Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

Kabanata 1

Rival

I have always been joining Math contests ever since I am a Kinder 1 student. I found joy in solving Math problems when I first met the importance of numbers and how they affect the world that we live in. My liking towards the subject elevated when I learned about Kumon and when I decided to commit to the regime.

I had my memorable win when I was seven years old, a Grade 1 student. At that time, I didn't realize how Kumon helped me with my understanding of Math. Ang alam ko lang, marami akong nakukuhang stars sa Kumon at matataas ang grades ko. Dumagdag na rin siguro sa kaalaman ko ang pagtingin kay ate kung paano niya sino-solve ang Math problems niya.

I can say that I am a little mature than the kids my age. That's why when the teacher asked for a candidate as a Grade 1 Representative, I raised my hand. Natawa ang kaibigan kong si Rafaela dahil hindi raw niya ma-gets kung bakit ko ginawa 'yon. Natawa na lang din sina Mommy noong kinwento ko sa kanila 'yon. Akala nila nagbibiro ako pero seryoso ako.

I want to try running for it.

Habang tahimik akong nag-sosolve sa clasrom ay dumungaw si Rafaela, may yogurt stick sa bibig. Hirap na hirap niyang hawak ang yogurt drink sa kabilang kamay.

"Bakit may 'x'?" she asked, her eyes on my notebook.

I pouted. "Kasi nakalagay sa equation."

"Ay, bakit?"

Lumalim ang nguso ko. "Raf naman! Nag-aaral ako e..."

"Bakit ka nag-aaral? Wala namang quiz si teacher."

"Nag-seself-study ako!"

"Ha? Anong self-study? Inaaral mo self mo?"

"Hindi."

"Ang turo kaya ni teacher 'yung meaning ng 'study' ay aral! Bakit mali sagot ko? Tama naman e!"

I playfully pushed her away and told her that I'll be answering some exercises. Hindi na siya nagreklamo pa habang bitbit ang iba't ibang yogurt drink.

Habang nag-sosolve ako ng equation ay narinig kong may kinakausap si Rafaela sa likod. Paglingon ko ay nakita ko ang tahimik na bata na nasa dulo.

He looks like a nerd because of his big glasses. Para siyang nanggaling sa cartoon! Tapos ang laki-laki pa ng hawak niyang Math book pero baliktad naman.

Nag-aaral ba siya ng Math? Kahit na baliktad 'yan, feeling ko aagawan niya 'ko! Hindi pwede. Ako lang ang pwedeng maging magaling sa Math dahil naiintindihan ko 'yon!

Kunot ang noo ay iniwan ko ang ginagawa at lumapit sa kan'ya. Nang makarating ako ro'n ay iniinom ni Rafaela ang Chamyto niya habang nakikinig sa sinasabi ng nerd.

"Lalaban ka sa 'kin?" tanong ko sa kan'ya.

Natahimik siya nang magsalita ako ngunit hindi ako pinansin. Namumuo ang inis sa dibdib ko habang hinihintay ang sagot niya pero wala siyang sinabi!

Sumimangot ako at ginagaya ang pag-irap ni ate.

"Ano ba 'yan!" reklamo ko bago bumalik sa pwesto.

Pagkaupo sa pwesto ay narinig ko ang tawa ni Rafaela.

"Bakit ka nandito? 'Di ba siya na new friend mo?" naiinis kong tanong habang kinukuha ang lapis.

"Ha? Friend ko kayong dalawa. Bawal dalawang friends? Classmates lang dapat marami?" Ngumuso siya at kinain muli ang loob ng pink na yogurt stick. "Bad ka ha! Inaaway mo siya. Isusumbong kita kay teacher sasabihin ko bully ka."

Namula ang aking mukha. "Hindi ako bully!"

Hindi naman talaga ako bully, e!

Noong Grade 1 ako, wala akong ibang ginawa kun'di making kay teacher. Palagi akong very good sa bawat klase lalong-lalo na sa Math. Dahil very good ako palagi sa school, naging Best in Mathematics ako. Top 1 din ako noong recognition.

Dahil do'n, tuwang-tuwa sina Mommy kaya binibigyan ako ng reward. Minsan gamit na pang-princess, minsan naman pinagbibigyan ako sa mga gusto kong doll. Hindi naman ako nagrereklamo kasi gusto ko 'yung gift nina Mommy.

Tuwing bakasyon, sumasali ako sa contests. Kapag binabanggit ni Mommy sa 'kin 'yung mga available contests, sinasabi ko na mag-jojoin ako. Pumapayag naman sila kaya marami akong awards kahit na summer. Nag-kuKumon din ako kaya lumalawak ang alam ko sa Mathematics.

Sigurado ako na pagdating ko ng Grade 2, mas advanced na ako sa iba kong classmates!

Habang nagsasagot ako ng assignment galing sa Kumon, lumapit sa 'kin si Daddy. Nakangiti kong ipinakita ang pinauwing seatwork na perfect.

"Daddy, look!" I exclaimed.

Bahagyang sumimangot si Daddy, nag-aalala. "Hindi ba masyado kang nag-aaral d'yan, anak?"

Ngumuso ako. "Gusto ko po 'to, Daddy..."

"Kids your age play outside, Izi. Why won't you?" Nag-aalala ang mata ni Daddy.

Ibinalik ko ang tingin sa worksheet at inalis ang pagkakadikit ng gilid ng papel.

Kung nandito lang si Ate Mikaela, roon ako magso-solve sa kwarto niya! Ayaw kasi ni ate na pumupunta ako ro'n kapag wala siya. Na kina Lola kasi si ate kasi namimiss siya nina Lola. Pinasasama ako nina Daddy pero sabi ko mas gusto kong mag-aral kaysa umuwi sa probinsiya!

Hindi rin naman ako makapag-fofocus do'n, e. Ang kukulit ng ibang mga bata. Ang ingay-ingay.

Lumapit si Mommy at inayos ang pagkatatali ng buhok ko. Nag-thumbs up si Mommy nang ipinakita ko ang 'Very Good' sa worksheet.

"Masyado ka namang nag-aalala sa anak mo, Frank. Let her be. D'yan masaya ang bata."

"I know, Octavia, pero hindi ba siya masosobrahan? Nag-aalala ako para sa anak natin."

My mother smiled. "Our child knows what she's doing. Kapag naman napagod 'yan magsasabi 'yan." Bumaling sa 'kin si Mommy. "'Di ba, anak?"

I nodded. "Opo, Mommy! Okay lang po ako. Gusto ko po 'to!"

Napasimangot si Daddy dahil do'n. Tuluyan na akong nag-solve habang nasa gilid sina Mommy.

-3x+6=5x-2

Ano raw? Ano nga ulit next? Minsan, nakalilimutan ko siya pero kapag ni-rereview ko bumabalik ulit.

"Anak, anong gusto mong kainin mamaya? You want milkshake again?"

Ngumuso ako at binura ang maling solution. Minsan, nahihirapan pa rin ako sa pag-hohold ng pencil lalo na kapag 'yung mataba. Ayaw ko nung jumbo!

"Ano, anak?"

"One..." I tilted my head and wrote the final answer on the last page.

Ngumiti ako. "The answer is one!"

Isinulat ko ang end time at ibinalik ang buong atensyon kina Daddy. Bahagyang malungkot ang mukha ni Daddy habang si Mommy naman ay nakangiti.

"Po?" I asked. May sinasabi yata sina Mommy kanina?

My mother sighed. "Ilang minutes, Izi?"

"Twenty po nakalagay pero finished ko po ng fifteen!"

My mother clapped. "That's good, Izi! But do not stress yourself too much, okay? Pagkatapos n'yan, stop na muna. Okay?"

Tumango ako. "Yes po, Mommy!"

Nang mag-Grade 2 ako, nag-plan ulit ako na tumakbo naman bilang Grade 2 Representative ng SPG Council. Sumali ako sa group ni ate dahil tatakbo siya bilang Vice President.

Nagkaroon din kami ng bagong classmates pero happy pa rin ako at classmate ko pa rin si Rafaela. Ang ayaw ko lang ay classmate ko pa rin ang makulit at madaldal na si Cassian!

"Meron pa ba sa inyo rito na sasali sa election? Tanong ni teacher pagkarating niya.

"Teacher, teacher!" Sumimangot ako nang marinig ang boses ni Cassian. "Ano po 'yung... ano po 'yung Preasurer?"

"Inaalagaan ng mga Treasurer ang pera, Cassian, pero kailangan big boy ka na para maalagaan mo nang maayos," sabi ni teacher.

"Bakit po ang payat-payat ng tatakbong Pressure? Sabi niyo po dapat malaki e 'di dapat si Chelsea 'yon!"

Natawa si teacher sa sagot ni Cassian.

Ngumiwi lang ako kasi ang ingay-ingay talaga niya! Kaya ayaw ko maging classmate si Cassian, e. Ang daldal-daldal at ang ingay-ingay palagi!

"Okay, class! Quiet! Bukod kay Brella, sino rito ang gustong tumakbong Grade 2 Representative?"

"Tatakbo po ako bilang Representative..."

Tumigil ang ingay sa loob nang may magsalita sa likod. Napunta ang tingin ko kay Cassian pero hindi naman siya 'yung nagsalita! Nakatingin pa siya ro'n sa batang nerd na may malaking glasses.

"Hala, hindi pwede 'yung dalawa!" Tumayo si Cassian at nagpunta kay teacher. "Teacher! Teacher! Pwede 'yon po dalawa silang tatakbo?"

"Yes, pwede 'yon." She nodded. "Cassian, go back to your seat."

Nakangusong bumalik sa pwesto si Cassian. Napunta naman ang tingin ko kay payatot. Natandaan ko na siya 'yung may hawak ng baliktad na Math book. Feeling niya ang galing-galing na niya dahil meron siyang napakakapal na libro? P'wes, nagkakamali siya ro'n! Mas magaling ako sa kan'ya kasi naiintindihan ko ang Math at nag-kuKumon ako!

Naiinis ay inalis ko ang tingin sa kan'ya. Nagpakawala ako ng buntong-hininga, pinakakalma ang sarili.

Hindi ako papayag na matatalo niya 'ko!

Dumating ang araw ng company. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang tawag do'n pero nag-prepare ako ng maraming candy. Sabi kasi ni ate, magbigay raw ako ng maraming candy tapos iboboto raw nila ako. Sumunod na lang ako kasi gusto ko magkaroon ng maraming boto.

Habang hinihintay namin ang turn na magsalita sa mga estudyante ay hindi ko maiwasang kamutin ang noo. Ang kati-kati kasi ng nakalagay sa ulo ko! Nakapaikot siya sa noo hanggang sa likod tapos may nakalagay pa ng pangalan ng group ni ate.

"Ayaw mo maging muse? Magaling ka raw mag-model tapos sumasali ka sa beauty contests," sabi ng running for President ng group.

Umiling ako. "Ayaw ko po! Gusto ko po maging Representative lang."

She nodded. "Okay, sige."

Pagkatapos namin mag-usap ni Miss President ay dumaan 'yung nerd na payat kong kaklase. May hawak siyang papel tapos may nakabalot din sa katawan niya. Nakalagay roon 'yung pangalan ng group nila kaya hindi ko maiwasang mainis.

Grabe! Tumakbo talaga siya! Gustong-gusto akong kalabanin, ha?

Hindi naman siguro ako papaluin ni teacher kung aawayin ko nang kaonti si payatot na nerd. Umalis ako mula sa linya at hinarangan ang daan niya.

Napunta ang tingin niya sa 'kin.

"Gaya-gaya ka," iritable kong sabi sa kan'ya. Tiningnan lang niya ako.

Magsasalita pa sana ako pero dumaan si Cassian! Lalo tuloy akong nairita. Sure ako na mag-iingay na naman itong pinsan ni Rafaela.

Tumigil si Cassian sa harapan ko at suminghap. "Teacher o! Si Brella nambubully!"

Ngumiwi ako at sinamaan siya ng tingin. "Hindi kaya! Ikaw kaya nambubully! Isusumbong talaga kita kay tita!"

Alam ko namang nang-aasar lang si Cassian pero naiinis talaga ako!

Pinigilan ko ang sariling umiyak sa pamamagitan ng pagtikom ng bibig. Hindi ako iiyak dahil kailangan kong mag-focus sa company ko ngayon. Mas importante 'yon para hindi lang ako very good sa ka-group ko, kun'di pati na rin kina Mommy.

"Pwede pong dumaan?"

Mula sa flyers na hawak ay napunta ang tingin ko kay nerd. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at pinadaan. Sinundan ko siya ng tingin nang pumasok sila sa isang classroom.

Hmp! Mananalo ako dahil mas magaling ako kaysa sa 'yo!

Sa mga nagdaang araw, wala kaming ibang nagawa kun'di mag-company. Ang dami ko na ngang pinamimigay na candies kaya paniguradong-panigurado na mananalo ako rito.

Nanalo na ako last year, e! Bakit hindi ako mananalo ngayon? At tsaka, mas kilala ako kaysa sa payatot na 'yan!

Dahil hindi ako maka-aattend sa araw ng botohan dahil may fashion show ako, pinaboto na ako ni teacher. Sa parehong araw din daw malalaman kung sino ang panalo, kaya pagkatapos kong rumampa ay excited ako nang umuwi sa bahay.

Nang makarating ako sa living room ay nakita kong nakasuksok ang mukha ni Ate Mika sa dibdib ni Mommy. Nagtataka akong lumapit habang sinisipsip ang milkshake. Pagkalapit ko ay narinig ko ang pag-iyak ni ate.

Bakit siya umiiyak? Siguro nanalo si ate! S'yempre naniniwala ako ro'n kasi ang galing-galing kaya niya. President siya ng section nila tapos panalo rin sa mga Math contests. Kilalang-kilala rin siya sa school tapos famous pa!

"Natalo po ako..."

Kinunutan ko ng noo si ate nang hindi gaanong maintindihan ang sinabi niya. Iniabot ko sa kan'ya ang milkshake ko pero tiningnan lang niya bago umiling.

I tugged at my father who wore his doctor's coat. Nag-frown sa 'kin si Daddy bago i-pat ang ulo ko.

"Hala, Daddy?" nagtataka kong tanong.

There is a sad smile on my father's face. Bakit malungkot si Daddy kung panalo si ate?

"Panalo po si ate kaya siya umiiyak?"

My mother shook her head. "Hindi anak. Natalo siya ng kaklase niya."

Hala! Ang sad naman no'n.

Ngumuso ako. "E ako po? Panalo po ba ako?"

The sorry eyes on my parents' face told me the answer. "Hindi, anak."

Bigla akong nakaramdam ng inis. Pinigilan ko ang maiyak kahit na sobra-sobra ang nararamdaman ko.

"E sino po?"

Hinaplos ni Mommy ang likod ko. "Classmate mo, si Elliot Genesis."

Parang gusto kong ibuhos ang hawak na milkshake sa kan'ya.

Bwisit siya! Bwisit siya! Napaka-gaya-gaya niya! Isusumbong ko siya kay teacher!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro