Five
~Five~
After ng class ni kyungsoo ay pumunta siya sa Mall, nauna nang umuwi si suho dahil may gagawin pa ito.
Pumasok siya sa isang bookstore para bumili ng novel ni john green, ang tagal na niyang hindi nakakapagbasa ng libro at buti na nga lang daw ay naka-ipon siya ng pera para makabili ng bagong libro. Pumunta siya sa novel section at nagsimulang pumili kung anong babasahin niya.
"Paper Towns o Looking for Alaska?" Bulong niya habang nakatitig sa dalawang libro. Ilang sandali pa lamang ay may kumuha ng paper towns at inabot sa kanya. Lumingon siya at nakakita ng matangkad na lalaki, mukhang pamilyar ito.
"Try this one. Mas maganda iyan" anito at ngumiti. Kumunot ang noo niya, pamilyar talaga ito. Tinanggap niya ang libro mula sa lalaki at nagbow para magpasalamat.
Natawa ito sa ginawa niya. Mas lalo siyang nagtaka sa ikinikilos nito.
"You're soo creepy." Sabi niya sa lalaki at tinitigan ito ng masama. Nagshrug ito.
"Hindi ka pa rin nagbabago soo. Hindi ko talaga malaman kung anong nagustuhan sa iyo ni jongin hyung.." unti unting nawala ang kunot ng noo niya at doon niya nakilala ang lalaki sa harapan niya. Kaya pala pamilyar ito, kaya pala alam nito ang pangalan niya.
"Ch-chanyeol?" Nanlalaki ang mga mata na sabi niya, tumawa ito at tinap ang ulo niya.
"Ang liit liit mo, umiinom ka naman ng gatas dati, hindi ba?" Asar nito sa kanya. Natawa siya at hinampas ang braso nito.
---
Nagring ang doorbell ng bahay ng mga byun. Napalingon si baekhyun sa pinto at Sumigaw si mama byun mula sa kusina.
"Baekkie! Ikaw na ang magbukas ng pinto nagluluto ako!" Nag-'okay' siya at tumayo sa couch pagkatapos ay pinatay ang TV. Naglakad siya papunta sa pinto at binuksan ito.
Ilang segundo din siyang natigilan at tinignan ng masama ang lalaking nakangiti sa harapan niya. Ito yung lalaking hiningan niya ng number. Nginitian din niya ito at pabalibag na isinara ang pinto ng bahay nila.
Nagdoorbell ulit ang lalaki pero hindi niya ito pinansin at naglakad pabalik sa couch.
Nakuha pa daw siyang istalk ng lalaking iyon, naiinis siya. Feeling niya talaga manyak ang lalaking 'yun. Ang creepy, eh kung tumawag na kaya siya sa pulis.
Habang naglalakad ay nadaanan siya ni kyungsoo at tinanong siya.
"Sino yun?" Nagshrug siya at tinignan ang kapatid na buksan ang pinto. Nagtaka siya dahil nakangiti ito sa lalaki at ang worst ay pinapasok niya ito sa bahay. Napanganga siya sa ginawa ng kapatid.
Hindi siya pinansin ng mga ito at pumunta sa sala. Lumabas naman bigla si mama byun mula sa kusina at natuwa nang makita ang lalaki.
"Hon! Hon! Nandito na siya! Oh my god!" Sigaw ni mama byun, bumaba naman mula sa second floor si papa byun at napangiti din. Naguguluhan na siya, anong nangyayari?!
Lumapit ang mag asawa sa lalaki at niyakap ito.
"Ang laki laki mo na! Parang kailan lang noong huli ka naming nakita" sabi naman ni papa byun pagkatapos ay umupo silang lahat sa couch, habang siya naiwan na nakatayo at clueless.
"Oh, anak bakit nandyan ka? Hindi ka ba natutuwa na bumalik na si chanyeol?" Tanong ng mama niya. Isang minuto din ang itinagal bago niya maabsorb ang sinabi ni mama byun. Dahan dahan siyang napalingon sa lalaking nakaupo at nakangisi sa may couch.
"No way.." aniya. Lahat sila nagtataka sa ikinilos ni baek. Tumayo si yeol sa couch at lumapit ka baekhyun.
"Yes way.. and i came back because we're getting married.." Nakangising asong sabi nito.
Baekhyun gulped.... very hard....
And what?
Sinong ikakasal?
Sila?
'Fvck!'
Ngayon naalala na niya, naalala na niya kung paano niya napilit na umalis ito ng bansa.
---
"Stop following me.. i told you hindi kita kilala" sabi ni baek sa lalaki nang makalabas sila ng bahay. Oo, ayaw niya pa rin maniwala na si chanyeol ang lalaking nakausap niya sa mall, imposible daw na maging si chanyeol ito.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo hyung? Ako nga si Park Chanyeol. I am that kid 15 years ago! I.AM.YOUR.FIANCE!" tumigil si baek sa paglalakad at sinamaan ng tingin si chanyeol.
"The Fvck are you saying? Anong fiance? Ano bang sinasabi mo?" aniya at tumingin sa ibang direksyon.
Naalala niya bigla ang katangahan niya 15 years ago, hindi niya ineexpect na seseryosohin ito ni chanyeol dahil bata pa ito at alam niya na makakalimutan nito ang tungkol sa promise na iyon kapag tumanda na siya. Yun ang akala niya at ngayon hindi na siya makatakas sa sitwasyon na ito.
"You know what i mean byun baekhyun" nakatitig na sabi ni chanyeol sa kanya. Nainis siya lalo at naglakad muli.
Hinawakan naman ni chanyeol ang wrist niya at hinila siya pabalik. Mas lalo niya ito tinitigan ng masama.
"AAHH! Basta hindi ko alam yang sinasabi mo! At hindi ikaw si chanyeol, si bebe chanyeol namin mataba at inosente. There's no way na ikaw siya dahil manyak ka at... at...." napatitig siya sa katawan nito pero agad naman siyang nakarecover at tumingin kay chanyeol, Hinihintay naman siya nito na ituloy ang sinasabi niya pero umiling na lang siya at sinabing kalimutan na ang sinabi niya.
"Hindi ako manyak sa iba, sa iyo lang and people do change baekhyun hyung.." sabi nito. Kumunot ang noo niya, mukhang tuluyan nang naconvert ni jongin si chanyeol at problema iyon.
"Oo na ikaw na si chanyeol. Pero hindi mo ako fiance. Last time na chineck ko ang status ko single pa ako tapos ngayon magugulat na lang ako na may fiance ako?" Aniya, pero hindi siya pinansin ni chanyeo dahil nagtatype ito sa phone.
"I'll pick you up tomorrow ,10 am so be ready.. Mauna na ako hyung , susunduin ko lang jungkook, uhh, kapatid ko."sabi nito. Tumango siya.
Nagulat naman siya nang halikan siya nito sa pisngi. Sesermunan na niya sana ito nang makaalis na ito. Napabuntong hininga siya at pumasok na ng bahay.
"Oh ano? Nagpropose na?" Asar ni kyungsoo sa kanya at syempre effective.
Baekhyun deadpanned at umakyat papunta sa kwarto niya, leaving his brother laughing his ass out.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro