Four
~four~
15 years later
"Hyung! Mauna na ako! hinihintay na ako ni junmyeon sa labas!" sigaw ni kyungsoo mula sa sala, sumilip si baekhyun sa kapatid niya at nagthumbs up. Ngumiti ito sa kanya at tuluyan nang umalis ng bahay. Napatingin siya sa wall clock ng bahay nila, tutal wala naman daw siyang pasok sa work ay lalabas na lang siya at pupunta ng mall. matagal tagal na rin kasi noong huli siyang pumasyal.
Lumabas siya mula sa kusina at umupo sa couch nila, nagawi naman ang mga mata niya sa isang picture frame na nasa maliit na mesa sa tabi ng couch. Kinuha niya ito at tinitigan. May isang matabang bata na kasama siya at si kyungsoo sa picture. Napangiti siya nang maalala ang batang iyon.
Ang Childhood friend ng kapatid niya si chanyeol. Matagal na din noong huli niya itong nakita. Sa sobrang tagal na, hindi na niya maalala kung paano nila napilit ang bata na sumama papunta sa states. Ang naaalala lang niya ay madalas niya itong turuan at ibabysit noong bata pa sila.
'Kamusta na kaya siya?'
Naisip niya ang mga nangyari noon. Yung time na medyo bata pa siya. nakakamiss daw yung mga memories noong kabataan niya. After kasi ng break up nila ni kris, Sinubukan niyang makipag commitment sa iba, lalaki man o babae. Wala naman problema kay mr. and mrs. byun kung Bisexual ang anak nila, tanggap naman nila iyon, basta wag lang daw siya gagawa ng masama.
at ngayon 33 years old na siya, single na single. Nagsawa na rin siyang makipagrelasyon, alam niya walang halong pagmamahal ang relationship niya sa kanilang lahat, lahat ng iyon flings o di kaya sadyang trip lang niya.
Nag ring ang phone niya, tinignan niya ito at binasa ang isang text message.
From: Lulu-Ha ka lang sa kanya.. 💔
Bakla! Get your ass off the couch at pumunta ka sa Ex'act Mall! Nandito kami ni Chittaphon at Seulgi, Magsasight seeing kami! Daliiii!
He sighed, Mahirap kapag ang bestfriend mo maharot.
Nagbihis na siya at dali daling pumunta sa mall, nakita niya ang mga ito sa tabi ng fountain mall at nagtititili. Natigilan siya, Magkukunwari na lang siyang hindi niya ito kilala at pupuslit. Nakakahiya kasi yung tatlo. Paalis na sana siya kaso bigla siya nakita ng mga ito.
"Baekla!! Nandito kami! Yoohoo!"
"Baekkie!!!!! "
"Halika dito! Loka ka! May balak ka pang iwan kami ah!"
Napakamot siya sa ulo niya, Sana naman hindi maging disaster ang ang araw niya.
Umupo siya sa tabi ng mga ito at tumingin lang sa paligid, naglalaro kasi ng dare game yung tatlo, para bang katulad ng crazy trios sa TBYD. Di niya kailangang humarot sa ngayon, hindi na siya teenager para sa ganoong laro, ang immature daw.
"Eto ang Dare chittaphon, Kunin mo ang name and number ng unang guy na makikita mong nakawhite beanie" panghahamon ni seulgi sa kanya. Tumayo si ten at humarap sa kanila, ang laki pa ng ngisi.
"Iyon lang? So easy..." anito at nagmasid na. Ilang minuto ang nakalipas nang may lalaking nakita si luhan na nakawhite beanie, tinuro nito ang lalaki kay ten at dali dali naman itong lumapit.
Napailing si baek, hindi na talaga magbabago ang tatlong 'to.
Tinignan lang nila si ten na makipag usap sa lalaki, noong una malaki ang ngiti nito pero hindi nag tagal napansin nilang nagbago ang timpla ng itsura nito.
Ilang sandali pa lang ay umalis ito at bumalik sa kanilang tatlo. Umupo sa gitna ni luhan at seulgi, wearing his annoyed face.
"Anong nangyari?! Ano?" Kulit ni seulgi kay ten sabay yugyog dito. Nagpipigil naman ng tawa si luhan samantalang siya?
Walang paki sa tatlo.
"Akala mo kung sino yung lalaking yun, di naman kagwapuhan." Sabi ni ten.
"Pft ! Bakit ano ba sinabi?"
"Bakit daw niya ibibigay sa akin ang pangalan at number niya? Hindi naman daw niya ako type." Biglang nanggigil si chittaphon nang maalala ang nangyari.
Bigla naman sumabog kakatawa si luhan, samantalang si seulgi, pinipilit isalba ang ego ni ten. Oo nga, tunay nga silang kaibigan.
Dahan dahan siyang napaface palm at tumayo. Mamaya nyan ay madamay pa siya sa kalokohan ng tatlo kaya aalis na lang siya.
Humarap siya sa tatlo, napansin naman siya ng mga ito.
"Alis na ako, sa totoo lang hindi ako pumunta dito para humanap ng lalaki, nandito ako para mamili" iritang sabi niya. Tumayo din si luhan at tinapik ang balikat ni baekhyun, sanay na sila sa mood swings ni baek kaya don't worry.
"Okay, makakapagshopping ka ng maayos... Sa isang kondisyon.." nakangising aso na sabi ni luhan, mas lalo siya nairita. Sarap daw sabunutin ni luhan.
"What is it?" Tumingin ito sa paligid at natigilan pagkatapos ay napangiti, nagtaka naman si baekhyun sa reaksyon nito.
"Do the same dare na ibinigay namin kay chittaphon, pero sa lalaking yun. Just ask for his number, hindi mo naman kailangan malaman ang name niya. " Sabi ni luhan at tinuro ang lalaking may malaking tenga at matangkad na may headphones na naka-kabit sa leeg nito. Napalunok si baek dahil ang gwapo daw.
Mas lalong lumaki ang ngisi ni luhan sa reaksyon ni baek.
"Are you backing out now? Magsestay ka or you will accept my dare? Make your choice." Baekhyun's eyebrows furrowed. Habang yung dalawa sa gilid, ramdam ang tension sa dalawang ito.
"You're really a btch, Luhan." Aniya at naglakad na papalapit sa lalaki. Narinig pa niyang nagThank you si luhan sa kaniya.
Kinalabit niya ang lalaki, dahan dahan naman itong lumingon sa kanya. Nakita pa niya na gulat na gulat ito, magsasalita na sana ang lalaki nang inunahan niya ito.
"Hello. Uhmm, Can i get your number?" As easy as that. Wala nang pali-paliwanag basta straightforward nang matapos na ang dare niya.
Unti unting nag iba ang expression nito, kung kanina ay shocked , ngayon naman ay nakangisi na parang manyak. Kinilabutan si baek.
"You like me right? I like you too babe" kumunot ang noo ni baek.
"No, just give me your godd*mn number.. i want to go now." Annoyed na sabi niya, lumingon siya kay luhan. Tumatawa na ang bruha.
"Feisty huh? I like that, you're still the same " sabi nito na lalong ipinagtaka ni baek.
"I don't know you twit.. for your information, im just doing this because of that stupid dare and it fvcking annoys me ,okay?!" Sumabog na siya sa sobrang inis. Natawa lang ang lalaki sa kanya, kumuha ito ng papel at lapis at may isinulat dito, pagkatapos ay inabot sa kanya.
"Hyung! Tara na! Tawag na tayo ni Kai hyung!" Sigaw ng isang binata, tumango ang lalaki at humarap ulit sa kanya.
"So? Una na ako. Call me okay? Bye, baekhyun!" Anito at tumakbo na. Magsasalita na sana siya kung paano nito nalaman ang pangalan niya pero nakaalis na ito.
'So weird and creepy'
Hindi na niya pinansin iyon kahit na iniisip niyang iluminati ang higanteng iyon.
Lumapit na siya kay luhan at mahinang tinapik ang mukha ng kaibigan.
"Oh yung number.." aniya at bumitaw dito. Pagkatapos ay umalis na.
Napahawak sa pisngi si luhan, nandoon ang number ng lalaki kanina.
Im Back hyung... xoxo call me.
-09*********
Medyo natawa pa siya sa inasta nito at the same time nagtaka din sa sinulat ng lalaki sa papel. Hindi na niya sinabi ito kay baek at itinago ang papel sa bulsa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro