Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikalimang Kabanata



Byun Baekhyun.

Naglalakad ako papasok ng campus nang biglang humaharurot na pumasok iyong sasakyan ni Chanyeol. Muntikan niya pa nga akong masagi, good thing nakaiwas ako. Maaga pa naman kaya naisipan kong sundan siya. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa, I should've been distancing myelf from everyone except Sehun pero ito ako ngayon, ako na mismo iyong lumalapit kay Chanyeol, letting him invade my world. Wala namang malalim na rason kung bakit ako ganito, I just don't want to be involved with elites dahil alam kong hindi ko kayang makipagsabayan sa kanila. But Sehun. He's different from them. I just found myself one day approaching him and being fond of him. He's like a baby brother to me.

"Byun Baekla!"

Ayan na naman sila. Seriously? Hindi ba sila napapagod kaka-bully sa akin? Kasi ako napapagod para sa kanila. I don't give a damn about them pero patuloy pa rin sila. Sa tingin ba nila magugustuhan sila ni Sehun dahil sa ginagawa nila?

It's a major turn off sa aming mga lalaki na mas bully pa ang mga babae sa amin. Kaya lang naman nila ako binu-bully kasi close ako kay Sehun. Isa kasi siya sa mga campus hotties dito bukod sa tropa nila Chanyeol. At isa pang dahilan ay dahil mas pinapansin ako ng mga lalaki kaysa sa kanila.

"Morning, Baek!" Isa pa ito. Akala ba nila gusto ko na binibigyan ako ng flowers? Ang awkward kaya! Isa sa mga so called suitors ko ay si Myungsoo. Ilang taon na niya akong binibigyan ng flowers at kinukulit pero hindi siya gumigive-up kaya hinahayaan ko na lang.

"Ah. Thank you, Myungsoo," bago niya ako pinaalis, pinilit niya pa ako na sabay daw kaming mag-lunch. Tumanggi ako kasi masyadong mahal ang mga pagkain sa cafeteria at saka si Sehun palagi ang kasabay ko. Knowing him, magtatampo iyon kapag hindi ko siya nasabayan kumain.

-

-

Hindi ko naman intensiyon na mag-eavesdrop pero kasi pagdating ko sa parking lot, naabutan ko na lang na nag-uusap ng masinsinan sina Chanyeol, Suho hyung, Minseok hyung, Chen, Kyungsoo at Kai.

"Ano?! Pinalayas ka ni Uncle?!" Naghi-histerikal na tanong ni Chen. Kaya iniiwasan ko iyang si Chen kasi minsan natatakot ako sa kanya. Hindi naman natatakot in a negative way. Hindi lang kasi ako sanay na kumausap ng taong katulad niyaㅡOA magreact at high-pitched pa ang boses.

"Hyung, bakit?! Nakabuntis ka ba?!" Nakatanggap ng isang mahinang batok si Kai galing kay Kyungsoo. Ang cute talaga nilang dalawa. Sa kanilang magtropa silang dalawa iyong pinakacute, balanced na balanced kasi eh. Maloko si Kai, knowing na maknae siya ng tropa nila at nandyan si Kyungsoo na sumisita sa kanya kapag sobra na pagka-childish niya. Parang si Luhan hyung at Sehun lang din daw. Kaso lumipat na ng school si Luhan hyung kaya medyo naging malungkot si Sehun. Kaya ito ako ngayon, ako iyong ginagawa niyang bagong Luhan hyung.

"Alam na ba ni Baekhyun ito ha, Chanyeol?" Napatigil ako. Gusto ko ng sumabat. Bakit nadamay iyong pangalan ko? Ako ba ang rason bakit pinalayas sa kanila si Chanyeol? Oo, alam kong may gusto si Chanyeol sa akin, matagal na. Pero hindi naman ata sapat na rason iyon para palayasin siya sa bahay nila.

"Hindi pa, hyung. Ayaw ko ng madamay siya. Problema na namin sa bahay ito. Labas siya dito," nakayuko lang si Chanyeol. Kinakabahan ako sa susunod na pwedeng mangyari. Ang seryoso na kasi talaga ng aura nilang lima. Miski si Chen na palabiro ay seryoso na rin.

"Saan ka natulog, Chanyeol? Sabi ni Yoora noona kagabi ka pa raw pinalayas sa bahay niyo ah?"  Nag-bell na, hudyat na malapit na mag-start iyong first class namin. Pero ayaw pang kumilos ng mga paa ko, gusto kong malaman bakit ako nadamay dito at bakit ako ang rason kung bakit pinalayas sa bahay nila si Chanyeol.

"Sa sasakyan, Suho hyung," napailing silang lahat, miski ako eh. Sa tangkad ni Chanyeol na iyan, paano niya nakayanang matulog sa sasakyan niya? At saka hindi ba sayang sa gasolina iyon dahil kaylangan bukas ang engine para hindi siya ma-suffocate at para gumana iyong air con?

"Saan mo balak matulog ulit mamaya? Kaya pala ang laki ng eye bags mo."

"Hindi ko alam. Hindi naman ako pwedeng makitulog sa inyo dahil panigurado sinabihan na ni Daddy iyong mga parents niyo."

Naguguluhan na talaga ako. Gusto ko na malaman paanong ako iyong rason bakit pinalayas si Chanyeol sa kanila. Nagi-guilty na kasi ako eh. Halata kasing kulang sa tulog si Chanyeol at hindi siya komportable sa pagtulog sa sasakyan.

"Maghahanap ako ng apartment mamaya. Hindi naman pina-freeze ni Daddy iyong ATM ko, kaylangan ko lang talagang pagbayaran iyong pera na winaldas ko."

"Gaano katagal ka dapat tumira sa isang apartment?" Sabi ni Chanyeol 30 days daw. Hindi ko maiwasang hindi mainis sa parents ni Chanyeol particularly sa Daddy niya. Anong klaseng ama siya para ipatapon iyong anak niya? At 30 days pa talaga? Pero who am I to judge? Wala naman akong alam.

"Sana hindi na makarating kay Baekhyun ito. Ayaw kong dumagdag pa ito sa mga iniisip niya."

"Pero, Chanyeol! Siya iyong dahilan bakit ka pinalayas sa bahay niyo!" Hindi ko inaasahan na lalabas sa bibig ni Suho hyung iyan. Ang bilis ng tibok ng puso ko, kinakabahan ako sa mga susunod pa nilang mga sasabihin.

"Hindi naman hyung eh," nakayuko si Chanyeol ngayon. Sino ba namang hindi? Pinalayas na nga siya sa kanila tapos pati ba naman mga kaibigan niya sesermunan siya? "Ginusto ko namang tulungan si Baekhyun. Ako iyong dapat sisihin dito, hindi siya. Kagustuhan ko ito, hyung."

Tungkol ito doon sa pagtulong sa amin ni Chanyeol? Sa operasyon ni Mama?

"Basta alam mo namang we're just a call away kung may kaylangan ka diba?" Napaangat ng ulo si Chanyeol sa sinabi ni Minseok hyung at bahagyang ngumiti.

Umalis na ako. Hindi ko na kaya, nanlalambot na iyong legs ko. Ako iyong dahilan bakit siya pinalayas sa kanila. Kahit na hindi ko alam iyong buong rason, sobrang nagi-guilty ako dahil kahit na ganyan na iyong sitwasyon ni Chanyeol, pinili niya pa ring protektahan ako at akuin iyong binibintang sa akin ni Suho hyung.

-

-

Hindi na ako pumasok sa first class namin. Tutal naman late na ako, tumambay na lang ako sa puno sa ilalim ng soccer field. Pinapanood ko iyong mga nagwa-warm up dito. Sabi nila may competition daw kasi ngayon at kalaban ng school namin iyong school nila Luhan hyung kaya si Sehun kanina pa tawag ng tawag sakin dahil ipapakilala niya raw ako kay Luhan hyung. Hindi ko naman masagot iyong tawag niya kasi wala talaga ako sa mood makipag-usap ngayon.

"Baekhyun," iyong huling tao na gusto kong makita ngayong araw nandito sa harapan ko. Bakit ko nga ba nakalimutan? Teritoryo ni Chanyeol itong lugar na ito eh. Lagi ko siyang nakikita dito na natutulog kapag vacant time nila. Gusto ko sanang itanong kay Chanyeol kung bakit ako iyong rason ng pagpapalayas sa kanya pero ayaw ko na makita iyong malungkot na Chanyeol. Masyadong traumatizing. I've always known him as the happy virus of this school kaya pinili ko na lang na sarilinin iyong tanong ko. Siguro naman one day may makakasagot na. 'Wag na lang muna ngayon.

"C-Chanyeol. . ." Akala ko uupo siya sa tabi ko pero nagulat ako noong nahiga siya sa lap ko.

"Pwede pasandal saglit? Inaantok kasi ako," hinayaan ko na lang siya. Tutal halata naman sa mukha niya na talagang kulang siya sa tulog. May pimple pa nga siya sa kanang pisngi.

Habang mahimbing siyang natutulog, hindi ko napigilan ang sarili ko na kilitasin ang mukha niya. Long eyelashes, perfectly sculpted nose, at pinkish lips. Ang perfect talaga niya. No wonder siya ang Jack of All Trades ng school namin. At kapag ngumingiti siya, iyong perfect set of white teeth niya, ang laking asset niya talaga. Tapos iyong height niya, abnormal may it looks like pero dalang-dala niya. Wait. Am I fanboying over this guy sleeping on my lap?

"Baekhyun, may gagawin ka ba mamaya?"

Nagulat ako, akala ko kasi tulog siya. Nakakahiya naman yung inisip ko kanina. Bigla ko na lang tuloy naramdaman na nag-init iyong mukha ko. Nagba-blush ako. "W-wala naman. Bakit?"

Shoot. Dumilat siya at nakita niya ang namumula kong mukha. Napaiwas na lang ako ng tingin nang bigla siyang nag-smirk. "Bakit ka namumula?"

"A-ah. M-mainit kasi?" Lame excuse, Baekhyun. Ang ganda-ganda ng panahon at malakas ang hangin kaya bakit ako maiinitan? Hindi ko alam kung maiinis ako o ano pero kasi mas lumawak iyong smirk ni Chanyeol. Mabuti na lang ipinikit na ulit niya iyong mga mata niya dahil baka tusukin ko lang iyon dahil sa pang-aasar niya sa akin.

"Samahan mo naman ako maghanap ng apartment mamaya," ito na naman iyong guilt na nararamdaman ko. Hindi ko napigilan iyong sarili ko kaya hinawakan ko ng mahigpit iyong kamay ni Chanyeol. Ganito kasi ako kapag malapit na akong maiyak. Kaylangan ko ng mahahawakan. "Bakit, Baekhyun? May problema ba? Ayos lang kung ayaw mo."

Pumikit ako at bahagyang tumango. "Sige, sasamahan kita mamaya kahit abutin pa tayo ng gabi," napangiti na lang ako ng mapait. Ito na lang siguro iyong pwede kong gawin para mabawasan iyong guilt na nararamdaman ko.

Welcome, Chanyeol. You finally invaded my life just like what Sehun did before.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro