Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Eight

~Eight~

"Baek?" tawag ni chanyeol nang makapasok siya sa bahay ng mga byun.. Tinatanong niyo kung paano siya nakapasok? binigyan siya ng spare key ni mama byun incase daw na kailanganin 😜

Naglakad pa siya papunta sa sala nang may magsalita..

"Sinong nagpapasok sa iyo dito?" Lumingon siya at nakita ang halatang bagong gising na nakasando at boxers na si baek, nakakatempt daw mga bes..

"A-ahhhh, si Tita pinapasok ako ng bahay bago umalis..." Pagdadahilan niya, hindi na ito sumagot at nilagpasan siya papunta sa kitchen. Sumunod naman siya dito...

"6:38 pa lang ng umaga, bakit ang aga mo" sabi nito at humikab, and he swears that's the cutest thing he'd ever seen. Umupo siya sa harap ng dining table at tinitignan si baek habang nagluluto, Naiimagine pa niya na bago lang silang kasal at ipinagluluto siya ng sexy niyang asawa, bigla siyang namula sa naisip.

"a-ano.. yayayain sana kitang lumabas.. "sabi niya at sinimulang paglaruin ang tenga niya, pag kasi kinakabahan siya, madalas niyang gawin ito. Sa tinagal niyang bumalik dito, ngayon lang siya nahiya kay baek, nasaan na ang confidence niya?

"Araw araw na lang tayong lumalabas ah.. Hindi ka ba nagsasawa?" tanong ni baek sa kanya, natigilan siya. hindi kaya...

"Nagsasawa ka na ba?"

"To be honest oo, We're always having a dinner after ng work ko.. pagkatapos kapag day off ko, imbis na magpahinga ako, nasa labas tayo at namamasyal" exhausted na pagkakasabi nito. Napakamot siya sa batok niya.

"Hindi ba yun ang ginagawa ng nanliligaw?" tanong niya, tumigil si baek sa ginagawa niya at tumingin sa nakababata. 

"Nanliligaw ka ba?" nagtatakang tanong nito..

"Well obviously.."

"ahh, akala ko ba babawi ka lang sa akin dahil matagal kang nawala?" sabi nito at umupo na sa harapan niya hawak ang almusal nito.

"at saka kung nanliligaw ka, itigil mo na dahil hindi kita sasagutin" dagdag pa nito, at sumubo sa egg and bacon sandiwch nito.

"ang unfair mo hyung, Ang sabi mo noon magpapakasal na tayo kapag mas matangkad na ako sa iyo.. ngayong mas matangkad na ako, hindi mo tutuparin iyon?" he whined. Kumunot ang noo ni baekhyun sa sinabi nito at inilapag sa plato ang kinakain

"Bata ka pa noon kaya nasabi ko ang mga iyon.. Alam ko kasing hindi ka aalis hangga't wala akong ginagawa  o sinasabi" nagpout si chanyeol at ipinagpatuloy naman ni baekhyun ang kinakain. Di rin nagtagal ay sumeryoso si chanyeol..

"Alam mo bang importante sa akin yung promise na yun? alam mo ba kung gaano kadaming gatas ang iniinom ko sa isang araw? alam mo ba kung ilan oras akong natutulog sa hapon? Alam mo bang taon taon tumatalon ako sa tuwing sasapit ang new year. Ginawa ko lahat yan para lang bumilis ang pagtangkad ko, kasi naeexcite na akong makita ka. Tapos sasayangin mo lang ang ipinangako mo? Hyung naman eh!" Hindi pinansin ni baekhyun ang pagrereklamo niya kaya nagulo niya ang buhok sa sobrang inis. Pagkatapos ay mahinang inuntog ang ulo sa mesa.

Ilang minuto din silang natahimik nang magtanong si baek..

"Oo nga pala, sino si mabel? Yung kausap mo noong isang araw?" Matagal na siyang curious dahil sa babaeng iyon, parang may something eh.

"Bakit? nagseselos ka?" chanyeol smiled playfully, na kinainis niya.

"Bakit naman ako magseselos? girlfriend mo yun eh" aniya at uminom naman sa kape niya

"Sa tingin mo liligawan kita kung may girlfriend ako?"Hindi makapaniwalang tanong ni chanyeol, pambihira daw ang hyung na ito.

"Pwede rin? anong malay ko two timer ka pala" Sabi naman ni baekhyun at nagshrug. Umayos ng upo si chanyeol, hindi pa rin siya makapaniwala sa sinasabi ni baekhyun, grabe siya.

"Aba't---Ako? Two timer? Loyal kaya ako sa iyo..." sabi niya at tinuro ang sarili.

"Eh sino nga yung mabel?" tanong ulit ni baek sa kanya. Nagcrossed arms ito at hinintay ang sagot niya.

"Wala, someone... a Friend?" siya naman ang nagshrug..

"Utut mo, Tignan mo , nagdadalawang isip ka pa"sabi ni baek at tumayo na para hugasin ang plato niya sa sink. Napaface palm si chanyeol.

"Tigilan mo nga ako hyung, Kaibigan ko lang si mabel... Hindi ko siya girlfriend kasi nga ikaw ng gusto ko.." Natawa lang si baekhyun at ipinagpatuloy ang paghuhugas niya...

----

"Saan kayo galing?" tanong ni baek nang makauwi si kyungsoo kasama si jongin, hindi siya pinansin ni jongin, si kyungsoo naman hindi alam ang sasabihin.

Naghintay ng sagot si baek at magsasalita na sana si kyungsoo nang unahan siya ni jongin.

"Galing kami sa motel may prob---AWW!" Natigil siya sa pagsasalita nang batukan siya ni kyungsoo, gumagawa nanaman kasi ng kwento.

"Pumunta kami sa lotte world, niyaya niya kasi ako..." namumulang sabi ni kyungsoo kay baek. Napatango na lang si baekhyun at pinauwi na si jongin.

"Are you guys dating?" tanong ni baek sa kapatid nang maka-alis si jongin.

Nanlalaki ang mga mata ni kyungsoo sa tanong niya, pero di rin nagtagal ay tumango.

Napangiti si baekhyun at ginulo ang buhok ng kapatid.

"Kapag sinaktan ka ng mokong na 'yun sabihin mo sa akin ha. Ipapalamon ko na siya ng tuluyan sa dilim." natawa silang dalawa at niyakap ni kyungsoo si baek.

"salamat hyung..." sabi ni kyungsoo at tumingin ulit sa hyung niya..

"Eh, kayo ni chanyeol? nagdedate?" napasimangot siya sa narinig. Mas natawa naman ang nakababata sa reaksyon ni baek.

"Joke lang ! Tara na, kain na tayo"

---

(Short UD)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro