Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ten

~Ten~

Late na bumisita si chanyeol sa bahay ng mga byuns para sunduin si baek. Gusto niyang bumawi dahil agad siyang umalis noong isang araw at hindi man lang niya natikman ang luto nito. 

"Saan tayo pupunta?" tanong ng nakatatanda sa kanya. Ngumiti siya at pinagbuksan ng pinto ng kotse si baek. 

"Sa Unit ko, ipagluluto mo ako hindi ba?" he smiled playfully, baekhyun scrunched his nose.

"Sinong may sabi sa iyo? Wala akong ipinangakong ipagluluto kita.." sabi pabalik ni baek na ikinasimangot ng higante.

"Sige na baek! Hindi ko natikman yung niluto mo noong isang araw" he whined ,  at sa tingin ni baek ang isip bata ni chanyeol.

"Kasalanan mo 'yon. Umalis ka at pinuntahan mo yung mabel.." sabi niya, bigla naman napangising aso si chanyeol sa narinig.

"Nagseselos ka ba?" nagdugtong ang mga kilay ni baek sa sinabi nito, magseselos? WTF?!

"At bakit naman ako mag seselos sa isang bata?"aniya, nawala nanaman ang ngiti sa mukha ni chanyeol.

"Sabi ko nga, bakit ka nga naman mag seselos sa isang bata" anito at isinara na ang pinto ng kotse pagkatapos ay pumunta ito sa driver's seat, biglang naguilty si baek sa nasabi niya kahit hindi naman siya dapat maguilty.

Nang makapasok na ito sa kotse ay nagsalita siya.

"Sorry, Ipagluluto na kita yeol.." ngumiti ito ng malungkot at dahil doon ay nakaramdam siya ng kurot sa puso niya.

"Bakit ka nagsosorry hyung? wala ka naman kasalanan eh.. Tara na.." sabi nito at pinaandar na ang kotse.

---

"Hyung, japchae ulit ang lutuin mo ah. Nakabili na ako ng ingredients eh." sigaw ni yeol mula sa kwarto niya, agad naman pumunta sa kusina si baek para silipin ang loob ng ref. nito.

Inilabas lahat niya ang mga gagamitin at ingredients at sinimulan nang lutuin ang japchae. Pumasok na si chanyeol sa kusina at tinitigan lang si baek habang nagluluto.

"Grabe kang makatitig ah." sabi niya na nakafocus sa pagluluto. Napangiti at napailing si chanyeol , tumayo ito at lumapit sa kanya.

"Sa niluluto mo ako nakatitig no. Gutom na ako eh" anito at tumingin din sa japchae. Napailing si baekhyun at inilagay na ang pagkain sa plato na nasa tabi ni yeol.

"Ang bango .."

"syempre specialt---" natigilan si baekhyun sa pagsasalita nang mapatingala siya at narealize niyang sobrang lapit ng mga mukha nila.

Nabato si baek sa kinatatayuan niya at napatitig sa mga mata ni chanyeol, gusto niyang umiwas pero hindi iyon ang sinasabi ng utak niya, naguguluhan na siya...

Natataranta siya, hindi niya alam ang gagawin niya kaya nanatili siyang nakatayo at nakatitig sa higante.

Chanyeol slowly leaned himself, kaunti na lang at magkakalapat na ang mga labi nila nang..

Magring ang doorbell ng unit ni yeol. Natigilan si yeol at napalingon.

"A-aahhh B-bu-buksan mo na,b-baka importante." nauutal niyang sabi kay chanyeol, ngumiti ito sa kanya at pumunta na sa pinto.

Dahan dahan siyang napasandal sa kitchen counter at mahigpit na napahawak sa dibdib niya, ang lakas ng tibok ng puso niya at sa tingin niya pulang pula na ang mukha niya.

Umalis siya sa pagkakasandal at inilagay na ang pagkain sa dining table ni yeol pagkatapos ay pumunta na din sa pinto para tignan kung sino ang bisita ni yeol.

Halos manlaki ang mga mata niya nang makitang nakayakap ang isang babae kay chanyeol. Napansin naman siya ng babae at kumalas sa pagkakayakap nila. The girl looks so pale and exhausted.

"Yeollie, may bisita ka pala.." anito at ngumiti sa kanya, medyo napangiti din siya dito. Lumingon si chanyeol sa kanya, kita dito ang blankong expression nito.

"Ahh, mabel.. Siya nga pala si Byun Baekhyun, Baek, si Yuan mabel" nagulat pa si mabel nang malaman si baekhyun iyon. Lumapit si mabel kay baek at nakipagshake hands dito.

"nice to meet you baekhyun oppa" nakangiti pa rin ito sa kanya, walang halong kaplastikan.

---

"ang sarap naman nito? ikaw ba ang nagluto oppa?" tanong ni mabel sa kanya. Ngumiti siya at dahan dahang tumango.

Ang awkward nilang lahat, wala kasi ni isa sa kanila ang nag-iinitiate ng conversation. Pati nga si baekhyun nagulat nang makita na niya sa wakas si mabel.

Ang ganda daw ni mabel at bagay sila ni chanyeol.

Nang maisip niya iyon ay bakit ang sakit? di siya dapat makaramdam ng ganito.

Pagkatapos nilang kumain ay siya na ang nag-insist na mag hugas ng plato, gustong tumulong ni chanyeol kaso pinigilan niya ito at sinabing asikasuhin na lang si mabel.

Maraming pumapasok sa utak ni baek ngayon, ano nga ba ang ginagawa ni mabel sa unit ni yeol? hanggang mamaya ba siya dito? at higit sa lahat , ano ba talaga si mabel sa buhay ni chanyeol?

Nang maitabi na niya lahat ng hinugas niya ay lumabas na siya sa kusina at papalapit na sa sala nang makarinig siya ng boses.

"Lumayas ka nanaman ba sa tita mo?"  Alam niyang hindi siya dapat mageavesdrop pero curious na curious na siya. Hindi niya mapigilang hindi alamin ang lahat.

"they don't like me, so i have to stay away from them. Please let me stay yeol. I have no where to go. Ikaw na lang ang mayroon ako." Naririnig niyang umiiyak na sabi ni mabel. Sumilip siya at nakita na nakayakap na si mabel kay chanyeol.

Halos sumikip ang dibdib niya sa nakita niya, at ayaw niya ang pakiramdam na iyon. Ayaw niyang aminin sa sarili niyang nasasaktan siya.

"Okay, just stay for a while.. Go to my room and sleep, you need some rest. Dito na lang ulit ako sa couch." tumango si mabel at hinatid na siya ni chanyeol sa kwarto.

Papunta na sana si chanyeol sa kusina para puntahan si baek nang makita niya itong nakatulala sa gilid, at alam niya...

Alam ni chanyeol na narinig sila ni baekhyun.

"Chanyeol. Sino ba talaga si mabel?" tanong niya kay chanyeol. Napaupo ito sa couch at tumingin sa kanya.

"Mabel is my friend ever since  tumira ako sa states.. Sabay kaming lumaki, pero simula nang mamatay ang parents niya sa isang aksidente mag isa na lang aiya sa buhay niya, noong panahon na iyon, wala siyang makapitan kung hindi ako lang. Hindi ako umalis sa tabi niya at inalagaan siya." kwento sa kanya ni chanyeol, mukhang malungkot nga ang buhay ni mabel.

"One week ago, pinauwi siya dito sa bansa dahil ang tita na niya ang mag aalaga sa kanya pero mukhang nagkaproblema siya sa pamilya ng tita niya kaya naglayas siya at ako ang pinuntahan niya." dagdag pa nito.  Ngayon naiintindihan na niya ang sinabi ni mabel na si chanyeol lang ang mayroon siya.

"I want to tell her na hindi habang buhay siya kakapit sa akin dahil may pamilya pa rin siya. Pero ayaw ko siyang saktan, Hindi ko pa siya pwedeng iwan hangga't hindi pa siya bumibitaw sa akin." and because of that may narealize si baekhyun.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro