Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikalabing-walong Kabanata



Park Chanyeol.

Isang buwan na magmula noong gabing pinayagan ako ni Baekhyun na manligaw sa kanya. So far, so good, ayos naman. Medyo masakit lang talaga siya sa ulo dahil hindi maalis sa katawan niya iyong insecurity at pagiging seloso pero kakayanin ko para sa kanya. Katulad na lang ngayon. Wala kaming pasok at naisipan naming tumulong kay Mama sa palengke. Nagugulat na lang ako kapag tinatapakan niya bigla iyong paa ko dahil nakikipag-usap ako sa customer na babae. Tama lang naman ang ginagawa ko diba? Tuwang-tuwa nga si Mama na sinasaktan ako ng anak niya dahil habang halos mamatay sa selos si Baekhyun, mabilis namang nauubos iyong mga paninda namin.

"Baekhyun, tama na. Sobra ka na ha. Maawa ka naman kay Chanyeol," sita ni Mama kay Baekhyun nang muli niya akong tinapakan sa paa. Hindi naman nagpatinag si Baekhyun kaya naupo na lang muna ako dahil medyo napapagod na rin ako sa kakatayo. Hmm. Ganito pala kahirap magkaroon ng topakin na boyfriend. Minsan napipikon ako sa ginagawa niya lalo na kapag pagod ako pero kahit ako na iyong nagalit, ako pa rin iyong nauunang nagso-sorry at sumusuyo sa kanya.

Mukha lang namang may sungay si Baekhyun kapag galit o nagse-selos siya pero parang isang malaking baby naman kapag inaamo. Kulang na lang itali niya sarili niya sa akin sa higpit ng yakap niya. Kaya ayos lang talaga sa akin kasi sweet naman si Baekhyun, kaylangan ko lang talagang masaktan muna.

"Mama, bibili lang po ako ng pagkain. Babalik din ako," hindi ako niyaya ni Baekhyun, dire-diretso lang siya kaya sinundan ko siya. Nagtatampo na naman kasi sa akin. Alangang hindi ko pansinin iyong mga bumibili kanina diba?

"Baek, saglit lang hintayin mo ako," kahit hindi niya ako nilingon, napansin ko ring bumagal iyong paglakad niya kaya nagmadali akong makahabol sa kanya at agad na hinawakan iyong kamay niya. Naglalakad lang kami nang bigla kaming makarinig ng bulong-bulungan ng mga taong nadadaanan namin.

"Ay, sayang naman siya. Ang gwapo niya pa naman sana kaso sa lalaki lang din pumatol, diba?"

"Oo nga, sayang. Hindi niya maipapakalat iyong genes niya. May kapatid pa kaya siyang lalaki?"

Nakakainis. Bakit kaylangan nilang sabihin iyan sa harap pa ni Baekhyun? Bakit kaylangan nilang maging judgmental? Hindi naman kami iyong unang naghawak kamay na lalaki ah. Porque gwapo ako at tingin nila sila iyong bagay sa akin kaya sila ganyan? Mas lalo pa akong nainis noong biglang bumitaw sa pagkakahawak si Baekhyun sa kamay ko. Nakatigil lang siya at nakayuko. Ayaw ko pa naman na nakakarinig siya ng ganito, kasi noong una siyang nakarinig ng ganitong pasaring, muntikan niya akong patigilin sa panliligaw.

"Hala! Hazel, lalapit siya sa atin oh! Oh my god! Oh my god!" Hindi naman sila kagandahan. Nakamake-up lang sila kaya sila mukhang tao. I'm not a meanie pero kapag talaga niyuyurakan ang pagkatao ng mga taong mahal ko doon lumalabas ang pagiging judgmental ko.

"Ate, kung wala kayong magandang sasabihin, pwede ba tumahimik na lang kayo? Hindi niyo kasi alam na maaring makasakit ng damdamin iyong mga sinasabi niyo eh," natameme naman sila sa ginawa ko. Akala ba nila lalapitan ko sila para makipagkaibigan?

"Chanyeol, halika na. 'Wag mo na silang patulan."

"Hindi, Baek. Akala mo kasi sinong magagandang babae kung husgahan ka. Hindi ka pa tunay na babae sa lagay na iyan pero mas maganda ka pa sa kanila. Kaya next time ate, kung wala namang kwenta iyong opinyon niyo, lunukin niyo na lang po para hindi na kayo napapahiya. Nakakadagdag pollution din kasi," naglakad na ako papalayo sa kanila. Ni hindi ko nga hinintay na sumunod sa akin si Baekhyun. Mabilis kasi akong mabadtrip at maapektuhan kapag nadadamay siya kasi alam kong sasabihan niya lang ako na 'wag ng patulan iyong mga ganoong bagay. Pero kasi ayaw ko naman na ginaganun lang siya. Tinuturing ko siyang parang isang mamahalin na perlas tapos ganoon lang ang tingin sa kanya ng mga taong iyon?

Napalingon ako sa likuran ko nang makarining ako ng parang may kumalabog. Bumungad naman sa akin ang naiiyak na mukha ni Baek kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa kinalalagyan niya ngayon. "Anong ginagawa mo dyan? Bakit ka nakaupo dyan?" Pero imbis na sagutin ako, ngumuso lang siya sa tuhod niya. May sugat siya. Tsk. "Sinong pumatid sayo? Ituro mo. Aawayin ko."

"Wala namang pumatid sa akin Yeol. Hindi ko kasi nakita iyong bato na dahilan bakit ako napatid," napatingin naman ako doon sa bato na itinuro niya at itinapon iyon sa malayo. Nawala na agad iyong inis at galit na nararamdaman ko kanina. Ganito naman kaming dalawa eh. Kaya nga hindi ako nagsasawa sa kanya kahit anong akit at tukso sa akin noong ibang mga babae dito. Kasi si Baekhyun lang talaga sapat na. Kaunting pa-cute niya lang, hulog na hulog naman ako.

"Tara na nga. Sa susunod mag-iingat ka, ha? Tignan mo. May sugat ka na naman sa tuhod mo."

-

-

Pagbalik namin sa pwesto ni Mama, agad naman niyang inasar si Baekhyun. Masyado na raw kasing nagiging lampa si Baekhyun noong nakilala niya ako at masyado ring nagiging emotional. Napansin ko rin iyan, noong tinanong ko naman si Baekhyun tungkol dyan, hindi niya ako sinagot at iniwanan lang ako sa kwarto. May mga bagay daw kasi na dapat hindi ko na nalalaman. Psh.

"Kasalanan ko po bang maraming bato sa daanan, Mama?"

"Hindi naman anak, pero hindi rin naman masamang umamin na pabebe ka na ngayon dahil magkaka-boyfriend ka na," pinanood ko lang sila habang nililinis ko iyong sugat ni Baekhyun. Siguro kay Mama niya namana iyong karamihan ng ugali niya, para kasi silang magkapatid lang kapag nag-aasaran. Bigla ko tuloy namiss sina Mommy, Daddy, at Yoora noona. Kamusta na kaya sila? Psh. Nami-miss din kaya nila ako?

"Yeol? May problema ba?"

"A-ah? Wala! Masakit pa ba iyong sugat mo?"

"Medyo. Mahapdi lang naman kasi nadadampian ng shorts ko."

"Gusto mo kiss ko?" Ako na nga yung nag-offer ng kiss, ako pa iyong nabatukan. Habang tumatagal nagiging sadista pa lalo si Baekhyun. Noong isang beses na nag-aasaran kami, bigla siyang napikon tapos ni-wrestling niya ako. Hindi naman ako makaganti dahil masasaktan talaga siya kapag gumati ako kaya kinabukasan pag-gising ko para akong nalumpo sa sakit ng katawan ko. At tungkol din doon sa kiss, hindi pa kami nagki-kiss ni Baekhyun. Isang beses bigla niya akong kiniss sa cheeks out of the blue, pero wala nang naging kasunod. Kapag tulog na siya doon lang ako nakakanakaw ng kiss sa kaniya pero sa noo lang. Nahihiya pa kasi ako at saka baka mabigla siya.

"Magtigil ka nga!" Sabi rin ni Mama under daw ako ni Baekhyun tapos battered suitor pa. Saksi siya kung paano kami mag-bangayang dalawa at tinatawanan niya lang kami. Gano'n na gano'n daw sila ni Papa noong nagsisimula pa lang daw sila kaya nag-eenjoy siya sa ginagawa namin dahil namimiss niya rin si Papa.

Isinandal ko iyong ulo ko sa hita ni Baekhyun dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Nitong nakaraan napapadalas iyong pakiramdam kong mahihimatay ako. Sabi ni Mama, magpatingin na raw ako sa doktor pero ayaw ko, baka nahihilo lang talaga ako dahil sa init. Ayaw ko kasing mag-alala silang dalawa sa akin.

"Nahihilo ka na naman?" Napapikit ako nang marahang hinaplos ni Baekhyun iyong mukha ko. Oh how I love his touches so much. Nakakatanggal ng pagod. Feeling ko mag-asawa kami kapag siya ang humahawak sa akin. He's not that sweet and clingy but when he does, I will surely drown into feels.

"Medyo. Ang init kasi dito eh."

"Sabi ko kasi sayo 'wag na tayo sumama. Ang kulit mo rin eh."

"Ang hot mo kasi eh," natawa na lang kaming dalawa. Nanatili kaming gano'n hanggang sa magyaya nang umuwi si Mama dahil ubos na iyong mga paninda niyang isda. Tuwang-tuwa na naman siya kasi bukod sa naubos iyong paninda niya like the usual, hindi siya nabarat ng mga bumibili kasi nga ginamitan ko sila ng sales talk at charms.

-

-

"Oh, inumin mo para matanggal iyong hilo na nararamdaman mo," nahiga na lang ako sa kama namin ni Baekhyun. Oo nga pala, pinayagan ako ni Mama na bumili ng bagong kama para hindi na ako sa lapag matulog kaya tabi na kami laging matulog dalawa. Tapos pinapaalala rin sa akin ni Mama gabi-gabi iyong promise ko sa kanya kaya bago kami matulog, mangangamatis muna iyong mukha ko.

"Ano ng nararamdaman mo, Yeol?"

"Nilalamig ako. Hug mo ako," kapag ganito ring masama ang pakiramdam ko, nagiging baliktad ang mundo namin. Ako iyong nagiging pabebe dahil ang sarap-sarap niyang mag-alaga tapos siya iyong nagiging bossy sa aming dalawa kasi nga may sakit ako at nanghihina ako, kaylangan kong sundin lahat ng pinapagawa niya sa akin. Hindi naman siya nag-alinlangan at niyakap ako ng mahigpit. Nakahiga ako habang siya naman ay nakaupo sa tabi ko. Ang sarap-sarap lang sa pakiramdam ng ganito. Iyong wala kaming iniisip na problema. Iyong hindi tinotopak si Baekhyun. Iyong wala siyang pinagseselosan.

"Ayaw mo pa ba talagang magpacheck-up sa doktor? Baka kasi kung ano na iyan, Yeol."

"Hmm. Mawawala rin ito kasi magaling iyong nurse ko dito sa bahay eh."

"Ewan ko sayo. Ang korny mo na naman!"

"Kinikilig ka kaya. Kahit hindi ko nakikita alam kong namumula na ang mukha mo ngayon."

"Sige, mang-asar ka pa. Magwre-wrestling tayo kahit may sakit ka."

"Ito naman hindi mabiro. Joke lang po," nanatili lang kaming gano'n hanggang sa naramdaman ko na lang na bumibigat na iyong talukap ng mata ko at tumabi na siya sa akin sa paghiga. Inaantok na ako at mukhang mas lalong sumasama iyong pakiramdam ko.

-

-

"Chanyeol! Chanyeol! Gumising ka! Please naman!" Nagising na lang ako nang maramdaman kong niyuyugyog ako ni Baekhyun. Pagdilat ko naman ng mata ko, sumalubong sa akin ang umiiyak niyang mukha. Bakit umiiyak na naman ito? Kahit na masama ang pakiramdam ko ay pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga pero bumagsak lang ako. Nanlalambot ako at sobrang nilalamig ako. Nagsisimula na rin akong makaramdam ulit ng hilo. "Inaapoy ka ng lagnat, Yeol! Dyan ka lang saglit, ha? Makikitawag lang ako sa kapitbahay para may dumating ng ambulansiya dito. Wait lang!" Pagkaalis na pagkaalis ni Baekhyun agad namang nagdilim ang paningin ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.




Byun Baekhyun.

"Baekhyun, maupo ka nga dito. Ako ang nahihilo sayo eh," kanina pa ako paikot-ikot dito sa hospital. Nasa emergency room kasi si Chanyeol. Alam ko namang masama iyong pakiramdam niya bago kami matulog pero nagising na lang ako nung naramdaman kong parang ang init-init ng katawan ko, pero katawan pala ni Chanyeol iyon. Mas nag-panic ako noong nakakita ako ng dugo sa ilong niya at hinawakan ko iyong noo niya only to find out that he's burning. Ang taas ng lagnat niya!

"Mama, paano po kapag nagalit sa akin si Yoora noona? Baka ilayo niya sa akin si Chanyeol," tinawagan ko kasi si Yoora noona kanina para ipaalam iyong nangyari kay Chanyeol at halos matumba ako sa kinauupuan ko noong narinig ko siyang umiiyak sa kabilang linya. Malayo kasi ang Albay at hindi siya agad makakarating dito pero sisikapin niya raw na makarating as soon as possible. Alam ko namang mabait na tao si Yoora noona pero kasi silang dalawa lang ni Chanyeol ang anak ng mga magulang nila kaya ramdam ko kung gaano siya naalarma at nag-alala sa balita ko. Tsaka hindi naman magkakasakit si Chanyeol kung hindi ko siya dinala dito eh.

"Dok, ano na hong lagay ni Chanyeol?"

"May Dengue ang pasyente. Kaylangan na niyang masalinan ng dugo hangga't maari. May kamag-anak ba siya dito na pwedeng mag-donate ng dugo?"

"W-wala ho, eh. Ano ho ba ang blood type ni Chanyeol?" Nakikinig lang ako sa pag-uusap ni Mama at ng doktor dahil hindi ko mapigilan iyong sarili ko sa pag-iyak. Saan naman nakakuha ng Dengue virus si Chanyeol? Imposibleng sa bahay namin dahil palaging nililinis ni Mama iyon at walang lugar na pwedeng pamuhayan ng mga lamok doon.

"Blood type A ang pasyente. Pwedeng mag-donate ang kapatid niya o kaya isang tao na may blood type O dahil universal ito. May blood type O ba sa inyo?"

"A-ako po! Blood type O po ako. Ako na lang po. Kahit ubusin niyo pa po iyong dugo ko sa katawan."

"Baekhyun, sigurado ka ba ha, anak?"

"O-opo. Hindi po nagdalawang-isip si Chanyeol noong pinuntahan niya ako dito kaya hindi rin po ako magdadalawang-isip na magbigay ng dugo para sa kanya."

-

-

Nakahiga lang ako dito sa kama sa tabi ni Chanyeol. Ang himbing ng tulog niya at ang putla niya rin. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Hindi ko na gugustuhin pa muling makita ang ganitong mukha ni Chanyeol. Nakakaawa at nakakatakot. Para siyang walang buhay sa sobrang putla niya.

-

-

Hindi naman nagtagal ay natapos rin iyong blood transfusion at naibalik na iyong lakas ko. Sabi rin ng doktor ligtas na si Chanyeol at maya-maya rin ay gigising na siya. Dumating na rin si Yoora noona, akala ko ilalayo niya na sa akin si Chanyeol pero nag-sorry siya sa akin noong nalaman niyang ganun na yung naisip ko. Nag-panic lang daw siya talaga.

"Noona, pasensiya na po talaga. Babalik na rin naman po kami sa Manila ni Chanyeol sa susunod na buwan. Kasalanan ko po ito."

"Hindi Baekhyun, wala kang kasalanan. In fact nagpapasalamat pa ako sayo dahil nararanasan ng kapatid ko na maging normal na tao. Salamat, ha? Kasi ayaw kong tumanda si Chanyeol na gaya ko na buong buhay ay naging kontrolado lang ng mga parents namin. At saka pala hindi na ako makapaghintay na makabalik kayo sa Manila! Ipapahanda ko na iyong kwarto mo sa bahay!"

"P-po? Kwarto ko po?"

"Yes! Nakausap ko na si Auntie na doon ka sa amin titira kapag nakabalik na kayo ni Chanyeol at pumayag naman siya kahit si Uncle at si Baekbom oppa. Bakit? Ayaw mo ba kaming kasama?"

"H-hindi naman po, Yoora noona. Parang nakakahiya na po kasi. Ang dami niyo na pong naitulong sa pamilya ko."

"Ano ka ba! Wala iyon! Paniguradong gano'n din naman ang gagawin nitong si Chanyeol eh. Parte ka na kaya ng pamilya namin!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro