Ikalabing-apat na Kabanata
Park Chanyeol.
Napagpasiyahan kong maglakad-lakad muna tutal naman nalilibang ng mga kaibigan ko si Krystal doon sa leisure room. Isang linggo na rin pala kami ni Krystal, binantaan na naman kasi ako ni Jessica. Gusto niya yayain kong maging girlfriend si Krystal sa harap ng maraming tao noong festival sa school, at ginawa ko naman. Pero sinigurado kong wala na si Baekhyun doon bago ko ginawa iyon. Hindi naman niya sinabing dapat nandun si Baekhyun diba? Ewan ko kung alam na ni Baekhyun iyong tungkol dito pero parang hindi. What bothers me is that he's avoiding the whole group, dahil hindi na siya pumupunta ng leisure room. Binalik na raw niya iyong spare card sabi ni Suho hyung. Kapag naman matatapos iyong third subject namin mabilis din siyang nawawala sa paningin namin.
Dinala ako ng mga paa ko sa puno na palagi kong tinatambayan dati. Kailan ba ako huling nagpunta dito? Ah, matagal na rin. At iyon ay iyong araw na niyaya ko si Baekhyun na samahan akong maghanap ng apartment. Nakakatawa. Lahat na lang kasi siya iyong naaalala ko. Mas lalo akong naaadik sa kanya. Naabutan ko doon si Baekhyun na nagmumukmok habang nagbubunot ng mga damo. Bago ko siya lapitan, kinuhanan ko muna siya ng litrato. Ang cute cute kasi niya. May bago na naman akong wallpaper.
"Kawawa naman yung mga damo," nanigas siya dahil sa sinabi ko. Hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ko naman kasi inaasahan na may epekto na rin pala ako sa kanya. "Kamusta ka na, Baekhyun?" Napansin ko namang mas lalong lumugmok iyong mukha niya, may mali ba sa pangangamusta ko?
"Okay lang ako," naupo ako sa tabi niya at sinabayan siyang magbunot ng damo. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya kinakausap. Alam kong kita kami sa leisure room mula rito, pero sana dini-distract nila si Krystal at sana walang mata si Jessica dito ngayon. Sobrang miss na miss ko na kasi si Baekhyun. Kahit sana ngayon man lang hayaan niya kaming makapag-usap. Hindi ko na kasi kayang palipasin pa ang araw na ito na hindi siya nakakausap.
"Namiss kita," wala na akong pakielam kung maiilang siya sa sinabi ko. Kating-kati na akong sabihin sa kanya iyan, matagal na matagal na. Biglang kumirot ang dibdib ko noong hindi niya pinansin iyong sinabi ko. Galit ba siya sa akin? Ginagawa ko naman ito para sa kanya. Kaso hindi niya nga pala alam. "Sorry pala—"
"ㅡokay lang iyon. Mauna na ako," mabilis ko siyang hinabol at niyakap mula sa likuran. Hindi pwede, Baekhyun. Hindi ko na hahayaang iwanan mo na naman ako. Sayo na lang ako humuhugot ng lakas para harapin ang Jung Sisters kahit na palagi mo na lang akong iniiwanan. Hindi ko alam kung ako ba talaga iyong nang-iiwan sa ere o siya. Ako kasi may sapat na rason ako kaya ko nagawa yun. Eh siya ba?
"Baek, sobrang miss na kita. Balik na tayo sa dati, please," kung si Baekhyun lang din naman ang usapan, handa akong mag-makaawa. Basta para kay Baekhyun handa akong gawin lahat ng mga bagay na hindi ko naman nakasanayang gawin.
"Chanyeol, bitaw. Please lang din," ito na naman siya. Aalis siya tapos hahabulin ko siya tapos itutulak niya ako. Hindi niya ba nahahalata na nahihirapan na ako sa sitwasyon naming tatlo? Ako iyong naiipit pero pilit kong iniintindi iyong inaakto niya kasi hindi ko siya binibigyan ng sapat na rason bakit ako nagbago at lumayo sa kanya.
"Ayaw ko, Baek. Bakit mo ba ako tinutulak? Nandito na nga ako sa tabi mo oh," at ayaw ko ng umalis sa tabi mo. You're my home. You're my safe haven, not Krystal.
"Hindi kasi pwede, Chanyeol. May Krystal ka na eh," napapikit ako. Oo, alam ko naman iyon. Pero masakit pa rin pala kasi sa bibig niya nanggaling iyon.
"Hindi ko naman siya gusto. Ikaw yung gusto ko eh," nagulat ako noong bigla niyang pwersahang tinanggal ang mga bisig ko sa bewang niya.
"Nakakainis ka naman Yeol. Pinaasa mo ako. Tapos noong nahulog na ako sayo bigla mo akong iniwan sa ere ng walang pasabi. Tapos ngayon yayakap-yakap ka sa akin at sasabihing ako iyong gusto mo? Diba sinabi mo lang kay Krystal noong nakaraan na challenged ka lang sa akin? Kaya pag-isipan mong mabuti, kasi baka nacha-challenge ka lang ulit sa akin. You're not there when I started falling then you came back like a hurricane messing up with me once again," napanganga ako sa sinabi niya at dahilan iyon para makaalis na naman siya. Iniwan na naman niya ako. At ano? Nag-usap sila ni Krystal? Kaya ba mas lalo siyang dumistansya sa amin dahil sinabi ni Krystal iyong sinabi kong kasinungalingan? Damn. At the end of the day ako pa rin pala yung mali.
Sawang-sawa na ako. Gusto ko naman na ako na iyong lumigaya. Buo na iyong desisyon ko. Hindi ko na hahayaan pang ma-kontrol nila ako. Wala na akong pakielam kung itakwil ako ni Daddy. Pagod na akong masaktan, pagod na akong maging sunod-sunuran. Ako na mismo ang pupunta sa China at aamin sa harap ni Daddy.
Inis akong naglalakad pabalik ng leisure room ng makasalubong ko si Auntie at seryoso ang mukha niya. Agad niya akong hinila papunta sa bakanteng kwarto bago makarating sa leisure room. Hindi ko alam bakit siya palinga-linga habang naglalakad kami kaya sumunod na lang ako. Pagod na talaga ako. Gusto ko na lang magpahinga.
"Chanyeol, may sasabihin ako sayo," hindi ako nagsalita. Naubos na kasi iyong lakas ko. Diretso lang akong nakatingin sa kanya nang biglang may nilabas siyang papel mula sa bulsa niya. Inabot niya sa akin iyon at binasa ko naman agad. "Order ng Daddy mo iyan. Pinapaalis niya na lahat ng scholars dito. Forfeited na lahat ng scholarships na binibigay niya. Kasama na rin iyong kay Baekhyun," nakaramdam ko ang pag-ikot ng paningin ko. Nahihilo na ako sa dami ng iniisip ko. Iniwan ko na lang siya doon at pinilit na makarating sa leisure room. Pagkapasok na pagkapasok ko ay agad akong natumba. Hindi naman ako nawalan ng malay pero hindi ko maramdaman ang katawan ko.
"Suho hyung. . ." Pagtawag ko at agad naman silang nagsilapitan. Kakabalik lang ni Krystal galing sa clinic dahil inutusan siya ni hyung na kumuha ng gamot na agad ko rin namang ininom. "I-book mo naman ako ng flight papuntang China. Kung pwede ngayong araw na rin agad-agad," hindi na lang siya nagtanong pa kung bakit at agad na tumawag sa secretary ni Uncle. Alam kong naguguluhan sila pero wala akong oras para mag-explain sa kanila. Hinihintay ko lang na bumalik iyong lakas ko at didiretso na ako sa airport. Kaylangan ko ng makausap si Daddy sa mas lalong madaling panahon. Bakit niya finorfeit iyong mga scholarships na ino-offer ng school? May kinalaman kaya si Jessica dito? Kilala ko si Daddy, gusto niyang tumutulong sa mga nangangailangan kaya bakit niya gagawin iyon?
"C-Chanyeol, bakit ka pupunta ng China? May nangyari ba?" Nagbago na rin pala si Krystal, bumalik na iyong mabait na Krystal. Inaasahan ko na iyon. May pagka-possessive kasi si Krystal kaya bigla na lang tumutubo iyong sungay niya pero kapag naipamukha ko na naman sa kanyang mali iyong iniisip niya ay bigla ring naglalaho iyong sungay niya.
"Sorry, Krystal. Sinubukan ko namang mahalin ka, pero hindi ko talaga kaya," umiiyak na naman siya. Ilang beses na ba niya akong iniyakan? Hindi niya ako deserve. Bakit ba hindi niya nakikita si Suho hyung? Mas bagay sila ni hyung, kay Baekhyun lang talaga ako kahit anong mangyari.
"A-alam ko. Pero pinaniwala ko iyong sarili ko na may pag-asa kasi nag-iba iyong trato mo sa akin."
Mula sa peripheral vision ko, nakita kong niyaya ni Suho hyung na lumabas muna sina Sehun, Kai, Kyungsoo, at Minseok hyung. Nasasaktan ko si Baekhyun dahil pinapasaya ko si Krystal pero it turns out na parehas ko pala silang sinasaktan. Si Krystal, pinapaniwala ko sa mga kasinungalingan ko, samantalang si Baekhyun ay sinasaktan ko dahil sa paglilihim sa kanya ng totoong dahilan sa likod ng mga kilos ko. Ang sama-sama ko. Kinamumuhian ko iyong sarili ko.
"Krystal, kasi lahat ng iyon ay pawang kasinungalingan lamang. Kaya ko ginagawa iyon dahil pinagbabantaan ni Jessica ang buhay ni Baekhyun. Hindi ko alam kung may idea ka sa mga ginagawa ng ate mo sa mga taong pumapalibot sa akin pero hindi ito iyong unang beses na ginawa niya sa akin ito. Sorry Krystal, sorry," patuloy lang siya sa pag-iyak. Noong naramdaman kong bumalik na iyong lakas ko kahit papaano, ay hinila ko siya para yakapin. Kahit na ganito si Krystal mahalaga siya sa akin. Napalapit na siya sa akin, eh. Pero hindi ko talaga siya kayang mahalin.
"S-sasamahan kita sa China. Ako na magpapaliwanag kay Uncle. Papatigilin ko na rin si Jessica unnie. Sorry din, Chanyeol. Sorry talaga. Hindi ko alam na iniipit ka pala ni Jessica unnie. Sorry," nginitian ko na lang siya at pinatahan. At least kahit papaano nabawasan na iyong problema ko. Si Daddy at si Baekhyun na lang iyong iisipin ko. For the first time in two weeks ngayon lang medyo gumaan iyong pakiramdam ko.
-
-
Kinakabahan ako. Nandito na kami ni Krystal sa harap ni Daddy at mukhang planado ito dahil nandito rin iyong mga magulang ni Krystal at si Jessica na may pang-asar na ngiti para sa akin. "Jessica, bakit mo ba kami pinatawag dito? At bakit nandito ka Krystal? Akala ko ba may pasok kayo ngayon?" Tanong ng mga magulang nila Krystal at Jessica.
"May sasabihin po kami ni Chanyeol," napangiti pa ng mas malapad si Jessica dahil sa sinabi ni Krystal.
"Ipapa-schedule na ba natin ang kasal?" Sabay namang napakunot ang noo namin ni Krystal dahil sa sinabi ni Jessica. Akala niya ba nandito kami para ayusin ang kasal namin?
"Walang kasal na magaganap," hindi ako makapagsalita kaya hinahayaan ko lang na magsalita si Krystal. "Uncle, Auntie, Mommy, and Daddy, umuurong na po ako sa arranged marriange namin ni Chanyeol," nakit kong nakahinga ng maluwag si Mommy dahil sa sinabi ni Krystal habang ang mga magulang ni Krystal ay halos himatayin na dahil sa pagkagulat sa anunsiyo niya. Si Jessica naman, if only looks could kill, baka nakahalumpasay na iyong katawan ko dito sa sobrang talim ng tingin na tinatapon niya sa akin. "Mahal ko po si Chanyeol pero hindi ko po matitiis na tignan siya ng diretso sa mata sa kabila ng lahat ng ginawa sa kanya ni Jessica unnie," at doon na ako nagsimulang isa-isahin lahat ng mga ginawa sa akin ni Jessica. Simula sa simula hanggang sa pagpapa-rape niya sa schoolmate kong nag-suicide, hanggang doon sa nangyari sa ka-crew kong si Chelle, at hanggang sa mga banta at balak niyang ipapatay si Baekhyun.
Napapikit ako ng makarinig ako ng malakas na sampal ng daddy ni Jessica sa kanya. Halatang masakit iyon dahil nag-iwan ng bakat sa pisngi niya. "Ikinahihiya kita Jessica! Wala akong anak na mamamatay tao!"
Bago sundan ni Krystal yung pamilya niyang nag-walk-out ay hinila ko siya at muling niyakap. "Salamat Krystal, salamat," naramdaman ko na lang na tinapik niya ako at nagmamadaling umalis na. Naiwan kaming tatlo nila Daddy dito sa office niya.
"D-daddy. . ." Kinakabahan ako, ngayon ko lang ulit siya nakausap simula noong pinalayas niya ako ng bahay. "Pwede ko po bang malaman bakit naging forfeited iyong mga scholarships na ino-offer sa school natin?"
"Tinakot ako ni Jessica. Bigla na lang siyang pumunta dito at tinutukan ako ng baril. Sabi niya kapag hindi ko daw finorfeit iyong scholarships ay ipapapatay ka niya. Kaya kahit labag sa kalooban ko ay sinunod ko siya," wala ka talagang patawad Jessica. Baliw ka. Dapat sayo nilalagay sa mental hospital. "Kahit na alam kong hindi tayo maayos, ayaw ko namang mawalan ng anak."
Napangiti ako at hindi ko na napigilan iyong sarili ko. Tumakbo na ako papunta sa kanila ni Mommy at umiyak na parang batang naagawan ng candy ng isang kalaro. Namiss ko ito, namiss ko iyong pakiramdam na may magulang. Namiss ko silang yakapin. "Daddy, pwede mo bang ibalik mo iyong scholarship?"
"Ibabalik ko naman talaga. Alam kong madaming umaasa sa scholarship ng school natin," mas lalo akong napangiti. Unti-unti ng nabubunot iyong mga tinik sa dibdib ko. "Kaso baka bukas ko pa masabihan ang Auntie mo dahil anong oras na rin."
"D-daddy, M-mommy, may sasabihin po pala ako," lulubusin ko na tutal naman good mood ata silang dalawa eh. Pumikit muna ako bago magsalita. Ayaw ko kasi makita iyong magiging reaksyon nila. "May nagugustuhan po ako, pero hindi babae," isa. Dalawa. Tatlo. Wala akong naramdaman na sampal o suntok. Pagdilat ko ng mga mata ko nakita kong nakatakip ng bibig si Mommy at nakangiti lang sa akin si Daddy.
"Siya ba ang dahilan kung bakit mo gustong ibalik iyong scholarship sa school?" Tumango ako. "Siya ba iyong dahilan bakit bigla kang napapunta dito sa China ng wala sa oras?" Tumango ulit ako. Habang tumatango ako ay palapad naman ng palapad iyong ngiti ko. "Siya ba iyong kinukwento sa amin ng ate mo na dalawang taon mo na raw nagugustuhan?"
"Po? Nagku-kwento po sa inyo si Yoora noona?"
"Oo naman! Chanbaek pa nga raw tawag niya sa inyong dalawa," nagulat ako sa sinabi ni Mommy.
"Ayos lang sa amin ng Mommy mo. Basta mag-aral ka lang ng mabuti."
-
-
Hindi na muna nila ako pinauwi, sabi kasi ni Mommy na-miss niya ako ng sobra. At saka masyado na ring late at tinatamad na akong magpa-book ng flight. Halos hindi nga ata ako makakatulog ngayong gabi. Excited na akong ibalita kay Baekhyun bukas na maibabalik na iyong scholarship niya. Excited na akong yakapin siya. Excited na akong umuwi. Aamin na ako sa kanya bukas. Bahala na kung i-reject niya ako. Basta alam kong wala ng hahadlang sa amin.
Pero pagbalik ko ng Pilipinas, wala akong nadatnang Byun Baekhyun. Umalis na siya. Iniwan na niya akong tuluyan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro