Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Eleven

~eleven~

"Kailan ba ang bakasyon niyo?" Naiinis na tanong ni jongin kay kyungsoo. Isang linggo na kasi itong busy para sa test nito, isang linggo na din silang hindi nakakalabas.

"Sa first week ng May.." sagot ni kyungsoo habang inililipat ang isang page ng libro niya.

"Hindi ba dapat wala na kayong pasok dahil summer na?" Hindi pa rin lumingon si kyungsoo, nagsulat ito sa notes nito at maikling sumagot.

"Wala tayong magagawa..." Dumating naman si baekhyun sa sala at nakita ang dalawa na naka-upo sa sofa. Tumabi naman siya sa mga ito.

"Oh, hyung. Wala kang pasok?" Baling ni jongin sa kanya. Napasandal siya sa sofa at napabuntong hininga.

"Nagleave ako ng isang araw, ayos lang naman yun dahil natapos na lahat ng ginagawa ko." Napatango na lang si jongin at tinitigan ulit si kyungsoo. Umayos ng ulit ng upo si baek at nagtanong.

"Si Chanyeol, hindi ba pupunta ngayon?" Natigilan ang dalawa sa tanong niya, kita ang gulat sa mukha nila. Bakit? ano bang nasabi niya?

"Himala yata at Hinahanap mo si chanyeol?" sabi ni kyungsoo, nagdugtong ang mga kilay niya sa sinabi ni kyungsoo. Bakit anong masama kung hanapin niya si chanyeol? may problema ba daw doon?

"Bakit? masama?" tanong niya, dahan dahang umiling ang dalawa, bumalik na lang ulit si kyungsoo sa ginagawa niya.

"Hindi naman kaso parang kailan lang pinapaalis mo siya sa bahay niyo, ngayon hinahanap hanap mo, may gusto ka na ba sa kapatid ko?"  sabi ni jongin,

"Hinahanap lang may gusto na? Ang babaw nun ah.. Hindi ba pwedeng nasanay lang?" defensive na sabi ni baek. Natawa si jongin sa nakatatanda.

"Ewan ko sa iyo hyung, lokohin mo na lang, sarili mo." sabi ni kyung at inayos ang eyeglasses niya. Bakit ba ayaw nilang maniwala? iyon kaya ang totoo.

"Nga pala hyung, pwedeng humingi ng favor?" Sabi ni Jongin at kinuha ang isang mediun sized na box sa sahig.

"Ano yun?" Iniabot ni jongin ang box sa kanya.

"Pwedeng paki-bigay na lang 'tong pinadala ni dad at appa kay chanyeol kung sakaling pumunta siya dito.. May lakad kasi ako mamaya" sabi nito at tinanggap naman niya ang box. Bakit pa niya ibibigay mamaya pagdating ni yeol kung pwede naman siyang pumunta sa unit nito para ibigay, tutal wala siyang magawa sa bahay, ibibigay na lang niya.

"okay, ano.. Pwede naman akong pumunta sa unit niya para ibigay 'to.. Uhh, magbibihis lang ako.." sabi niya at tumakbo na paakyat sa kwarto. Napailing ang dalawa kay baekhyun.

Di pa daw kasi umamin eh.

---

Nagdoorbell si baekhyun sa unit ni chanyeol at hindi nagtagal  bumukas ito. Bumungad sa kanya ang bagong gising na si chanyeol. Kinusot pa nito ang mga mata nito para masiguradong si baekhyun ang nasa harapan niya. Ang gwapo daw ni chanyeol sa bed hair niya.

"Ahh, Good Morning?" Kumurap ng dalawang beses si chanyeol at lumaki ang mga mata niya nang malaman na si baekhyun nga ang nasa harapan niya.

"G-good morning, Napadalaw ka?" sabi ni chanyeol sa lalaking nasa harapan niya. Iniangat ni baek ang box para kay chanyeol.

"Ah, Pinapadala kasi ni jongin 'to eh. Padala daw ni Tito kim at tito park.." Iniabot ni baek ang box at tinanggap naman ni chanyeol ito.

"Oh, Ahh.. Salamat baek. Pasok ka.." sabi nito at pinapasok siya. Habang naglalakad papasok ay gumala ang pangin ni baek sa unit ni chanyeol.

"Uhm, Nandito pa si mabel?" tanong niya. Ibinaba ni Chanyeol ang box sa mini table ng sala niya at lumapit kay baekhyun.

"Wala na, Pinilit ko siyang umuwi kahapon, Nag aalala na din kasi sa kanya ang tita niya.. Coffee or juice?" 

"okay... Juice na lang, salamat.." Pagkatapos ay pumunta si chanyeol sa kusina. Sumunod naman si baekhyun sa kanya at umupo sa upuan sa harap ng maliit na dining table.

"Bakit? Gusto mo ba akong masolo ngayon?" Napangising aso si chanyeol, Doon naman napasimangot si baekhyun.

"Hindi no.. Natanong ko lang, nakakahiya kasing magtagal kung may bisita ka pa"

"Bakit ka mahihiya? Fiance naman kita eh. Okay lang pumunta ka dito kahit anong araw na gusto mo." Sabi ni chanyeol at nagtimpla na ng kape. Tumayo na si baek at sumilip sa ref. Kinuha niya ang bacon at pumunta sa electric stove ni chanyeol.

"After mong magtimpla, Umupo ka na doon. Ipagluluto na kita ng almusal mo. Mukhang tinatamad kang magluto eh" ngumiti ng malaki si chanyeol sa narinig at itinimpla naman ang juice ni baek pagkatapos ay inilapag na niya ang mga inumin sa dining table.

Pagkatapos nilang mag almusal ay iniligpit na nila ang pinagkainan nila. Silang dalawa pa ang naghugas ng plato. Sino man ang makakita sa kanila iisipin na mag-asawa sila, seryoso mga bes.

"Gusto mong pumasyal sa labas?" Tanong ni chanyeol sa kanya. Ibinaba niya ang sponge at tumingin sa higante na hanggang ngayon hindi maalis ang ngiti sa mukha. Medyo natawa siya sa itsura nito.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong niya at ipinagpatuloy ang pagsasabon sa plato.

"Kahit saan.. Saan mo ba gustong pumunta?"

"hmmm, ikaw saan mo ba gustong pumunta?"

"Sa Simbahan, pakasal na tayo" napalingon siya ulit dito, Mukha pa rin itong natangang nakangiti sa kanya. Wala eh, inlove..

"Sira.." Aniya at nilagyan ng bula ang pisngi ni chanyeol. Natawa siya dahil nagulat ito sa ginawa niya. Hindi rin nagtagal ay natawa din si chanyeol at gumanti sa kanya. He cupped baek's face para magkaroon ng sabon ang magkabilang pisngi nito. Tawa lang sila nang tawa nang marealize nila na ang lapit na ng mukha nila sa isa't isa.

Chanyeol looked down on baekhyun's lips.. Natetempt siya, Chance na niya para makabawi sa last time na naudlot nilang kissing scene at syempre like the last time,  hindi makagalaw si baekhyun sa kinatatayuan niya. Hahalikan ba daw siya ni chanyeol, Hindi daw pwede... Hindi siya pwedeng halikan ni chanyeol, mali daw 'to.

Pero bakit iba ang sinasabi ng katawan niya? Ayaw makipagcooperate ng katawan niya sa isip niya at problema iyon.. 

Chanyeol leaned in pero umurong siya, lumapit ito ulit pero umurong ulit siya hanggang sa kamuntik na siyang mahulog. Buti na nga lang ay mabilis siyang nasalo ni chanyeol sa beywang.

"Ang clumsy mo baek, but i love it.." 

Then the giant kissed the princess..



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro