Ikalabing-dalawang Kabanata
Byun Baekhyun.
Performance day namin ngayon at nagpa-pasalamat ako sa lahat ng pwedeng pasalamatan dahil nairaos namin iyon kahit na nag-iiwasan kami ni Chanyeol. Nanalo kami sa contest na iyon at sabi ng principal, kami na raw ang official boy group ng school na ito. Kapag may mga activities daw sa school kaylangang mag-perform din kami.
Hindi naman ako tutol doon. Bukod sa mahahasa ako sa pagsusulat ng kanta, magkakaroon na rin ako ng past time dahil tuluyan na akong nakalimutan ni Sehun. Hindi nga sumusulpot dito si Luhan hyung kaso kay Kai naman siya dumikit ng dumikit ngayon. Madalang na rin akong sumabay sa kanila kumain sa leisure room. Simula noong naging close si Chanyeol at Krystal, miminsan na akong mapadpad doon. Ibinalik ko na nga rin iyong spare card na binigay ni Suho hyung sa akin. Hindi naman sa lumalayo ako sa kanila pero siguro nilulugar ko na lang din iyong sarili ko kung saan ba ako nararapat. Lahat sila doon mga tagapagmana, ako lang ang hindi.
Dumaan na naman ang isang linggo. Isang linggong pag-iwas kay Chanyeol at pag-distansiya sa kanila. Kapag vacant time namin mabilis akong lumalabas ng room para hindi na nila ako mahila papunta sa leisure room. Napansin ko rin na hindi na pinupuntahan ni Chanyeol iyong puno niya sa soccer field kaya ako na lang iyong palaging nakatambay doon. Aaminin ko, nahihirapan akong mag-adjust at bumalik sa dating ako. Sobrang namimiss ko na kasi sila.
Balik sa pagbabaon na ulit ako ng lunch. Noong mga panahong sa leisure room kami kumakain hindi na nila ako pinagbaon eh. Isa't kalahating taon din akong kumakain mag-isa sa school. Wala pa nga atang isang taon na kaibigan ko si Sehun eh, kaya kapag kumakain ako dito lugmok na lugmok ako. Dati sanay akong kumain mag-isa pero ngayon hindi na. Gusto ko silang puntahan doon sa leisure room, tanaw kasi dito mula sa pwesto ko eh. Halatang nagkakasiyahan sila. Hindi ko maiwasang masaktan ng makita kong nakangiti sila, habang ako dito nagmu-mukmok.
Naaawa na lang ako dahil napagdiskitahan ko iyong mga damo at halos makalbo na iyong kaharap kong lupa sa dami ng damo kong natanggal. Nakakainis kasi. Ayaw ko ng ganito eh. Nawawalan ako ng gana mag-aral.
"Kawawa naman yung mga damo," awtomatikong nanigas iyong katawan ko. Gusto kong tumakbo sa mga bisig niya. Sobrang na-miss ko iyong boses niya. Pero pinigilan ko, kasi panigurado, ako rin naman iyong masasaktan sa huli. Oo na. May gusto na rin ako kay Chanyeol. Nag-reflect ako last week at saka ko lang nakumpirma kahapon. Hindi naman kasi normal iyong mga nararamdaman ko kapag nakikita ko siya at naririnig ang boses niya. "Kamusta ka na, Baekhyun?" Ni hindi na nga niya ako tinatawag na Baek. Nakakatampo pa kasi hindi man lang ako nakarinig ng sorry mula sa kanya para doon sa nangyari sa shower room last week.
"Okay lang ako," naupo siya sa tabi ko at nagsimula na ring magbunot ng mga damo. Tignan mo, akala ko concern siya sa mga damo kanina pero hindi naman pala.
"Namiss kita," dalawang salita na sapat na para magpabilis ng tibok ng puso ko. Parang may nagkakarera sa dibdib ko at parang may mga paru-paro namang lumilipad sa tiyan ko.
Namiss din kita, Yeol. Gustong-gusto kong sabihin iyan pero ayaw lumabas sa bibig ko. Nginitian ko na lang siya at piniling hindi na tumugon sa sinabi niya.
"Sorry pala doonㅡ" hindi ko na siya pinatapos. Alam ko na kasing mag-eexplain siya, at kapag narinig ko iyong explanation niya, natatakot ako sa pwedeng maging reaction ko.
"ㅡokay lang," tumayo na ako at nagligpit ng gamit; siya naman nanatiling nakaupo habang pinagmamasdan ako sa ginagawa ko. "Mauna na pala ako."
Pero nakakadalawang hakbang pa lang ako nang naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod. Ano ba iyan, Chanyeol? Akala ko ba wala ka naman talagang nararamdaman sa akin? Pero bakit ganito ka? "Baek, sobrang miss na kita. Balik na tayo sa dati, please."
Pumikit ako at kinagat ko iyong ibaba kong labi. Naiiyak kasi ako! Hindi ako magaling sa pangre-reject ng feelings kaya mahirap sa akin ito. Oo gusto kong bumalik kami sa dati pero hindi na pwede. Hindi na pwede lalo na't may Krystal na sa paligid. Anytime pwede siyang bumalik sa pagiging meanie niya. Kahit ngayon, makita niya lang kami pwede na niya agad akong saktan. "Chanyeol, bitaw. Please lang din."
"Ayaw ko, Baek. Bakit mo ba ako tinutulak? Nandito na nga ako sa tabi mo oh," napabuntong hininga ako. Napapansin ko rin na sobrang dalas ko ng bumuntong hininga noong nakilala ko si Chanyeol.
"Hindi kasi pwede Chanyeol. May Krystal ka na eh."
"Hindi ko naman siya gusto. Ikaw iyong gusto ko eh," sinungaling.
Gamit ang buong lakas ko, pilit kong kinalas iyong yakap niya sa akin. "Nakakainis ka naman Yeol. Pinaasa mo ako. Tapos noong nahulog na ako sayo bigla mo akong iniwan sa ere ng walang pasabi. Tapos ngayon yayakap-yakap ka sa akin at sasabihing ako iyong gusto mo? Diba sinabi mo lang kay Krystal noong nakaraan na challenged ka lang sa akin? Kaya pag-isipan mong mabuti, kasi baka nacha-challenge ka lang ulit sa akin. You're not there when I started falling then you came back like a hurricane messing up with me once again," and with that, I left him dumbfounded.
-
-
Kinakabahan ako sa magiging rank ko ngayong semester. Masyado kasi akong apektado sa mga bagay-bagay kaya nahihirapan akong mag-focus. Nasa kalagitnaan ng pagtuturo si Mrs. Kim nang biglang pumasok iyong principal namin. "Byun Baekhyun? Pwede ba kitang makausap sa faculty room?" Kinabahan ako pero sumunod na lang ako. Wala naman akong ginagawang masama eh, so why bother? Pero bakit seryoso si Mrs. Park? Pinaupo niya ako sa upuan sa tapat ng table niya habang may kinuha naman siyang papeles sa kabilang lamesa. "I'll get straight to the point. Forfeited na ang scholarship mo."
"BAKIT PO?!" Napasigaw na ako at napatayo. Bakit na-forfeit iyon? Kakasimula pa lang ng school year ah? Wala rin naman akong nilabag na regulations?
"Stop bombarding yourself with different questions. You're no fault at this. It's the owner of this school's choice," may galit sa akin iyong may-ari ng school na ito?! "If I were him, I won't let go of scholars especially ones that are like you. Students like you needs to be trained more. Pero nagulat na lang ako sa notice na pinadala sa akin kanina. Lahat ng scholars ay kaylangan ng magbayad ng full tuition fee starting tomorrow until 6PM only."
Hindi ko alam na may ibabagsak pa pala iyong balikat ko. Saan ako pupulot ng 75,000 para sa tuition fee? Saan na ako mag-aaral? Panigurado kasing hindi ako makakapaglabas ng ganun kalaking pera bukas na bukas. Tinawagan ko na rin si Mama at sinabi iyong nangyari. Umiyak pa siya. Hindi na raw kasi ako makakapagtapos sa pangarap niyang school.
Hindi na ako nakabalik ng classroom. Bakit pa? Lilipat na rin naman ako ng school bukas diba? Kaso saan? Walang public school dito sa amin, halos lahat private kaya kaylangan ko ulit mag-apply para sa scholarship. Naisip ko na rin na magtrabaho na lang muna at mag-ipon at saka ako babalik sa pag-aaral kaso tututol sina Mama, Papa, at Baekbom hyung panigurado.
Paano na sila kapag umalis ako? Sino pa magco-compose ng mga kantang ipe-perform nila? Iniisip ko pa lang iyong reaction nila sa balita na ito sumasakit na iyong dibdib koㅡlalo na iyong reaction ni Sehun.
-
-
Pagkauwi ko sa bahay sinabihan agad ako ni Mama na uuwi na kami sa probinsya bukas ng gabi. Doon na raw muna kami titira kela Auntie Anne at doon na rin muna ako mag-aaral. We can't pay for a living here anymore. Si Baekbom hyung maiiwan dito dahil nga nandito rin iyong trabaho niya at ng asawa niya. At ayaw din bumyahe ng asawa niya ng malayo sa kalagayan niyaㅡbuntis iyong asawa ni Baekbom hyung. Natuwa nga ako kasi iyon lang ata iyong good news na narinig ko ngayong araw. Magkakaroon na ako ng pamangkin ngunit hindi ko naman masasaksihan iyong paglaki niya.
-
-
Morning rolled in fast. Hindi ako naka-uniform ngayon. Suot ko ang isang simpleng puting shirt at itim na pantalon. Babalik lang kasi ako sa school ngayon para kunin iyong mga gamit ko sa locker at magpaalam na rin sa kanila.
Bawat hakbang na nililikha ng mga paa ko ay kasabay ng pagbigat ng aking dibdib. Kaylangan kong maging matatag sa harap nila. Hindi pwedeng sa huling pagkikita namin ay makikita nila ang luhaan kong mukha. At siguro rin makikipag-ayos na ako kay Chanyeol, wala na kasing kasiguraduhan na magku-krus pang muli ang mga landas namin.
Sinakto ko talagang matapos sa pagliligpit ng gamit na vacant time ng 1A at 2B para siguradong lahat sila nasa leisure room. Bigat na bigat ako sa katawan ko, hindi sa mga dala kong gamit. I hate good byes. I hate farewells. I hate leaving. Pero wala naman akong magagawa, wala kaming pera. Tama na siguro iyong dalawang taon na pagiging ambisyoso at pakikilebel sa mga anak mayaman. Panahon na siguro para bumalik ako kung saan ako nararapat. Pagbukas ko ng pintuan ng leisure room, napansin kong tahimik lang silang nanonood ng TV.
"Baekhyun? Bakit hindi ka pumasok kahapon at kanina?" Tanong sa akin ni Minseok hyung habang kinukuha iyong mga dala ko. May kabigatan din iyon at halata sa mukha ko na nabibigatan ako. Imbis na sagutin si Minseok hyung, napansin kong kulang sila. Wala si Krsytal. Wala rin si Chanyeol. Napangiwi na lang ako. So, hindi pa pala ako makakapagpaalam kay Chanyeol? Ayaw na ayaw talaga sa amin ng tadhana kasi ito na mismo iyong naglalayo sa amin eh. Masakit mang isipin pero sa oras na lumabas ako sa leisure room na ito, iiwan ko na rin iyong nararamdaman ko para kay Chanyeol.
"A-aalis na ako," nakayuko lang ako. Ayaw ko kasi makita iyong magiging reaction nila. It's either masaktan ako or mahirapang umalis. Masaktan dahil baka sumosobra na ang pag-iilusyon ko na pipigilan nila ako. Mahihirapang umalis dahil baka makita ko iyong mga awa at lungkot sa pag-alis ko. Ilang linggo akong hindi nagparamdam sa kanila tapos ganito pagbalik ko?
"Thaan ka pupunta hyung? Thama ako! Mith na kathi kita thobra!" Nawala na rin iyong tampo ko kay Sehun. Na-realize ko na baka gusto niya lang talaga ng makakasama na ka-edad niya. Parehas na parehas kasi iyong mga gusto nila ni Kai.
"Uuwi na ako ng probinsya namin, Sehun. Hindi na ako babalik," at halata naman sa mga mukha nila ang pagkabigla dahil sa sinabi ko.
"Hah?! Paano na iyong pag-aaral mo dito? Paano na si Chanyeol?" Si Kyungsoo na hindi ko naman madalas na makausap ang unang nag-react. Ang cute niya, halos lumuwa iyong eyeballs niya sa sobrang laki ng mata niya.
"Na-forfeit kasi iyong scholarship ko dito," at mukhang wala na namang pag-asa iyong sa amin ni Chanyeol.
"Kung iyan ang desisyon mo susuportahan kita, Baekhyun. Pero kapag kaylangan mo ng tulong tawagan mo lang ako," inabutan ako ng calling card ni Suho hyung. Hindi namin lahat inaasahan iyong sinabi niya. "Hindi ayos sa akin na mawalan ng member at kaibigan. Alam mo bang may performance tayo bukas?"
"H-hindi hyung," napabayaan ko na rin iyong pagiging member ng BRIX. Masyado ng magulo ang buhay ko. Mas lalong bumibigat iyong pakiramdam ko dahil nadagdagan pa ito ng guilt. Napakawalang kwenta kong tao. Wala silang ginawang masama sa akin. Tinanggap nila ako sa mundo nila kahit na hindi nila ako kalebel, pero hindi ko ito pinahalagahan.
"Ayos lang yan, Baekkie! Naiintindihan naman naming LQ kayo ni Chanyeol eh!" Tinapunan ni Kyungsoo ng masamang tingin si Chen at tinakpan na lang ni Kai iyong bibig ng hyung niya kasi daw baka kung ano na namang kabalastugan iyong lumabas sa bibig niya. Mami-miss ko rin iyong pambubwisit ni Chen sa aminㅡsa akin.
Mamimiss ko talaga silang lahat.
"'Wag kang mag-alala, Baekhyun. Hindi malalaman ni Chanyeol kung saan ka pupunta," napakunot ang noo ko sa sinabi ni Suho hyung. Kahit sila Minseok hyung at iba pang nandito ay parehas lang ang naging reaksyon. "He's been a jerk to you, kaya deserve niya ito. Akala mo ba hindi ko alam na si Chanyeol ang may kasalanan kung bakit nakabenda iyong isang braso mo noong nakaraan?" Oo nga nakabenda iyon pero agad ko ring tinanggal dahil mas nabubugbog iyong braso ko sa higpit ng pagkakalagay ni Baekbom hyung. "And I want him to repent his sins kaya sige, umalis ka na. Kami na ang mag-uuntog kay Chanyeol sa katotohanan pagbalik niya dito," napangiti na lang ako at tumango.
"Maraming salamat, Suho hyung," they surely know how to make sad people turn into happy ones. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay nilang lahat sa akin. Ine-expect ko na iiyak at magta-tangrums si Sehun pero I guess he has grown up while he's hanging with Kai. Oo malungkot siya pero pinipilit niyang maging masaya. Iniwan na naman kasi siya ng hyung niya. Ayaw ko naman iwan siya pero kaylangan. Alam kong maiintinidhan niya ako, matalino iyang si Maknae eh.
"Bago ako umalis. Pwede bang malaman kung bakit wala dito si Krystal at Chanyeol?" Imbis na sagutin ay tinapunan lang nila ako ng mga makabuluhang ngiti. Bakit ba? Masama na bang magtanong? "O-oy, b-bakit ganyan kayo makangiti?"
"Miss mo na si Chanyeol hyung ano, Baekhyung hyung?" Pati si Kai inaasar na rin ako? Miski si Kyungsoo nakangiti lang sa akin.
Tutal naman last na pagkikita na namin ito, might as well give them their satisfaction. "S-sobra," unang tumili si Chen at sinundan naman ni Sehun. Sila Minseok hyung, Suho hyung, Kai, at Kyungsoo naman ngiting tagumpay. Pero I had to break their smiles. Kaylangan ko na kasing umalis. Tutulungan ko pa si Mama na mag-empake ng gamit.
With one last hug, I bid my good bye.
Naglalakad na ako papunta sa pintuan ng leisure room at bago ako lumabas, tinapunan ko muna sila ng isang huling tingin.
"Mamimiss ka namin! Dalawin mo kami minsan dito, ha?" Tumango ako.
Kahit na nagulo iyong buhay ko, it was all worth it dahil sa mga mababait na taong katulad nila.
Kasabay ng pagsara ng sliding door ay kasabay ko ring iniwan sa leisure room ang nararamdaman ko para kay Chanyeol.
Good bye my giant. 'Til we meet again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro