Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikalabing-limang Kabanata



Park Chanyeol.

"Suho hyung, please naman sabihin mo na sa akin iyong address nila Baekhyun sa probinsya," pagkalapag na pagkalapag ko rito sa Pilipinas ay agad akong pumunta sa bahay nila Suho hyung. Sinabihan kasi ako ni Sehun na sa kanya raw nag-iwan ng address si Baekhyun.

"Hindi nga pwede, Chanyeol," sinundan ko siya papauntang CR, hindi ako aalis ng bahay nila hangga't hindi ko nakukuha iyong address nila Baekhyun. Kaylangan ko siyang makausap. Bakit kung kailan naayos ko na iyong gusot saka pa siya nawala? At saka pa siya umalis? "Hoy! Maliligo ako! Umuwi ka na nga may pasok tayo!"

"Nag-file na ako ng leave of absence, hyung. Kaya ibigay mo na sa akin iyong address nila Baekhyun," sinabi ko na rin kay Mommy at Daddy na gusto kong sundan si Baekhyun, walang pag-aalinlangan silang pumayag at sinabing pwede naman akong mag-file ng leave of absence dahil ni minsan hindi pa ako lumiban sa klase at tsaka pwede naman daw i-send sa e-mail ng mga professors ko iyong mga hand outs.

"Chanyeol, hayaan mo muna si Baekhyun."

"Hindi pwede! Kaylangan ko siyang makausap!"

"Masyado kasi siyang nasaktan sa mga nangyari. Give him a break. He deserve it," napatigil ako. Bakit ako? Hindi ba't ako iyong pinakanasaktan at nahirapan dito? Akala ba nila nag-eenjoy ako sa ginawa ko dati? Akala ba nila bukal sa loob ko iyong ginawa ko na iyon? Hindi ba nila alam na parang unti-unti ko ng pinapatay ang sarili ko noong mga panahon na iyon?

"Hyung, nasaktan din naman ako. Bakit palaging si Krystal at Baekhyun na lang iyong nagmumukhang biktima dito?"

"Hindi naman sa gano'n, Chanyeol," bumalik si Suho hyung sa higaan niya, naupo siya doon habang minamasahe ang sentido niya. "Naiintindihan kita. Pero sana intindihin mo rin iyong desisyon ni Baekhyun."

"Hyung, nagmamakaawa ako," lumuhod na ako sa harapan niya. "Ibabalik ko si Baekhyun dito. Hindi ako babalik dito nang hindi siya kasama."

"Hindi naman sapat na rason iyon para ibigay ko sayo ang address nila, Chanyeol. Alam mong kaya kong pabalikin dito si Baekhyun ano mang oras kung gugustuhin ko."

"Hyung, magnanakaw siya. Kaylangan niyang panindigan iyong kasalanang ginawa niya," napatayo si Suho hyung dahil sa sinabi ko. Natumba pa ako sa carpeted floor dahil natabig niya ako. Aysh.

"A-ano? Magnanakaw? Sino? Saan? Bakit?"

"Oo. Magnanakaw siya at kaylangan niyang panindigan iyong pagkakasala niya. Umalis siya ng dala ang kalahati ng pagkatao ko. Tinangay niya iyon at kaylangan kong kunin iyon sa kanya o kahit man lang ibigay ko iyong natitirang kalahati na iniwan niya," isang malakas na batok ang binigay sa akin ni Suho hyung habang tinawanan ko lang siya. Kasalanan ko bang masyado siyang seryoso! At saka seryoso ako sa sinabi ko ah!

"Kahit kailan talaga hindi ka pa rin nagbabago!" Napangiti na lang ako noong lumapit siya sa school bag niya at may kinuhang maliit na papel doon. "Oh, ayan. Promise mo na ibabalik mo si Baekhyun dito, ha. Kapag iyan hindi mo nagawa ako mismo ang magpapadala sayo sa China."

"Thank you, Suho hyung! The best ka talaga!"

-

-

Pagkabigay na pagkabigay ni Suho hyung ng address nila Baekhyun ay agad akong umuwi sa bahay para mag-empake ng mga gamit ko. Mukhang mahaba-habang daan ang tatahakin ko para lang makita ulit si Baekhyun. Albay pa kasi iyong address na nakalagay dito sa papel.

"Chanyeol-ssi? Saan ka pupunta?" Naupo si Yoora noona sa tabi ko. Ang dami ng nilalagay kong gamit sa bag, parang wala na ata akong balak bumalik dahil kulang na lang ay limasin ko iyong mga gamit ko dito. "Bakit ka nag-eempake? Iiwan mo na naman si Yoora noona mo?"

"Saglit lang naman, noona. Babalik din agad ako," nagmamadali akong tumayo pagkatapos kong ilagay iyong huling damit ko sa bag. Kating-kati na akong makarating sa Albay. Gusto ko ng mayakap si Baekhyun. At sisiguraduhin kong pagbalik namin dito ay akin na siya. Akin lang walang iba.

"Mag-iingat ka doon, ha? Ikamusta mo na lang ako kay Baekhyun," niyakap ko ng mahigpit si Yoora noona. Alam kong isa siya sa mga taong magiging masaya kapag nagawa ko na iyong mission ko. "'Wag kang babalik dito ng hindi mo pa boyfriend si Baekhyun. Itatakwil kita."

-

-

Hindi ko alam kung ilang oras o araw ba akong bumyahe pero isa lang ang masasabi ko—pagod na pagod ako. Dire-diretso lang iyong byahe ko. Ni hindi ako nag-stop over, ni hindi rin ako kumain. Pero worth it naman noong nakarating na ako dito sa Albay ng safe. Ang ganda pala dito. Ang sarap ng simoy ng hangin—amoy Baekhyun.

Bumaba ako ng sasakyan. Hindi ko kasi alam paano ko mararating itong address nila Baekhyun dahil walang number iyong mga bahay dito. Busy ang mga tao rito ngayon. Abala sila sa paghahatak ng mga mamimili. Wet market pala itong natigilan ko. "Pwede pong magtanong?" Parang nagulat naman iyong matandang babae noong humarap siya sa akin. Kahit ako nagulat kasi bigla niyang tinawag iyong mga kapwa tindera niya.

"Ke gwapong bata naman nito!"

"Iho, saan ka galing?"

"Iho, bilhin mo naman itong paninda ko."

Ilan lang iyan sa mga sinasabi nila. Medyo nahihiya na nga ako dahil ang dami ng tao na nakapalibot sa akin. At kahit na padami sila ng padami, kitang-kita pa rin ako dahil sa tangkad ko.

"Chanyeol? Ikaw ba iyan?" Para naman akong nabuhayan na ewan nang marinig ko iyong boses ng mama ni Baekhyun. Nag-tilian pa iyong mga nakapalibot sa akin noong ngumiti ako sa mama ni Baekhyun.

"Auntie! Ako nga po!" Nalaman kong tindera sa palengke si Auntie. Sabi niya ubos na raw iyong paninda niya kaya pauwi na rin siya kaya sinabay ko na siya. Tutal sa bahay din naman nila iyong paroroonan ko. Pagdating namin sa bahay nila, nauntog pa ako kasi medyo mababa iyong ceiling nila. Kumpara sa bahay na tinirahan nila noong nasa Maynila pa sila, mas maliit itong bahay na ito.

"Maupo ka muna dyan. Ipagtitimpla lang kita ng maiinom," sa liit ng bahay na ito walang Byun Baekhyun na lumilitaw. Marami pa silang bag na nakalapag sa sahig. Nililibot ko lang iyong paningin ko sa buong bahay nila. Ewan ko ba kung nakailang ulit na ako sa tagal bumalik ni Auntie. "Pagpasensyahan mo na pala iyong bahay namin, ha? Hindi pa kasi kami nakakapag-ayos ng mga gamit eh."

"Okay lang po," inabot ko iyong juice na tinimpla ni Auntie at nilantakan iyong inihanda niyang rice cakes. Medyo nakakaramdam na rin ako ng hilo at pagod. Wala pa kasi akong tulog. "Nasaan po pala si Baekhyun?"

"Ah, nasa school. May pasok kasi siya ngayon. Ano nga palang sadya mo? Bakit ka nagpunta rito? At mukhang maputla ka ah. May sakit ka ba?" Napaatras naman ako noong bigla niyang nilapit iyong kamay niya sa noo ko. "Wala ka namang lagnat."

Lumunok ako bago nagsalita, kaylangan kong ipakita kay Auntie na sincere ako sa anak niya. "Auntie, kaya po ako nagpunta dito kasi susunduin ko po si Baekhyun."

"Huh? Bakit? Saan kayo pupunta?"

"Mahabang kwento po pero to make it short, naibalik na po iyong scholarship niya."

"Gano'n ba? Mag-usap na lang kayo mamaya. Mamaya pang hapon ang uwi niya eh."

"M-may isa pa po akong balak kaya ako pumunta dito," kinakabahan ako. Baka kasi mag-histerikal si Auntie sa sasabihin ko. "Gusto ko po sanang hingiin iyong permiso niyo na ligawan si Baekhyun?"

Natawa naman siya sa sinabi ko. "Bakit patanong? Sigurado ka ba, iho?"

"O-opo! Kinakabahan lang po ako kasi baka bawal eh."

"Ayos lang sa amin ng papa ni Baekhyun. Malaki ang utang na loob namin sayo. At alam ko namang nasa mabuting kamay si Baekhyun," napangiti naman ako ng malapad.

"Thank you po! Hindi ko po kayo bibiguin!"

"Oh siya sige, magpahinga ka muna dyan. Maglalaba lang ako ha."




Byun Baekhyun.

Kakatapos lang ng last subject ko at naglalakad ako ngayon papunta sa main entrance ng school. Buti nakahabol pa ako sa klase nila. Muntik pa nga akong hindi tanggapin dahil nasa kalagitnaan na ng semester pero noong nalaman nila kung saan ako nanggaling na school ay agad naman nila akong tinanggap.

Hindi ko alam kung anong mayroon pero ang daming estudyante sa entrance ng school na ito. Mapababae, mapalalaki man ay nandoon. May artista ba? Lumapit ako ng kaunti at bigla naman akong pinalo sa braso ni Frances—siya nga pala iyong una kong naging kaibigan dito. Mabait siya. Mayaman din kaya ewan ko kung bakit siya nagtitiis sa pang-commoner na school.

"Baekhyun! Ang gwapo noong lalaki na dumating! Grabe ang tangkad niya pa! Tapos alam mo ba ang kinis din ng balat niya!"

Pilit kong sinisilip iyong sinasabi niya pero hindi ko talaga makita. Bukod sa marami talagang tao ay natatapakan na rin iyong sapatos ko at saka medyo maliit ako kumpara dito sa mga babae sa harapan ko. Agad namang nagtilian iyong mga babae dito. Hindi ko alam kung bakit pero awtomatikong nahati sa dalawa iyong kumpol ng tao. At ako lang ang nanatili sa kinatatayuan ko. Nanigas ako nang mapagsino ko iyong taong kanina pa pinagkakaguluhan dito. Nakatayo sa kabilang dulo ay iyong taong sobrang nami-miss ko na. Iyong taong naging dahilan ng abnormal heart beats ko. Ang tanging tao na kayang makapagbigay ng ganitong epekto sa sistema ko.

"C-Chanyeol," parang tumigil sa pag-galaw ang mga bagay sa paligid ko noong unti-unti niya akong nginitian. Akala ko iniwan ko na sa Maynila, pero hindi, nandito pa rin. Kayang-kaya niya pa ring pabilisin ng ganito iyong tibok ng puso ko.

"Oh, god. Namiss kita ng sobra," halos hindi ako makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin. Bakas sa mukha ko ang pagkabigla. Anong ginagawa niya rito? Akala ko ba nasa China sila ni Krystal? "Hindi ka man lang ba magsasalita?" May bahid ng lungkot sa boses niya. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa puso ko.

"S-sorry," and with that, he's back to the Park Chanyeol I've always known. Iyong happy lang. Iyong parang walang iniisip na problema. Iyong Chanyeol na sobrang perperkto at mukhang wala ng hihilingin pa sa buhay niya.

-

-

Hindi na ako nakapalag noong bigla niya akong hinatak papunta sa sasakyan niya at marahang iginiya papasok sa shot gun seat. Tahimik lang ako habang binabagtas namin ang daanan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, hindi rin naman kasi ako gano'n kapamilyar sa Albay.

"Chanyeol, bakit ka nandito?" Sa wakas nahanap ko na rin iyong boses ko. Ngunit hindi niya ako pinansin at tuloy lang sa pagmamaneho.

Tumigil kami sa isang lugar na pwedeng makita ang buong probinsya. Ang lakas na rin ng hangin dito dahil malapit ng dumilim. Napaka-breathtaking ng lugar na ito. Ni minsan hindi pa ako nakapunta rito dahil ngayon lang naman ako dinala ni Mama sa probinsya niya.

"Tabihan mo naman ako dito," wala na akong nagawa kundi tumabi sa kanya. Tahimik lang kaming nakaupo sa harapan ng sasakyan niya nang bigla niya pinatong iyong ulo niya sa balikat ko.

Chanyeol bakit? Lumayo na ako pero sinundan mo na naman ako? Isa na naman ba ito sa mga nagpapa-challenge sayo?

"Magsalita ka. Alam kong marami kang tanong sa isipan mo. Sasagutin ko. 'Wag kang mag-alala," huminga ako ng malalim. Baka abutin ako ng siyam-siyam dito sa dami ng tanong na gusto kong itanong sa kanya pero hindi ko naman alam saan magsisimula. "Maglaro na lang tayo. 20 questions. Ayos lang sayo?" Bahagya akong tumango kahit na hindi naman niya nakita. Sinabihan niya rin ako na ako na iyong unang magtatanong. Wala rin. Ako rin pala iyong mauuna. Psh.

"Bakit ka nandito?"

"Para sunduin ka. Galit ka ba sa akin?" This time tinanggal niya na sa pagkakasandal iyong ulo niya sa balikat ko at mataman akong tinignan sa mata. Nanlambot ako nang makita kong malungkot ang mga mata niya. Ang mga matang minsang nagpalunod sa akin.

"H-hindi. Bakit naman ako magagalit?"

"Bigla ka na lang kasing umalis ng hindi nagsasabi sa akin. Gusto mo pa bang bumalik sa Maynila?"

"H-hoy! Hindi pa ako nagtatanong!" Binelatan na lang niya ako at sinabing considered na tanong daw iyong bakit ako magagalit sa kanya—napakadaya. "Hindi ko alam. Maayos naman kami dito eh," totoo naman. Sa dalawang araw na paninirahan namin dito, bigla ko na lang naramdaman na payapa dito. Kasi dito talaga kami nararapat eh. "B-bakit pala kayo nagpunta ng China ni Krystal?"

Hinawakan niya iyong dalawang kamay ko at mariing pinikit ang mga mata niya. Naramdaman ko pang nilalaro-laro niya iyong nunal ko sa hinlalaki. "Si Jessica ang dahilan kung bakit na-forfeit iyong scholarship mo at ng mga kapwa scholars mo. Siya rin iyong dahilan kung bakit bigla akong lumayo sayo, Baek. Pinagbabantaan niya ang buhay mo kaya nagpa-gamit ako sa kanya. She's insane. Nagpa-alipin ako sa kanya. Lahat ng gusto niyang gawin ko kay Krystal, ginagawa ko, dahil kapag hindi ko ginawa, alam kong isang pitik lang niya sa tauhan niyang nakabantay sayo, mamamatay ka. Iyong sinabi sayo ni Krystal na nacha-challenge lang ako sayo? Hindi totoo iyon, Baek. Seryoso ako noong sinabi kong gusto kita."

Tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko. Lahat ng sinasabi ni Chanyeol, nahihirapan akong i-digest. Sa pangalawang pagkakataon, niligtas na naman niya ako. I am nothing but a trouble for him. I bring misery on his life. I am no good to him. "Noong huling araw na nagkausap tayo sa ilalim ng puno sa soccer field, iyon din yung araw na pinalaya na ako ni Krystal. Sabay kaming pumunta sa China para ipaalam sa mga magulang namin ang kahibangan ni Jessica at parehas na kaming umaatras sa arrange marriage na iyon. Iyon din yung araw na nalaman kong pati buhay ko pinagtatangkaan na rin ni Jessica kaya napilitan si Daddy na i-forfeit lahat ng scholarships to spare me a living. Iyon din iyong araw na umamin ako sa mga magulang ko na gusto kita. Iyon din iyong araw na naramdaman kong muli na may pamilya akong uuwian. Pero hindi ko alam na kinabukasan, wala na akong uuwian sa Pilipinas. Wala ka na. Iniwan mo na naman ako."

Para akong paulit-ulit na sinasaksak sa dibdib. Ramdam na ramdam ko iyong lungkot niya. Ramdam na ramdam ko kung gaano ko siya nasaktan sa pag-alis ko. Pero kaylangan kasi. Wala akong choice kundi umalis. Wala kaming pangbayad sa tuition fee ng school. Hindi namin alam kung saan kami kukuha ng gano'n kalaking pera. Para kaming tangang dalawa dito. Tahimik lang kaming umiiyak, pero mas malakas iyong pag-iyak ko dahil naiinis ako sa sarili ko. All this time ako pala iyong rason. All this time, nagpapaka-selfless si Chanyeol. All this time nagpapaka-selfish lang ako thinking bad things towards him.

"H-hindi ko alam kung anong sasabihin ko," pinahiram niya iyong mga luhang tumutulo galing sa mga mata ko pero walang tigil iyon. Kapag napunasan niya na, may panibago na namang tutulo.

"Hindi ako mapapagod na punasan ang mga luha mo. Pero pagtapos nito, ayaw ko ng makitang iiyak ka ulit. I'm willing to sacrifice everything for you. Kahit na buhay ko pa ang kapalit nun."

"A-ayaw ko. 'Wag kang magsalita ng ganyan."

"Baek, handa akong maghintay. Hindi na ako aalis sa tabi mo. Hihintayin kita kung kailan ka magiging ready. Hindi kita mamadaliin. Pero please lang, 'wag mo na ako itulak palayo. Dahil hindi ko na alam kung kakayanin ko pang bumalik."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro