Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikalabing-dalawampu't isang Kabanata



Park Chanyeol.

"Park Baekhyun. Park Baekhyun. Park Baekhyun. Parkㅡ" I singsonged pero napatigil ako nang maramdaman kong hinihimas ni Baekhyun iyong kamay ko. Nandito kami sa usual spot naminㅡsa soccer field. Hindi na kami tumuloy sa leisure room dahil gusto kong masolo iyong boyfriend ko. Nakahiga ako sa lap niya trying to digest what's happening right now. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na kami na, na iyong lalaking sinusulyap-sulyapan ko lang dati, nandito na sa tabi ko.

"ㅡYeol, paano kung hindi talaga tayo hanggang huli?"

"Edi pipilitin kong maging tayo sa huli."

"Eh! Paano nga kung hindi eh?"

"Trust me, we'll end up both completely naked in our own house," kinurot, sinampal, binatukan, lahat na ata ng pananakit ginawa niya dahil sa sinabi ko. Kasalanan ko bang masyado siyang attractive ngayon? Hindi naman sa may nagbago sa kanya pero may narealize ako, nagkakaroon na ako ng sexual desire kay Baekhyun, ugh!

"Yeol, ha! Mukhang minamanyak mo na ako!"

"Ayaw mo ba? Gusto mo bang sa iba ako tumingin?"

"H-hindi naman. P-pero hindi pa kasi ako ready sa ganyan," bumangon na ako mula sa pagkakahiga at kinurot iyong ilong niya. As much as I wanted to touch him right now, pinipigilan ko. Bukod sa promise ko kay Mama, I don't want to rush things between us. I'm a man of my words. Kahit na si Baekhyun na mismo ang pumilit sa akin na gawin namin iyon, ako mismo ang tututol. Kapag sinabi kong ihaharap ko siya sa altar na virgin, gagawin ko iyon. Kahit mamatay na ako sa pagpipigil, paninindigan ko.

"Joke lang. Don't worry, I won't touch you until the day I'll stand on the altar, waiting for you to come and be my husband."

"P-pero baka iwanan mo ako at maghanap ka ng iba. I'll prep myself for this as soon as possible, Yeol. Promise."

"No, Baek. I don't want you to rush things up. This can wait. You're always worth the wait," kung may nagbago man sa amin, siguro naging mas malala iyong public display of affection namin. Pero not to the extent na maghahalikan kami sa harap ng maraming tao! We will kiss pero nakakasigurado kaming walang ibang makakakita, and we will stop when we already feel that we're needing for more.

"Promise mo iyan, ha?"

"Yeah promise," katahimikan. Parehas lang nakasunod ang mga mata namin sa mga nagpapractice ng soccer. Nakakamiss ding maglaro ng soccer sa totoo lang. Gusto kong bumalik sa paglalaro kaso wala na kasi si Luhan hyung, siya lang naman dahilan bakit ako nagtagal sa paglalaro ng soccer.

"Yeol, bakit ka pala umalis sa pagiging member ng soccer team?"

"Umalis din si Luhan hyung eh."

"Ano naman kung umalis siya?"

"Sa lahat kasi ng soccer players, si Luhan hyung lang iyong close ko, kaya umalis na ako. Nakakalungkot kaya maging mag-isa. Ayaw ko naman makipag-kaibigan sa iba," hindi na siya umimik. Pinagmasdan ko lang siya habang pinagmamasdan niya pa rin iyong mga soccer players sa field.

Mas lalo akong naadik kay Baekhyun kapag ganito ako kalapit sa kanya. I can admire his features so well. Ang kinis ng balat niya, iyong tipong manghihinayang ka kapag nagasgasan kahit katiting lang. Iyong labi niya ring mamula-mula kahit na wala namang lipstick. Iyong mata niyang hindi naman gano'n kasingkit. Ang perfect niyang tignan. All in all, magugustuhan mo talaga siyang alagaan. He's beautiful on his own way.

"A-ah. Baekhyun, pinatapatawag ka pala ni Mrs. Kim sa room ng 3C," napalingon kami parehas ni Baekhyun sa babaeng nagsalita. Hindi siya katangkaran, kulay abo ang buhok niya at may makapal siyang make-up. Bago lang din siya sa paningin ko, ngayon ko lang siya nakita.

"A-ah, okay. Yeol, una na muna ako, ha? Babalikan kita dito, saglit lang."

"Sasama na ako sayo! Wala naman akong gagawin dito."

"Pero Chanyeol, si Baekhyun lang iyong pinapatawag ni Mrs. Kim," napatigil ako nang maramdaman kong hinawakan ako nitong babae. Sino ba siya para hawakan ako?

"Hindi rin naman siguro masamang sumama ako sa boyfriend ko diba?"

"Pero siya lang talaga yung kaylangan ni Mrs. Kim dahilㅡ"

"ㅡtell me, who are you to stop me from doing this thing? May patibong ka bang ginawa doon katulad ng mga napapanood sa drama?"

"W-wala ah!" Tss.

"Iyon naman pala, eh. So if you'll excuse us, mauuna na kami."

-

-

Kulang na lang magwala ako sa nadatnan ko sa room ng 3C. Pinauna ko kasi si Baekhyun dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Saglit lang akong nawala binubully na naman nila si Baekhyun. Naabutan kong nakahandusay si Baekhyun sa sahig, soaking wet at medyo nanginginig na rin siya. Limang babae ang nakapalibot sa kanya habang may kanya-kanya silang hawak na timba, which I assume ay nilagyan nila ng tubig na pinangbuhos nila kay Baekhyun.

"C-Chanyeol! S-sorry! Napag-utusan lang kami," halos ibalibag ko sila sa lakas ng pagkakatabig ko sa kanila dahil nakaharang sila sa daanan. Naiinis ako. Bakit kung kailan wala ako sa tabi ni Baekhyun saka siya minamaltrato ng mga taong ito? Nag-igting ang bagang ko nang makita kong may mga pasa sa mukha si Baekhyun. Akala ko pinaliguan lang siya pero mukhang sinaktan din siya nitong mga babae na ito at hindi siya nanlaban.

"C-Chanyeol, 'wag mo silang sasaktan. Babae pa rin sila," ngunit hindi ko pinansin iyong sinabi ni Baekhyun at marahas kong hinila sa buhok iyong isang babae at pinaluhod sa harapan niya, mukhang lahat sila nagulat sa ginawa ko. Hindi ako nananakit ng babae casually pero kapag nagdilim ang paningin ko, wala nang babae babae sa paningin ko.

"TELL ME SINONG NAG-UTOS SA INYO NA GAWIN ITO?!"

"S-Si Chaelin!" Nagsara ang dalawa kong kamao. Sino ba iyan Chaelin na iyan? Dalawang beses na niyang pinapaiyak si Baekhyun ah. Nagtitimpi lang ako pero gustong-gusto ko ng sapakin itong mga babae na ito at ipahanap iyong Chaelin na iyon.

"C-Chanyeol, uwi na tayo please," bumalik lang sa dati iyong ekspresyon sa mga mata ko nang makita kong nagsusumamo si Baekhyun kaya dali-dali ko namang hinubad yung coat ng uniform ko at isinuot sa kanya. Tsk. Ang takaw-takaw niya pero ang gaan niya lang. Para akong nagbubuhat ng hangin. Ni hindi ko maramdaman iyong katawan niya. Siniksik niya lang iyong mukha niya sa dibdib ko nang magsimula akong maglakad, pero tumigil din ako at hinarap iyong limang babae na nanakit kay Baekhyun.

"Ayaw ko ng makita ang mga pagmumukha niyo dito bukas. Please do me a favor, lumipat na kayo ng school bago pa ako tuluyang lamunin ng galit ko," agaw atensyon kaming dalawa pagkalabas na pagkalabas namin ng room. Sino ba namang hindi? Mukha lang namang basang sisiw itong kasama ko.

"Yeol, saan tayo pupunta? Hindi naman dito iyong way papunta sa parking lot ah?"

"I just need to make a quick announcement. I'll take you home, wait lang," dali-dali akong naglakad papunta sa lugar kung saan nakalagay iyong main speaker ng school na ito. I don't want to be boastful for being the son of the owner of this school but I had toㅡjust to protect what's mine. "This is Park Chanyeol, the soon-to-be heir of this school," mukhang natigilan ang lahat sa ginagawa nila. Sino ba naman kasi mag-eexpect na ako pala ang magmamay-ari ng school na ito in the future? Ang alam lang nila, isa lang akong simpleng estudyante na kaparehas ang surname ng principal, pero heck no! "Byun Baekhyun is my man, start hiding your ass into your caves the moment you tried to fucking lay any of your fingers on him."

I caught this midget's arms trying to get the mic on me but I didn't budge. He didn't deserve any of this. He's one of the most beautiful man ever existed, he deserve to be treated like an art needed to be preserved not a trash in a dumpsite.

-

-

"A-ah! Chanyeol! Masakit!"

"Tiisin mo iyan. Bakit kasi hindi ka nanlalaban, ha?!"

"A-ayaw kong manakit!" Nandito kami sa kwarto ko ngayon, I'm trying to aid his wounds pero eto, nag-babangayan kami. Never kong maiintindihan kung bakit hindi lumalaban si Baekhyun sa mga nang-aaway sa kanya. Sobrang bait niya lang talaga.

"Paano ka na lang kung hindi ako dadating kapag kaylangan mo ako ha?"

"H-hindi mo naman ako iiwanan diba?"

"Oo, pero hindi naman tayo palaging magkasama! Hindi kita mababantayan oras-oras!"

At mukhang nagkatotoo nga yung sinabi ko na iyan. I didn't meant that deep over it, gusto ko lang malaman niya na hindi ako palaging nasa tabi niya para iligtas siya sa mga nangbu-bully sa kanya para matuto siyang manlaban. Katulad na lang ngayon, gulong-gulo ang isip ko dahil nagkaroon ng emergency sa China. Sinugod si Daddy sa hospital kasi inatake siya sa puso. Sabi ng doktor kaylangan niya munang magpahinga habang nagpapagaling, at isa lang ang ibig sabihin nito: kaylangan kong tumira sa China sa loob ng isang buwan.



Byun Baekhyun.

Nakatayo ako ngayon dito sa veranda ng kwarto ni Chanyeol, nalulungkot ako sobra. Unang araw pa lang ito na wala siya sa tabi ko. Wala rin akong kasamang iba dito bukod sa mga maid nila dahil parehas na nasa China si Chanyeol at Yoora noona. Sabi ni Chanyeol mag-sSkype raw kami ngayon, pero malapit ng matapos lumubog iyong araw, hindi pa rin siya nagpaparamdam. Ayaw ko naman siyang abalahin dahil ayaw ko na ring dumagdag pa sa mga iniisip niya.

Pero lumipas ang isang linggo na ni ha, ni ho, wala akong natanggap mula kay Chanyeol. Nakauwi na rin dito sa Pilipinas si Yoora noona, sabi niya masyado lang daw talagang busy si Chanyeol sa China kaya hindi nakakapagreply sa messages ko.

"Nag-sspace out ka na naman Baekhyun hyung!" Kasama ko si Kai at Sehun dito sa cafeteria ngayon. Sa loob ng isang linggo, silang dalawa ang palagi kong kasama. Nalilibang ako kapag kasama ko sila pero kapag mag-isa na lang ako hindi ko maiwaksi sa isipan ko si Chanyeol.

"Hayaan mo na, Kai! Iniithip niya kathi thi Chanyeol hyung!"

"'Wag kang mag-alala, hyung! Hindi mangbababae iyon doon! Patay na patay kaya sayo iyon!" Napangiti na lang ako at nagpasalamat sa kanilang dalawa. Ang swerte ko kasi may mga kaibigan akong katulad nila, maloko man pero maasahan naman sa mga ganitong pagkakataon.

"Thi Chanyeol hyung ba iyon?" Napatingin ako doon sa tinuro ni Sehun, at hindi ako nagkamali, siya nga. Pero kailan pa siya nakauwi? Bakit hindi niya ako sinabihan? Nasa iisang bubong lang kami nakatira pero wala akong alam.

Lumakas iyong kabog ng dibdib ko nang mapagtanto kong papalapit siya sa inuupuan namin nila Kai at Sehun. Napansin ko ring medyo nangayayat siya at lumalim iyong mga eye bags niya. Gustong-gusto ko siyang salubungin at tumalon sa mga bisig niya pero napako ako sa kinauupuan ko. Hindi ako makagalaw. Sobrang namiss ko siya to the point na hindi ako makapaniwalang nandito na siya.

"I miss you," hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak na ako, baliwala na sa akin kung anong iisipin ng mga taong makakakita sa pag-iyak ko. Oo, baliw na baliw ako kay Chanyeol! Pero hindi ko mapigilang magalit sa kanya dahil hindi siya nagparamdam sa akin sa loob ng isang linggo tapos ni hindi man lang siya nagpasabi na uuwi na siya!

"Nakakainis ka! Bwiset ka! 'Wag mo akong yakapin!" Patuloy lang ako sa pagpupumiglas pero hindi ako makawala sa mga bisig niya. Sobrang higpit ng yakap niya sa akin.

"Sorry, baby. Sorry kung hindi ako nakakapag-reply, sorry. Ang dami ko lang talagang inaasikaso. Babalik din ako sa China mamayang gabi. I just missed you so much kaya ako umuwi ng biglaan," bigla naman akong nanlambot sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa namiss niya ako o dahil sa babalik na agad siya ng China mamayang gabi.

"H-hindi ba pwedeng bukas ka na bumalik?"

"As much as I wanted to stay longer with you, I can't. I just fucking can't. Our company needs me. Kaylangang isalba iyong kumpanya. Sorry Baek, sorry."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro