Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Unang Kabanata



Byun Baekhyun.

Aaminin ko na mali ako ng inaakala. Pagkatapos ng mahaba-habang pagpapaintindi kay Chanyeol ng plano ko ay hindi niya ako naintindihan, bagkus nagbago siya. Akala ko matatanggap niya iyong paghingi ko ng tawad, pero hindi. Habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman ang paglayo ng loob niya sa akin. Naalala ko pa iyong araw ng honeymoon sana namin na nauwi lang sa magdamag kong pag-iyak sa kabilang sulok ng kwarto namin.

-

-

"C-Chanyeol. . ." Hahawakan ko sana iyong kamay niya kasi kanina pa ako natapos mag-explain pero nakatulala lang siya. Ni hindi pa ako nakakalapit sa kanya nang bigla niya akong tinabig.

"'Wag mo akong lalapitan! Hindi ako kayang saktan ng Baekhyun na nakilala ko dati! Hindi kita kilala!" At iniwan niya akong nakatulala sa kawalan.

Napaupo na lang ako sa sahig ng kwarto namin habang nakapikit iyong mga mata ko. Hindi ko kasi inaasahan na magiging ganito iyong reaksyon niya. Akala ko magiging katulad ko siya na iintindihin iyong rason at hahayaan na lang pero I guess I had some miscalculations at hindi ko binigyan ng atensyon iyong posibilidad na magalit nga siya sa akin. Masyado akong naging kampante sa feelings niya para sakin to the point na hindi ko na-consider na tao lang siya at nasasaktan.

-

-

Napapikit ako nang maramdaman kong pumulupot iyong isang braso ni Chanyeol sa katawan ko. Ganito palagi ang set up namin: kapag gising siya, kulang na lang kamuhian niya ako dahil sa pagtrato niya sa akin. Kapag tulog naman siya, kabaligtaran naman ng mga kinikilos niya kapag gising siya ang ginagawa niya. Magugulat na lang ako kapag nararamdaman ko iyong mga bisig niya sa katawan ko, bigla ko na lang mararamdaman iyong hininga niya sa leeg ko, at bigla na lang akong magigising na nakaunan na pala iyong ulo ko sa braso niya kaya I still have this little hope inside me na umaasang may maliit pang posibilidad na magkaayos kami.

Niyakap ko pabalik si Chanyeol dahil in no time ay gigising na siya at magsisimula na naman ang panibagong araw ng kalbaryo ko. Maaga siyang aalis ng bahay para pumasok sa opisina, ni hindi nga siya dito sa bahay nag-aalmusal. Tapos uuwi siya ng medyo gabi na then didiretso siya sa CR para maligo tapos diretso higaan para matulog naman. Walang palya, ganyan ang routine niya sa loob ng isang linggo namin bilang mag-asawa. Sa loob din ng isang linggo na iyon ay wala akong ginawa kundi umiyak. Ewan ko kung kaylan ako mapapagod kasi kapag gising si Chanyeol napaka-invisible ko sa buhay niya.

Minsan lang din ako pumasok sa opisina kasi kaya naman patakbuhin iyon ni Papa kaya househusband ang kadalasan kong ganap. Kaso nakakalungkot. Hindi naman kasi ganito iyong inexpect ko na magiging buhay namin after ng kasal eh. Ang gusto ko gigising si Chanyeol at ipaghahanda ko siya ng pagkain, tapos tatao ako sa bahay ng buong araw. Pag-uwi niya aabangan ko siya sa gate namin at sasalubungin ng halik dahil alam kong pagod siya pero hindi. Malayong-malayo sa inaasahan kong itsura naming dalawa iyong nangyayari sa amin ngayon.

Kapag day-off naman ni Chanyeol, hindi siya tumatambay dito sa bahay. Nababalitaan ko na lang sa mga kakilala ko na nakakasama niya na nasa bar lang buong araw ang asawa ko. Nasasaktan ako pero tinitiis ko na lang dahil kasalanan ko naman bakit kami nagkakaganito pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang tiisin iyong set up namin. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako hanggang sa naramdaman kong may dumamping daliri sa mukha ko para tanggalin iyong luha sa pisngi ko. Nagulat ako nang makita kong nakatingin lang sa akin si Chanyeol. Hindi niya ako tinutulak dahil sa lapit ng distansya ko sa kanya.

"C-Chanyeol," babangon na sana ako kasi ayaw na ayaw niyang gumigising na nakikita ako. Ang laki ng pinagbago niya sa loob ng isang linggo ng pagiging mag-asawa namin. Noong unang beses na naabutan niya akong nakahiga pa ay bigla na lang niya akong tinulak at nagtuloy sa pagtulog.

"Stay," kahit na naguguluhan ako sa inaakto niya ay hindi na ako nagtangka pang magtanong. Para akong estatuwa sa sobrang straight at tigas ng katawan ko ngayon. Aaminin kong gusto at namiss ko ito pero it feels so unreal. Sinasanay ko na kasi yung sarili ko na ganito na si Chanyeol. I've transformed him into a monster dahil sa katangahan ko dati. "Ang aga-aga umiiyak ka. Hindi ka ba napapagod? Hindi natatapos ang araw ng hindi ka umiiyak. Naririndi ako," his words are piercing. Sobrang sakit ba ng ginawa ko sa kanya para tratuhin niya ako ng ganito? Sure, minsan magiging sweet siya sa akin pero agad din iyong napapalitan ng masasakit niyang salita.

"S-sorry," bumitaw na ako mula sa pagkakayakap sa kanya at bumangon, mas lalo lang kasi akong naiiyak eh. At totoo naman iyong sinabi niya, hindi talaga natatapos ang isang araw na hindi ako umiiyak.

"At kailan ka rin ba matatapos sa kakahingi ng sorry? Kasi wala naman akong balak tanggapin iyan. Kulang ang sorry sa ginawa mo sa akin," hindi ko na kaya pang makarinig ng dagdag niya pang mga masasakit na salita kaya tumakbo na ako palabas ng kwarto. Ine-endure ko na lang iyong sakit dahil kasalanan ko naman bakit siya nagkakaganyan. Pero hindi ko naman ata deserve na tratuhin ng ganito? Habangbuhay ko bang dapat pagbayaran iyong ginawa ko na iyon? Kasi ang OA eh. Hindi niya nga ako sinasaktan physically pero emotionally, at kapag nagsalita pa siya, hindi iyong simpleng sakit lang, minsan doble, minsan triple pa iyong sakit ng mga matatalim niyang salita.

Hindi ko na rin maiwasang magalit sa kanya paminsan dahil parang ang linis-linis niyang tao kung kamuhian niya ako dahil sa ginawa ko. Hindi naman ganoon kabigat iyong kasalanan na nagawa ko eh. Ang mali ko lang doon ay iyong pinagmukha ko siyang tanga noong bigla akong nang-iwan sa ere. Pero titiisin ko, sa abot ng aking makakaya. Kasi mahal ko siya. Mahal na mahal.

-

-

"C-Chanyeol," pagtawag ko sa atensyon niya habang nagsisintas siya ng sapatos. Aalis na naman siya ng bahay nang walang laman ang sikmura niya at ni isang beses hindi niya pa natitimkan iyong luto ko simula noong nagsama kami. Imbis na sagutin ay kinunutan lang niya ako ng noo at nagpatuloy sa ginagawa niya. "K-kain na tayo ng breakfast."

At sa loob din ng isang linggo na pagyaya sa kanya kumain ay ngayon lang niya ako tinignan at sinagot, kaso parang mas okay na ata iyong dedma na lang kaysa sa nagsalita pa siya ng masakit. "Ayaw ko. Who would've know what's your next plan? Baka lasunin mo pa ako. I'd rather eat outside than to taste your dishes. Baka masira ang sikmura ko. You suck at cooking, right?" He left me dumbfounded.

Minsan akala ko manhid na ako pero hindi pa rin pala kasi patuloy pa rin akong nasasaktan. Katulad noong unang beses niya akong sinabihan ng masakit na salita ay sobrang dinamdam ko talaga. Pero ngayong napapadalas na, imbis na masanay ako, mas nadadagdagan iyong sakit na nararamdaman ko.

-

-

Wala akong ginawa buong araw kundi maglinis at tumambay sa bahay. Hindi kasi ako gano'n kagaling magkabisado ng isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Gustuhin ko mang libutin ang kalye ng China pero natatakot akong maligaw. I am not enough knowledgable about them and their culture kaya mas okay na siguro na dito na lang ako sa bahay. Gusto ko ng umuwi ng Pilipinas. Noong niyaya ko si Chanyeol, inayawan niya lang ako at sinabing umuwi ako mag-isa kung gusto ko para mabawasan iyong perwisyo sa buhay niya. Hindi ko na lang pinansin kasi naiintindihan ko naman. Palagi ko namang naiintindihan.

Bandang alas-sais nang mapagpasyahan kong maglakad-lakad dito sa village namin nang makasalubong kong papasok sa gate iyong sasakyan ni Chanyeol kaya dali-dali akong tumakbo para buksan iyon. Nagulat ata siya nang makita niya na ako iyong nagbukas ng gate kaya nakakunot noo niya akong tinanong kung saan ako pupunta. "Ah! Maglalakad-lakad lang sana ako dito sa loob ng village. Hindi ko pa kasi kabisado dito at hindi pa ako nakakaikot kahit isang beses."

"Tsk. Mawala ka sana," hindi ko na lang pinansin iyong sinabi niya dahil ayaw kong umiyak habang naglalakad kaya pinilit kong maging masaya kahit papaano.

-

-

Hindi rin naman ako nagtagal ay umuwi na rin ako sa bahay kasi ang boring pala maglakad mag-isa. Kakain na sana ako ng dinner nang mapansin kong nabawasan iyong kanin na sinaing ko sa rice cooker tsaka iyong ulam na niluto ko ay nabawasan din iyon ng dalawang pirasong manok dahil bilang ko iyon. Dalawa lang naman kami dito sa bahay kaya paniguradong si Chanyeol iyong bumawas dito. Wow! First time niya atang kumain? Kaya sa sobrang saya ko ay agad akong nag-diretso sa kwarto namin para sana tanungin siya kung siya ba iyong culprit sa likod ng nabawasang kanin at ulam namin.

"Chanyeol! Ikaw ba yungㅡ" napahawak ako sa bibig ko dahil sa nakita ko.

"ahh. . . Uhh. . . Yeah! Right there. Fuck! Please, harder!"

"Damn it! Don't be noisy!"

Hindi siguro nila ako narinig kaya patuloy lang sila sa ginagawa nila. Ang sakit pala. Mas masakit pala na makita iyong asawa mo na may kasiping na iba. Masakit na nga iyong ginagawa niya sa akin pero mas masakit makita na pinagtataksilan niya ako at higit pa, sa loob pa ng bahay namin.

-

-

Wala na akong pakielam kung mabasa ako ng ulan pero dire-diretso lang ako sa pagtakbo. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Wala akong pakielam kung saan ako dalhin ng mga paa ko at kung maliligaw ba ako. Mabuti na lang umuulan kaya hindi halata na umiiyak ako dahil baka kung anong isipin ng mga taong nakakasalubong ko. Wala na ba talaga?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro