Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikawalong Kabanta




Park Chanyeol.

Naglalakad ako sa sea shore nang bigla kong nakitang magkasama sina Baekhyun at Krystal. Hindi ko alam kung bakit pero napukaw ng atensiyon ko ang namumulang braso ni Baekhyun dahil mahigpit na hawak iyon ni Krystal. Pupuntahan ko na sana sila nang biglang sampalin ni Krystal si Baekhyun.

"Sino ka ba sa buhay ni Chanyeol, ha?!" Isang malakas na sampal muli ang binigay niya kay Baekhyun, this time sa kabilang pisngi naman. "Bakit mas pinapansin ka niya kaysa sa akin?! Tell me! Are you seducing my fiancé?!"

Tuloy-tuloy ng umagos ang mga luha sa mata ni Baekhyun at napako ako sa kinatatayuan ko. I should've been intruding pero hindi ako makagalaw. Naninibago kasi ako kay Krystal. I've always known her as a sweet young lady. Hindi ko alam na kaya niyang manakit ng tao, at si Baekhyun pa talaga.

Tinulak ni Krystal si Baekhyun dahilan para mapasubsob siya sa buhanginan. "Why are you crying?! Bakla ka ba, ha?" Mas lalo atang nainis si Krystal kasi hindi siya sinagot ni Baekhyun kaya sinimulan na niyang sipain ito. Hindi ko na naatim ang ginagawa niya kaya sumugod na ako at hinarangan si Baekhyun para ako na ang makatanggap ng mga sipa ni Krystal. "C-Chanyeol. . ." Bakas ang pagkagulat at kaba sa mukha niya pero hindi ko siya pinansin at mas pinagtuunan ko ng atensiyon ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Nakayuko lang siya at tahimik na umiiyak. Napansin ko rin na nagdudugo iyong tuhod niya kaya mabilis na nag-igting ang bagang ko.

"Tumingin ka sa akin," pero knowing him, nagmatigas siya. Hindi niya ako tinignan kaya marahas kong iginiya ang ulo niya para mapatingin lamang siya. "Why do you have to be this kind? Bakit hindi ka lumalaban kapag inaagrabiyado ka?"

Naiinis ako kay Baekhyun, lagi na lang siyang ganito. Hindi niya pinapatulan iyong mga nananakit sa kanya physically and emotionally. Mas lalong nag-init ang ulo ko noong hindi niya ako sinagot at nakaramdam naman ako ng isang suntok galing kay Krystal.

"Jerk! Ass-hole!" Nagdadabog siyang umalis. Ar si Baekhyun naman sinubukang tumayo pero bumagsak lang siya.

"'Wag mo nang pilitin kung hindi mo kaya," akmang bubuhatin ko siya nang bigla naman niya akong tinulak palayo. Seriously people? Why do you love hurting me?

"Chanyeol, layuan mo muna ako please."

"Baek naman. . . Ano na namang ginawa ko sayo?"

Napahilamos na lang siya ng mukha, namumula na siya ng sobra dahil sa walang tigil niyang pag-iyak. "Wala kang ginawang masama, Chanyeol! Kasalanan ko ito! Kasalanan ko! I should've not let my guard down! Hindi sana kita pinapasok sa buhay ko! Edi sana walang ganitong nangyayari ngayon! Edi sana hindi ka pinalayas ng Daddy mo sa inyo!"

Naguguluhan ko siyang tinignan. Oo siya iyong rason, pero paano niya nalaman iyon? Akala ko narinig niya lang sa mga schoolmate namin? "A-alam mo?"

"Oo! Narinig ko kayong nag-uusap nila Suho hyung sa parking lot! Tama naman siya eh! Ako dapat ang sisihin dito," nanghihina niya akong tinapunan ng tingin. "Tell me, bakit ka ba pinalayas sa inyo? Dahil ba sa operasiyon ni Mama?"

Nag-iwas ako ng tingin, isa sa mga bagay na ayaw kong nakikita ay iyong sinisisi ni Baekhyun ang sarili niya. Natatakot ako na baka kapag nalaman niya iyong totoong rason ay baka dumistansiya na naman siya sa akinㅡna baka bumalik kami sa dating kami. Hindi ko siya sinagot bagkus pinilit ko siyang buhatin kahit na nagpupumiglas talaga siya.

"Chanyeol, please naman. Gusto kong maliwanagan. Kinakain na ako ng guilt na nararamdaman ko."

Tuloy lang ako sa paglalakad at nakasalubong pa namin sila Luhan hyung pero mabuti na lang hindi na nila kami hinarang. "Sasabihin ko sayo mamaya. For now, tumigil ka na muna sa pag-iyak."

-

-

Agad kong nilapag si Baekhyun sa kama niya at hinanap ang first aid kid ng resort nila Suho hyung. Hindi naman malalim iyong sugat niya, malayo sa bituka. Pero may kalakihan iyong gasgas at mukhang mahapdi iyon. Tsk. Nagasgasan iyong mala perlas sa kinis niyang balat. Naiinis ako sa sarili ko.

"A-aray, Chanyeol," hindi ko siya pinansin. Kaylangang malinis iyong sugat niya dahil baka maimpeksyon siya. Hindi ako magpapadala sa nagmamakaawang mukha niya. Saglit lang naman at mawawala rin iyong sakit na nararamdaman niya dahil sa binubuhos kong alcohol. Baka nga mas masakit pa yung maramdaman ko once na malaman niya yung rason bakit ako pinaalis sa bahay eh.

Pagtapos kong malinis iyong sugat niya, pinilig ko ang ulo niya para makahiga na siya. Pinunasan ko na rin iyong mukha niya dahil sa mga natuyong luha niya. Napakaiyakin talaga nitong lalaki na ito. Nakakainis din kasi sobrang bait niya. He won't care if you will hurt him. He won't fight back, he will endure everything, kahit na niyuyurakan mo na ang pagkatao niya. Iyan ang pagkakakilala ko sa kanya sa loob ng dalawang taon na paghanga at pagsunod sa kanya.

"Sasabihin ko sayo yung sagot sa tanong mo. But promise me one thing," napapikit ako. Hindi ko kaya kapag nilayuan ako ni Baekhyun. Ayaw kong bumalik kami sa dati na parang hangin ang turing niya sa akinㅡsa amin. Gusto ko siyang protektahan sa lahat ng mga taong nagbabadyang manakit sa kanya. Pero hindi ba't masasaktan ko rin siya once na malaman niya yung sagot sa katangunan niya? "'Wag mo akong lalayuan."

"A-ayaw kong mangako," hinawakan ko ng mahigpit ang mga kamay ni Baekhyun habang pigil ang paghinga niya dahil sa mga maari niyang malaman.

"Baek, iyong operasiyon kasi ng mama mo, nagsinungaling ako. Hindi talaga libre iyon. Malaking halaga iyong perang binayad ko para lang maging successful iyon. Wala na kasi talagang chance na matanggal iyong mga cancer cells na kumalat sa katawan ng mama mo. They had to call the upperclass professional doctors from other countries to ensure your mom's life," pilit niyang inaalis iyong kamay niya mula sa hawak ko but I didn't budge. Hindi pwede, Baekhyun.

"Kalahating milyon. 500,000 ang binayad ko sa mga doctor na kasama ng daddy ni Suho hyung para sa operasyon ng mama mo. Kaya ko lang naman sinabing libre iyong dahil ayaw mong maglabas ako ng pera. Ayaw mong magkaroon ng utang na loob sa akin. Nalaman ni Daddy iyon dahil nagpadala ng notice iyong bangko sa China. Noong gabing iyong, umuwi sila ni Mommy, agad-agad," napapikit ako. Naalala ko na naman iyong gabi na iyon. Iyong gabing pinalayas ako ng sarili kong ama.

"Pagdating ko sa bahay, naabutan ko na lang na nakaimpake na iyong mga gamit ko, pinapalayas ako ni Daddy. Sabi niya 30 days. 30 days akong bawal tumapak sa mansyon namin. Kaylangan kong pagbayaran iyong 500,000 sa loob ng 30 days, kung hindi, hindi na ako makakabalik sa bahay," defeating silence. Walang nagsasalita. Nakatingin lang ako kay Baekhyun na walang emosyong nakatulala sa ceiling ng kwarto. Nanginginig na rin iyong mga kamay niya.

"Baek, magsalita ka please. Magalit ka sa akin. 'Wag ganito. 'Wag mong kimkimin kung ano man iyang gusto mong sabihin sa akin. Saktan mo ako. 'Wag ka lang tumahimik ng ganyan."

Ilang sandali pa ay kumilos siya. Naupo siya mula sa pagkakahiga at sinandal ang ulo niya sa headboard ng kama. Binitawan ko na rin iyong kamay niya dahil sobra talaga iyong panginginig niya. Saglit niyang ipinikit ang mga mata niya bago tinignan ako ng diretso. "Bakit kita sasaktan? Hindi ba't sinagip mo ang buhay ng mama ko?"

"Baek, hindi naman ganun—"

Hinawakan ni Baekhyun iyong magkabilang pisngi ko at nginitian ako. Isang mapaklang ngiti, pero at least hindi na diretso ang mukha niya. "ㅡhindi ako galit sayo, Yeol. Pero pwede bang iwan mo muna ako? Gusto ko kasing mapag-isa."

"Hindi! Ayaw ko. Dito lang ako sa tabi mo! Lalayo ako, pero doon ako sa kama ni Chen. Iyong hindi mo ako makikita. Pwede naman iyon diba?"

He sighed, a very deep one. "Hindi ako lalayo. Don't worry. Gusto ko lang talagang mapag-isa."

"S-sige," hinalikan ko siya sa noo bago ako lumabas ng kwarto nila. Ni hindi pa nga ako nakakalayo nang bigla akong makarinig ng malakas na kalabog mula doon. Tangina. Gusto kong bumalik doon, pero alam kong kaylangan niyang mapag-isa. Just please don't hurt yourself.

-

-

"Chanyeol! Ano bang nangyayari? Kanina pa nagwawala si Krystal. Ang dami na niyang nasirang gamit dito," naghuhuramentadong salubong sa akin ni Suho hyung pagkababang-pagkababa ko.

Walang emosyon ko siyang tinignan. "I'll pay for every damage Krystal and Baekhyun will cause," ngayon lang ulit ako naging ganito. Huling beses na naging ganito ako ay noong nalaman kong sa China na pala mamamalagi sina Daddy at Mommy at iiwan nila kami ni Yoora noona dito. And I swear, that'll be the last thing na gugustuhin nilang mangyari sa akinㅡang bumalik ako sa pagiging cold guy.

"It's not all about the expenses and damages!" Napasabunot na lang ng buhok si Suho hyung nang makarinig na naman kami ng mga nababasag na pinggan sa kusina. "Ano na namang ginawa mo kay Krystal?"

Napangisi na lang ako. As expected, matagal na kasing may gusto si Suho hyung kay Krystal. Medyo nagkaalitan pa kami noong nalaman naming engaged na pala kami ni Krystal. Syempre kakampi siya kay Krystal. Kaya medyo mainit ang dugo niya kay Baekhyun, alam niya kasing once Krsytal finds out about him ay masasaktan iyong babaeng pasikreto niyang tinuturing na prisensa. If I know, pinilit siya ni Krystal kaya nandito iyang babae na iyan. Alam kasi ni Krystal na head over heels sa kanya si Suho hyung kaya nagte-take advantage siya rito.

"Wala kang alam, Suho hyung," tinabig ko siya at mabilis naman niya akong hinila pabalik para bigyan ako ng isang malakas na suntok dahilan para mapatumba ako kasi hindi ko namang inaasahang susuntukin niya ako.

Kahit na maliit si Suho hyung kumpara sa akin, malakas siyang sumuntok. He's a heir. He's trained mentally and physically. "Tandaan mo Chanyeol na nasa teritoryo kita kaya umasta ka ng naayon!"

Nakatikim na rin ako ng dugo galing sa bibig ko. Paniguradong magpepeklat ito. "Sinaktan ni Krystal si Baekhyun."

Pero he seemed not to buy it. Hinatak niya ang kwelyo ng damit ko at galit na galit akong tinignan ng mata sa mata. "But that's not enough reason for hurting her back! Damn, Chanyeol! Iyong babaeng pinapangarap ko sinasaktan mo emotionally pero hindi ko ata kayang tiisin na sasaktan mo rin siya physically!" At isang malakas na suntok na naman ang pinakawalan niya.

Hah. Sinungaling ka Krystal, napaka-pathetic mo.

Sinaktan ko siya? Diba nga siya iyong sumuntok sakin? Isang suntok muli ang naramdaman ko, namamanhid na rin iyong magkabilang pisngi ko dahil hindi lang simpleng suntok ang ginagawa niyaㅡit's a fistful one.

"At dahil kay Baekhyun na naman?! Iyang Baekhyun na dahilan bakit ka pinalayas?! He's nothing but a trouble! He brings trouble! Bakit ka ba—" hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya, this time tinulak ko siya at ako naman ang sumuntok sa kanya. Pero unlike sa ginawa niya sa akin, isang suntok lang. Kaya nga lang, ibinuhos ko lahat ng frustration na nararamdaman ko sa suntok na iyon kaya nagdugo ang ilong niya. Dumating na rin sina Kris hyung at Minseok hyung para awatin kaming dalawa.

"ㅡChanyeol! Suho!"

"Hindi ko rin naman maaatim na husgahan mo si Baekhyun dahil lang sa nakikita mo. You're obviously siding the wrong person here and for the first time, you've got me disappointed, Suho hyung," malakas kong hinila ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Minseok hyung at iniwan sila doon.

-

-

Sa paglalakad ko sa dalampasigan, nakakita ako ng isang lilim medyo malayo sa dagat at doon ako nahiga, nag-isip, at nagpakalma ng sarili. Ni hindi ko nga namalayan na nakatulog na ako dahil sa sarap ng hangin dito sa resort. Nagising na lang ako nang makaramdam ako ng sakit sa mukha, sakit na dulot ng mga suntok ni Suho hyung at pagbalik ko sa resort naabutan ko namang inaamo ni Luhan hyung si Sehun. Bakit naman umiiyak tong batang ito?

"C-Chanyeol hyung!" Mabilis siyang tumakbo sa akin at inalog-alog ako. "Thi B-Baekhyun hyung! Umalith na thiya! Umuwi na thiya!"

Parang napabalik naman ako sa reyalidad dahil sa sinabi niya. "K-kaylan pa?!"

"Kakaalis lang niya, Chanyeol. Baka mahabol mo pa siya. Hindi rin namin siya nakausap. Dire-diretso lang siya habang bitbit iyong mga gamit niya," napatango na lang ako at nagpasalamat. Iniwan ko silang dalawa na pilit na inaamo ni Luhan hyung si Sehun na ayaw tumigil sa pag-iyak.

Totoo ngang hindi pa nakakalayo si Baekhyun dahil pagkalabas na pagkalabas ko ng resort ay nakita ko na agad ang maliit niyang pigura. Wala siya sa sariling nakatayo sa gilid ng kalsada, nag-aabang siguro ng dadaang sasakyan. Pero hindi niya ata alam na bibihira lang ang dumadaan na sasakyan dito dahil medyo liblib itong lugar na ito.

Hindi ko tinawag iyong atensiyon niya bagkus nagmamadali akong tumawid at hinila siya para sa isang madiin na yakap. "Baek, saan ka pupunta? Akala ko ba hindi mo ako lalayuan?"

"C-Chanyeol. . ."

Kinalas ko yung yakap ko sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Hindi ka uuwi. Sabay tayong uuwi," umiling naman siya. Aysh bakit ba ang tigas ng ulo nitong lalaki na ito? Binuhat ko iyong mga dala niyang bag at nagsimula na kaming maglakad pabalik sa resort pero bago iyon binigyan ko muna siya ng isang matamis na ngiti. "Stay with me and you'll be safe."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro