Ikalabing-dalawampu't walong Kabanata
Park Chanyeol.
I am awaken with the loud noise coming outside my room and a throbbing head because I still need some sleep but I just can't dahil masyadong malakas iyong tugtog na nanggagaling sa living room.
"Ugh," napabalik ako sa higaan dahil umikot ang paningin ko. Ano bang nangyayari sa akin? Napapadalas na talaga iyong pagsakit ng ulo ko.
"Gising na ho pala kayo. Nasa baba na ho iyong magsusukat ng suit na isusuot niyo para sa kasal," tumango na lang ako at nagbalik sa pagkakahiga.
Kinakabahan na ako dahil alam kong may mali sa sistema ko. Hindi ako mabilis mahilo at tamaan ng sakit ng ulo pero nitong mga nakaraang araw bigla na lang sumasakit iyon kaya hindi ko mapigilang maaburido sa buhay ko.bHindi ko rin alam paano ako nakauwi dito sa bahay kagabi pero sigurado akong sinundo na naman ako ni Suho hyung sa bar dahil isa na naman akong hopeless na nilalang, sobrang sakit ng ulo ko kagabi tapos nasiraan pa ako ng sasakyan. Mabuti na lang kahit ganito ako ay inaalagaan pa rin ako ng mga kaibigan ko, hindi sila sumusuko sa akinㅡhindi katulad katulad ni Baekhyun.
"Buti naman at gumising ka na. Bumangon ka na dyan, kanina ka pa hinihintay ng designer mo," pero hindi ko pinansin si Suho hyung at nanatiling nakapikit ang mga mata ko, parang ayaw kong bumangon. "Chanyeol, naririnig mo ba ako? May nararamdaman ka ba?"
"Wala, hyung," tama na iyong nagiging sakit ako ng ulo niya, ayaw ko nang mag-alala pa siya. "Susunod na ako, maliligo lang ako saglit."
"Sige. Bilisan mo, magtatanghalian na tayo. Ayos na rin pala iyong sasakyan mo," tumango na lang ako at kasabay nito ay ang pagsara ng pintuan ng kwarto ko.
-
-
Pagbaba ko sa living room ay naabutan kong nagsa-sayaw si Chen at Sehun doon. Kaya pala ang ingay kasi nandito si Sehun, kapag pumupunta kasi dito iyan ginagawa niyang practice room iyong living room namin.
"Chanyeol hyung! Namith kita!" Muntikan pa akong matumba dahil dinamba ako ng yakap ni Sehun pagkababa ko ng hagdanan. "May balita na pala ako kung nathaan thi Baekhyun hyung ngayon!" Tipid akong ngumiti. Dati naman kapag binabanggit niya iyong pangalan ni Baekhyun sobra akong excited sa pwede niyang ibalita pero habang lumilipas ang araw, unti-unti ko na lang nakikita iyong sarili ko na parang wala ng epekto sa akin si Baekhyun.
"Hindi na ako interesado kung nasaan siya ngayon. Panahon na siguro para tulungan kong makabangon ang sarili ko," one week without him was a hell, ni hindi ko kayang mag-desisyon para sa sarili ko. Basta ginagawa ko lang lahat ng maisip ko without thinking kung mapapahamak ba ako o hindi. Napabayaan ko iyong sarili ko kasi kahit na sinabi ko sa kanya na the moment na lumabas siya ng bahay namin, mamamatay na iyong Park Chanyeol na nakilala niya. Iyong Park Chanyeol na sobrang minahal siya. Hindi ko rin pala kayang panindigan kasi masyadong malalim iyong pagmamahal ko sa kanya kaya ang hirap tanggalin sa sarili ko iyon.
Pero unti-unti ko na lang nararamdaman na parang nawawalan na ako ng gana kapag naririnig ko iyong pangalan niya. Wala na iyong excitement kapag naririnig ko iyong pangalan na iyon. Hindi na rin bumibilis iyong tibok ng puso ko by the mere mention of his name. I guess kusa na akong bumibitiw. I guess my feelings for him were slowly fading away. Hindi nila ako masisisi kung ganito ako kabilis nakaramdam ng pagkawala ng feelings para sa kaniya. I've been through a lot, physically and emotionally. Unti-unti ko nang nare-realize na wala na talaga kamiㅡna tinapos na niya iyong maikli naming pagsasama.
Bigla naman akong inakbayan ni Chen habang sumimangot na lang si Sehun. Parehas na parehas sila ng reaction ni Yoora noona. Kung ako nahirapang tanggapin na wala na kami ni Baekhyun, mas nahirapan silang dalawa. Tsk. President at Vice-President daw sila ng Chanbaek Shipdom. "Tama iyan, Tenga! Kahit na sobrang boto ako kay Baekhyun para sayo, mas okay na siguro na unti-unti ka ng nakakamove on!"
Hindi ko naman sinisisi si Baekhyun sa nangyari sa amin. Wala naman kasing may kasalanan. Kahit na siya iyong bumitaw, hinding-hindi ko siya sisisihin. Kahit na sobrang nasaktan ako sa desisyon niya, hindi ko kayang magalit sa kanya. Time will come, my feelings for him will be totally gone but he will always hold the most special part of my heart.
-
-
Sinusukatan na ako ng designer ng suit ko ngayon at kapag hinihingi niya ang opinyon ko sinasabi ko na lang na siya na iyong bahala kung anong balak niyang gawin sa isusuot ko dahil hindi naman ako magpapakasal kasi gusto koㅡnapilitan lang ako. Ewan ko bakit hindi nagpapakita sa akin si Chaelin lalo na't nalalapit na iyong araw ng kasal pero siguro ayos na rin iyon dahil ayaw kong masaktan siya kapag nakita niyang wala akong gana na magparticipate sa wedding preparation na ito.
"Chanyeol, sinong gusto mong maging best man mo?" Tanong ni Lilyㅡiyong inutusan ni Daddy na maging wedding planner namin. Nahihirapan akong pumili kung sino iyong magiging best man ko dahil sa dami ng kaibigan ko. Ayaw ko kasi na magtampo sila sa akin kaya hangga't maari gusto kong maging abala kahit man lang sa pagpili ng magiging best man ko.
Napakagat ako ng labi at mataman na tinignan si Lily na may hawak-hawak na binder notebook at ballpen. "Kaylangan ba talaga isa lang iyong best man?"
"Malamang! Saang kasal ka ba nakakita ng dalawang best man?!" Binatukan ko si Chen, ang epal kasi. Seryoso kasi ako sa tanong ko tapos isang barumabadong sagot iyong itutugon niya sakin kahit hindi siya iyong kausap ko. Kaming tatlo lang iyong sinusukatan kasi kami lang iyong nandito sa bahay. Si Suho hyung nasa ospital na nila. Si Minseok hyung naman busy sa training niya sa coffee shop nila. Si Kyungsoo at Kai umalis para asikasuhin iyong mga pasaporte namin dahil lahat sila invited sa kasal ko. Kahit naman sapilitan iyon, gusto ko nasa tabi ko iyong mga kaibigan ko dahil baka takasan ako ng katinuan sa araw na iyon. Sina Luhan hyung, Kris hyung, Lay hyung, at Tao ay bukas pa masusukatan dahil umuwi silang apat sa China ngayon.
"Ilan ba gusto mong best man? Traditionally kasi isa lang dapat pero kung gusto mo ng dalawang best man, sige i-aadjust ko para sa kahilingan mo," may kung ano siyang binura sa notebook niya, malamang pinalitan niya iyong bilang ng best man ko.
"Gusto ko sana lahat sila best man ko," nakita kong napatigil si Jarred sa pagsusukat sa haba ng balikat ni Sehun habang hindi makapaniwalang tinitignan ako nila Lily, Chen, at Sehun.
"Ano?! Adik ka ba, ha?! Kaming sampu gusto mong maging best man mo?!" Nakakainis talaga itong si Chen, ang OA mag-react! Ano bang masama kung sampu iyong best man ko? Sukob ba sa kasal iyon? Edi maganda kung oo!
"Oo, ano bang masama? At saka sagot naman ng pamilya ko lahat ng isusuot niyo ah."
"Sige, Chanyeol. Ako na ang bahala," nginitian ko na lang si Lily. Sa totoo lang nako-konsensya ako kasi wala akong ganang makipag-usap sa kanila ni Jarredㅡiyong designer. Ang bait kasi nilang dalawa at kahit na miminsan lang ako magbigay ng opinyon, sinisigurado nilang masusunod iyong gusto ko.
-
-
"Hyung! Kapag ako nagpakathal dito rin ako magpapa-carer ng pagkain! Ang tharap dito, grabe!" Ginulo ko na lang iyong buhok ni Sehun dahil sinama ko siya dito sa restaurant na magca-cater ng pagkain sa araw ng kasal. Wala akong gana mag-food tasting kaya ko siya sinama para siya iyong tumikim ng mga dish na ihahain nila at hindi ako nagsisi sa paghatak sa kanya rito dahil napaka-enthusiastic niya sa pagtikim ng mga pagkain na hinahain sa harapan namin. "Hyung? Wala na ba talaga kayong pag-atha ni Baekhyun hyung?" Umiling ako. Bakit naman kasi ako iyong tinatanong niya ng tanong na iyan. Hindi naman kasi ako iyong unang bumitaw. "Bakit naman? Thayang kaya kayo!"
"Sehun, 'wag na lang natin ipilit kasi wala na talaga eh. Mag-move on ka na rin kasi bumitiw na ako kay Baekhyun."
"Hyung," this time napatingin na ako sa kanya at napansin kong nilalaro niya iyong mga daliri niya at isa lang ang ibig sabihin niyanㅡmay bumabagabag sa kanya. "Paano kung mahal ka pa rin ni Baekhyun hyung?" Natahimik ako. Hindi ko naisip iyan kasi tumatak na sa isip ko na hindi na niya ako mahal dahil nakayanan niya akong iwanan sa gano'ng estado. I am fucking wasted that time and I only want him to be with me dahil siya lang ang makakapagpabalik sa matinong ako pero anong ginawa niya? Iniwanan niya ako at patuloy niya pa rin akong pinapahirapan kahit wala na siya sa tabi ko.
"Sehun, ayaw ko ng pag-usapan. Gusto ko ng makalimutan lahat and by the means of that, pati iyong meron sa amin ni Baekhyun dati. Kung mahal niya pa ako, let it be," totoo naman. Kung mahal niya pa ako, edi sige. Pero hindi ko alam kung anong estado niya sa buhay ko. Parte siya ng nakaraan ko na hinding-hindi ko makakalimutan. Kahit na hindi naging madali iyong mga pinagdaanan naming dalawa, hindi ko pinagsisisihan lahat ng mga bagay na sinakripisyo ko para sa kanya. Nakaramdam ako ng pagtusok ni Sehun ng daliri niya sa tagiliran ko kaya natabig ko siya dahil malakas iyong kiliti ko doon. "Hoy! Ano ba!"
"Hyung, ha! Iyong mga ngiti mo! Ngayon lang ulit kita nakitang ganyan kathaya! Yieee!!! Mahal mo pa rin thi Baekhyun hyung, ano?!"
"Tigilan mo nga ako kung ayaw mong pabayaran ko sayo lahat ng nilamon mo ngayon!" Pinagpatuloy na lang niya iyong pagtikim sa mga hinahain ng chefs dito habang pinapanood ko siya. Wala kasi akong gana kumain kaya umiinom na lang ako ng Apple Punch na binigay nila sa akin, kahit man lang daw iyon ay subukan kong tikman. Tsk. Arte nila.
"Masarap ba?" Habang patagal kasi ng patagal natatakam na rin ako sa sarap ng pagkain ni Sehun. Nilalasap niya talaga iyong mga kinakain niya kanina pa.
"Oo, hyung! Try mo na kathi! Ang tharap talaga thobra! Daig pa mga chef natin!" At oo nga, masarap. Creme brûlée kasi iyong huli niyang tinitikman. Hindi talaga ako kumakain nito pero gustong-gusto kong malasahan dahil nga bumagal lalo si Sehun sa pagkain noong hinatag na ng crew iyong dish na iyon. May lumapit sa amin na chef at tinanong kung kamusta raw iyong dishes na hinain nila at hinayaan kong si Sehun na iyong sumagot dahil hindi ko mapigilan iyong sarili ko sa pagkain nitong Creme Brûlée.
"Excuse me, pero gusto ko sanang malaman kung sino iyong nagluto nito?" Turo ko sa pinaglalagyan ng Creme Brûlée.
"Mr. Park, hindi po kasi namin nire-reveal iyong nagluto ng Creme Brûlée na iyan kasi hindi naman talaga siya chef at prinisinta niya lang sa amin iyan na isama sa mga pagkain na ihahanda sa kasal niyo ni Ms. Lee," napahawak naman sa baba niya si Sehun habang nakangiti sa akin. Parang baliw naman ito. Ano na namang nginingiti-ngiti niya?
"Grabe naman! Pamythteriouth effect pa iyong nagluto. Thino ba iyan?"
"Sorry, Mr. Oh. Pero hindi po talaga pwedeng sabihin iyong pangalan niya," at iniwan niya na kami. Nagpatake-out pa ng Creme Brûlée si Sehun dahil ipapatikim niya raw sa mga hyung niya iyon.
-
-
Pagkauwi namin sa mansyon, nagulat ako dahil lahat ng mga kaibigan namin nandoon miski sina Luhan hyung, Kris hyung, Lay hyung, at Tao na dapat ay nasa China ngayon ay nandito sa bahay namin. "Hyung? Bakit kayo nandito?" Makapagtanong naman itong si Sehun akala mo bahay niya eh. Dinaig pa ako.
"Chanyeol, bukas na daw gaganapin iyong kasal niyo ni Chaelin. Kaylangan na nating pumunta sa China ngayon," bigla naman akong nanlamig sa sinabi ni Suho hyung. Bakit napaaga? Dapat next week pa iyon, ah?
"Huh? Bakit napaaga? Hindi ba't kanina lang tayo sinukatan? Ni hindi pa nga nasusukatan sila hyung eh. Tapos kakauwi lang namin galing doon sa restaurant para sa food tasting. Isa na naman ba sa mga prank jokes mo iyan, Suho hyung?"
"Seryoso ako. Aalis na tayo ngayon dahil maaga pa ang kasal mo bukas. Tara na."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro