Ikapitong Kabanata
Park Chanyeol.
May three days vacation kami bago magsimula iyong bagong school year. Hindi ko nga alam kung anong klaseng patakaran sa school meron kami. Napaka-twisted talaga ng tita ko. Kahit ako hindi ko maexplain. Kaya ito kami ngayon, nasa isang mini bus na pagmamay-ari nila Suho hyung, papunta sa resort nila sa Cavite. Doon kami magbabakasyon ng dalawang araw. Dapat talaga kaming magbabarkada lang kaso napasama si Luhan hyung, Sehun, at Baekhyun. Niyaya na lang din namin tutal lahat kami stressed at ilang araw na pahinga lang ang meron kami bago magsimula ang bagong taon. Kasama rin pala namin sina Kris hyung, Lay hyung, at Tao. Hindi kasi sila sa school namin nag-aaral, doon sila sa school na nilipatan ni Luhan hyung.
"Suho hyung, tabi tayo!" Biglang sumingit si Lay hyung sa pila at nagmamadaling pumunta sa tabi ni Suho hyung. Magkatabi na rin sa katapat na upuan si Kris hyung at Tao. Samantalang si Minseok hyung at Chen naman sa likod nila Suho hyung, si Kai at Kyungsoo magkatabi sa likuran nila Kris hyung. Ni hindi pa kami nakakaalis nakatulog na si Kai, antukin talaga. Kaya apat na lang kaming natitira ngayon dito sa labas ng mini bus.
"Luhan hyung, tabi tayo! May iku-kwento ako thayo!" Nagtatampo si Baekhyun kay Sehun ngayon. Napapadalas kasi pagkikita nila ni Luhan hyung ngayon kaya nababaliwala ni Sehun si Baekhyun.
"Okay lang iyan, Baek. Tabi na lang tayo," nginitian ko siya at inalalayang umakyat sa mini bus. Nauna na kami kay Luhan hyung at Sehun dahil hindi pa nauubos ni Sehun iyong bubble tea niya. Ayaw kasi ni Suho hyung na madumihan iyong mini bus nila. Grabe lang talaga.
"Hyung, bilithan mo naman! Tayo na lang wala tha loob oh!" Nagtatantrums na si Sehun sa labas. Paano ba naman, minadali siya ni Luhan hyung na ubusin iyong bubble tea niya pero pagkaubos niya, siya naman iyong may hawak na Iced Americano sa kamay.
"Saglit lang, Sehun! Umakyat ka na kasi. Kaunti na lang ito oh," pinapanood ko lang silang dalawa dito sa bintana, ang cute talaga nila. Eversince na schoolmate pa namin si Luhan hyung ang dami na talagang nahuhumaling sa dalawa na iyan. Para na kasing little brother ni Luhan hyung si Sehun. Bibihira rin silang mag-away, parang si Kai at Kyungsoo lang. May isang childish at may isang matured.
"Ehhh! Hyung, bilithan mo na kathi! Thige ka tatabi ako kay Baekhyun hyung!" Napaismid naman itong katabi ko dahil sa sinabi ni Sehun.
"Huy! 'Wag ka ngang ano diyan! Pagbigyan mo na kasi minsan lang naman sila magkita," at nagsimula na ring magtantrums si Baekhyun. Grabe talaga. Magkaugaling-magkaugali sila ni Sehun kaya siguro nagkakasundo sila. Sarap pag-untugin eh.
Malayo iyong biyahe kaya nakatulog si Baekhyun sa balikat ko. Habang ako naman gising na gising, ako lang ata iyong gising dito eh. Hindi kasi ako nakakatulog sa biyahe tapos inaalalayan ko pa si Baekhyun kasi bigla na lang nalalaglag iyong ulo niya kapag napapalalim iyong tulog niya. Ako iyong nahihirapan sa sitwasyon ni Baekhyun kaya inayos ko iyong bag ko at tinanggal lahat ng mga matitigas na bagay doon. Tinira ko lang lahat ng mga dala kong damit at inalalayan iyong ulo ni Baekhyun na makahiga sa bag ko. Edi tapos. Baka kasi magka-stiffed neck pa siya mamaya sa itsura niya eh.
"Pttth, Chanyeol hyung!" Napatingin ako kay Sehun, sa tabi kasi siya ng bintana nakaupo at si Luhan hyung iyong nasa upuan sa aisle. "Bakit hindi ako pinapanthin ni Baekhyun hyung? Galit ba thiya tha akin?"
"Nagtatampo lang sayo. Hindi mo kasi pinapansin eh," ang sarap ng tulog ni Baekhyun, bahagya pang nakanganga iyong bibig niya kaya pinicture-an ko. Malay mo balang araw magamit kong pang-black mail diba?
"Hala! Thiya nga hindi namamanthin eh! Lagi kathi kayong magkathama!" Napakaisip-bata talaga nitong si Sehun, pero iyong pagiging isip bata niya hindi nakakainis, tolerable pa nga. Si Chen lang naman nakakainis sa amin. Parang babae kasi umasta tapos pinipilit maging isip bata.
"Ganyan din rason niya sa akin. Lagi mo raw kasing kasama si Luhan hyung at nakakalimutan mo na siya," akalain mo nga namang nagkakatampuhan silang dalawa dahil parehas sila ng iniisip.
"Eh minthan lang naman kathi ako dalawin ni Luhan hyung kaya niluluboth ko na."
"Sinabi ko na sa kanya iyan eh. Hayaan mo na lang simpleng tampo lang naman iyong nararamdaman niya. Ako bahala sayo."
"Talaga hyung?!" Nag-thumbs up na lang ako. Ang sarap naman palang kausap nitong si Sehun, kaylangan mo lang intindihin iyong mga sinasabi niyang may letter S.
-
-
Hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako, ang boring kasi. Mukhang engot naman siguro ako kung kakausapin ko sarili ko diba? Ako pa ngayon iyong may stiffed neck samantalang iyong katabi ko ang himbing ng tulog sa ibabaw ng bag ko. Haaay. Things I do for love.
-
-
Isa-isa na kaming bumaba ng mini bus dahil nandito na pala kami sa resort nila Suho hyung. Bitbit ko iyong mga gamit namin ni Baekhyun. Medyo mabigat kasi iyong mga dala niya kaya pinadala ko na lang sa kanya iyong isang duffel bag ko na magaan lang dahil puro underwears, briefs, boxers, at shorts lang iyong laman.
"Baekhyun hyung! Baekhyun hyung! Galit ka ba tha akin?" Imbis na sagutin ay inirapan na lang ni Baekhyun si Sehun at hinila ako papasok ng tutuluyan namin. Nilingon ko si Sehun and then mouthed Ako na bahala at tumango na lang siya tapos kinulit si Luhan hyung.
"Baek, alam mo ba nagtatampo rin sayo si Sehun kasi—" hindi ko na natapos iyonh sasabihin ko dahil may biglang humatak sa braso ko mula kay Baekhyun. "Krystal?!" Bwiset. Anong ginagawa niya dito?
"Your one and only Krystal Jung. Missed me Chanyeol?" Napaatras na lang si Baekhyun dahil bahagya siyang tinulak ni Krystal palayo sa akin. "Roommates tayo! Tara na!"
Hindi na ako nakaangal pa dahil pwersahan niya akong hinila palayo kay Baekhyun tapos nabitawan ko pa lahat ng mga dala kong bag. Shit naman, bakit ngayon ka pa sumulpot Krystal?
Byun Baekhyun.
Hindi ko kilala sino iyong babae na iyon pero nasaktan ako sa paghila niya sa akin kanina kasi powerful siya para sa isang babae. Napabuntong hininga na lang ako nang makita ko sa lapag iyong mga gamit namin ni Chanyeol. Hindi ko na nga makausap si Sehun, pati ba naman si Chanyeol? Sino na lang kakausapin ko dito? Silang dalawa lang naman ka-close ko sa mga kasama namin eh.
"Uy, Baekhyun! Nasaan si Tenga? Gusto mo tulungan na kita?" Joke lang naman po Papa God na gusto ko ng kausap. Kahit wala akong kausap basta 'wag niyo lang po akong ipagkanulo kay Chen. Akma na sana akong hahakbang para iwanan siya, tingin ko babalikan naman kasi ni Chanyeol iyong mga gamit namin dito, kaso bigla akong sinabayan ni Chen habang dala-dala iyong mga gamit namin. "Uy, ayaw mo ba akong kausap? Sige ka baka mapanis laway mo. Busy si Sehun kay Luhan hyung, si Chanyeol naman kasama ni Krystal."
Bigla akong napatigil sa paglalakad. Hindi dahil sa takot akong mapanisan ng laway, kundi gusto kong malaman kung anong mayroon kay Krystal, bakit parang tensed si Chanyeol kanina noong nakita niya si Krystal. "Sino si Krystal sa buhay ni Chanyeol?"
At parang demonyitong ngumisi si Chen sa tanong ko. Parang ineexpect na niyang itatanong ko sa kanya iyon. "Kwento ko sayo mamaya! Dalhin muna natin ito sa kwarto mo. I mean, natin. Roommates tayo eh!"
-
-
"Ganito kasi iyan, old school mang pakinggan pero fiancé ni Chanyeol si Krystal. Arrange marriage ba? Elites and their shits! Kaya minsan gusto kong maging commoner eh. At least walang ganitong bullshits sa buhay ko."
Attentive akong nakikinig kay Chen habang naglilipat siya ng gamit sa closet niya. Mamaya ko na siguro aayusin iyong akin. Wala kasi akong planong lumabas ng kwarto. Gusto ko lang magmukmok buong araw. "F-fiancé?"
Napatigil siya sa ginagawa niya at saglit na inirapan ako bago bumalik sa pag-aayos ng mga gamit niya. "Oo. Alin sa anim na letra na iyon ang hindi mo maintindihan, Baekkie?! Bakit ba kayo rank #1 and #2 ni Chanyeol? Dapat ako na lang eh. Mas deserving ako!"
Hindi ko na lang pinansin iyong mga walang kwentang bagay na pinagsasabi ni Chen at nahiga na lang ako. Hindi ko rin namalayan na nakatulog na ako. Boring kasi ni Chen kausap, puro daldal.
-
-
Nagising na lang ako nang may naramdaman akong humahaplos ng buhok ko. Pagtingin ko si Chanyeol at ang lapit ng mukha niya sa akin kaya napabangon ako. Alam ko namang gwapo siya pero nakakabigla kasi iyong distansiya ng muka naming dalawa. "B-bakit ka nandito?" Imbis na sagutin ako ay mas lalo siyang lumapit sa akin.
Nakasandal na ako sa headboard ng kama ngayon. Nabigla ako noong hinaplos niya iyong kanang pisngi ko and as if on cue napapikit na lang ako. Gustong-gusto ko talaga na hinahawakan ng ibang tao iyong pisngi ko kaya napapapikit ako. Oo, magaspang iyong kamay ni Chanyeol pero who cares? I perfectly fit on those rough hands.
"Sorry kanina. Hindi naman namin alam na dadating si Krystal eh."
Napaiwas ako ng tingin. Bakit ba siya nagso-sorry? Wala namang dapat ika-sorry eh. "O-okay lang. Tinulungan naman ako ni Chen dalhin lahat ng mga gamit natin dito."
Tumango si Chanyeol at tumayo. Akala ko lalabas na siya pero bigla niyang inilahad iyong kanang kamay niya sa akin. "Tara kakain na ng lunch."
"B-busog ako."
His forehead creased. "Wala ka namang kinain kanina ah? Buong biyahe ka kayang tulog."
"H-hindi pala ako nagugutom," pero mapilit si Chanyeol. Ugh.
"Tatayo ka mag-isa o dadamputin kita at bubuhatin? Mamili ka."
"Sabi ko nga nagugutom ako eh. Tara na," muntik pa akong madapa sa pagmamadaling maisuot iyong tsinelas ko.
-
-
Pagdating namin sa dining area, may kung anong pinag-uusapan silang lahat at mukhang naiirita at bored si Krystal sa kung ano mang topic na iyon dahil halos basagin na niya iyong pinggan sa kakatusok ng tinidor doon.
"Oh! Chanyeol! Baekhyun! Tara na dito," aya ni Minseok hyung. Nakuha namin ang atensiyon nilang lahat at isang masamang tingin ang binigay sa akin ni Krystal at niyayang maupo si Chanyeol sa tabi niya.
Tatabi na sana ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Chen nang magsalita si Chanyeol. "Baek, dito ka sa tabi ko maupo," tinap niya pa iyong bakanteng upuan sa tabi niya. "Dali na. 'Wag ka na sa tabi ni Chen, diba sabi mo masyado siyang maingay?"
"Ako na naman trip niyo ha!" Natawa na lang kaming lahat sa sinabi ni Chen. Kahit ganyan naman iyan si Chen hindi pikon iyan kaya kahit papaano masarap pa rin siyang kausap.
"So, ano na nga tingin niyo? It's a great idea na bumuo tayo ng grupo diba?" Napatingin ako kay Minseok hyung na enthusiastic magsalita, so ito pala iyong pinag-uusapan nila kanina? "Kaya kong kumanta at sumayaw. Si Luhan maganda ang boses. Si Kris pwede na nating maging rapper. Tapos ikaw naman Suho pwede ka ring kumanta, at ikaw ang tatayong leader natin. Tapos si Lay naman magaling din sumayaw at kumanta. Diba Sehun sabi mo magaling kumanta si Baekhyun?" Tumango si Sehun sa bilang sagot sa tanong ni Xiumin hyung.
"Oo, hyung! Noong ithang betheth na tulog ako tha rooftop narinig ko thiyang kumakanta. Daebak!" Lahat kami natawa sa way ng pagsasalita ni Sehun. Sino ba naman kasing hindi diba? Ang cute cute kaya nitong sawit na ito.
"Ang cute mo naman, Sehun! Gusto na kitang iuwi sa bahay namin!" Natahimik naman kaming lahat nang biglang kurutin ni Krystal sa pisngi si Sehun at mukhang masakit iyon dahil napaaray si Sehun at nag-amok kay Luhan hyung.
"Ayoko thayo! Bad ka eh! Thakit mo nga mangurot! Luhan hyung, mathaket!!!!!" Parang dumilim iyong paligid noong sumama ang tingin ni Krystal kay Sehun. Seriously papatulan niya pa si Sehun? Buti na lang marunong si Sehun. Once kasi na saktan mo siya physically, not intended man, lalayuan ka niya. Ayaw kasi niya ng kinukurot siya.
"A-ah, Minseok hyung, hindi ako magaling kumanta," pag-iiba ko ng topic.
Naramdaman ko namang hinawakan ni Chanyeol iyong kamay ko na nasa lap ko. "Magaling siya, trust me. Hyung, I can be the one in charge din sa rapping and instruments. Tapos si Chen magaling din kumanta, masakit mang isipin, pero maganda talaga boses niya," at dahil sa sinabi ni Chanyeol, isang cheeky grin ang tinugon ni Chen. Tuwang-tuwa talaga siyang naco-compliment at nakukuha ang mga gusto niya.
"Tama iyan, Chanyeol! Si Kyungsoo rin magaling kumanta, 'wag niyong minamaliit iyang penguin na iyan!" Babatuhin na sana ni Kyungsoo ng mansanas si Chen pero pinigilan siya ni Minseok hyung kaya binelatan siya ni Chen. "Si Tao pwede rin sa rapping since magaling mag-rap iyang panda na iyan."
"What's with the names? Can you stop that, Chen?" Naiiritang tugon ni Tao. Whoa.
"Kala mo cool ka na sa pag English mo na iyan ha, Tao!" Napailing na lang silang lahat kay Chen. Pinatigil na rin ni Kris hyung si Tao dahil mukhang may balak pa siyang gantihan si Chen. Para palang si Luhan hyung at Sehun itong si Kris hyung at Tao.
"Si Kai, pwedeng main dancer! Magaling iyan magsayaw! Alam niyo bang nag-ballet siya before? Tapos si Sehun, marunong ka bang sumayaw ha, Sawit?"
"Oo naman, hyung! Guthto mo demo ko pa, eh! Hindi ako thawit! Ang cute ko kaya! Diba, Luhan hyung?!" Napatayo pa si Sehun ng upuan.
"Oo na, oo na. Maupo ka na. 'Wag ka ng tumayo."
"So, it's settled then? Bubuo tayo ng group, yehey!" Tinaas ni Minseok hyung iyong baso niya pero hindi namin siya sinunod. Paano kasi namin magagawang bumuo ng grupo kung sina Luhan hyung, Kris hyung, Lay hyung, at Tao ay nasa ibang school. Sinuggest rin ni Minseok hyung na lumipat na lang sila sa school namin, pero mabilis nilang tinanggihan iyon.
"Pwede naman tayong bumuo ng banda, iyong tayo lang. Hindi na natin kaylangang pilitin sina Luhan, Kris, Lay, at Tao," saad ni Suho hyung na sinang-ayunan naman naming lahat.
Napagpasiyahan na rin namin na BRIX ipapangalan namin sa grupo. Hindi ko alam kung bakit at bakit ganyan iyong spelling, suggestion lang kasi ni Chen iyan kaya pumayag na kami. Mukhang hindi naman kasi talaga sila ganoon kaseryoso sa pagbuo ng grupo na ito.
"Ako magmamanage sa inyo!" Masayang dagdag ni Krystal, kaso inangilan lang siya ni Suho hyung at sinabing hindi namin kaylangan ng manager at isa pa, nandito pala si Krystal dahil bakasyon lang sa school nila sa China.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro