Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikatlong Kabanata



Park Chanyeol.

"Noona aray! Ano ba!" Isang madiin na pingot ang sinalubong sa akin ni Yoora noona pagkauwi ko sa bahay. Pagkaalis kasi ni Baekhyun nakalimutan kong pinapatawag niya pala ako kaya nag-roadtrip ako mag-isa at nag-isip kung tama ba iyong desisyon ko.

"Bakit hindi ka na bumalik sa office ko ha? Sabi ni Yuri may kasama kang lalaki palabas ng company. Sino iyon ha?" Tsk. Ramdam na ramdam ko yung pag-init ng tenga ko dahil sa pingot niya. Grabe kaya lumalaki lalo tenga ko!

"Si Baekhyun iyon! Sorry na. Nakalimutan ko na kasi, eh. Ano ba kasing kaylangan mo sa akin?"

"Sino? Baekhyun ba kamo? Iyong crush mo?!" As if on cue nagbago iyong mood ni Yoora noona. Iyong kaninang nakakatakot niyang aura napalitan ng parang kinikilig na ewan. "Bakit siya nasa company natin?!"

"Huh? Hindi mo siya nireject?"

"Hindi! Eh kung nakita ko lang bio data niya tapos Byun Baekhyun ang pangalan wala ng screening! Hired na agad siya!"

Si noona talaga. Self-proclaimed president ng ChanBaek shipdom iyan. Gusto niya kasi yung ugali ni Baekhyun base sa mga kinukwento koㅡno sugarcoated words, just pure honesty. Kaso wala siyang time para mameet si Baekhyun kasi una sa lahat, baka matakot si Baekhyun sa kanya, ang ingay kaya niya. Pangalawa, bakit ko naman siya ipapakilala kay Baekhyun, diba? Ano na lang sasabihin ko?

"Ah, Baekhyun, si Yoora noona pala. Yoora noona, si Baekhyun pala, yung crush ko," awkward, diba?

"Aysh! So, ibig sabihin hindi siya nag-apply ng trabaho kanina?!" Binatukan na lang ako ni Yoora noona dahil masyadong obvious iyong tanong ko.

Bigla namang may pumasok na maid sa kwarto ko at sinabing may bisita kami na naghihintay sa living room. "Ano raw po ang pangalan manang?"

"Baekhyun daw po. Byun Baekhyun," napatigil ako sa pagbabasa ng librong hawak ko. Si Baekhyun? Nandito sa bahay? Paano niya nalaman bahay namin? At bakit?

"I'm finally meeting the Untouchable B! Manang, magready kayo ng dinner! Iyong masasarap na ulam lang ha? Maliligo lang ako. Hoy, Chanyeol! Bumaba ka na roon! Naghihintay iyong prinsesa mo!" Napailing na lang ako. Pinapalayas lang naman ako ng baliw kong Yoora noona sa sarili kong kwarto.

"Sige na manang, pakisabi bababa na rin ako," I said dismissing her.

Tinititigan lang ako ni Yoora noona habang paikot-ikot ako dito sa kwarto ko. Hindi ko kasi ineeexpect na pupunta si Baekhyun dito. Iuurong na ba niya iyong deal namin kaya siya pumunta dito? Back to zero and nothing na naman ba kami? Nakahanap na ba siya ng trabaho na magsu-sweldo sa kanya bukas na bukas ng sapat na pera para sa operasyon ng Mama niya?

"Hoy, Chanyeol! Nahihilo ako sayo! Babain mo na nga si Baekhyun doon! Wag mong pinaghihintay yung brother-in-law ko! Shoo!" Pagtataboy niya muli sa akin kaya umalis na ako.

Nakita ko paano nanlaki iyong mga singkit na mata ni Baekhyun nang makita niya akong pababa sa grand staircase namin. Anong meron? Simpleng shorts at sando lang naman suot ko ah.

"C-Chanyeol," napaiwas ako ng tingin. Bakit sobrang attractive ni Baekhyun kahit simpleng ripped jeans at plain white shirt lang suot niya? "U-uhm sorry kung bigla na lang ako pumunta dito. Bawal ba? Uuwiㅡ"

"No, it's okay! Welcome ka palagi dito, I don't mind it. Bakit ka pala nagpunta dito?" Naupo na ako sa katapat na couch na inuupuan niya. Gusto ko sanang tumabi kaso nahihiya ako. Yes, nahihiya ako sa loob ng sarili naming pamamahay. Iba ka talaga, Byun Baekhyun.

"U-uhm, nakalimutan ko kasing ibigay sayo iyong address namin?" I chuckled. Pwede ko naman kasing ipa-trace iyon gamit ang GPS at saka may connections kami, kahit ngayon ko pa ipahanap bahay nila, mabibigay sa akin ang exact address nila.

"Ah, iyon lang ba? Saglit. Kukuha lang ako ng pwedeng sulatan," akmang tatayo ako nang bigla niya akong nahawakan sa biceps na mabilis din naman niyang binitawan.

"'W-wag na. Sinulat ko na sa papel, ito oh," may inabot siya sa aking isang maliit na sticky note. Pati ba naman sulat niya nagagandahan ako? Iba na iyan, Chanyeol. Parang ang manyak ko na ata.

#614 CB Street, Firelight Homes, Everlasting City.

"Okay. Uhm, dito ka na pala mag-dinner. Nagpaluto kasi si Yoora noona, eh. First time kasing may dumalaw sa akin dito bukod sa mga kaibigan ko," know why? Because the place where we live is definitely a private information. Kung sino mang magpakalat ng address namin ay may kaukulang parusang haharapin kaya I'm really curious kung kanino nalaman ni Baekhyun iyong address namin.

"A-ah! Ganun ba! Kaya pala nagdadalawang-isip si Kai na ibigay sa akin iyong address niyo."

"Si Kai nagbigay sayo? How come? You have his contact number?" Aba naninigurado lang. Alam kong may pagka-fetish si Kai sa kamay ni Baekhyun pero hinahayaan ko lang. Mamaya dumadamoves na pala iyon eh.

"Hmm, hindi. I bumped with him kanina sa daan noong pauwi ako galing sa company niyo," tumango-tango na lang ako.

"Speaking of the company," parang na-tense si Baekhyun ngayong na-open ko itong topic. "Sabi ni Yoora noona kanina hindi ka naman daw nag-apply?"

"Inunahan ako ng hiya eh. Nakita ko kasi kahapon sa school iyong poster na hiring ang company niyo at malaki iyong sweldo na inooffer kaya naisipan kong mag-apply. Kaso nahiya talaga ako noong nasa harap na ako ng office ni Y-Yoora noona. Hindi kita pinapansin sa school tapos mag-aapply ako bigla sa company niyo? Parang ang user ko naman tignan."

"Dahil lang doon?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango naman siya. "Grabe, hindi naman ako ganun mag-isip, Baekhyun. Okay lang sa akin kung mag-aapply ka sa company namin. It's a loss for us if ever na well-qualified ka para sa trabahong papasukan mo," natutunaw ako, nakangiti kasi si Baekhyun. At least, napangiti ko siya. Hindi lang iyong bulol na iyon ang nagpapangiti sa kanya. Ngayon, kasama na rin ako.

"Salamat talaga, Chanyeol. Promise babayaran ko iyong lahat ng gagastusin bukas kapag nakaluwag-luwag na kami," may inabot siya sa aking isang box. Ang bigat nga eh. "Rice cakes iyan na gawa ni Mama. Try mo, masarap iyan. The best!" Kumuha ako ng isa at halos mapailing ako nang makita kong iba-iba iyong kulay ng mga rice cakes at pastel colors pa.

"Sarap nga! Adik si Yoora noona sa ganito. Sasabihin ko sa kanya na sa inyo na lang siya umorder ng rice cakes," nag-thumbs up pa ako. Hindi talaga ako kumakain ng rice cake pero maadik ata ako dahil sa rice cakes ng Mama ni Baekhyun. "And nga pala, don't worry. Kahit hindi mo na nga bayaran iyong gagastusin natin bukas. Baka nga wala pa tayong gastusin, ospital kasi nila Suho hyung iyong pupuntahan natin and for charity kasi iyon. Iyong mga hindi nakaka-afford ng mamahaling hospital, doon pumupunta kasi libre lahat," I added.

"Talaga?! Lagi akong nakakarinig ng mga magagandang bagay tungkol kay Suho hyung pero hindi ko alam na up to this extent iyong kabutihan niya!"

"Yeah. Kaya nga bagay na bagay sa kanya iyonh nickname niya na Suho kasi guardian angel talaga siya. Pero alam mo naman sigurong Junmyeon talaga pangalan niya diba?" Tumango siya.

"Nasaan na si Baekhyun?" Napatingin kami parehas kay Yoora noona na parang baliw na tumatalon-talon papunta dito, tsk. Noong nakita niya si Baekhyun napahawak na lang siya sa magkabilang pisngi niya. "Oh my god!!!! Ang cute mo, Baekhyun! Para kang little puppy!!!! And ang pretty pretty mo pa!!" Kinurot ko na lang si Yoora noona dahil sa huling sinabi niya. Ang awkward kasi.

"A-ah, hello po, Yoora noona!" Hindi na napigilan ni Yoora noona iyong nararamdaman niya kaya hinila na niya si Baekhyun at niyakap ng sobrang higpit. Ito namang si Baekhyun hindi makapalag pero natatawa na lang siya kay Yoora noona, parang baliw kasi.

"Noona, hindi na makahinga si Baekhyun," pilit kong kinakalas iyong yakap ni Yoora noona kasi obvious naman na parang sinasakal niya na si Baekhyun sa sobrang higpit ng yakap niya.

"Ayy!! Sorry, Baek! Nakakamiss kasi yumakap ng lalaki eh! Iyong isa kasi dyan na malaki tenga hindi na nagpapayakap sa ate niya," Yoora noona pouted.

"Chanyeol po ba ang pangalan, Yoora noona?" Painosenteng tanong ni Baekhyun. Psh.

"Ayy! Hindi ko yun sinasadya, Chanyeol. Kasalanan ko bang kapag malaki tenga ikaw agad naiisip?" Inirapan ko na lang silang dalawa. Pasalamat kayo parehas ko kayong mahal. "Baekhyun, dito ka na magdinner please!" Nakakadiri! Nagpuppy face pa kasi si Yoora noona kaso hindi yata effective kasi sabi ni Baekhyun bawal daw siyang magpagabi at pinapauwi na siya ni Baekbom hyung. "Ay, gano'n ba? Ganito na lang! Baunin mo lahat ng pinaluto ko para sayo."

-

-

"Salamat, Yoora noona! Ang dami po nito, parang buong street namin makakakain. Una na po ako."

"Hep hep! Wait lang, Baek!" Hinila niya si Baekhyun pabalik ng bahay. Ang dami kasing dalang paper bags ni Baekhyun sa totoo lang, si Yoora noona kasi parang may fiesta sa dami ng pinaluto. "Chanyeol! Hatid mo naman si Baek kahit sa labas lang ng village. Dali na! Madami siyang dala oh."

Wala na akong nagawa kundi ihatid si Baekhyun, quality time na rin. Dapat talaga sa labas lang ng village ko siya ihahatid kasi tinatamad akong mag-drive pero naisip ko na ring ihatid na siya sa bahay nila since malapit lang naman iyon samin, mga 30-minute drive siguro. Simple lang iyong bahay nila, kasing laki lang ng kwarto ko. Pero malaki naman kasi iyon, parang isang bahay na kakasiya ang tatlong tao sa laki. Pero kahit na cute size lang bahay nila Baekhyun ramdam na ramdam mo iyong masayang aura dito. Unlike sa amin, cliché man, pero mas priority nila Mommy at Daddy iyong trabaho nila sa China kaya kami lang ni Yoora noona ang nasa bahay.

"Chanyeol, pasok ka muna saglit," pagyaya ni Baekhyun habang tinatanggal ang seatbelt.

"Ay, 'wag na. Nakakahiya humarap sa parents mo ng ganito lang iyong suot eh," gusto ko kasi I'm wearing the best of me kapag nameet ko parents niya.

"Hindi, okay lang. Baka nga sila pa mahiya sayo dahil branded lahat ng suot mo. Tara na," wala na akong nagawa kundi magpahila. Baekhyun iyan eh. Hila-hila niya ako habang bitbit ko lahat ng pinauwi sa kanya ni Yoora noona. "Mama! Papa! Baekbom hyung! May bisita po tayo! Nandito po si Chanyeol!" Sigaw ni Baekhyun habang nagtatanggal ng sapatos.

"Ikaw pala si Chanyeol," may lalaking mukhang five years lang ang tanda sa akin na lumapit sa gawi namin ni Baekhyun kaya nagbow ako. "Ako nga pala si Baekbom, hyung ni Baekhyun. Pasensiya na sa bahay namin, ha? At saka mauna na pala ako, may trabaho pa kasi ako," tumango na lang ako at sinabing mag-ingat siya.

Hindi naman ako nagtagal doon sa bahay nila. Yung Mama niya kasi kaylangan ng magpahinga para sa operasyon bukas, iyong Papa naman niya kaylangan din umalis dahil parehas sila ni Baekbom hyung na may trabaho pa.

"Mauna na ako, Baekhyun. Sige na, pasok ka na," tatalikuran ko na sana siya kaso bigla naman niya akong hinatak at niyakap. Wow, another point for Chanyeol. "B-Baekhyun, bakit?"

"Kinakabahan ako, Chanyeol. Paano kung hindi kayanin ni Mama iyong operation bukas? Ayaw ko pa siyang mawala," iyong petite na figure ni Baekhyun kung ikukumpara sa abnormal kong height ay ang cute tignan. Nakasandal ang ulo niya sa dibdib ko ngayon habang nakapatong iyong baba ko sa ulo niya.

"Stage 3 lang naman iyon sabi mo kanina diba?" Isang kurot sa biceps ang naging tugon niya. Wow, tyansing ito! "Joke lang! Kaya niya iyan! Iyong ospital nila Suho hyung? Lahat ng mga dalubhasa nandoon kaya tiwala lang. Tsaka pray ka lang, ha?"

Kumalas na siya sa pagkakayakap at isang sinserong ngiti ang binigay niya sa akin. Sige lang, ngumiti ka lang ng ngumiti. Mas lalo akong naiinlove sayo! "Salamat talaga."

"Sige na, aalis na ako. Basta susunduin ko kayo dito bukas. Matulog ka ng mahimbing and please don't dream of me. Okay?!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro