Ikalabing-dalawampung Kabanata
Park Chanyeol.
"Baek, inaantok pa ako. Mamaya na please."
"Nagugutom na ako, Yeol. Magluto ka na please," kahit na labag sa kalooban ko ay bumangon na ako. Anong oras na kasi kami nakauwi si Baekhyun galing sa galaan. Pagtapos kasi ng eksena ko sa school kahapon, hinatak kami nila hyung dahil what happened yesterday calls for a celebration daw. Tsk. Simpleng kainan lang naman iyong ginawa namin dahil kaylangan din nilang bumalik sa Maynila pero ewan ko ba bakit pagod na pagod ako ngayong umaga.
"Ano bang gusto mong kainin?"
"Natandaan mo ba yung niluto mo para sa akin na breakfast sa Cavite?" Tumango ako. "Iyon na lang siguro!"
First day namin as a couple ngayon, ni hindi kami nakapagbonding kahapon dahil buong araw na nakadikit si Sehun kay Baekhyun, it's like they're coping up with each other kaya hindi na ako nagpumilit na lumapit sa boyfriend ko. Babalik na rin pala kami sa Maynila mamaya. Hindi ko alam paano ko sasabihin kay Baekhyun na natanggal siya sa pagiging rank #2 at balik 2B na siya dahil sa pag-alis niya. Inaamin ko medyo nalungkot ako noong sinabi ni Suho hyung iyan, pero siguro mas okay na rin iyon dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.
"Baek, nga pala mag-ayos ka na ng gamit natin mamaya ha? Babalik na tayo ng Manila," naramdaman kong may mga bisig na pumulupot sa akin mula sa likuran. Nanigas pa ako noong una dahil hindi ako sanay na ganito ka-touchy si Baekhyun. Kaninang umaga nga nagising lang ako kasi tinutusok-tusok niya iyong mukha ko.
"Sana pagbalik natin doon wala na tayong problemahin. Hindi ko ata kakayanin kung may dadating pa na bagong Krystal at Jessica Jung sa buhay natin."
"Hindi naman kita papabayaan eh. Kahit ipamigay mo ako sa kanila, sa huli, sayo pa rin ako uuwi. Kaya bumitaw ka na sa pagkakayakap dahil nagugutom na rin ako. Ang aga-aga ang drama mo na naman."
-
-
Tahimik lang akong nagda-drive habang si Baekhyun ay tulog na tulog naman sa passenger's seat. Iniisip ko iyong sinabi niya kanina, what happened in the past because of Jessica surely traumatized him that much. Alam kong hindi pa iyong ang huling unos na dadaan sa buhay namin, pinapanalangin ko na lang na hindi bumitaw si Baekhyun sa akin.
"Yeol. . ."
"Hmm? Anong kaylangan ng baby ko?"
"Nagugutom ako. Stop over tayo," gutom na naman siya. Pagtapos naming mag-empake ng mga gamit namin kanina, kumain muna kami ng lunch bago umalis. At ni hindi pa nga kami nakakadalawang oras na byahe ay gutom na naman siya. Takaw talaga.
"Ipabalot mo na lang Baek tapos sa sasakyan mo na kainin, kaylangan kasi nating makauwi agad sa Maynila."
Noong nalaman kasi ni Yoora noona na ngayon kami uuwi ay sinabi niyang maghihintay siya sa pagdating namin dahil magpapahanda siya ng isang welcome party para kay Baekhyun. Simpleng kainan lang naman kasama iyong mga kaibigan namin.
-
-
Mabuti na lang at walang traffic kaya nakarating kami ng Manila ng pasado alas-dose na ng madaling araw. Tulog na tulog na rin itong kasama ko. Buong byahe wala siyang ginawa kundi matulog at kumain. Nilalabanan ko na lang iyong antok dahill hindi ko naman makausap si Baekhyun.
"Baek, gising na. Nandito na tayo," pero hindi siya gumagalaw, nakita ko na rin mula sa peripheral vision ko na papalabas ng mansyon si Yoora noona, seryoso nga siya. May pasok pa sa office iyan bukas pero gising pa hanggang ngayon. I wonder bakit ako may lukaret na ate eh. "Noona, 'wag kang maingay. Baka magising si Baek."
Napa-pout naman siya at patuloy na pinagmasdan ang mahimbig na natutulog na si Baekhyun. "Binata na baby brother ko! May boyfriend na siya! Chanyeol's got a boyfriend! Chanyeol's got a boyfriend!" She singsonged.
Hindi ko na lang siya pinansin at binuhat na si Baekhyun papasok ng mansyon. Wala eh. Knocked out. Tinalo niya pa ako na buong araw nagdrive. Naupo, kumain, at tumanaw sa daan lang naman iyong ginawa niya pero pagod na pagod siya. Ni hindi pa lumalalim iyong tulog ko nang bigla akong maalimpungatan. Paano ba naman? Si Baekhyun, biglang lumipat dito sa kwarto ko at sumiksik sa akin. Nagigising ako dahil ang likot niyang katabi. Sinisiksik niya iyong mukha niya sa dibdib ko na parang may butas iyon at ginugusto niyang makapasook doon pero wala naman.
"Baek, 'wag kang malikot. Hindi ako makatulog ng maayos. Ugh."
-
-
"Ahhhh!!!! Bakit kayo magkatabi!!! Ahhhhh!!!" Kung hindi ko siguro alam na si Baekhyun iyong katabi ko ay naitulak ko na siya dahil sa biglang pagsigaw ni Yoora noona pagkapasok niya ng kwarto ko. Antok na antok pa rin ako dahil hindi tumigil si Baekhyun sa ginagawa niya kagabi kaya anong oras na ako nakabalik sa pagtulog at eto ang gigising sa akin ngayon, bunganga ng ate kong maingay.
"Sorry po, Yoora noona! Kasalanan ko po! Hindi po kasi ako makatulog doon sa kwarto ko eh," nahihiyang paumanhin ni Baekhyun na may kasama pang bow. Tsk. Akala mo naman may ginawa kami.
"Okay lang, Baek! Ginising ko lang kayo dahil prepared na yung breakfast. Hihihi!!" Napahilamos na lang ako ng mukha at tsaka nagdiretso sa CR para mag-toothbrush.
Naramdaman ko namang sumunod si Baekhyun, tumayo siya sa tabi ko at ginaya ang ginagawa ko. Ang aga-aga nagpapacute na naman siya. "Sorry kung malikot akong katabi. Hindi kasi talaga ako makatulog eh!"
"Ayos lang. Tigilan mo nga yang kakapacute mo! Ang aga-aga, Byun Baekhyun!"
"Sus! Nacucute-an ka naman!" Kahit masama ang pagkakagising ko ngayong araw, hindi ko mapigilang hindi ma-good mood dahil sa ginagawa ni Baekhyun. Ang sweet niya ngayon sa akin, masyado siyang pacute. Ni hindi niya nga ako pinipisikal ngayon katulad ng ginagawa niya sa akin dati. Ewan ko kung sinong sumapi sa kaniya pero sana 'wag na siyang umalis sa katawan ni Baek.
-
-
"Oh my god!! Bumalik na si Chanyeol!!"
"Kaso look girl, oh! Magkaholding hands sila ni Byun Baekhyun!"
"Hmmpph!! Lahat na lang nagkakagusto sa kanya! Noong una si Sehun, tapos si Myungsoo, ngayon naman si Chanyeol?"
"Iyong mga oppa natin!!!"
Natututwa ako. Hindi dahil sa mga babaeng nag-uusap na parang wala kami sa harapan nila kundi kay Baekhyun na hindi tinatanggal iyong kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin. Mabuti naman at tinutulungan na niya iyong sarili niya na 'wag magpaapekto sa mga gano'ng tao.
"Himala hindi mo tinatanggal iyang kamay mo sa kamay ko?"
"Bakit ko naman tatanggalin? Boyfriend kita diba? Ako lang ang may karapatan sayo."
"That's my baby."
-
-
Bago kami pumunta sa room, dumaan muna kami ng leisure room dahil ibi-briefing ni Suho hyung si Baekhyun tungkol doon sa pagkakaalis niya sa rank #2, bumagsak na siya sa rank #6 ngayon. Mabuti naman at hindi na kami nahirapan na ipaliwanag at ipa-digest sa kanya iyong balita dahil okay lang daw kasi makakasama na niya ulit si Sehun.
"Baek, hihintayin kita dito sa labas ng room mo mamaya, ha? Sabay tayong kakain ng lunch," tumango na lang siya at nginitian ako. Bago siya pumasok ay hinila ko muna siya para mayakap. Mamimiss ko kasi siya kahit na pader lang naman ang maghihiwalay sa amin dito. Oo na, ako na adik sa boyfriend ko. "Tawagan mo ako kapag may nangbully sayo, ha?"
"Wala naman siguro. Sige na pasok ka na sa room niyo," hinalikan ko muna siya sa noo at pinaunang pumasok sa room. Naiwan kaming dalawa ni Sehun dito sa labas ng room nila.
"Sehun bantayan mo si Baek, ha. Kapag nalaman kong may nambully sa kaniya ikaw malalagot sa akin."
"Yeth hyung! Roger!"
Byun Baekhyun.
"Byun Baekhyun," napaangat ako ng ulo mula sa pagkakadukdok. Wala kasi iyong professor namin kaya naisipan kong matulog na lang dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Naninibago at namamahay kasi ako. Iyong kwarto na tinutuluyan ko kasi kasing laki na ng bahay namin sa Albay.
"Sino ka?" Napansin kong wala si Sehun sa tabi ko at iyong babae na nasa harapan ko ngayon ay hindi pamilyar sa akin. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya, bagong lipat ba siya dito o hindi ko lang talaga siya napapansin dito sa room?
"Ako si Chaelin. Gusto ko lang malaman kung anong mayroon sayo bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa yung nagustuhan ni Park Chanyeol?" Nailang naman ako noong bigla niya akong tinignan mula ulo hanggang paa. "You look so plain. Ni hindi ka nga karapat-dapat na tignan. Tell me, anong pinainom mong gayuma kay Chanyeol?"
"W-Wala! Bakit ko naman siya gagayumahin?"
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kwelyo ng uniform ko. "Because you're too dull, too pale, and too plain for Chanyeol."
"A-ano bang sinasabi mo? Bakit ka ba ganyan magsalita?" Impit akong napaaray noong bigla niya akong hinampas ng hardbound na libro na nakalagay sa upuan ni Sehun. Kakabalik ko lang ito agad ang sasalubong sa akin? Wala na bang katapusan ito? Oo, nangako ako sa sarili ko na susubukan kong magpakatatag para sa relasyon namin ni Chanyeol pero bakit ganito kabilis?
"Damihan mo pa iyong gayuma na nilalagay mo sa inumin at pagkain ni Chanyeol, dahil baka isang araw. . ." Mas naalarma ako noong bigla niyang nilapit ang mukha niya sa parteng tenga ko. "Magising ka na lang, wala na sa tabi mo si Chanyeol," nanigas ako mula sa kinauupuan ko, bakas na bakas ang takot sa mukha ko. Nagsisimula na ring magtubig iyong mga mata ko. Natatakot ako, oo. Alam kong mahal na mahal ako ni Chanyeol pero lalaki siya, he has his needs, at alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang ibigay iyon at kayang ibigay ni Chaelin sa kanya iyon.
"H-hindi siya sasama sayo."
"Oh, look how pathetic you are right now, Byun Baekhyun. Wala pa akong ginagawa pero kinakabahan ka na. I sense insecurity through your ragged breathing. 'Wag kang mag-alala, I'll get him from you, as slow as I can, pero it depends on my mood. He looks so fucking hot right now. I wanted to be laid tonight. I want him to be the one who'll touch me tonight. What do you think?"
Hindi ko na siya sinagot bagkus kumaripas na ako papalabas ng classroom. First day na first day namin ni Chanyeol dito sa school ganito na agad ang sasalubong sa amin. Sana pala hindi na kami bumalik dito. Magpapaka-selfish na ako 'wag lang mawala sa akin si Chanyeol. 24 hours pa lang ang nakakalipas mula noong maging masaya ako pero eto na naman, may problema na naman kami. May nagbabadyang panganib na naman. Ano bang laban ko kay Chaelin? Maganda siya, at higit sa lahat, babae siya. Oo mahal ako ni Chanyeol, pero hindi ko hawak ang isip niya kapag sinimulan ng gawin ni Chaelin iyong pakay niya.
Patuloy lang ako sa pagtakbo nang biglang may matigas na dibdib akong nabunggo. "S-Sorry!"
"Saglit ka lang nawala sa paningin ko, umiiyak ka na naman," nagpahatak na lang ako kay Chanyeol.
Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Basta nakasunod lang ako sa kanya dahil nanghihina ako. Oo, nalampasan ko iyong kay Krystal at Jessica pero tinakasan ko iyon at si Chanyeol ang umayos para sa akin. Hindi pa ako handang harapin ang panibagong pagsubok sa aming dalawa.
Napagtanto ko na lang na nasa leisure room na pala kami. Walang tao dito miski isa. Pinaupo ako ni Chanyeol sa sofa at nagsimula na siyang punasan iyong mga luha ko pero tinatraydor ako ng mga ito, patuloy lang sila sa pagbagsak mula sa mga mata ko.
Ako na siguro ang pinakaswerteng nilalang na nabuhay sa mundo dahil boyfriend ko si Chanyeol. Si Chanyeol na man of your dreams. Si Chanyeol na jack of all trades. Si Chanyeol na sobrang caring at mapagmahal. Si Chanyeol na walang ibang ginawa kundi protektahan ako, patawanin ako, at higit sa lahat, si Chanyeol na sobrang mahal ako.
"Tell me, bakit umiiyak ka na naman? Nasan si Sehun?" Ramdam na ramdam ko iyong inis niya noong hindi ko sinagot ang tanong niya. Hindi ko mahanap iyong boses ko. Patuloy lang ako sa pag-iyak at paghikbi at mas lalo naman iyong lumakas noong bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Hindi ako magsasawang sabihin na ang swerte ko talaga kay Chanyeol. Lahat ng hihingiin ko na taglayin ng magiging boyfriend ko, nasa kanya na. "I'll let you cry for now. Pero gusto ko kapag tumahan ka na, sabihin mo sa akin bakit ka nagkakaganyan na naman."
Iyak lang ako ng iyak. Natatakot kasi ako. OA man pero kasi kakasimula pa lang namin ni Chanyeol tapos may nagbabalak na agad na sumira sa amin? Napangisi ako, bakit naman hindi? Isa nga pala sa mga pinagkakandarapaan ng mga babae dito ang boyfriend ko. Isa siya sa mga campus hotties dito. It's bound to happen na may makakaagaw ako sa kanya, na may mang-aagaw sa kanya. And thinking about that pains me a lot. Iyong parang may nakabarang ewan sa dibdib ko kaya nahihirapan akong huminga. Ayaw kong mawala sa akin si Chanyeol. Hindi pwede ngayo't sobrang hulog na hulog na ako sa kanya. Hindi ko ata kakayanin pang bumalik sa dating ako, nasanay na ako na nandito palagi si Chanyeol sa tabi ko eh.
"O-okay na ako," medyo tumigil na iyong mga luha ko pero humihikbi pa rin ako.
"Maga na naman iyang mga mata mo, Baek. Ano ba!" Nagulat ako sa biglaan niyang pagkairita, he's even tugging his hair so bad. "Sabi ko papasayahin kita, hindi papaiyakin! Kailan ka ba titigil sa pag-iyak? Nasasaktan kasi ako, Baek. Sino na naman bang umaway sayo?"
"C-Chaelin."
"Chaelin?! Sino iyan? Kaklase mo ba? Anong ginawa niya sayo?!"
"K-Kukunin ka daw niya sa akin," napatingin ako sa kanya, iyong kaninang galit at inis niyang ekspresyon ay agad na nawala, at lumambot yung mukha niya. "S-Sabi niya aagawin ka niya sa akin. S-Sabi niya gusto niyang makipag-sex ngayon. S-Sabi niya, gusto ka niyang makasex," nagulat ako nang bigla niyang hinila iyong mukha ko at pinagdikit iyong mga labi namin. Hindi ito iyong first time naming mag-kiss pero mabilis lang iyon, palaging peck lang. Pero iba ito ngayon, matagal lang na nakalapat yung labi ni Chanyeol sa labi ko. Hindi naman nagtagal ay bigla ko na lang naramdaman iyong mga kamay niya na pumupulupot sa bewang ko at nagsimulang na ring kumilos iyong labi niya.
Nahihilo ako. Para akong nilalasing ni Chanyeol sa ginagawa niya. Ibang klaseng sensasyon iyong nararamdaman ko kaya napahawak ako sa buhok niya noong mas lalong lumalim iyong paghahalikan namin. Naramdaman ko ring humihigpit na iyong hawak niya sa bewang ko. Nanatili lang kaming naghahalikan hanggang sa sabay na kaming bumitiw dahil hindi na kami makahinga parehas.
"Baekhyun, tandaan mo ito, ikaw lang ang hinalikan ko ng ganyan. Sayo lang ako kahit anong mangyari. Kahit anong banta nila sayo na aagawin nila ako, they will never see me looking in their eyes the way I look at you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro