Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Fifteen

~Fifteen~

"Ano nang plano mo?" kyungsoo asked him. Actually hindi din niya alam, maybe he'll sort this out before making a move.

Pero do you think tama lang ang ginawa niya? i mean, hindi ba sa mga cliche romance fictions, once na marealize ng bida ang feelings niya ay aamin siya and in the end, happy ending ang kalalabasan.

Iba din kasi ang sitwasyon nila, may tao pa rin na hanggang ngayon kumakapit pa rin sa taong dumamay sa kanya noong panahon na nahihirapan sila, nagiging attach sila then mahirap nang bumitaw.

at si mabel iyon..

maybe mas magandang kausapin niya ito ng maayos, pagkatapos ay kausapin si chanyeol tungkol sa nararamdaman niya.

Malay natin maganda ang kalabasan?

"Kakausapin ko si mabel" simpleng sagot niya at nagtype sa phone niya, Kinuha niya noong isang araw yung number ni mabel kung sakaling kailanganin niya.

"sa tingin ko mahirap kumbinsihin si mabel, hyung.."

"pumayag man siya o hindi, hindi habang buhay siyang kakapit kay yeol." sabi niya sabay kuha ng coat niya sa sofa at naglakad na palabas ng bahay.

"soo, paki sabi kay ma na may pupuntahan lang ako" tumango na lang ang nakababata at kinawayan siya.

---

"Oppa!" tawag ni mabel sa kanya, pilit siyang ngumiti nang maka-upo ito sa harapan niya. As usual, pale pa rin ang itsura nito at ang fragile tignan, bigla nanaman siya tinamaan ng awa dahil sa kwento ni chanyeol.

Nag order sila ng kakainin, nang mai-serve na sa kanila ang pasta nila ay nagsalita na si mabel.

"Ano nga pala ang pag-uusapan natin oppa?" nakangiti nitong tanong pagkatapos ay kumain sa pasta nito. Umupo ng maayos si baek sa inuupuan niya at huminga ng malalim

"Mabel, please let go of chanyeol, please set him free.." daretsong sabi niya, natigilan ang babae sa kinakain nito at dahan dahan ibinaba ang tinidor na may pasta pa. Half Confused at Half Expressionless ito.

"Ano ulit ang sinabi mo?" tanong nito. Mahinang bumuntong hininga siya, kailangan niyang gawin ito.

"Set him free, pakawalan mo na si chanyeol..." Sabi niya ulit. Tumingin ito sa kanya, wala pa ring makitang expression sa mukha nito. Hindi niya malaman kung anong nararamdaman nito.

"You know i can't do that, oppa.." sabi nito at uminom ng tubig. Magsasalita pa sana siya nang unahan siya nito.

"Kung iyon lang ang pag-uusapan natin, aalis na ako. May lakad pa kami ni chanyeol mamaya.."

"Bakit hindi ka pa rin bumitaw? Hindi naman habang buhay sasamahan ka ni chanyeol. May sarili din siyang buhay, hindi umiikot sa iyo ang buhay ni---"

"SHUT UP!" Pag puputol sa kanya ni mabel, Medyo nanlaki pa ang mga mata niya sa pagsigaw nito. Tumayo ito sa inuupuan nito at daretsong tumingin sa kanya. Tumutulo na din ang luha sa pisngi nito.

"Palibhasa nasasabi mo yan dahil nasa iyo ang lahat! Wala ka kasing alam kaya hindi mo ako naiintindihan. May masaya kang pamilya, may maganda kang buhay. samantalang ako walang kahit isa ang dumadamay sa akin kung hindi si chanyeol. Si chanyeol lang ang mayroon ako kaya wag mo na siyang kunin sa akin. Kung ginagawa mo 'to para ibalik si chanyeol sa iyo, tigilan mo na. Dahil babalik na kami ni chanyeol sa states bukas at hindi na uuwi dito.. Napagdesisyunan niyang samahan na lang ako hanggang sa matapos ako." Mas dumoble ang laki ng mga mata niya nang malaman na aalis si chanyeol, ni hindi man lang ito nagsabi sa kanya.

Napahawak siya sa dibdib niya, feeling niya sasabog siya sa sakit. Tuluyan na nga siyang iiwanan ni chanyeol.

"Kunin mo na lahat ng mayroon ako, wag mo lang bawiin si chanyeol dahil.... mahal ko siya." sabi pa nito at nagbow bago tuluyang umalis sa restaurant. Naiwan siyang nakatulala at walang ibang inisip kung hindi si chanyeol.

---

Nagulo ni baek ang buhok niya sa sobrang stress at itinigil muna ang pagsesketch niya sa PenTab niya, hanggang ngayon ay iniisip niya ang mangyayari kung bumalik si chanyeol sa states kasama ni mabel.

At sa tuwing naiisip niya iyon ay nasasaktan siya, ayaw niyang mawala si chanyeol sa kanya.

Naging malinaw na sa kanya ang lahat, na kahit anong pigil niya sa sarili niya ay mahal niya pa rin si chanyeol..

All these days, dinedeny niya sa sarili niyang hindi niya mahal si chanyeol dahil gusto lang niyang protektahan ito at masakit ito para sa kanya, pero mas masakit pala talaga daw ang lumayo sa iyo ang mahal mo at sumama na sa iba.

Gumawi ang mga mata niya sa mga daliri niya, naaalala pa niya ang singsing na ibinigay sa kanya ni chanyeol. Hinawakan niya ang daliri niya kung saan nakasuot dati ang singsing, nagsisisi kung bakit niya ibinalik iyon.

Naramdaman niyang may tumapik sa likod niya kaya agad siyang napalingon.

"Boss okay ka lang? mukhang stress ka lately.." nag aalalang tanong sa kanya ni jackson, katrabaho niya.

Nginitian niya ito at umupo ito sa desk niya.

"Love life ba?" tanong nito, medyo natawa pa siya sa lalaking ito. Dahil hindi bagay dito ang seryosong mukha.

"Aalis na siya, iiwan na niya ako.." simpleng sabi niya at bumalik sa ginagawa. Inagaw sa kanya ni jackson ang Pen tab niya at nagdrawing ito, hinayaan lang niya ito hanggang sa ibalik nito ang pen tab sa kanya.

Tumingin siya sa Screen para makita ang drawing. Tinapos pala nito ang ginagawa niyang part ng character niya.

"Iiwan ka niya? Saan pupunta?" tanong ulit nito sa kanya, gusto niyang maglabas ng nararamdamn niya, since si jackson lang ang nandyan para makinig sa kanya ay nagkwento siya, ang laki pa nang ngisi nito nang matapos siyang magkwento.

"Wala naman problema doon ah? Hindi pa naman siya umaalis kaya may pag asa ka pa.."

"anong---"

"Look, kung magsestay ka lang dito hanggang mamaya at hindi siya pupuntahan baka umalis na siya ng tuluyan. Alam mo minsan naman wag tayong gumaya sa mga drama na kapag nasa airport na doon maghahabol.. Nakakairita yun promise.." Sabi nito at kinuha ulit ang pen tab sa kanya, nagtataka siya sa ginagawa nito. Kinunutan naman siya ng noo nito. Ang weirdo kasi minsan.

Kinuha ni jackson ang coat ni baek at ibinato sa kanya. pagkatapos ay itinulak siya palabas ng office.

"T-teka, jackson.. Yung trabaho ko hindi pa..."

"Just shut up and go to your prince! Ako nang bahala sa trabaho mo, kapag hindi mo naayos yang problemang love life mo, at napabayaan mo, tatanggalan kita ng trabaho!" sigaw pa nito sa kanya, may nagsabi ba sa inyo na si jackson ang may ari ng kumpanya? wala pa? sinabi ko bang katrabaho lang niya? oh, ayan alam niyo na, siya talaga ang boss.

Nginitian niya si jackson at nagpasalamat dito, kumaway pa ito bago siya tuluyang umalis.

Aayusin niya ang lahat, Ibabalik niya sa tamang ayos ang lahat at sasabihin na kay chanyeol. Umalis man ito o hindi kailangan niyang malaman, kailangan niyang maamin na...

'I love him, i love chanyeol'

----

(Guys, sorry kung ngayon lang 'to.. busy na kasi sa school... 1 or 2 chapters na lang bago matapos ito... Maraming salamat po sa paghihintay.😃)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro