Ikalawang Kabanata
Byun Baekhyun.
"Sorry! Sorry!" Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko kaya nakakabangga ako ng tao. Kahit na umuulan ngayon ayaw kong makipagtitigan sa mga nakakasalubong ko dahil halatang-halata naman na umiiyak ako. Mukha na rin siguro akong basang sisiw dahil palakas ng palakas ang ulan. Lakad lang ako ng lakad without knowing kung saan na ako nakakarating. Wala akong lugar na alam dito sa China pero tingin ko isang hotel ang nasa harapan ko ngayon, gano'n na lang pala kalayo iyong nalakad ko para makarating ako dito.
"Oh! I'm so sorry!" Napasalampak kasi ako sa daanan nang bigla akong nabunggo ng isang lalaki na papasok sa hotel.
"No. No. It's my fault. I'm sorry," pagtingin ko sa nakabunggo sa akin mukhang nagulat pa siya nang makita niya ako. "Baekhyun?! Is that you?!" Nanlalaking mata ko rin siyang tinignan dahil sa gulat. Paano niya ako nakilala? Paano niya nalaman ang pangalan ko? Mukha naman siyang nadismaya sa itsura ko. Hindi ko naman kasi talaga siya matandaan kaya hindi ko alam kung paano ako aakto ngayon. "Si Daehyun ito! Iyong kababata mo! Hindi mo na ba ako natatandaan?" And that hits me! Kaya niya pala ako kilala!
Siya pala si Daehyun na nag-iisa kong kababata. Mga sampung taon na rin kasi simula noong huli kaming nagkita at parehas pa kaming gusgusin noon kaya hindi ko siya nakilala sa istura niya ngayon. Sino ba naman kasing hindi? Napakapormal na niyang manamit, malayong-malayo sa nakilala kong Daehyun dati. "Hindi mo ako namumukaan, ano?" He frowned. Hindi pa rin siya nagbabago. Siya pa rin iyong Daehyun na mabilis magtampo.
"S-sorry! Hindi kasi kita nakilala," nagulat ako nang bigla niya akong inakbayan dahilan para matabig ko yung bisig niya sa balikat ko. "Basa ako! Mababasa ka!"
He shrugged. "I won't mind. This place is mine. I can change my dress anytime. Eh, ikaw? Why are you soaking wet?"
"W-wala. Sige mauna na ako," pero hindi pa ako nakakahakbang ng bigla niya akong hinawakan sa kamay. "Daehyun, uuwi na ako."
"No. It's like your lost tonight. Dito ka na muna tumuloy sa hotel ko kahit ngayong gabi lang. Let's cope up with each other. Ang tagal na nating huling nagkita oh," kinagat ko iyong ibabang labi ko. Kahit naman galit ako kay Chanyeol ngayon, wala akong balak na hindi umuwi ng bahay pero sobrang na-miss ko naman si Daehyun kaya parang gusto ko namang tanggapin iyong offer niya. "You still can't resist my charms, huh?" I wanted to wipe off that smirk on his face. Ang yabang niya pa rin talaga. "Hey, Maristella," napalingon ako sa babaeng hinatak ni Daehyun na kakalampas lang sa gawi naming dalawa.
"S-Sir Daehyun! What can I do for you?" Ako lang ba o nag-blush talaga si Maristella nang makita niyang hawak ni Daehyun iyong kamay niya?
"Could you please prepare the jacuzzi on room 614? And please prepare clothing for this guy," tinulak niya ako sa harapan ni Maristella at pasimpleng ginulo iyong buhok ko na basang-basa na. Nakakahiya. Pinagtitinginan na ako ng mga tao ngayon dahil sa itsura ko.
"And as for you Mr. Byun, go follow her and feel free to roam around. May meeting lang akong tatapusin then we will talk."
-
-
Kakatapos ko lang maligo ngayon at mukhang magkakasakit ako dahil kanina pa ako bahing ng bahing. Dinalhan na rin ako ni Maristella ng makakain at gamot na pwede kong inumin. Ang babait ng staffs ditoㅡmanang-mana sila sa boss nila. Naupo ako sa kama at sinandal ang ulo ko sa headboard nito. Medyo umiikot kasi iyong paningin ko at kanina ko pa iniisip si Chanyeol. Tanggap ko naman na galit siya sa akin pero gano'n na lang ba kalaki iyon galit niya sa akin para pagtaksilan ako ng harap-harapan? Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. I should've not taken the risk before. Sana pala hindi na ako nag-feeling bayani. Edi sana maayos kaming dalawa ngayon. Edi sana hindi malayo ang loob sa akin ni Chanyeol. Edi sana hindi nagbago si Chanyeol. Edi sana masaya ang buhay mag-asawa naming dalawa ngayon.
"You're spacing out," napabalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang pagdampi ng palad ni Daehyun sa noo ko. Nakapasok na pala siya dito ng hindi ko nararamdaman. "How are you feeling now? You're burning."
"M-medyo nahihilo lang ako," naiilang ako pero hinayaan ko na lang siya na tulungan akong makahiga ng maayos. Bukod kasi sa nahihilo at nilalagnat ako, medyo nanghihina rin ako ngayon. "Daehyun, kaylangan kong umuwi."
"You can't. Kung nakikita mo lang ang itsura mo ngayon, you're nothing but a wasted man. Bakit ka ba kasi nagtatampisaw sa ulan at bakit nandito ka sa China?" Napapikit ako dahil naalala ko na naman iyong pleasured face ni Chanyeol kanina. Ang sakit. I saw them having sex inside our own room. Ako dapat iyong kasiping niya pero isang babae na mukhang napulot niya lang sa bar iyong kasama niya. "Is there something bothering you, Baekhyun?" Umiling ako.
Pagod ako ngayon kaya wala akong lakas na magkwento kahit kanino ng kung anong nangyari kanina. Mas lalo lang lalala ang sakit ko kapag aalalahin ko pa lahat ng mga sakit na nararamdaman ko ngayon. "W-wala naman."
Liar. Obvious naman sa itsura ko na may problema ako, eh. Medyo pumayat na rin ako dahil wala talaga akong ganang kumain. Ang laki-laki kasi ng bahay namin tapos dalawa na nga lang kami ni Chanyeol, hindi pa kami lagi sabay kumain. Ni hindi rin kami nag-uusap.
"Oh, okay. By the way, I think you own this," napatingin ako doon sa hawak niyang singsing. Damn! Wedding ring ko iyon! "Maristella gave me this when I finished my meeting. Nalaglag mo raw sa lobby kanina," agad ko namang inagaw kay Daehyun iyong singsing at isinuot iyon muli.
Ito na lang ang pinanghahawakan at pinagkukunan ko ng lakas na harapin araw-araw si Chanyeol. I can't afford to lose this wedding ring, I just can't. Even if we didn't gave our vows while wearing this during our wedding day, sobrang mahalaga sa akin ng wedding ring namin. Hindi rin sinusuot ni Chanyeol iyong wedding ring niya. Hindi ko alam kung saan niya nilagay iyon pero nasasaktan ako sa tuwing napapansin kong walang singsing na nakasuot sa daliri niyaㅡsign na hindi talaga siya masaya sa wedding naming dalawa.
"Is that a wedding ring? Are you already married?" Tumango ako. "Oh, really? With whom? That girl must be so lucky to have you."
"N-no. Hindi babae iyong asawa ko. It's actually a guy."
"Oh," isang mahabang katahimikan. Hindi naman sa ikinakahiya ko si Chanyeol pero parang nagtaka pa kasi si Daehyun na lalaki iyong pinakasalan ko. Ever since noong nakatira pa siya malapit sa amin ay ni minsan hindi ako nagpakita ng interes sa mga kalaro naming babae. In fact mas gusto ko na puro lalaki iyong kalaro ko that time. Naiirita ako kapag inaasar nila sa akin iyong mga kalaro naming babae na nagkakagusto sa akin.
"Okay, let me rephrase my question. Who's the lucky guy? Tell me! Tell me!"
"Chanyeol. P-Park Chanyeol," just by the mere mention of his name makes my heart ache so damn much. Namimiss ko na iyong dati kong Chanyeol. Gusto ko siyang sumbatan dahil sobra na iyong ginagawa niyang pagpapahirap sa akin pero I guess I was left with no choice but to endure every pain he will cause dahil kasalanan ko naman. What I did before will forever hunt me to death.
Nagulat ako nang biglang sinuntok ni Daehyun iyong pader. Anong problema niya? "The fucking fuck?! Of all mens out there?! Bakit siya pa? He's a fucking manwhore! That bastard!"
"K-kilala mo siya?" Napahilot siya ng sentido at naupo sa gilid ng higaan ko. Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Daehyun ngayon. Paano niya nakilala si Chanyeol? I know world is too small for people to meet pero hindi sila parehas ng mga interes ni Chanyeol kaya malayong magkaibigan silang dalawa.
"Who wouldn't? He's the fucking hottest bachelor of all time! Kaya pala masyadong tight sa kanya iyong kumpanya nila. He's fucking married all this time," hindi ko alam na may lugar pa pala para sa sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa mga sinasabi ni Daehyun. Hindi alam ng mga tao na kasal na si Chanyeol? Tinatago ako ng kumpanya nila? Great. All this time akala ko si Chanyeol lang iyong nagtatago sa akin dahil galit siya sakin, pero pati pala kumpanya nila tinatago ako.
"Baekhyun. . ." Napatingin ako sa kamay niyang pilit na hinawakan iyong kamay ko. Kahit anong bawi ko ay hindi siya tumitigil kaya hinayaan ko na lang siyang mahigpit na hawakan ito. "Bakit ka pumapayag sa ganito? You don't deserve to be treated like this."
"Daehyun, this is all my fault. Wala kang alam," nag-iwas ako ng tingin dahil may mga luhang nagbabadya na namang tumulo mula sa mga mata ko.
"But, Baekhyun! Gano'n na lang ba katindi iyong ginawa mong kasalanan para pahirapan ka niya ng ganito? We were not close but I fucking hate his guts! Not because I am insecure with him! It's because he's a fucking manwhore ass-hat!"
"D-Daehyun, 'wag ka naman magsalita ng ganyan. Asawa ko pa rin si Chanyeol," hindi ako sanay na may kausap na puro mura ang sinasabi at mas lalong hindi ko masikmura iyong mga sinasabi ni Daehyun patungkol sa asawa ko. Kahit naman ganyan si Chanyeol, asawa ko pa rin siya. Sumumpa ako sa harap ng Diyos na mamahalin ko siya sa hirap at ginhawa.
"Fuck! Why do you have to be this kind all the time, Baekhyun! He fucking stole my girlfriend to me at pinalampas ko iyon! Pero I don't think kaya kong palampasin itong ginagawa niya sayo! He screwed up a big time. I'll make him pay for the every damage he caused," mahigpit ko ring hinawakan iyong kamay ni Daehyun. Ganito talaga siya kapag galit. He tends to make decisions by an impulse and paniguradong gagawin niya iyon. Hinding-hindi siya titigil hangga't hindi niya naa-accomplish iyong gusto niya.
"Daehyun, please. 'Wag mong sasaktan si Chanyeol."
"'Wag ko siyang saktan?" Napangiti siya ng mapakla sa akin at naiiling na tumayo mula sa pagkakaupo. "Pero ikaw, okay lang na saktan ka niya? Why do you always have to be this selfless guy? Baekhyun, it's not love if you're not giving yourself the love you deserve at the first place. Mahalin mo muna iyong sarili mo bago mo mahalin iyong iba," and with that, he left me dumbfounded and astound.
-
-
Bumalik ako mula sa maayos na pagkakahiga at sinubukang kalmahin iyong sarili ko. Hindi ko na nga ba talaga napagtutuunan ng pansin ang sarili ko? Ako? Selfless? Hindi ba't isa akong selfish na tao sa simula pa lang? Naramdaman kong mas lalong umikot iyong paningin ko kaya kahit na ayaw ko pang matulog ay kusa nang nagsara iyong talukap ng mga mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro