Ikalabing-dalawampu't pitong Kabanata
Park Chanyeol.
"Chanyeol! Hindi ka nga pwedeng umalis!" Pilit akong hinihila ni Minseok at Kris hyung pabalik sa higaan ko. Paano ba naman kasing hindi ako maghuhuramentado ngayon? Kakagising ko lang at text agad ng Auntie ko ang bumungad sa akin. Sabi niya nagpa-drop na raw si Baekhyun para sa school year na ito sa hindi malamang dahilan.
"Kris hyung, Minseok hyung, please naman palabasin niyo na ako! Uuwi rin agad ako bago pa makarating si Suho hyung dito!"
"Hindi pwede, Chanyeol. Kahit na mas matanda kami kay Suho, ayaw na ayaw namin na nakikitang galit siya. Mahigpit niyang ipinagbabawal na umalis ka ngayong araw dahil kaylangan mo raw magpahinga."
"Hyung, kaylangan kong puntahan si Baekhyun," napaupo na lang ako sa sahig dahil napapagod na rin akong magpumiglas sa kanilang dalawa. Si Minseok hyung pa lang kayang-kaya na akong patumbahin, tapos dumagdag pa si Kris hyung.
"Gustuhin ka man naming paalisin ngayon pero bawal talaga. Ganito na lang, tawagan mo na lang si Baekhyun dito sa cellphone ko, iyan lang ang maitutulong namin sa ngayon," inabot naman sa akin ni Minseok hyung iyong iPhone 6S+ niya. Pati kasi cellphone ko kinumpiska ni Suho hyung dahil hindi ko iyon binibitawan hanggang sa sumagot si Sehun sa mga tanong ko tungkol kay Baekhyun.
"The number you have dialed is out of coverage area. Please try again later," inis kong ibinato sa dingding ng kwarto ko iyong cellphone ni Minseok hyung habang napailing na lang silang dalawa. Alam kong alam nila na kaya kong palitan ng bagong labas na iPhone iyon kaya hindi naghisterikal si Minseok hyung. Bwiset naman! Hindi ko alam kung naka-off ba talaga iyong phone ni Baekhyun, o nagpalit siya ng number eh. Kasi kahit si Sehun hindi rin alam kung anong nangyayari kay Baekhyun ngayon. Sabi niya noong huli kaming nag-usap which is noong isang araw, aalis daw ng sobrang aga si Baekhyun tapos uuwi rin ng sobrang gabi na at hindi pa rin siya kinakausap ni Baekhyun.
"Chanyeol, ano ba kasing nangyari?" Napasabunot na lang ako ng buhok dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko kay Kris hyung kasi miski ako hindi ko alam kung bakit kami nagkakaganitong dalawa ngayon. Dati naman noong iniwasan ko siya dahil kay Krystal hindi siya ganito. Nakaramdam ako ng isang mahinang tapik at paglingon ko isang nakangiti na Minseok hyung ang bumungad sa akin. Insulto rin itong si hyung, eh. Kita na ngang magulo at nasasaktan ako ngayon nakuha pa akong ngitian. Tsk.
"Naghihintay sa baba si Baekhyun," kung pwede lang siguro malaglag iyong eyeballs ko nalaglag na dahil sa pandidilat ng mga mata ko. Agad akong tumayo at kakaripas na sana ng takbo papunta sa pintuan nang bigla akong hilahin pabalik ni Minseok hyung. "Chanyeol, sana maging mas matatag ka pa sa pwedeng sabihin sayo ni Baekhyun ngayon. Trust me, he's not the Baekhyun you used to love anymore. Ibang-iba iyong aura niya ngayon," hindi ko na lang pinansin iyong sinabi ni Minseok hyung at mabilis akong bumaba papunta sa salas namin and there he is, my happiness and my everything. Parang nabuhayan ako at nawala lahat ng lungkot na nararamdaman ko just by seeing his mere existence. Nakatalikod siya mula sa akin kaya nagulat siya nang bigla kong ipinulupot iyong mga braso ko sa katawan niya.
"Baby, I missed you so much," I snuggled on his neck. Nakaramdam ako ng kaunting lungkot noong hindi kumilos si Baekhyun at nanatili siyang nakatayo ng diretso. Gusto kong makita iyong mukha niya pero natatakot akoㅡnatatakot ako na kumpirmahin iyong mga sinabi ni Minseok hyung kanina. "Buti naman nagpakita ka na sa akin. Sobrang namiss kita. Kahit na hindi mo ako dinalaw sa ospital, pinapatawad na kita basta 'wag naㅡ" nanlamig ako nang marahas niyang inalis iyong kamay ko sa katawan niya at hinarap ako. Oo nga, tama si Minseok hyung. Hindi na siya iyong Baekhyun na kilala ko dahil pagkakita ko pa lang sa ekspresyon ng mga mata niya ay napagtanto ko na agad iyon. May inabot siya sa akin na isang papel, hindi lang basta ordinaryong papel, isa iyong tseke na nagkakahalaga ng isang milyong piso. "Baek? Anong gagawin ko dito?"
"Bayad iyan sa ginastos sa operasyon ni Mama at iyong sobrang pera ay bayad doon sa scholarship na binigay ng Daddy mo sa akin."
"Pero hindi mo naman kaylangang bayaran iyon, Baek."
"I insist," kung kanina excited akong makita siya, napalitan na iyon ngayon ng confusion. Hindi ko maintindihan iyong ikinikilos niya at saka saan siya kumuha ng ganito kalaking halaga? "Chanyeol, sana ito na iyong huli nating pagkikita. Aalis na ako. Hindi na ako magpapakita pang muli sayo," akmang tatalikuran niya na ako pero mabilis ko siyang hinila at niyakap ng mahigpit.
"Baek, ano bang nangyayari? Ipaintindi mo naman sa akin, oh. Gulong-gulo na kasi ako."
"Hindi ko na kaylangang ipaintindi sayo, Chanyeol because some things are better left unsaid. I guess so. Masyado ng maraming nasaktan at nadamay na tao, Chanyeol. Hindi pa ba sapat na rason iyon para putulin ang kung ano mang namamagitan sa ating dalawa? Ikaw, hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Ikaw iyong naapektuhan dito ng sobra. Magtira ka naman ng kaunting pagmamahal sa sarili mo," napangiti ako ng mapakla. Ang sakit pala na sa kanya pa nanggaling iyong mga salitang hindi ko inaasahang maririnig ko.
"I won't mind being a pathetic guy at the end of the day just for you. I won't mind being a selfless person just to protect you. I won't mind doing the things I never expected I am capable of, just for you, Baekhyun. But why are you always pushing me away? Napapagod na rin ako. Pero pinilipit ko pa ring isalba iyong relasyon natin."
"Hindi ko hiniling sayo na gawin lahat ng iyon. Kaya please lang, 'wag mo akong sumbatan. Buo na ang desisyon ko Chanyeol, let's just end this madness and act like nothing happened between the two of us," akma muli siyang hahakbang pero napatigil siya sandali sa sinabi ko.
"Baek, alam kong nangako ako sa harap ng maraming tao na mamahalin kita sa hirap at ginhawa pero pagod na pagod na ako. Oo, mahal kita pero ikaw ba? Minahal mo ba ako ng totoo? Kasi sa nakikita ko? Parang binabalewala mo lang naman ako, parang ako lang naman iyong lumalaban sa relationship na ito."
"Minahal kita, Chanyeol. Don't ever doubt that. Siguro hindi lang talaga tayo iyong para sa isa't-isa. Hindi mo ako deserve, Chanyeol. There's someone out there that deserves such a very wonderful, amazing, and loving man like you at hindi ako iyon," nagulat ako nang magsimula siyang maglakad ulit pero this time pabalik na sa akin. Kasabay ng paglapat ng labi niya sa labi ko ay ang pagtulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilang malaglag. "Thank you Chanyeol for everything. Please continue living your life without me, if we are bound to be together at the end, destiny will make its move for us to give our relationship another shot again. Bye, giant."
"Baekhyun. . ." Nakapikit lang ako habang walang humpay sa pagtulo iyong luha ko. Hindi ko kasi kayang makita iyong mukha niya ngayon at mas lalong hindi ko kakayaning ihatid siya ng tingin palabas ng bahay na ito. "I'm giving you one last chance, take my hand or leave this house. Take my hand and I'm willing to forget every painful words that you've said; leave this house and the Chanyeol you have known for a short period of time will be gone," nilahad ko iyong palad ko pero lumipas na ang ilang minuto ay wala pa ring dumadamping palad doon bagkus nakarinig ako ng pagsara ng pintuan at kasabay noon ay ang kusang pagbagsak ko sa sariling mga tuhod ko.
Wala na si Baekhyun. Tuluyan niya na akong iniwan. Tuluyan na siyang bumitaw sa akin. Tuluyan na niyang tinapos ang kung anong meron kami.
-
-
Makalipas ang isang linggo. . .
"What the hell?!" Napasalampak iyong babaeng kahalikan ko sa sahig dahil bigla ko siyang naitulak noong idinilat ko iyong mga mata ko at nakita ko ang umiiyak na mukha ni Baekhyun sa likuran niya. Napasapo ako sa noo dahil nagha-hallucinate na naman ako. Sa loob ng isang linggo ay ilang beses din akong nag-hallucinate o kaya nama'y nananaginip tungkol kay Baekhyun. Nakakainis kasi kung nasaang lupalop man siya ng mundo ngayon ay mukhang tuluyan niya na talaga akong kinalimutan samantalang patuloy niya naman akong ginugulo.
Good boy gone bad. Iyan ang tawag nila sa akin ngayon. Kung dati raw ay halos mandiri ako sa mga babaeng lumalapit sa akin, ngayon naman ay ako na mismo ang lumalapit sa kanila para makipagmake-out o makipag-fling. Maraming nangyari sa loob ng isang linggo. Nakalagpas twenty na rin akong girlfriend dahil kapag nabobored ako sa kanila ay agad akong nakikipaghiwalay. Nakakatawa na lang kasi alam ko namang habol lang nila sa akin ay iyong kasikatan at kamayanan ko. I'm just a fucking trophy to them.
Sa loob din ng isang linggo ay wala na akong naging balita tungkol kay Baekhyun. Oo, iniisip ko pa rin siya pero pinipigilan ko iyong sarili ko na magtanong kay Sehun ng mga bagay tungkol sa kanya. Noong unang araw na pagtapos akong iwan ni Baekhyun na luhaan sa bahay namin ay sinubukan kong ipa-track sa mga tauhan ni Daddy kung nasaan siya pero blocked lahat ng informations tungkol sa kanya kaya sumuko na ako ng tuluyan dahil wala ng paglagyan iyong pagod at sakit sa sistema ko.
Hindi na rin muling nagpakita sa akin si Chaelin matapos ang insidente na nangyari sa soccer field. Hindi ko alam kung nasaan siya dahil wala pa rin akong pakielam sa kanya. Gusto kong enjoy-in iyong mga natitirang araw ko bago ako matali ng tuluyan sa kanya. Napailing na lang ako dahil next week na pala iyong kasal ko. Next week ay sa China na ako titira kasama si Chaelin.
Hindi naman tutol iyong mga kaibigan ko sa pagbabago ko pero hindi rin naman nila gusto iyon. Tahimik lang sila, walang komento patungkol sa bagong ako. Pero ramdam kong disappointed sa akin si Suho hyung, hindi ko nga siya maintindihan. Hindi ba't siya iyong may gusto na maging ganito ako? Ngayong pinaninindigan ko na at saka siya nag-inarte. Napabalik ako sa katinuan nang makaramdam ako ng malakas na sampal mula sa babaeng kamake-out ko. Naging regular customer na rin ako dito sa bar na nirekomenda ni Chen sa akin, in fact mas madalas na nga ako dito kaysa sa kanya eh.
"The fuck is wrong with you?! Bakit mo ako sinampal?! It fucking hurts!"
"Ass-hole!" Napailing na lang ako. Sa loob ng isang linggo na pagiging jerk, ass-hole, at kung anu-ano pang term nila ay puro mga babaeng makakati ang nakaka-encounter ko at hindi ko maiwaksi sa isipan ko na ikumpara sila palagi kay Baekhyun. Tsk.
Lumabas ako ng private lounge only to be greeted with bunch of sluts waiting for me to come out. Isa-isa nila akong nilapitan pero isa-isa ko rin naman silang tinulak. Wala na ako sa mood magpakasaya ngayon at gusto ko na lang magbabad sa bath tub dahil pakiramdam ko ang dami ng mga germs na nakadikit sa katawan ko.
-
-
"Shit!" Sinipa ko na lang iyong walang kwentang gulong ng sasakyan ko. May bumutas na naman ito at sigurado akong iyong babaeng kahalikan ko kanina ang may gawa nito. Naging regular na rin nga ang pagpunta ko sa vulcanizing and repair shop this week dahil hindi natatapos ang araw na hindi nagkakaroon ng sira iyong sasakyan ko. Bilang ganti ng harem ko ay napagdidiskitahan lagi nila iyong sasakyan ko para maglakad ako pauwi pero nakakalimutan ata nilang isa akong Park. Isang tawag ko lang sa mga tauhan namin ay may dadating na bagong sasakyan kung nasaan man ako.
Hindi naman ako lasing pero pagewang-gewang ako maglakad dahil ang sakit-sakit ng ulo ko. "Sorry! Sorry!"
Sa isang linggo na pagiging ganito ay palagi rin akong nakakabangga ng tao kapag palabas ako ng bar. Nakakatawa nga, kasi kapag nakakabangga ako ng tao saktong bangenge na ako at medyo blurry iyong paningin ko kaya hindi ko makita iyong mukha nila.
"O-okay lang!" Hindi ko alam kung sabog na talaga ako o parang kaboses ni Baekhyun iyong laging nakakabangga ko pero paano ko naman siya makakasalubong dito diba? He's the kindest and purest person I have ever met, hinding-hindi siya mapapadpad dito at saka iniwan na nga niya ako diba? Hindi naman ako tanga pero alam kong nagpakalayo-layo na siya sa akin.
Tangina Baekhyun, wala ka na nga dito pero patuloy mo pa rin akong nasasaktan. Ang daya mo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro