Ikasampung Kabanata
Park Chanyeol.
Back to school. One week na simula noong pinalayas ako sa bahay namin at tuloy pa rin ako sa pagiging fast food crew. Alam ko namang hindi ako makakaipon ng 500,000 sa gano'ng trabaho at may posibilidad na hindi na ako makabalik sa mansyon, pero nag-eenjoy ako sa ganitong buhayㅡiyong independent ako; kumikita ako ng sarili kong pera. At first nahirapan akong mag-adjust pero ngayon nagagamay ko na naman. It's actually fun working to spare myself a living. Kahit na pinalayas ako, I'm just thinking the positive side of itㅡhere I am, experiencing how hard it is to earn money.
Naisipan ko rin na hindi na ako magdadala ng sasakyan sa school. Iiwanan ko na lang doon sa apartment na tinitirahan ko para bawas gastos na iyong gasolina at morning exercise na rin. Kakababa ko lang ng jeep, nandito na ako sa tapat ng school. Habang naglalakad ako, nagulat ako nang biglang may sumulpot sa tabi ko.
"Morning, Yeol!" Si Baek pala. Mukhang nasa good mood itong isa na ito ah. At bakit ko nga ba nakalimutan na nagco-commute lang din siya at ganitong oras iyong dating niya dito sa school?
Dahil mas matangkad ako sa kanya at nacute-an na naman ako sa bahagyang pagtalon-talon niya bago tumigil sa harapan ko, pasimple kong ginulo iyong buhok niya. First time ko itong mahawakan at nahulog na naman ako. Sino ba naman kasing hindi? Sobrang lambot kaya ng buhok ng lalaking ito.
"Huy! 'Wag kasi! Hindi ko na nga nasuklay ng maayos eh!" Ganito pala iyong feeling na kaibigan mo na si Untouchable B ano? Alam kong mabait siya, based sa mga nakikita kong actions kapag kasama niya si Sehun. Pero hindi ko inexpect na ganito pala siya. Parehas na parehas talaga sila ni Sehun, carefree iyong mga aura nila. Noon kuntento na kasi ako sa pagtingin-tingin sa kanya mula sa malayo, akala ko talaga mahirap siyang maging kaibigan. Mysterious kasi siya.
"Bakit ka pala naglalakad?" At totoo ngang madaldal siya. Hindi naman sa ayaw ko siyang kausap, God knows how long I've waited for this. Siguro hindi lang ako sanay na siya iyong nag-iinitiate ng conversation.
"Ah, iniwan ko sa apartment iyong sasakyan ko. Naisip ko na magco-commute na lang ako para tipid sa gasolina," napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman kong wala na palang nakasunod sa akin. Tumigil pala siya kaya bumalik ako. May kung ano siyang ginagalaw sa bag niya at halos mapamura na lang ako nang muntikan siyang mahagip ng humaharurot na sasakyan papasok sa school. Buti na lang nahila ko siya palapit sa akin dahilan para mapasubsob siya sa dibdib ko.
"A-ah, sandwich?" Natawa na lang ako sa awkward position naming dalawa at nagawa niya pa akong alukin ng sandwich. Kakaiba ka talaga, Baekhyun.
Sabi niya lagi raw siyang pinapabuanan ng sandwich ng mama niya tapos niyaya niya rin akong sumabay sa kanila ni Sehun mag-lunch mamaya. "Eh, kaso sa leisure room kami kumakain kapag lunch."
Oo may leisure room kaming magbabarkada dito. Daddy ni Suho hyung ang nagpagawa noon dahil gusto niya na tanging luto lang ng personal chef nila ang kinakain ni Suho hyungㅡpati na rin kami. Tsaka si Kai talaga iyonh nag-request noon kay Uncle, hindi raw kasi siya makatulog sa room namin kasi masyadong maingay at nagkaka-stiffed neck lang siya kapag dumudukdok siya sa lamesa.
"Would you mind kung kayo na lang ni Sehun iyong sumabay sa amin?" Nakita ko naman na parang gusto na, parang ayaw niyang pumayag sa offer ko kaya hinawakan ko iyong mga kamay niya. Wala akong pakielam kung may makakita sa aming dalawa. "Kung iniisip mo si Suho hyung, 'wag kang mag-alala. Mabait iyon. Pag pasensyahan mo na iyong mga narinig mo noon sa parking lot. Stressed lang talaga siya that time."
"Alam ko naman iyon, Yeol. Ang iniisip ko lang ay baka hindi kami tanggap nila Minseok hyung doon," napakamot na lang ako ng ulo. Naisip niya pa talaga yun? Eh natagalan niya nga kaming kasama ng tatlong araw sa Cavite.
"S-sige. Ayos lang kung ayaw mo," binitawan ko na iyong kamay niya at nagsimula ng maglakad ulit. Gusto ko lang naman na makasabay siya kumain ng lunch. Is that too much to ask for? Akala ko close na talaga kami to the extent na papayag siyang sumama sa akin kahit saan. Pero I guess I was wrong. Masyado ko atang minamadali ang mga bagay-bagay.
Napatigil ako nang maramdaman kong hinihila ni Baekhyun iyong polo ko. Eto na naman, nagpapacute na naman siya. Nahahawa na siya kay Sehun, parehas na silang maraming aegyo. "Sige na. Sige na. Sasabay na kami sa inyo," and with that napangiti ako ng sobra. Effective pala magwalk out eh. Next time gagawin ko ulit ito kapag hindi siya pumayag sa gusto ko.
-
-
Natapos iyong first to third class namin ng ganun kabilis. First day na first day kasi ang dami agad pinagawa. Tsaka mas pursigido akong mag-aral ngayon dahil nga kaklase ko na si Baekhyun. Kahit na hindi kami seatmate, okay lang. At least nakikita ko siya sa room. Nasa harapan kasi siya samantalang nasa bandang likuran naman ako. Screw our first three professors! May seating arrangement kasi at alphabetical order ang ayos. Mukhang mabait naman iyong dalawang babae na katabi ni Baekhyun kasi nakita kong nagtatawanan sila kanina. Nako subukan lang nilang i-bully si Baekhyun lagot sila sa akin.
-
-
Naglalakad kaming tatlo nila Baekhyun at Sehun papunta sa leisure room. Nauna na kasi sila Minseok hyung dahil hinintay pa namin si Sehun na lumabas ng classroom nila. Medyo nag-overtime raw kasi iyong professor niya. Busangot na busangot din iyong mukha niya pagkalabas ng room. Namimiss na raw niya kasi si Baekhyun.
"Chanyeol hyung! Diba may perthonal chef kayo tha leithure room niyo?" Tumango naman ako. Kanina pa kasi daldal ng daldal iyang si Sehun, ilang araw lang simula noong huli kaming nagkita ang dami na agad niyang baong kwento. "Edi pwede kami kumain din?"
"Oo naman. Pero diba nagbabaon ka rin ng lunch?" Don't get me wrong, mayaman si Sehun, sa cafeteria talaga siya kumakain noong si Luhan hyung pa iyonh lagi niyang kasama pero noong naging close sila ni Baekhyun, nagbabaon na rin siya.
Napakamot naman siya ng batok sa sinabi ko. "Ehh!! Naiwan ko kathi iyong lunch box ko tha bahay eh!"
"Hindi bale hahatian na lang kita ng baon ko. Medyo marami naman iyon eh," nainggit naman ako sa sinabi ni Baekhyun kaya nagmakaawa rin ako na bigyan niya ng pagkain. Gumamit na rin ako ng aegyo pero tinawanan lang nila akong dalawa. Hindi raw bagay sa akin. Parang luluwa raw iyong mata ko sa laki.
-
-
Pagpasok namin sa leisure room may kanya-kanya silang ginagawa. Si Kyungsoo tumutulong doon sa pagluluto sa kitchen. Si Minseok hyung naman nagbabasa ng libro. Si Suho hyung manga naman iyonh binabasa. Si Kai, isa itong himala dahil hindi siya tulog ngayon, nagsasayaw siya sa gilid ng kwarto at si Chen binubwisit iyong dalawa kong hyung na nagbabasa.
"Minseok hyung! Suho hyung! Kain na tayo. Gutom na ako eh!" Paanyaya ni Chen kaya binato siya ni Minseok hyung ng unan, hindi pa kasi tapos magluto iyong chef at nakakabigla dahil kapag dadating kami dito laging nakahanda na iyong kakainin namin.
"Magaling pala magthayaw thi Kai?" Napatingin kami kay Sehun. Nagninging iyong mata niya habang pinapanood si Kai na magsayaw kaya sinabihan ko siyang sabayan na niya si Kai doon, which is tuwang-tuwa naman niyang ginawa. Mukhang magkakasundo naman sila ni Kai dahil magka-edad lang sila at parehas silang may passion sa pagsasayaw.
"Suho hyung, bakit hindi pa nakahanda yung pagkain natin?" Pinaupo ko naman si Baekhyun sa bakanteng couch. Kanina pa iyan tahimik, nahihiya kasi eh.
"Ah," binaba niya iyong binabasa niyang manga at nginitian si Baekhyun. "Pinadagdagan ko kasi iyong pagkain na ihahanda. Simula ngayon dito na kayo kumain ng lunch ha," nakatingin lang siya ng diretso kay Baekhyun.
"A-ah. Salamat, Suho hyung."
"And wag ka na palang mailang o mahiya sa amin. Pasensya na kung may mga nasabi akong hindi maganda sayo," napangiti na lang si Baekhyun. Nawala na iyong mukha niyang natatae sa kaba kanina. "Tsaka bibigyan ko pala kayo ng card mamaya para may access na kayo ni Maknae dito sa leisure room," mabait naman si Suho hyung eh. In fact siya iyong isa sa mga matured na talaga sa aming magkakaibigan.
Bigla namang sumulpot si Sehun sa tabi ni Suho hyung. Nako feeling ko magiging close silang dalawa. Mahilig kasi si Suho hyung sa mga mas bata sa kanya. But sad to say, hindi niya kami hilig nila Chen at Kyungsoo dahil lagi namin siyang inaasar. "Anong tawag mo tha akin Thuho hyung?" At mukhang nakahanap na naman ng bagong kuya si Sehun sa katauhan ni Suho hyung.
-
-
Pagkahain ng mga dish na niluto ng chef nila Suho hyung ay nagdasal muna kami bago kumain. Si Sehun pa iyong nautusan ni Suho hyung na magdasal. Sabi na eh, magugustuhan niya si Sehun. Sino ba naman kasing hindi? Cute cute kaya nitong si Maknaeㅡoo Maknae na tawag namin kay Sehun. Nagtampo pa si Kai noong una kasi bakit hindi raw namin siya tinatawag ng gano'n dati, sabi na lang ni Chen hindi raw kasi bagay kay Kai dahil hindi siya kilos bunso, kaya ayan nabato na naman siya ng unan but this time galing na sa number one defender ni Kaiㅡkay Kyungsoo.
Medyo nag-agawan pa kami sa baon ni Baekhyun na ulam. Ang sarap kasi! Adobo ata tawag dun eh. Ang sarap magluto ng mama niya! Mula dun sa rice cakes na dinala niya sa bahay, doon sa sandwich na binigay niya sa akin kanina at sa Adobo ngang ulam niya ngayon.
Tatlong oras iyong vacant period namin. Buti nga nagkataon na parehas iyong schedule namin kay Sehun, siya lang kasi yung nag-iisang 2B dito eh. Hindi ko rin inaasahan na io-open ni Minseok hyung iyong topic about sa pagbuo ng grupo. Akala ko talaga hindi siya seryoso doon kasi nakalimutan na niya eh.
May upcoming school festival kasi sa makalawa at balak niyang sumali kami doon sa contest. Hindi iyon battle of the bands, may halo ring sayaw. Hindi ko alam ang tawag dun pero narinig kong sinabi ni Suho hyung na sasali kami. "Huh? Eh, ano namang ipeperform natin?"
"Magsusulat tayo ng kanta ngayon na rin at lalapatan ni Kai at Maknae ng dance steps!" Napa-face palm na lang ako sa sinabi ni Minseok hyung. Hindi naman kasi gano'n kadaling magsulat ng kanta eh. Tsaka hindi kumpleto iyong instruments dito. Gitara lang ang meron kami dito.
"Minseok hyung, uhm, suggestion ko lang naman, may nasulat kasi akong kanta. . ." Napalingon kami kay Baekhyun at tila nakakita ng pag-asa si Minseok hyung sa sinabi niya.
"Dala mo ba? Pakinig!" Tumango naman si Baekhyun at akmang tatayo para kunin iyong bag niya kaya inunahan ko na siya. Inasar naman kami ng mga kasama namin dito. Kainis, panira ng moment.
Nilabas niya iyong notebook na pinagsulatan niya noong kanta at nagtipon-tipon kami para basahin iyon. Sabi ni Baekhyun wala pa rin siyang naiisip na beat sa kanta na iyon pero tapos na nga iyong lyrics. Don't Go ang title. Kaagad namang tinawagan ni Suho hyung iyong kilala niyang bihasa sa paglalapat ng tono sa mga lyrics. Wala eh, excited din kasi siya. Tapos si Kai naman at si Maknae, ayon may sarili ng mundo, nagta-try gumawa ng steps. Si Baekhyun naman tinatry niyang hatiin iyong lyrics sa aming walo.
Natahimik kami nang biglang bumukas ang pintuan ng leisure room at pumasok si Krystal. Sumunod naman ang isang babae na hindi namin inaasahan na dadating dito ngayon. Si Jessica, iyong ate niya. Kung nagsisimula pa lang na tumubo ang sungay ni Krystal, si Jessica naman ay likas na ang pagiging meanie sa ugali niya. Bakit nandito naman itong Jung Sisters?
"Jessica, what are you doing here? And same goes with you Krystal?" Tanong ni Suho hyung, napakapit na lang sa akin si Baekhyun, medyo traumatized kasi siya sa ginawa ni Krystal sa kanya. Pati si Sehun pasimpleng lumapit sa amin ni Baekhyun, actually parehas pala silang natatakot kay Krystal. Nako, kung kilala lang nila ugali ni Jessica baka naihi na silang dalawa sa takot.
"Nothing. I just heard na may nilalandi raw na lalaki si Chanyeol dito eh," napako iyong tingin niya sa kamay na nakahawak sa braso ko. Hiniwakan ko iyon at pinisil. Nagsisimula na kasing maging shaky iyong kamay ni Baekhyun. "Siya ba Chanyeol? Siya ba iyong ipapalit mo sa kapatid ko?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. Tahimik lang kaming lahat dito. Walang nagtatangkang magsalita.
"Jessica, ayaw ko ng gulo. Please lang," nginisihan niya lang ako bilang tugon. Kung magtatalo man kami ayaw ko sa harap ni Baekhyun. Ayaw ko na makarinig ulit siya ng mga masasakit na pasaring sa kanya. Matalim magsalita si Jessica kaya paniguradong dadamdamin na naman ni Baekhyun ito pag nagkataon.
"Oh! Look what we've got here, Krystal. A knight in shining armor with his damsel in distress and an apprentice," tukoy niya sa aming tatlo nila Baekhyun at Sehun. Para kasi kaming ewan dito. Kung nakahawak sa akin si Baek, si Sehun naman nagtatago sa likuran niya.
"Jessica, umalis na kayo," pero hindi sila natinag, akmang lalapit si Jessica kay Baekhyun nang bigla kong hinarang ang katawan ko.
"Jessica, please wag mo siyang sasaktan. He had enough of your sister," ganyan iyan si Jessica. Masyadong protective kay Krystal kaya simula noong ma-engage kami, lahat ng mga babaeng lumalapit sa akin sinasaktan niya. It's either siya ang gagawa o ipapa-trabaho niya sa mga tauhan nila. Ang pinakamalalang ginawa ni Jessica sa isang babae na lumapit sa akin ay iyong iparape siya sa isang liblib na eskinita. Muntik na siyang makulong noon kung nakakuha lang ng sapat na ebidensya ang mga pulis but I guess money can buy everything. Hindi nakamit ng babae na iyon ang hustisya kaya nagpakamatay siya. At ayoko ng maulit pa iyon kaya hangga't maari hindi ako lumalapit sa kung sinoman but Baekhyun is an exception. Handa akong protektahan siya ano mang oras.
"Scared of what can I do?" Napailing ako. I won't give her the satisfaction. "Don't worry, hindi pa ngayon Chanyeol. Wala pa akong plano sa lalaking iyan," nakahinga ako ng maluwag nang magsimula na silang maglakad ni Krsytal pabalik sa pintuan, kaso biglang tumigil si Jessica sa paglalakad at binigyan ako ng nakakalokong ngiti. "Makakarating ito sa Daddy mo, Chanyeol."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro