Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Thirteen

~Thirteen~

"Hey! Sleepyhead! wake up! It's your day" Baekhyun groaned. Tinakpan niya ng unan ang tenga niya at bumalik sa pagtulog habang si kyungsoo naman patuloy ang pagsigaw sa labas ng kwarto niya. Narinig pa niya ang mga boses ni luhan, seulgi at chittaphon.

"Bakla! kapag hindi ka pa tumayo diyan, gigibain ko na 'tong pinto mo!" Hindi siya nakinig. pagod siya at gusto pa niyang matulog. Wala na siyang pakialam kung sirain pa nila ang pinto niya.

"No, Go away!" Medyo basag na boses na sabi niya. Mas nainis si luhan kaya pinakuha agad niya kay kyungsoo ang susi ng pinto ni baekhyun. 

Nang maibigay na ang susi sa kanya ay agad niyang binuksan ang pinto at nakita si baekhyun na nakahiga pa rin sa kama nito. Lumapit siya dito at pinipilit na alisin sa mukha nito ang unan pero pinipigilan siya nito.

"Bumangon ka na dyan Byun Baekhyun! I swear to god kapag hindi ka pa tumayo diyan tatawagin ko si---"

"Okay! okay! tatayo na! You're so annoying!" Inalis nito ang unan sa mukha nito at bumangon. Nandidiri naman si luhan sa itsura ni baekhyun.. Magulo ang buhok, May malaking Eyebags at namumula ang mga mata.

"You look like sht" comment ni luhan sa itsura ng kaibigan. 

"I Know.." Sagot lang ni baekhyun kay luhan pagkatapos ay pumunta sa banyo niya. Then there he saw himself at the mirror.. Ang pangit pangit na daw niya,  ilang araw na siyang walang tulog dahil sa nangyari sa kanila ni chanyeol. 

Minsan nga ay tinawag niya ito para kamustahin, mukhang pinanindigan nito ang sinabi nito. Mukha ngang sila na din ni mabel dahil narinig pa niya ang boses nito noong tumawag siya, Nainis siya noong araw na iyon kaya agad siyang nagpaalam kay chanyeol,  pagkatapos ay pumunta siya sa unit nito para ibalik kay chanyeol ang singsing na ibinigay nito sa kanya.

Binuksan niya ang bathroom sink ng banyo niya at naghilamos. Kahit papaano kumalma siya dahil doon. Nang matapos siya ay lumabas na siya, Nakita pa niyang nakatambay si luhan sa loob ng kwarto niya.

"Hindi mo ba ikukwento sa akin ang nangyari?" tanong nito sa kanya, lumapit siya naman siya dito.

"I Don't want to talk about it.."

"Kung magmamatigas ka pa rin dahil mas matanda ka sa kanya mas mabuti pang wag ka nang magmukmok diyan. Matanda ka na baekhyun, wag kang mag-inarte.." He glared at his friend, Yeah, right.. nakakatulong nga siya.

"Alam mo tama nga ang kwento ni tita.. Ang tanga mo..."

"Luhan, ayokong sabihan siya ng masama ng ibang tao, ayokong may mawala sa kanya, kaibigan, reputation. Ayokong sabihin ng iba na pumapatol siya sa matatanda." Binatukan siya bigla ni luhan na ikinagulat niya. 

"Teka! bakit mo ba ako binatukan?!"

"Kung nasa posisyon ko si kyungsoo ngayon pati siya binatukan ka.. Sa tingin mo may pakialam si chanyeol sa sasabihin ng iba?"  Iritang sabi ni luhan, kaunti na lang kasi sabunutan na siya ng kaibigan.

"Ewan, ayokong insultuhin si chanyeol, bata pa lang siya inaalagaan ko na siya, ayokong may manakit sa kanya.. I'm always be his caring brother.." Sabi niya, napailing na lang si luhan at tumayo sa kama niya. Ang hirap intindihin ni baekhyun-- no.. mahirap umintindi si baekhyun. Wala naman magawa si luhan. Kung yan ang gusto ni baekhyun ay hindi naman niya ito mapipilit.

"Let's go downstairs, Naghahanda na sila sa birthday mo. Magpaparty tayo later so please... Kalimutan mo muna yan okay? Mas mabuti pang tulungan mo na lang kaming mag-ayos" sabi nito sa kanya sabay tapik sa likod niya, he chuckled then sumunod na kay luhan pababa.

---

Dumating si kris sa bahay ng mga byun sa eksaktong oras pero hindi si kris ang hinihintay niya. Patuloy pa rin ang pagtingin niya sa pinto nila at patuloy din sa pag haba ang leeg niya. Hanggang ngayon kasi ay wala pa si chanyeol, alam niyang darating ito kaya hindi siya nag iisip ng negative thoughts.

Ilang sandali pa lamang ay nagdoor bell ang pinto kaya agad siyang napalingon sa pinto. Dali dali naman pumunta si papa byun na pumunta sa pinto para buksan ito at nakita niya ang taong kanina pa niya gustong makita at wait..... Makasama pa pala itong babae..

nagbow ang dalawa kay papa byun at lumapit na sa kanila.

"Happy Birthday hyung..." Bati nito at inabot sa kanya ang regalo.. Medyo napangiti siya dahil kahit ibinalik niya yung talagang regalo sa kanya ni chanyeol ay nagbigay pa rin ito ng isa pang regalo sa kanya..

"oo nga pala, Ininvite ko na din si mabel, gusto ka niya din kasi batiin.. okay lang ba?" Tahimik siyang tumango.

"Happy Birthday Oppa!" Sabi ni mabel at niyakap siya. Binati naman ni kris si chanyeol, pero ngumiti lang ito at pumunta kay mama byun kasama si mabel.

"Are you okay?" tanong sa kanya ni kris. Hindi na siya sumagot at tumango na lang. Ayaw niyang makita yung dalawa, maiinis lang siya lalo.

-

"Hoy! Earth to baekhyun! Nakikinig ka ba?" nawala ang pagkatulala niya at lumingon kay luhan. Nasa isang private bar sila at umiinom. Nagulat pa nga si luhan nang magyaya siya, Hindi naman kasi talaga siya mahilig sa alak.

"Ha? you were saying?" luhan rolled his eyes pagkatapos ay straight na ininom ang vodka martini niya.

"Siya nanaman ba ang dahilan kung bakit ka nagyayang uminom? Hindi ka naman talaga kasi umiinom hindi ba?" hindi siya sumagot at uminom din. Gusto lang niyang makalimot.

Madalas na kasi niyang makitang magkasama si mabel at chanyeol, Doon siya tinatamaan ng selos, kahit anong pigil niya sa sarili niyang hindi magselos wala pa rin.

Nakailang inom na siya at ramdam na niya anh hilo, ihahatid sana siya ni luhan pauwi pero tumanggi na siya at sinabing kaya niya. Kaya kahit labag sa loob ni luhan ay nauna na siyang umuwi.

---

Nakarinig ng malakas na katok si chanyeol, nagtataka kung sino ang bibisita sa kanya ng ganoong ka-late.

Pumunta siya sa pinto at agad itong binuksan. Nakakita niya ang pabagsak na si baekhyun kaya mabilis niya itong sinalo.

"Hiiiii, chanyuur!" tumatawa nitong bati sa kanya.. Nagtaka siya sa ikinikilos nito at may kakaibang naamoy dito.

"Are you drunk?" tanong niya, tumigil ito sa kakatawa ng ilang segundo pagkatapos ay tumawa ulit.

"Hindi aahh! Kaunti lang..." sabi niya at naghand gesture ng kaunti.. napailing si chanyeol, kailan pa daw natutong uminom si baekhyun.

"Okay, tatawagin ko si tita para sunduin k---"

"NO!" nagulat siya sa pagsigaw nito at nakahawak sa wrist niya para pigilan siya. 

Bumitaw ito sa pagkakahawak sa wrist niya at nagtip toe para yakapin siya ng mahigpit.

"Yeol.." Paiyak na tono na sabi nito... Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung paano pakakalmahin si baekhyun.

"Yeol.. Namissed na kita..." Mas yumakap pa ito ng mahigpit sa kanya, para bang ayaw siyang pakawalan.

Malungkot na ngumiti si chanyeol at yumakap sa nakatatanda..

Hinalikan niya ito sa ulo nito..

Nag angat naman ng tingin si baekhyun at nakita ni chanyeol na umiiyak ito. Hindi niya alam kung bakit umiiyak si baekhyun pero nasasaktan siya sa tuwing nakikita itong nasasaktan.

He leaned in then kissed his hyung on the lips..

----

(Di pa po natatapos ang scene na ito... next chap. may porn po hahaha)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro