Ikasampung Kabanata
Byun Baekhyun.
"Baekhyun, may taning na ang buhay ni Chanyeol. May brain cancer siya at stage 3 na iyon," halos lagutan ako ng hininga sa sinabi ni Suho hyung. Brain cancer? Kaya ba napapadalas ang pagsakit ng ulo ni Chanyeol? Pero bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit hindi ko man lang napansin na hindi lang basta-basta iyong pagsakit ng ulo niya?
"A-ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Minseok hyung kay Suho hyung. Kaming tatlo lang ang nandito sa loob ng kwarto namin ni Chanyeol. Hindi pa kasi dumadating iyong iba naming mga kaibigan dito dahil naligaw daw sila.
"C-Chanyeol. . ." Ang tangi kong sambit habang pilit na inaabot ang kamay ng asawa ko sa kabilang kama kahit alam ko namang hindi ko iyon maaabot. "Suho hyung, sabihin mong nagbibiro ka lang," unti-unti ng tumulo ang mga luha ko. Hindi na ba kami mauubusan ng problema? At bakit ganitong problema pa?
Napasabunot na lang ng buhok si Suho hyung. "Tingin niyo ba kakayanin ko pang mag-joke kapag ganito na kaseryoso ang problema? Sabi ng doktor matagal na raw ang cancer ni Chanyeol base sa mga tests na ginawa nila pero nitong nakaraan lang nalaman ni Chanyeol iyon dahil noon lang siya nagpacheck-up," mas lalo akong naiyak dahil hindi ko alam na nagpapacheck-up pala siya kahit wala naman ako.
"Baekhyun. . ." Napalingon ako kay Minseok hyung at niyakap niya ako, pinilig ko ang ulo ko sa dibdib niya at walang humpay na umiyak doon. Sobrang bigat na ng pakiramdam ko. "Maging matatag ka para kay Chanyeol."
Ang daya-daya naman, eh. Ilang unos na ang dumaan saming dalawa pero nalampasan naman namin. Iyong ganitong klase ng problema parang wala na kaming pag-asa pang lampasan iyon. Buhay na ni Chanyeol iyong pinag-uusapan dito eh. Hindi ba talaga namin deserve na maging masaya? Hindi ba namin deserve na magkaroon ng kahit saglit na pahinga sa mga problema?
"Baekhyun. . ." Naramdaman kong hinaplos ni Suho hyung ang buhok ko at nanatili akong parang batang umiiyak sa dibdib ni Minseok hyung. "Sa tagal naming naging kaibigan si Chanyeol, ganito talaga siya. Ayaw niya na nalalaman ng iba na may problema siya. Mas gugustuhin niya na lang na sarilinin iyon kaysa mamroblema pa iyong mga taong mahal niya. Sana maintindihan mo kung bakit niya itinago sayo na may sakit siya."
"At saka Baekhyun," si Minseok hyung naman ngayon ang humahagod ng likod ko. Parang gusto ko na lang matulog ulit dahil nararamdaman ko na naman ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko. "Kung maari sana 'wag magbago iyong trato mo kay Chanyeol. Kung paano mo siya trinato noong wala ka pang alam na may sakit siya, gano'n mo rin siya ulit itrato ngayong alam mo na. Hindi makakatulong sa kanya kung ipaparamdam mong mahina na siya," hindi ko na narinig pang muli iyong sunod na sasabihin nila Minseok hyung at Suho hyung dahil tuluyan nang pumikit ng kusa ang mga mata ko.
-
-
"Chanyeol, alam na ni Baekhyun."
"A-anong naging reaksyon niya?"
"Syempre nasaktan siya. Kanina nagising na siya pero nawalan ulit siya ng malay. Iyak lang siya ng iyak. Bakit mo naman kasi nilihim pa? Asawa mo siya, eh."
"Tsk. Akala ko pa naman mga kaibigan ko kayo, Suho hyung. Ayaw ko lang na mag-alala sa akin si Baek."
"Pero hindi ba't mas lalo mo lang pinalala? Kung hindi ka pa naaksidente hindi pa namin malalaman na may ganitong karamdaman ka na pala."
"May balak ka bang sabihin sa kanya iyon? O gugulatin mo na lang kami kapag namatay ka na?"
Wala sana akong balak na dumilat o manggulo sa usapan ni Suho hyung at Chanyeol dahil gusto ko lang pumikit at takasan ang reyalidad pero nakaramdam ako ng pagtulo ng luha mula sa isang mata ko dahil sa tanong ni Suho hyung. Bakit ba kapag may cancer, ang nasa mindset ng mga tao mamamatay na agad iyong mga may sakit? Hindi kasi nakakatulong sa mga taong maiiwanㅡkung sakali, katulad ko, eh. Mas nagtuloy-tuloy lang ang daloy ng luha ko nang maramdaman kong may mga kamay na sinusubukang pahiran iyon. Magaspang ito at panigurado akong si Chanyeol iyon dahil alam na alam ko ang pakiramdam ng mahawakan ng malalaki niyang kamay.
"Sorry, baby. Sorry," unti-unti kong minulat ang mga mata ko at agad ko namang nasilayan ang maputlang mukha ng asawa ko. Nginitian niya ako pero hindi ko nakayang ibalik iyon. "Kamusta ka na?"
"Maiwan muna namin kayo. Nasa labas lang kami ng kwarto kapag may kaylangan kayo," katahimikan ang tanging bumalot sa loob ng kwarto. Tanging mahihinang paghikbi ko lang ang naririnig ko dahil mismo si Chanyeol ay hindi nagsasalita.
"Baek. . ." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya ng mahigpit regardless of those bandages covering him. Walang sinoman ang makakapagpagaan ng loob ko ngayon kundi si Chanyeol lang. Hindi si Suho hyung, hindi si Minseok hyung, o kahit sino pa.
"Chanyeol, ang daya mo naman eh," mahina kong pinapalo iyong dibdib niya. Nasabi ko bang wala siyang suot na pang-itaas ngayon dahil halos buong dibdib niya ay may balot ng benda? "N-nangako ka na papakasalan mo pa ulit ako diba? N-nangako ka na bibigyan mo pa ako ng maayos na wedding vow? B-bakit ka may sakit?"
"Shh. . ." Pero hindi effective ang pagpapatahan niya sa akin dahil mas lumala pa iyong pag-iyak ko. "Sorry, baby. Sorry. 'Wag kang mag-alala, pagkalabas na pagkalabas ko dito, magpapakasal agad tayo."
-
-
"Baekhyun, s-sorry sa lahat ng mga nagawa ko," mas lalo ko pang binaon iyong mukha ko sa dibdib ni Chanyeol. Mami-miss ko si Chanyeol. Takot akong mawala siya sa akin pero ayaw ko na ring paasahin pa lalo ang sarili ko dahil alam ko namang wala ng pag-asa na maisalba pa ang buhay niya.
"N-naiintindihan ko. Basta promise mo sa akin na magpapagaling ka, ha?" Naalala ko iyong sabi ni Suho hyung kanina kaya kabaligtaran ng nararamdaman ko ngayon iyong sinasabi ko. Kung ganito talaga ang kahihinatnan namin, it's better to spend his remaining days with me in the most painless way. Ayaw ko ng mas pahirapan pa siya.
"H-hindi ko alam. H-hindi ko na kaya," pero mas masakit pala na sa bibig niya na mismo manggagaling iyong pagsuko. Kung pwede lang na ako na lang iyong makaramdam nito, pero mahihirapan naman siya kapag ako iyong nawala.
"Chanyeol. . ." Panigurado sobrang maga na ng mga mata ko ngayon at parang hindi ako nauubusan ng luha sa mata dahil parang ilog na umaagos iyon ngayon.
"P-pero kakayanin kong magpakalakas hanggang matanggap mo, Baek. Hindi kita iiwan bigla-bigla. Tandaan mo iyan," hindi naman gumaan iyonh pakiramdam ko sa sinabi niya, mas lalo lang iyon bumigat. Nakakainis, kasi kahit na ganito na ang sitwasyon niya, ako pa rin iyong iniisip niya. "P-pwede ba kitang halikan?" Hindi ko na siya hinintay pang magsalita ulit at ako na mismo ang humalik sa kanya.Kasabay ng pagdampi ng mga labi namin ay ang tuluyan ng pagtulo ng mga luha na kanina pa pinipigilan ni Chanyeol na lumabas.
Ramdam na ramdam ko iyong pagkatuyo ng labi ni Chanyeol kasi hindi naman ganito dati eh. Sobrang lambot ng labi niya kahit wala siyang ginagamit, pero ngayon, mararamdaman talaga iyong pagbibitak-bitak ng balat niya. Napapikit ako nang bigla siyang bumitiw sa halik at idinikit ang noo niya sa noo ko. Ayaw kong makita ang mukha niyang umiiyak, mas lalo akong nasasaktan at nanghihina.
"Pasensya na kung kaylangan kitang iwan ng ganito kaaga. Hindi ko ginusto, Baek. Noong nalaman ko na may cancer pala ako, pakiramdam ko napakawalang kwenta kong tao. Hindi na nga kita tinrato ng maayos dati tapos ngayong nagsisimula pa lang tayo ulit, at saka naman nagkataning iyonh buhay ko. Sorry, Baekhyun. Sorry sa lahat ng mga sakit na pinaranas ko sayo."
"W-wala ka namang kasalanan. 'W-wag kang magsalita ng ganyan. S-sabi mo kakayanin m-mo diba?" Mataman ko siyang tinignan, umaasa na kahit ngayon lang, magiging positibo siya sa mga pananalita niya pero inilingan niya lang ako. "Chanyeol, hindi ko kakayanin kapag iniwan mo ako."
"N-nandyan naman sila hyung. Babantayan ka nila. M-mumultuhin ko sila kapag pinabayaan ka nila," at tumawa siya ng pilit.
"Pero hindi ka sila. Hindi sila ang kaylangan ko, ikaw lang ang kaylangan ko Chanyeol. Ikaw lang ang makakapagpabalik ng mga ngiti sa mata ko," anong gagawin ko kung nandyan nga silang lahat para pasayahin ako kung iyong kasiyahan ko ay wala na? Si Chanyeol ang kasiyahan ko, kaya kapag nawala siya parang nawalan na rin ako ng gana at dahilan para magpatuloy pang muli.
Sa loob ng ilang buwan naming pagsasama, siya ang naging lakas ko. Siya ang tumatayo kapag hindi ko kayang buhatin ang sarili ko. Siya ang naging tagapagtanggol ko noong mga panahong mahina ako. Siya ang naging lakas ko noong mga panahong hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko sa mga umaaway sa akin. Siya lang, walang iba.
"Baekhyun," pinilit niyang mapatingin ako sa kanya at hinalikan ang ilong ko bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Kaylangan mong magpatuloy sa buhay. Kung dati nga naka-survive ka ng wala ako sa buhay mo, paano pa ngayon na parang gano'n lang din naman iyong magiging epekto ng pagkawala ko ng tuluyan?"
"Chanyeol iba naman kasi noon, eh," nagpahid ako ng luha na kasabay na pagtulo ng sipon sa ilong ko dahil sa sobrang pag-iyak. "Wala ka pang halaga sa buhay ko noon. Ngayon, ikaw na ang buhay ko. Hindi naman madali sa akin iyong pinapagawa mo eh. Ako iyong maiiwan."
"Basta tandaan mong mahal na mahal kita, Baekhyun. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito at ikaw lang at mamahalin ko hanggang sa kabilang buhay ko," hindi ko na alam kung anong sasabihin kaya tumango na lang ako. "Good, pwede bang gawan mo ako ng pabor?"
"A-ano iyon?"
"Titigil na ako sa pag-tatrabaho at gusto ko sana ikaw lang ang kasama ko hanggang sa huling hininga ko. Ayaw kong mawawala ka sa paningin ko," umiwas siya ng tingin at nagsalita muli. "G-gusto ko sanang tuparin mo iyong b-bucket list na ginawa ko noong isang araw."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro