilt that I have... will it be mortal or immortal? Nothing mortal is eternal. Sooner or later, if the world may, I'll cross paths with him. If that were to happen, what will be the words that I'll tell?

Sorry for being irrational?

Sorry for being selfish?

Sorry for...

Will he even accept it?

I could only sigh and think about it. Mukhang napaka-imposible na mangyari 'yon. Baka nga hindi niya ako pansinin dahil sa galit na nararamdaman para sa 'kin.

While Elliot Genesis left the school as an elementary graduate, Rafaela and I left as a high school graduate. Pagkatapos no'n ay lumipat sa Makati si Rafaela para mag-aral. Ngayong naka-graduate na silang dalawa ay ang buong Trigueros na ang nasa Makati.

Paminsan-minsan ko na lang tuloy nabibisita si Rafaela. Tuwing umuuwi na lang sila rito sa Pampanga.

But for me, I insisted to stay in Pampanga. I didn't know why. Am I expecting to see him here?

Hindi ko alam. All I know is that until I am finding a solution to a problem that hasn't been solved, I will stay at a place that I'm familiar with.

I didn't want to meddle with complexity, anyways, because life is already complex. I didn't want to add another. Sa sobrang gulo ng buhay ay may mga bagay na madaling makamit na siya ring madaling mawala katulad ng pagbebenta ng katawan.

Madaling makamit ang pera, madaling mawala ang dignidad.

Madaling makamit ang katotohanan, madaling mawala ang katinuan.

Gano'n naman talaga ang buhay—iba't ibang bagay ang bumubuo. Marami ring nakaaapekto sa isang bagay bago makuha ang sagot. Minsan ay hindi pa 'yon sapat bilang proweba. Ngunit paano ka makahahanap ng proweba kung hindi ka binigyan ng halimbawa sa problema?

Magulo ang buhay, ayoko nang may madagdag pa.

Naagaw ng atensyon ko ang pag-ring ng cellphone. Bumubuntong-hininga ay sinagot ko ang tawag nang mabasa ang pangalan ni Cori.

"Hello..." I stared at the ceiling and remembered Rafaela's galaxy-themed room. Panigurado akong ibang-iba na ang disenyo ng kwarto niya sa Makati.

My room's design changed, too. The pinkish-styled room turned into a Victorian-styled room. Elegante ang puting tulle na nakahawi sa pader na parang kurtina. Suportado ng kulay gintong aristokratikong metal ang istraktura nito.

My room was modernized—it was very far from the pink and glitters I have when I was young. It fitted the maturity of my age.

"B..." he called. "Pick you up in fifteen?"

Gumulong ako sa kanan at sinilip ang orasan.

15:00, it said. Anong gagawin ni Corinthian?

"It's three in the afternoon. Where are we going?"

I titled my head as I studied the fancy curl of the metal. Sinunod ko ang ikot nito sa aking kamay.

"Sa Trinity? Mag-eenroll ako." I can sense him pouting.

Kumunot ang noo ko. "Why? Ilang linggo nang nagsimula ang klase. Why enroll now?"

Niyakap ko ang asul na teddy bear at pinisil ang nguso. I suddenly remembered Rafaela's stuffed toy...

"Hindi kita napilit na ro'n 'din mag-aral e..."

Tinawanan ko siya at tumayo. Binuksan ko ang closet para maghanap ng damit.

"Really, Cori? May iba pa bang rason?" I teased.

"Please, Brella? Samahan mo ko ro'n," parang bata niyang sabi.

"You're three years older than me at natatakot ka pang mag-enroll? Come on, Cori!" I stopped rummaging my clothes. "Are you calling me while driving? Ibaba mo na 'to!"

"Naka-park ako." Sunod ay narinig ko ang pag-ungot niya na parang bata. Tinawanan ko na lang ulit.

He always does that whenever he's trying to stress something. Nagpapa-cute akala mo naman cute.

"Incoming fourth-year College na 'ko, Brella. Natatakot pa rin ako!" pagmamaktol ko.

Tinawanan ko muli siya. "Fine with me, Cori. Treat me to something valuable after, okay? Mag-aaral pa 'ko."

"Anything, B. Five minutes."

True to his words, he arrived five minutes later. Malapit lamang ang bahay nila rito at pwedeng lakarin. But since Corinthian is so good at Math he forgot to calculate the distance, nag-kotse siya.

When I got inside the Explorer, I immediately put my hands up to block his lips. It immediately landed on my palm.

Sinilip ko siya sa pagitan ng daliri ko. Bumungad sa 'kin ang mata niyang lalong pumungay.

"Cori, come on..."

He groaned and spread his arms out. "Hug na lang? Please?"

Ako naman ang umungot at lumapit para yumakap. Humaplos sa buhok at leeg ko ang mainit na hininga ni Cori. Hinigpitan pa niya ang yakap bago ako pakawalan.

"Clingy mo!" natatawa kong sabi.

"Stress-reliever ko 'to, B. Hirap kaya ng Arki! Palibhasa first-year College ka pa lang."

Umawang ang aking bibig. "Are you mocking me?" I dramatically asked.

He reached for my head and ruffled my hair. "Hindi kaya!"

I settled on my seat after I clicked the belt. Nang makasigurado si Cori ay tsaka niya pinatakbo ang sasakyan.

The longer that I stare at him, the longer that I notice that something about him feels off. Hindi ko nga lang ma-point kung ano.

Ibinaling ko na lang ang atensyon sa pagbuhay ng radyo.

Romeo save me, they're trying to tell me how to feel
This love is difficult, but it's real
Don't be afraid, we'll make it out of this mess
It's a love story, baby just say "Yes"

Suminghap ako at madaling inilipat ang istasyon. I know Corinthian won't mind. Lagi ko namang pinapakealaman ang radyo ng sasakyan kaya ayos lang.

"Bakit ayaw mo sa Trinity, Brella? Nando'n naman ako," saad niya habang nagmamaneho.

I glanced at him. Nakanguso ang kan'yang mapulang labi at nagpapaawa talaga.

I tsk-ed at him and shook my head. I shoved his face. "Paawa ka, Cori. Hindi 'yan tatalab."

His pout grew sharper. "Aw, come on, Brella. Bakit?"

I grinned at him. "Nando'n ka kasi e."

Lalo siyang ngumuso. I pinched his nose.

"Crush mo 'ko, 'di ba? Kapag crush mo ang isang tao, dapat susundan mo kung sa'n nagpupunta. Bakit ako hindi mo sinusundan?"

I swatted his arm when he tried to touch my hand. Chansing! At nagda-drive pa siya.

"I'm not a stalker or an admirer, Cori. You should be the one doing the chasing." Kumindat ako sa dulo.

"Handa naman akong habulin ka. Ayaw mo lang talaga," seryoso niyang sabi at pinaikot ang steering wheel.

His arms flexed when he maneuvered the steering wheel. The blue button-down shirt that he's wearing contrasted his fair complexion. He partnered his outfit with a pair of khaki shorts.

Malinis niyang pinark ang sasakyan sa isang bakanteng pwesto at bumaba. Mabilis siyang umikot papunta sa aking pwesto ngunit naunahan ko.

He showed me his defeated look—a frown and a shoulder slump. "Bakit ayaw mo ipagbukas ka ng pinto?"

"I'm a princess but I can serve myself."

Nginusuan na lang niya ako dahil sa sagot ko.

I waited for him to lock the SUV before we headed towards the gate. We immediately got inside after I got the Visitor Pass.

Bibitbitin ko sana ang hawak niyang papeles ngunit inilayo niya sa 'kin.

"As what you have said, you're a princess, you deserve to be served."

Umangat ang isa kong kilay, natawa sa narinig. "That's not what I said."

He shrugged. Pasimple niyang inilagay ang kamay sa aking bewang. Naramdaman ko 'yon dahil humaplos ang kamay niya sa balat ko! Inilapit pa niya ang katawan sa 'kin ngunit hinampas ko ang nakapwesto sa bewang.

"Corinthian," I called.

"Sorry!" parang bata nitong sabi at mabilis na inalis. May ngisi pa rin sa kan'yang labi.

I breathed a low breath. Parang bata talaga 'to!

Even though he's acting like that, I still love his company because of his childish side that I adore. Dati ay akala ko'y seryoso lamang siya tuwing nakikita sa canteen pero nang isinayaw ako noong Acquaintance Party ay nalaman kong hindi.

We walked by a bench and I decided to sit there. I was getting tired of walking around. Igagala ko na lang ang tingin sa paligid.

"I'm fine here, Cori. You go find the office." I looked at the field in front of me which is nothing compared to the university I was in. I wasn't sure if Trinity's field is bigger than Kingston's.

"Sigurado ka, ha? Ayos lang?"

I smiled at him and pointed at his folder. Tumingala ako sa kan'ya. "Kaya ko sarili ko."

Kung hindi naman ako mangagalay katatayo, mangagalay ako katitingala sa kan'ya! Idagdag pa na pati ang tangos ng ilong ay pinapahiya ang katangusan ng akin.

He shrugged. "Okay." He smiled and left not before leaving a chaste kiss on my cheeks.

Napatayo ako ngunit hindi na hinabol ang tumatakbong si Corinthian. "Lagot ka sa 'kin!"

Bumelat lang siya. Ang kulit tagala no'n!

I slowly retreated to my seat and watched the six guys sitting in a circle at the field. Tingin ko'y kadarating lang nila dahil hindi ko sila napansin kanina.

"Sasayaw na 'yan! Sasayaw na 'yan!" one of them shouted. Katabi niya ang lalakeng naka-specs na may hawak na electric guitar.

"Don't be a lame ass, Cloud. Sasali ka nga sa dance club, 'di ba?" sabi ng lalakeng nakaupo sa beatbox.

Ang paraan ng pagkabubuka pati na rin ang kaliitan ng inuupuan ay nagbigay-diin sa kahabaan ng hita. Maganda rin ang hulma ng hita, tingin ko'y isang atleta.

Habang iniikot ang tingin ay napunta ang tingin ko sa singkit na may nangingintab na dog tag. Hawak-hawak niya ang cymbals habang nakaupo sa damuhan. Katulad ng lalakeng nakaupo sa beatbox ay hindi rin maikakaila ang kahabaan ng hita.

I don't know why his chinky eyes reminded me of someone. Hindi ako sigurado kung si Genesis 'to dahil maputi, maputla, at mapayat siya noon. Ang lalake ngayon ay medyo tan ang balat at maganda ang hulma ng katawan.

I mean, it's impossible that this is Elliot Genesis! While he got the kinder aura, the chinky-eyed man before me looked playful and healthy. Imposible talagang siya 'to.

"Zake, try to match the tune with Cloud's synchronization. Kaya ba? Let him dance so we could create the dynamics of the song," marahang saad ng isang lalakeng mabait ang dating.

Something in his eyes are colored. Hindi ko matukoy dahil side view lang ang nakita ko. All I know is that his eye color is far from black or brown dahil mas makulay pa roon.

I think it was green? No way. Hindi ba 'yon reflection ng damuhan?

"Depende sa 'kin? Kung sa tingin ko matigas ang galaw ni Cloud, malakas ang dynamic ng part na 'yon?" the guy sitting at the beatbox asked.

"Yeah, Zechariah."

"How the goddamned hell can I remember the pattern and the tune?" naiinis nitong tanong.

The guy—that I guess that they were referring to as Cloud—removed his bomber jacket. It actively dropped on the gras leaving him with his grey shirt. The sleeves of his shirt adhered to his skin as if the second.

Natatawa niyang tinapik ang lalaking nakaupo sa beatbox bago sumayaw. Napaawang ang aking bibig nang may pitik itong gumalaw kasabay ng pagkanta nila.

My mouth hung low when I heard their voice.

"Jump in the Cadillac, girl let's put some miles on it. Anything you want, just to put a smile on you. You deserve it baby, you deserve it all, and I'm gonna give it to you..."

Malamig na boses ang nanguna sa kanta. The harmonization of their two vocalists fitted the scene as if it was meant for it. The beats fell into place. The synchronization became fluid. Even the guy named Cloud's dance was perfect!

Nang panandaliang mapunta sa 'kin ang mata ni Cloud ay kinabahan ako. I felt the shudder just by that small amount of presence!

Nang sumali ang isang bokalista nila at malinis na pinag-blend ang boses ay hindi na ako nakahinga nang matino. Isabay pa na ang paghampas ng kamay sa beatbox ay siya ring pitik ng bewang paharap!

They didn't give me any chance to recover. Akala ko ay matatapos na ngunit nang tumayo ang singkit at nagsimulang sumayaw ay marahas na akong napasinghap.

I unconsciously licked my lower lip when he joined the show. Is this some kind of a strip show? What about his cymbals? He decided to drop it and shift to the sultry instead of the plain and boring?

Ang may abong mata ay may pitik at malandi ang paraan ng pagsasayaw. Ang singkit na ito ay nang-aakit habang sumasayaw! Why is he seducing me as if he was a stripper? Sayang-saya pa siyang sumasayaw habang kagat-kagat ang ibabang labi!

I hid my gasp when he body-rolled. He even made up for the other guy's lack of it! His body's fluidity can even be compared to an activity that requires extreme energy and sexual appeal. His hip thrust is so intense than the other guy! Parang may tinitira talaga.

Humugot muli ako ng hininga at sinubukang umiwas ng tingin para paypayan ang sarili. Pakiramdam ko ay sobra-sobra ang naipunta ko rito.

Is that a strip tease? Nang-aakit talaga 'yung lalakeng may dog tag, e!

"Tara na nga sa studio, do'n na lang tayo. Nagpapaka-pokpok na 'tong si Elgene e."

Bahagya akong kumalma nang marinig 'yon. Gusto ko na lang maginhawaan dito kaysa sa maubusan ng hininga mula sa kapapanood sa kanila.

I swear I didn't come here for this!

Pinanood ko silang mag-pack up ng gamit. Naharangan nga lang ang tingin ko nang may dumaang tatlong varsity ng swimming team. Pare-pareho sila ng suot na attire: slippers, backpack, sweatpants, and a shirt of their choice. Mayroon ding towelette na nakasampay sa katawan.

Pinaningkitan ko pa ng mata ang bag ng isang lalake nang dumaan iyon sa harap ko. Nakalawit ang goggles mula sa bag niya. Napansin ng isang kasama niya kaya pinatigil.

"Kirk, goggles mo nakalawit."

I heard the zipping of the bag before they continued to walk. Natatawang hinampas ng isa gamit ang tuwalya nang papalapit na sa gate.

One of them glanced at me with a smirk on his face before they left the vicinity.

Bumuntong-hininga ako't binalik muli ang tingin sa pwesto ng mga nasayaw kanina. I noticed that only the dog tag guy is left.

Sukbit ang isang strap ng bag habang nakahalukipkip ay nakatitig yata siya sa 'kin. Pinaningkitan ko ng mata ang bulto niya upang makumpirma ang iniisip ko. Hindi ko gaanong maaninag dahil naniningkit ang mata niya habang nakangisi.

"Payong..." I heard him say before he followed his friends.

I let out a sigh. At last! I hope it won't cross my mind every now and then.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakabalik na si Corinthian. Malawak ang ngiti niya habang tumatakbo papunta sa 'kin. Nanlaki ang mata ko nang hinila niya ako patayo upang yumakap.

"Hey! Kalas!" I said while patting his back.

He froze before he removed his arms around me. Napakamot siya sa ulo at ipinakita ang folder. Inilabas niya ang form sa loob. The word "enrolled" with a thick border and red ink is pressed onto the paper.

"Pinayagan ka?" I asked him as I stared at his form.

"Ako pa," mayabang niyang sabi at inakbayan ako. Hindi ko na lang inalis dahil alam kong ibabalik din niya 'yon.

Nakita niya ang pagngiwi ko.

"Bakit? Ayaw mo?" tanong niya.

"Ang bigat kaya ng braso mo! Puro kasi gym," reklamo ko at inilagay na lamang ang kamay niya sa bewang ko.

"Mag-gym ka rin kasi para sabay tayo."

I shook my head. "Nakatatamad kaya. Besides, I'm busy studying, Cori. Ikaw kasi, palibhasa, napakaraming allotted time!"

He gasped dramatically. Naalala ko sa kan'ya si Raf.

"Allotted time!" he repeated and chuckled afterward. "Kung alam mo lang, Brella, kung alam mo lang..."

Natatawa ako nang makarating sa gate. He told me to wait for him dahil imamaniobra lang daw niya ang kotse. Sinabi kong pwede naman akong sumabay pero pinilit niyang mag-hintay na lang ako. Kunyari raw ay valet siya.

Out of boredom, I looked around. Napunta ang tingin ko sa waiting shed at nakitang may nakaupo roon.

A girl with jet-black hair occupied a fourth of the bench. Seryoso siyang nakatitig sa cellphone habang marahas na nagta-tap doon.

Mula sa kalayuan ay may paparating na lalake. Bitbit niya ang skateboard bago inilapag sa gilid. Ang bomber jacket na suot niya ay ipinatong niya sa hita ng babae.

Pinaningkitan ko ng mata ang itsura ng lalake. I think he's the guy named Cloud?

The girl noticed the guy in front of him. Saglit silang nagkaroon ng interaksyon bago umalis ang lalake. The girl stood up from her seat with a jacket in her hand. Hindi siya pinansin ng lalake at patuloy lang sa pag-alis.

Hm? Interesting...

A car honk grabbed my attention. "Brella, what are you waiting for? Sakay na."

I glanced at my front. Nakatigil na pala ang Explorer ni Corinthian.

I climbed inside his SUV and buckled my seatbelt. Nang madaanan namin ang waiting shed ay naglalakad na papaalis do'n ang babae.

"So... how's Trinity University of Pampanga?"

Napangiti ako nang may maalala. "Better."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro