Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ikalabing-dalawampu't apat na Kabanata



Park Chanyeol.

The moment na nakalayo na si Baekhyun sa loob ng bahay ay nagmadali naman akong umakyat sa kwarto ko. Hindi ko matitiis na kasama itong babae na ito kahit kailan, siya iyong naging dahilan kung bakit umiyak si Baekhyun noong mga nakaraang araw tapos malalaman kong siya iyong pangalawang nakatakdang ikakasal sa akin?

"Is this how you treat every woman in your life, Chanyeol?" Napatigil ako sa paglalakad at tinignan siya ng masama, napaatras pa siya dahil sa sobrang talim ng pagtingin ko sa kanya.

Hindi ko na hahayaan pang maulit muli iyong ginawa sa akin ni Jessica dati. I thought that's the bravest stunt I could ever do pero I realized that I made myself the most coward person living on this planet. Para ko na ring tinakasan iyong mga problema ko sa ginawa ko dati. I become a very selfless man. Dahil kahit anong mangyari, kahit anong isaalang-alang ko, someone's bound to be hurt. Kaya this time, pipiliin kong mapunta sa tabi ni Baekhyun habang inaayos ko ang mga problema ng kumpanya namin.

"I never treated my mom, my older sister, and Baekhyun's mom like this. They are the only women in my life," pasimple akong napaaray nang maramdaman kong bumaon iyong isang kuko ni Chaelin sa braso ko at pagtingin ko, may dugo ng namumuo at nagbabadyang tumulo.

"I-I'm sorry."

"Chaelin, umalis ka na. Wala kang mapapala sa akin."

"Why do you have to treat me like this?! Ako iyong totoong babae! Ako iyong maaring magbigay sayo ng anak pero bakit mas pinapahalagaan mo si Baekhyun? Chanyeol, ako iyong nakatakda sayo. Ano bang wala sa akin na meron si Baekhyun dahil sa nakikita ko? Wala akong dapat ikainggit sa kanya. Lahat ng kaylangan mo nasa akin, Chanyeol!"

"Anong wala ka na meron si Baekhyun?" Napangiti ako ng mapang-asar, nababaliw na ata siya. "Simple lang. Ako. Hindi kita mahal kahit na kaya mo pa akong bigyan ng isang basketball team, wala akong pakielam kung magkakaanak man ako o hindi kay Baekhyun, basta sigurado ako na siya lang ang kaylangan ko sa buhay ko. Hindi ko kaylangan ng babaeng magpaparami ng lahi ko," nagulat ako nang bigla niya akong sinugod ng sampal at nagsimula na rin siyang kalmutin ako sa mukha at sa braso ko. Hindi ko siya mapigilan dahil isang tulak ko lang sa kanya ay malalaglag siya sa grand staircase namin kaya hinahayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Sampal, kalmot, sabunot, kung anu-ano pang pamimisikal ang ginagawa niya sa akin hanggang sa tumigil na lamang siya sa ginagawa niya.

"Sa ayaw at sa gusto mo, papakasalan mo ako dahil kaylangan niyo ang yaman namin," and with that, she entered my room while leaving me dumbfounded at my place right now.

Hindi ko alam ang dapat kong gawin ngayon. Nararamdaman ko na rin na medyo namamanhid iyong pisngi ko miski na iyong mga braso ko marahil sa mga sugat na nagawa ni Chaelin sa pagkalmot niya sa akin kanina. Gusto kong tumakbo sa mga bisig ni Baekhyun ngayon pero alam kong maghuhuramentado lang siya kapag nakita niyang ganito ang itsura ko.

Sa lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayan na may tumatawag pala sa cellphone ko at mabilis akong kinabahan nang biglang nakita ko ang pangalan ni Sehun sa caller ID. "Hello, Sehun? Bakit ka tumawag? May problema ba?"

"Hyung! Wala naman! Katho thi Baekhyun hyung kathi pinipilit ako na tawagan ka. Kamuthtahin daw kita," napahinga ako ng maluwag dahil akala ko may nangyari ng masama kay Baekhyun. Sinabihan ko kasi si Sehun na 'wag na akong tatawagan hangga't hindi emergency.

"O-okay lang ako. Anong ginagawa niyong dalawa?"

"Matutulog na dapat ako hyung katho thi Baekhyun hyung ayaw ako patulugin. Wala raw thiyang kauthap," I chuckled dahil narinig ko pang humikab si Sehun.

"Sige na, matulog ka na. Ibigay mo na muna kay Baekhyun hyung mo iyong cellphone mo. Mag-uusap lang kami. Salamat, Sehun."

"Baekhyun hyung! Kakauthapin ka raw ni Chanyeol hyung! Halika na dito!""

"Sehun naman, eh! Sabi ko sayo kamustahin mo lang hindi makipag-telebabad ka!"

"Ehhh!! Dali na kathi!! Inaantok na ako hyung! Goodnight na Chanyeol hyung! Bibigay ko na kay Baekhyun hyung itong thellphone ko!"

Ramdam kong hawak na ni Baekhyun iyong cellphone pero parehas kaming hindi nagsasalita. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko dahil baka madulas ako na sinaktan ako ni Chaelin at namamanhid na iyong katawan ko and worst baka kapag nalaman niya iyon ay pilitin niya si Sehun na pumunta dito sa bahay.

"Y-Yeol?" Damn, kaninang umaga ko lang siya huling nakita pero ramdam na ramdam ko na iyong pagka-miss ko sa kanya upon hearing his angelic voice.

"Yeah? Kamusta baby ko?" I have to sound normal para hindi siya makaramdam. Kaylangan hindi niya maramdaman na may pinoproblema na naman ako ngayon. Tama na iyong ako na lang iyong mamroblema sa aming dalawa, alam ko naman kasing pagtapos nito, makakahanap ako ng solusyon at makukuha ko na ulit siya kay Sehun.

"A-ayos lang ako. Ikaw ba?"

"Hmm. . . Okay lang ako, baby. 'Wag mo na akong isipin. Malalampasan din natin ito."

"Chanyeol, you're making me worried sick. May nangyari ba?"

"Wala naman. Pwede bang sa ibang araw na tayo mag-usap? Inaantok na kasi ako eh," hindi ko na siya hinintay na sumagot at in-off ko na iyong tawag. Alam ko kasing kukulitin niya lang ako hanggang sa masabi ko iyong totoong nangyayari dito ngayon.

-

-

Paikot-ikot lang ako dito sa tapat ng pintuan ng kwarto ko nang makarinig ako ng malakas na kalabog mula sa loob nito. Agad naman akong pumasok only to see Chaelin's bloody wrist. Damn it! "Anong problema mo sa buhay?! Kung akala mo makukuha mo ako sa paglalaslas nagkakamali ka, Chaelin," pero I am not that heartless para hayaan siyang maligo sa sarili niyang dugo kaya binuhat ko siya papunta sa sasakyan ko, dadalhin ko siya sa hospital nila Suho hyung.

"Tangina naman Chaelin, kung gusto mong mamatay, 'wag mo akong isama! Uupo ka ng maayos dyan o itutulak kita palabas at hahayaang maubusan ng dugo sa gitna ng daan?" Hindi ko alam kung siraulo ba itong kasama ko o ano. Una, naglaslas siya, pangalawa naman, ngayong nasa daan kami bigla-bigla niyang hinihila iyong braso ko dahilan para magpagewang-gewang iyong sasakyan. Mabuti na lang at tumahimik na siya sa upuan niya habang hawak-hawak iyong wrist niya na may nakabalot na tela.

"Chanyeol, matatanggap ko naman kung ibang babae pero bakit si Baekhyun pa? Bakit lalaki pa?" Napakunot naman ako ng noo habang diretso pa ring nakatingin sa daan.

"Ano bang sinasabi mo, Chaelin? Can you stop talking nonsense? Masasaktan ka lang sa isasagot ko."

"Hindi ako titigil hangga't hindi ka napapasakin, Chanyeol."

"Sige lang, Chaelin. Magsayang ka lang ng oras at panahon dahil hinding-hindi naman ako magiging sayo kahit ikaw na ang pinakahuling babae sa mundo."

"BAKIT BA KASI SAYO PA AKO NAGKAGUSTO?! NI WALA KA NGANG RESPETO SA BABAE SA MGA PANANALITA MO SA AKIN! ANG SAMA-SAMA MO, CHANYEOL!" Itinigil ko iyong sasakyan sa gilid ng daan dahil gusto kong malinawan itong babae na kasama ko ngayon. Nagti-timpi na lang ako dahil may bago na namang asungot sa buhay namin ni Baekhyun.

"Chaelin, hindi ako ganito sa mga babae. Mataas ang respeto ko sa mga babae but I guess it's the attitude that demands respect not the gender of the person."

-

-

Pagdating namin sa hospital nila Suho hyung ay mabilis naman siyang inasikaso ng mga nurse. Nanatili lang akong nakaupo sa waiting area nang biglang may tumabi sa akinㅡsi Suho hyung. May dala-dala pa siyang kape para sa akin na buong giliw kong tinanggap dahil sumisipa na ang antok sa sistema ko. "Alama na ba ni Baekhyun ito, Chanyeol?" Umiling ako, hindi niya na dapat malaman ito. "Ayan ka na naman, Chanyeol. Nagsisimula ka na namang magsikreto kay Baekhyun. May tiwala ka ba sa kanya? Kasi sa nakikita ko parehas kayong walang tiwala sa isa't-isa," napatigil ako sa pag-inom ng kape na binigay niya at saglit na inisip iyong sinabi niya. Walang tiwala? Kaming dalawa ni Baekhyun? Sa isa't-isa? Ayaw ko lang naman na madamay siya dito kaya hindi ko pinapaalam sa kanya ito, ano doon ang pagkawala ng tiwala kay Baekhyun?

"Ayaw ko lang na madamay pa siya. Problema ko na ito sa pamilya ko, hyung."

"Bakit? Hindi mo ba pamilya si Baekhyun? Hindi ba't planado mo na ang future mo kasama siya? So, bakit hindi mo naisip na pamilya mo na si Baekhyun?"

"Hyung, hindi mo ako naiintindihan."

"No, Chanyeol. Ako iyong hindi mo maintindihan. Parehas kayong dalawa ni Baekhyun na walang tiwala sa isa't-isa. Bakit? Ikaw, hindi mo siya sinasabihan ng problema mo. Bakit mo pa siya pinaghirapang makuha kung ganyan lang din naman? Boyfriend mo siya, Chanyeol. Pwede mo siyang pagsabihan ng mga problema mo dahil makikinig siya sayo, isa siya sa mga taong handang umintindi sayo kahit gaano na kagulo ang sitwasiyon niyo."

"At si Baekhyun, wala rin siyang tiwala sayo. Bakit kamo? Kasi iniwan ka niya dati, hinayaan ka lang niyang mamroblema dati. Ni hindi ka man lang niya tinanong kung anong problema mo diba? Kusa na lang siyang lumayo sa atin. Nagtanong lang siya noong aalis na siya, noong sinuko ka na niya. Pero advice lang naman ito Chanyeol, nasa inyong dalawa pa rin ang huling desisyon. Kayong dalawa lang kasi iyong nahihirapan sa ginagawa niyo."

"Sa tingin mo dapat kong sabihin sa kanya ito? Ng ganito iyong itsura ko?" Para namang hindi niya napansin iyong mga kalmot ko sa mukha at braso dahil biglang nanlaki iyong mata niya dahil sa sinabi ko.

"S-Si Chaelin ang may gawa nito?" Tumango ako. "Teka lang, tatawag ako ng nurse, babalik ako. Dyan ka lang."

"Suho hyung, 'wag na, ayos lang ako. Uhm, pwede bang pakibantayan muna si Chaelin? Pupuntahan ko lang saglit si Baekhyun sa bahay nila Sehun."

"Nako, base sa itsura mo ngayon mukhang Chaelin is too much of a handle compared kay Krystal kaya baka pasaksakan ko na lang siya ng pampatulog. Sige na, kahit bukas mo na siya balikan ng umaga."



Byun Baekhyun.

Nakaupo lang ako dito sa swing sa may garden ng bahay nila Sehun, nagmamanman ng mga butwin sa langit. Hindi kasi ako makatulog kanina pa. Hindi ko maalis sa isipan ko si Chanyeol. Hindi niya naman kasi ugali na siya iyong puputol ng pag-uusap namin kaya mas lalo akong kinabahan na baka may nangyari na sa bahay nila.

Si Sehun tulog na sa kuwarto niya kanina pa. Buti na nga lang napagtiisan niya pa iyong pangungulit ko kanina sa kanya dahil gusto ko pang manood ng isang movie kasi hindi ko pa ramdam na dadalawin na ako ng antok. Halos batukan ko naman siya noong nalaman ko na nakikipag-telebabad na pala siya kay Chanyeol. Sabi ko kasi kamustahin niya lang, and by the means of that, i-text niya, hindi tawagan. Mukha tuloy naistorbo pa namin ni Sehun si Chanyeol kanina kaya mabilis niyang ibinaba iyong tawag.

"Baek. . ." Muntik na akong malaglag dito sa inuupuan ko nang makita ko si Chanyeol na nakatayo sa labas ng gate ng bahay nila Sehun. Hindi ko maaninag iyong mukha niya dahil bukod sa gabi na at madilim, nakasuot siya ng hoodie. Kinabahan ako kasi ramdam na ramdam ko iyong lungkot sa boses niya.

Mabilis akong tumakbo para pagbuksan siya ng gate at pinapasok sa bahay nila Sehun. Pilit kong tinatanggal iyong hoodie niya pero hinahawakan niya iyon para hindi matanggal sa ulo niya. "Yeol, may problema ba?" Pero imbis na sagutin ang tanong ko ay hinila niya ako at mahigpit na niyakap. Hindi na ako nagpumilit na itanong ulit sa kanya iyon bagkus hinagod ko na lang iyon likuran niya at kasabay niyo ay ang unti-unting panginginig ng katawan niya. Umiiyak siya. . . "C-Chanyeol, bakit ka umiiyak? Anong nangyari?"

"Baek, pagod na pagod na ako. Parang gusto ng bumigay ng katawan ko."

"Chanyeol, hindi kita maintindihan," bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin at siya na mismo iyong nagtanggal ng hoodie niya at ng buong jacket. Napatakip na lang ako sa bibig nang makita ko ang mukha at braso niya na puro kalmot. Magulo rin iyong buhok niya at namumula iyong magkabilang pisngi niya. "Oh my god! Sinong may gawa niyan sayo?"

"Baek, 'wag mo na akong iiwan ulit. Sayo na lang ako kumukuha ng lakas, Baek," pagsusumamo niya habang hawak-hawak iyong dalawa kong kamay.

"S-sige. Pero sinong may gawa niyan? Si Chaelin ba?" Napapikit na lang ako nang bahagya siyang tumango. "Chanyeol, bakit mo hinayaang saktan ka niya? Bakit ka niya sinaktan? Dahil ba ulit sa akin?" Paikot-ikot lang ako dito sa salas nila Sehun habang minamasahe ko iyong magkabilang sentido ko. Hindi na ba talaga namin deserve maging masaya?

"Baek, maupo ka dito sa tabi ko. 'Wag mong i-stress yung sarili mo. Mawawala din ito."

"PAANO AKO HINDI MAI-STRESS KUNG ALAM KONG AKO ANG DAHILAN KUNG BAKIT KA NAGKAKAGANYAN NGAYON?!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro