Ikalabing-tatlong Kabanata
Park Chanyeol.
"Makakarating ito sa Daddy mo, Chanyeol," halos makaramdam ako ng malamig na tubig na dumadaloy sa katawan ko dahil sa kataga ni Jessica bago umalis. Isusumbong niya ako kay Daddy, ni hindi pa nga kami nagkakaayos ni Daddy may bago na naman akong pro-problemahin.
Nag-iisang anak akong lalaki at naging tapat sa akin si Daddy noong bata pa lang kami ni Yoora noona na gusto niyang kumalat ang lahi naming mga Park. Oo, pwede siyang magkaapo kay Yoora noona pero hindi naman Park ang dadalhing surname ng anak niya pag nagkataon kaya ako talaga iyong pinapatungkulan ni Daddy. Natatakot ako na malaman niya ganito akoㅡna bisexual ako at nagkakagusto ako sa lalaki. Isa na nga akong malaking disappointment sa kanya pati ba naman simpleng hiling na magkaroon ng apo at magdadala ng apelyidong Park ay hindi ko pa magagawa?
Hindi ako mapakali, balisa ako. Dahil alam kong isang tawag lang ni Jessica kay Daddy, malalaman na niya agad ito. Worse is baka umuwi na naman sila ng wala sa oras ni Mommy dito sa Pilipinas. Nakita kong akmang tatayo si Baekhyun sa kinauupuan niya kaya inunahan ko na siya. Ayaw ko muna siyang makausap ngayon, masyado pang magulo. Ayaw kong madamay siya dito sa problema ko sa Jung Sisters. Ang paalam ko ay magpapahangin ako pero hindi, sinundan ko ang Jung Sisters. Kaylangan kong gumawa ng paraan para hindi ito malaman ni Daddy at para lubayan ni Jessica si Baekhyun. Ayaw kong matikman ni Baekhyun kung gaano kasama si Jessica. Hindi ko kakayanin.
-
-
"Mag-usap tayo," isang mapang-asar na ngiti ang itinugon sa akin ni Jessica bago pinaalis si Krsytal.
"That was fast Chanyeol. Anong maipaglilingkod ko sayo?"
Dinala ko siya sa likod ng garden ng school. Ayaw kong may makarinig sa pag-uusapan namin. Ayaw kong may makaalam na magpapa-alipin ako sa magkapatid na ito. "Anong gusto mong gawin ko para hindi mo ako isumbong kay Daddy?"
"Hmm. . ." Napahawak pa siya sa baba niya. Kung hindi lang talaga demonyita itong si Jessica ay baka nagustuhan ko na siya, kaso nakakaturn-off. Kakaiba ang level ng sama ng ugali niya. "Pasayahin mo si Krystal, layuan mo si Byun Baekhyun. Simple as that."
Simple as that? Hindi niya ba alam na parehong torture sa akin iyong gusto niyang gawin ko? Pasayahin si Krystal? Paano ko papasayahin si Krystal? Eh isang bagay lang naman ang magpapasaya sa kanya, at iyon ay ang makontrol ako. Layuan si Baekhyun? Hinding-hindi ko maisip na magagawa ko iyan sa tanang buhay ko. Ngayon pa bang napalapit na ako sa kanya? Ngayon pa bang nagiging open na siya sa akin?
"Nagpapatawa ka ba?"
"Hindi. Alam mong isang dial ko lang sa Daddy mo sa China ay malilintikan ka. At alam mo rin kung paano ako kumilos Chanyeol. Gusto mo bang simulan ko na ngayon?"
Nagpanic ako noong biglang may kinalikot siya sa cellphone niya. Hindi maari, ayaw kong malaman ni Daddy ito. Matanda na siya, humihina na iyong katawan niya. May sakit din siya sa puso, hindi ko alam ang gagawin ko kapag ako iyong magiging reason kapag inatake ulit siya sa puso. "P-payag na ako. Pero sa isang kondisyon."
"Ang kapal din naman ng mukha mong humingi ng kondisyon, Chanyeol."
"Please lang, Jessica. Gagawin ko lahat ng gusto mo basta 'wag mo lang gagalawin si Baekhyun."
"Alam mo bang sa kondisyon mong iyan mas lalo mo akong tinutulak na saktan siya? 'Wag mo akong gawing bobo, Chanyeol! Gawin mo iyong pabor ko sayo! Wala kang makukuhang kasiguraduhan para kay Byun Baekhyun!" At iniwan niya akong nanglalata sa garden. Hindi ko na alam gagawin ko. Baka simpleng paglapit o skin contact ko lang kay Baekhyun ay saktan siya ng mga tauhan ni Jessica. She's insane, fucking insane.
-
-
Hindi ko alam kung anong sinabi ni Jessica kay Daddy noong isang beses na nasa bahay nila ako dahilan para mapabalik na ako sa mansion. Sa loob ng isang linggo para akong tuta na sunod ng sunod kay Krystal. Lahat ng gusto niyang ipagawa sa akin ginagawa ko. Kapag naman hindi ko magawa ay laging nakamasid sa amin si Jessica para paalalahanan ako na kaya niyang ipabugbog si Baekhyun agad-agad.
Nag-resign na rin ako sa trabaho ko kahit na napamahal na ako doon, noong isang beses kasi na dinalaw ako ni Jessica at Krystal doon sa fast food chain ay nakita nilang hawak ng isang cashier iyong kamay ko. Actually hindi naman hawak, nadanggil niya kasi iyong dala kong tubig kaya natapon. Naawa ako kay Chelleㅡiyong cashier na nakabangga sa akin, kinabukasan kasi pumasok siyang umiiyak. May nanghold-up daw sa kanya at tinangay lahat ng gamit niya. Pati na rin iyong cellphone na pinagpaguran niya ng ilang taon na hindi pa tumagal ng isang linggo sa kanya.
Papunta kami ni Krystal sa leisure room ngayon. Minsan na lang din akong nakakatambay kasama sila Baekhyun. Palagi kasi akong niyayaya ni Krystal na magpunta sa mall kapag vacant time namin at nakikipagkita siya sa mga kaibigan niya sa ibang schools. Naiinis ako kasi ginagawa niya akong alipin. Ginagawa niya akong pangdisplay. Marahas kong tinatanggal iyong kamay niyang nakapulupot sa braso ko pero binabalik niya rin agad. Tinigilan ko na lang iyong ginagawa ko noong nakita kong namumula na iyong balat niya. Baka kasi magsumbong siya sa ate niya. Hindi namin kasama si Jessica ngayon dahil bumalik na siya ng China kasi kaylangan na siya sa kumpanya nila. Naramdaman kong nag-vibrate iyong cellphone ko sa bulsa ko. Saglit kaming tumigil ni Krystal bago pumasok sa leisure room. Nag-text sa akin si Jessica, kahit na wala iyong pisikal na presensiya niya dito ay nagagawa niya pa ring impyerno ang buhay ko.
From: Jessica Jung
I want you to kiss Krystal in front of your friends. Subukan mo lang hindi gawin, Chanyeol.
Bwiset. Korni mang pakinggan pero wala pa akong first kiss at gusto ko kay Baekhyun ko ibibigay iyon pero ugh. Nagpatuloy na lang kami sa pagpasok ng leisure room. Nadatnan naming nagpa-practice si Baekhyun at Sehun. Final practice kasi namin ngayon dahil bukas na ang performance. Saglit akong nanood kung paano igalaw ni Baekhyun ang maliit niyang katawan. Magaling na nga siyang kumanta, magiling din siya sa pagsayaw. Napalingon siya sa gawi namin ni Krsytal. Diretso lang ang mukha niya. Walang makikitang kahit anong ekspresyon. Nahagip ng mata ko ang isang anino na nagba-balanse ng katawan sa puno sa tapat ng sliding door sa gawing kaliwa ng leisure room. May hawak itong baril at nakatutok kay Baekhyun. Parang nawala lahat ng dugo ko dahil sa nakita ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang handang pumatay si Jessica para lang sa kaligayahan ng kapatid niya.
Kaya kahit labag sa kalooban ko, mabilis kong hinalikan si Krystal sa harap nila. Sa sobrang bilis ay parang hangin lang na dumampi ang labi ko sa labi niya. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya dahil sa ginawa ko. Miski ang mga kaibigan ko ay nagulat sa ginawa ko, simula pa lang kasi alam na nilang kinamumuhian ko si Krystal. Alam nilang walang pag-asa na magkagusto ako kay Krystal. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng makita kong wala na iyong anino sa puno kanina. Siguro inutusan na ni Jessica na umalis tutal naman nagawa ko na iyong gusto niya. Ganyan niya ako kontrolinㅡdinadaan niya ako sa marahas na paraan.
Habang nagpe-perform kami, hindi ko maiwasang sumulyap paminsan-minsan kay Baekhyun. Gustong-gusto ko na kasi siyang kausapin. Ang tagal na rin simula noong huli kaming nag-usap. Ang tagal na rin simula noong tinanggalan nila ako ng kaligayahan. Minsan sinasadya kong tumama ang kamay ko sa kamay ni Baekhyun. Minsan naman pasimple kong tinatamaan iyong damit niya. Gustong-gusto ko ng hawakan si Baekhyun. Para akong unti-unting pinapatay kapag nakikita kong napapatingin siya sa akin at malungkot ang ekspresyon ng mga mata niya. Ang tanga ko, akala ko maliligtas ko siya sa sakit dahil sa ginagawa kong ito pero hindi. Kahit anong gawin ko, masasaktan at masasaktan siya.
Pagkatapos naming magpractice ay bigla na lang naglahong parang bula si Baekhyun. Ni hindi na siya nagpahinga. Nalingat lang ako saglit noong pinunasan ni Krystal iyong pawis ko tapos paglingon ko wala na siya sa kinatatayuan niya. Nagulat ako noong inapakan ni Krystal iyong paa ko bigla. Pagod ako, magulo iyong isip ko tapos tatapakan niya iyong paa ko ng heels niya?!
"Shit! Tangina anong problema mo?!" First time ko siyang napagtaasan ng boses. Mainit talaga ang ulo ko. Gulong-gulo na ako tapos makikisabay pa siya. Kung hindi sana sila pumapapel ng ate niya sa buhay ko.
"Nandito naman ako pero kay Baekhyun ka pa rin nakatingin!" Hinila ko siya palabas ng leisure room. Ayaw kong marinig nila ang kung ano mang pag-uusapan namin ni Krsytal. Hindi pwedeng pati sila ay masangkot dito. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"Ano pa bang gusto mo Krystal, ha?! Nandito na nga ako sa tabi mo! Nagpapa-alipin! Ano pa ba, ha?! Napapagod na ako!" Imbis na sagutin niya ako ay tumakbo siya palayo. Ayaw kong naninigaw pero nakakaubos ng pasensya ang ginagawa nila sa akin.
Mabilis pa sa alas kwatro na nag-vibrate na naman iyong phone ko. As expected si Jessica na naman. Nagpapaalalang pwede niyang kitilin ang buhay ni Baekhyun kahit kailan niya gustuhin. Kaya kahit pagod na pagod na ako ay labag sa kalooban kong sinundan si Krystal. Nadatnan ko siyang umiiyak sa garden. Sa garden kung saan nawala ang karapatan ko na maging malaya. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at hinila ko siya para mayakap kahit na nagpupumiglas siya at tinutusok niya ako ng mahahaba niyang kuko. I let out a deep sigh before releasing the biggest lie of my life.
"Kaya ko tinitignan si Baekhyun kanina dahil gusto ko siyang kausapin. Gusto kong sabihin na wala naman talaga akong nararamdaman sa kanyaㅡna nacha-challenge lang ako sa pagkatao niya. Gusto ko na ring putulin iyong ugnayan namin at bigyan ng chance ang meron tayong dalawa," ni hindi ko nga alam paano ko naatim na sabihin iyan ng hindi nagpuputol-putol eh. Gusto kong masuka. Lahat ng iyun ay pawang kasinungalingan lamang. Siguro ito lang talaga iyong tamang paraan para tigilan na ni Jessica si Baekhyunㅡang manggaling sa bibig ko mismo na hindi ko naman talaga siya mahal. Alam ko namang matalinong tao si Jessica at hindi siya maniniwala dito pero isang pangungumbinsi lang ni Krystal sa kanya ay titigil siya. Ganyan niya kamahal si Krystal. Ganyan kaimportante sa kanya si Krystal. How I wish pwede ko itong sabihin kay Yoora noona, pero hindi. Tama nang ako at si Baekhyun iyong pinagbabantaan ni Jessica. Hindi ko ata kayang protektahan lahat ng tao sa paligid ko kaya handa akong magpaalipin sa kanila sa abot ng aking makakaya.
-
-
Naghiwlay kami ni Krystal saglit dahil may pupuntahan siya. Ninakaw ko iyong pagkakataon na iyon para pumunta sa shower room. Gusto kong maligo, gusto kong magwala. Nandidiri ako sa sarili ko. Walang pakundangan kong sinipa ang pintuan ng shower room only to see one couple making out. Iyong babae wala ng saplot pero iyong lalaki balot na balot pa.
"Umalis kayo," dalawang salita lang pero agad na silang nagpanic. Naunang tumakbo iyong babae kahit na wala talaga siyang suot na kahit ano. Hinarang ko iyong lalaki at hinawakan siya sa kwelyo. "Kilala mo ba ako, ha?"
"P-Park C-Chanyeol," mas hinigpitan ko pa iyong hawak sa kwelyo niya. Napagtanto ko rin kasing marahas niyang hinahalikan at hinahawakan iyong babae. Ayaw ko sa lahat ay nakakakita ng binabastos. Nagdidilim ang paningin ko, dumagdag pa iyong iritasyon ko sa katawan ngayon.
"Kami ang may-ari ng school na tinatapakan mo. Gusto mo bang ipakick-out kita dito?" Nakita ko naman ang kaba sa mukha niya. Kilala ko itong lalaki na ito. Isa siya sa mga sunod ng sunod kay Baekhyun. Isa siya sa mga obsessed na lalaki kay Baekhyun. Isang beses na sinusundan ko si Baekhyun ay nakita kong marahas niyang hinawakan iyong braso ni Baekhyun kaya sobrang namula iyong balat niya. He even threatened him. "Umalis ka na hangga't hindi pa tuluyang nagdidilim ang paningin ko."
Pumasok ako sa isang cubicle. Pigil ang paghinga ko. Gustong-gusto kong suntukin itong pader na nasa harap ko pero ako rin ang masasaktan. Napapikit ako nang makarinig ako na may nagbukas ng pintuan ng shower room. Tuluyan ng nag-dilim ang paningin ko. Pinili kong manatili sa loob ng cubicle na ito dahil baka masaktan ko kung sinoman ang nagtakang pumasok sa shower room.
"Hindi ba't sinabi kong walang papasok dito? Kaya lumabas ka na hangga't maari," pero mukhang hindi ata marunong makaintindi itong kasama ko sa shower room dahil hindi ako nakarinig ng kahit ano mang pagkilos mula sa kanya. "Ano? Lalabas ka ba o hihilahin kita palabas ng kuwarto na ito?"
Umabot na sa sukdulan iyong init ng ulo at galit ko dahil parang tanga akong nakikipag-usap sa hangin. Alam kong may kasama ako dito sa shower room, at nandito pa siya. Dahil rinig na rinig ko iyong malakas niyang paghinga. Marahas kong sinipa iyonh pintuan ng cubicle dahilan para tumama ito sa kanya at tila naubos ang dugo ko sa katawan ng marinig kong umaray iyong tao na iyon. Hinding-hindi ako magkakamali, kilalang-kilala ko iyong boses na iyan. Iyong boses na minahal ko sa loob ng dalawang taon, iyong boses ng taong miss na miss ko na sobra.
Si Baekhyun.
Mas lalo akong nakaramdam ng inis sa sarili ko ng makita ko iyong braso niyang unti-unting nagpapalit ng kulay. I must've hurt him that bad. Itatayo ko sana siya noong nilapitan ko siya pero naalala ko iyong frustration na nararamdaman ko kanina lang kaya sinuntok ko iyong tiles sa gilid niya. Bakas ang pagkagulat sa mukha niya. Nagsimula na ring mamuo ang mga luha sa magaganda niyang mata at hindi ko na alam paano ko pa ide-describe iyong nararamdaman ko dahil sa sinabi niya.
"S-suntukin mo a-ako?" Pumikit ako saglit at huminga ng malalim trying to calm myself. Muntik ko ng masuntok si Baekhyun. Wala akong balak na saktan siya, hindi ko lang napigilan iyong sarili ko kanina. Nang maramdaman kong kumakalma na ako kahit papaano ay dinilat ko ang mga mata ko. Nasilaw na naman ako. Nahulog na naman ako sayo Baekhyun. Hahawakan ko sana siya para hilahin dahil gustong-gusto ko siyang yakapin ngayon at umiyak sa mga bisig niya pero mabilis siyang nakaiwas. "'W-wag mo akong hahawakan."
"Baekhyun. . ." Pagsusumamo ko. Natitiis kong hindi kami nag-uusap at nagpa-pansinan kahit papaano pero hindi ko kayang makita sa mga mata niya iyong takot. Takot na baka saktan ko ulit siya, takot na baka tangkain kong suntukin ulit siya. Ganito iyong mga tingin niya kapag nakikita niya si Krystal. Masakit, ayaw kong matakot siya sa akin. Ayaw kong kamuhian niya ako.
"A-alis na ako. Padaanin mo—ah! A-aray!" Hindi ko alam na nahawakan ko pala iyong braso niyang namamaga noong sinubukan niyang tumayo. 'Wag Baekhyun, please. 'Wag mo akong iwanan dito. Kaylangan kita ngayon.
"S-sorry," yumuko na lang ako at nagbigay ng daan para makaalis na siya. Hindi ko na kayang matagalan pang nakikita ko ang natatakot niyang mukha.
Mabilis naman siyang tumayo. Ni hindi na nga niya nabitbit iyong bag na dala niya. Sige Baekhyun, hahayaan kitang umalis ngayon. 'Wag mo lang akong iiwan panghabangbuhay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro