Ikalabing-anim na Kabanata
Park Chanyeol.
Tahimik lang akong nagda-drive pabalik sa bahay nila Baekhyun. Nakatulog kasi siya sa balikat ko kanina noong natapos kami sa crying session naming dalawa. I didn't meant to scare him with the last words I said, natatakot lang ako na baka isang araw, kakatulak niya sa akin ay kusa na akong lumayo kahit na labag sa kalooban ko.
Hindi naman gano'n kalayo iyong bahay nila sa pinuntahan namin kaya mabilis kaming nakarating pero ang mahal na prinsipe, ang sarap pa rin ng tulog. Bahagya pang nakabukas iyong bibig niya. Nagmadali na lang akong lumabas ng sasakyan dahil sobrang nate-tempt akong halikan siya. Oo, gustong-gusto ko nang maging akin siya. Pero lalaki lang ako, may pangagailangan kaya dapat kong labanan iyon. Hindi naman siya gano'n kabigat kaya nabuhat ko siya papasok ng bahay nila nang hindi na nauuntog sa ceiling, natuto na akong tumingin sa dinadaanan. Ayaw ko namang magkabukol pang muli.
"Oh. Chanyeol iho, bakit tulog na iyang si Baekhyun ko?" Hindi ko naman pwedeng sabihin na pinaiyak ko iyong anak niya kaya sinabi ko na lang na napagod sa mga ginawa niya sa school. Sabi ni Auntie dalhin ko na lang daw sa kwarto si Baekhyun at maghahain na siya ng hapunan namin.
Maliit lang iyong kwarto niya at iisa lang iyong kama roon. Saktong-sakto pa sa kanya. Parang sinukat nga sa kanya kasi walang palugit. Naupo ako saglit sa gilid ng kama niya at tahimik siyang pinagmasdan. Akala ko lalayuan niya ulit ako noong nalaman niya iyong mga bagay na iyon pero hindi. Pumayag siyang bumalik sa Maynila pero sa isang kondisyon na tatapusin niya iyong semester na ito bago bumalik. Kaya no choice ako kundi pumasok din sa school niya para pagbalik namin, hindi ako delayed. Madali namang ayusin iyong mga papeles, lalo pa't stockholder pala ng company namin sa Maynila iyong may-ari ng school na pinapasukan ni Baekhyun.
Hinaplos ko iyong buhok niyang sobrang lambot habang hawak ko naman iyong isang kamay niya na may nunal sa hinlalaki. Ewan ko ba pero nag-eenjoy kasi akong hawakan iyon. Bukod sa malambot ang mga kamay niya, natutuwa ako kapag tinatamaan ng daliri ko iyong nunal niya. Fetish ako sa buong pagkatao ni Baek. Nakakaadik. Ika nga nila, my own kind of ecstasy.
Medyo nakaramdam na rin ako ng antok kaya nilapit ko ng kaunti iyong mukha ko sa kanya, pipikit lang naman ako saglit kaso bigla naman siyang dumilat. Buti hindi gumana iyong reflex niya dahil paniguradong mamamaga ang mukha ko kapag sinuntok niya ako.
"Nagugutom ka na ba?"
"Medyo," tumayo na ako at inalalayan siyang tumayo, tinanggap niya iyong kamay ko pero ramdam ko ang biglang paghigpit ng kapit niya doon. Grabe talaga. Mabigat talaga kamay niya. Masakit sa pakiramdam kapag humihigpit iyong hawak niya pero iniinda ko na lang. "S-Salamat, Yeol," nginitian ko siya at pasimple kong ginulo iyong buhok niya.
"Wala iyon. You're always welcome."
-
-
"Mama, ano pong ulam?" Iyan agad iyong lumabas sa bibig ni Baekyun nang nakarating kami sa salas nila. Takaw talaga. Kapag naging boyfriend ko ito palagi ko itong bubusugin. Bubusugin ng pagkain at pagmamahal. Ewan ko lang kung hindi siya tumaba pa lalo.
Tinulungan ko namang maghain si Auntie kahit na pinapaupo na lang niya ako dahil bisita raw nila ako. Halos magningning iyong mata ko noong makita ko kung ano iyong ulam na niluto ni Auntie. Adobo kasi niya iyong paborito ko. Sayang lang kasi hindi na ako nakatikim nito pagtapos kong unang beses na matikman. Iyon na kasi iyong mga panahon na dumidistansya sa amin si Baekhyun.
"Nga pala Chanyeol, saan ka matutulog? Gusto mo dito ka na lang muna tumira habang tinatapos niyo ni Baekhyun iyong semester?" Nabilaukan naman kaming sabay ni Baekhyun dahil sa sinabi ni Auntie. Alam na kasi niya iyong balak namin ni Baekhyun. Kaso hindi ba ako nananaginip? Pinagkakanulo ba niya sakin si Baekhyun?
"M-Mama naman! Saan matutulog si Chanyeol?!"
"Edi sa kwarto mo. Saan pa ba?" Mabilis namang tumutol si Baekhyun, grabe siya. "Oh sige, sa tabi ko na lang siya matutulog. Ayos lang ba sayo, Chanyeol?" Alanganin naman akong tumango, no choice ako eh. Anong oras na rin kasi. Baka wala na akong mahanap na apartment na malapit lang dito sa bahay nila.
"Mama naman eh. Nag-iisip dalaga ka na naman."
"Ano bang sinasabi mo Baekhyun, ha? Ikaw itong nagbibigay ng malisya. Ayaw ko naman na matulog lang itong si Chanyeol sa sasakyan niya. Sa laking bulto niyang iyan baka mangawit siya sa sasakyan niya," tama nga naman. Palihim na lang akong napatawa sa kanilang dalawa. Halata naman kasing pinagtitripan lang ni Auntie si Baekhyun. Ito namang si Baekhyun masyadong apektado. Kinikilig tuloy ako.
"Tara na nga, Chanyeol," ni hindi pa nga ako nagsisimulang kumain nang bigla akong hinila ni Baekhyun papasok sa kwarto niya. Nilingon ko pa si Auntie bago ko isara iyong pintuan at nakita kong naka-thumbs up siya sa akin. Ang kulit niya. Bagay silang magsama ni Mommy.
"Akala ko ba nagugutom ka na? Bakit tayo umalis doon? Ang sarap pa naman noong ulam na niluto ni Auntie."
"Edi doon ka kay Mama. Doon ka sa tabi niya matulog."
"Ito naman hindi mabiro," naupo ako sa tabi niya. Ganito pala siya magselos. Pati si Auntie pinagseselosan.
"Oh, bakit nandito ka pa? Akala ko ba masarap luto ni Mama? Labas ka na. Shoo!"
"Joke lang iyon, Baek. Wag ka ngang ngumuso dyan. Sige ka ikikiss kita," namula naman siya bigla. Iyan lang pala makakapagpatahimik sa kanya. Minsan kasi nasosobrahan sa daldal si Baekhyun. Hindi naman sa naririndi ako kaso baka hindi ako makapagpigil dahil sobrang cute niya talaga. "Kukuha lang ako ng pagkain sa labas. Ayaw kong matutulog ka ng walang laman ang tiyan mo."
-
-
Noong matutulog na kaming dalawa, medyo nagka-problema pa kami kasi hindi naman ako pwedeng matulog sa tabi niya kasi single-sized lang iyong kama. At saka may promise ako kay Auntie kanina noong kumuha ako ng pagkain namin eh.
"Chanyeol, pinayagan kitang makasama si Baekhyun hindi dahil binebenta ko siya sayo, ha? Masyado kasing pakipot iyong anak ko kaya ako na mismo maglalapit sa inyo. Pero promise mo sa akin na magtatapos muna kayo ng pag-aaral, ha?"
"Opo, Auntie. Ihaharap ko po sa altar si Baekhyun na virgin."
Naiiling na lang ako kapag naaalala ko iyong sinagot ko kay Auntie, nakakahiya! Bakit ba lumabas sa bibig ko iyong mga ganung salita? Bakit sa harap pa ni Auntie?
"Bakit ka namumula dyan?" Halos mapabalikwas ako mula sa pagkakahiga dahil sa biglaang pagsasalita nitong kasama ko sa kwarto. Doon pa rin siya sa higaan niya tapos ako sa lapag naman. Siya rin iyong nag-ayos ng hihigaan ko kaya kahit matigas dito sa lapag, tinitiis ko.
"W-wala! Matulog ka na nga," bago ko ipikit ang mga mata ko, mahina pa akong natawa dahil sa bulong niya na rinig na rinig ko naman.
"Mama, Mama, nakakainis ka."
-
-
Nagmamadali akong lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ng pintuan si Baekhyun. First day of school for me. Medyo nahirapan pa kaming dalawa pumasok kasi may nag-kumpulang mga babae sa harap ng sasakyan ko. Kung hindi ko pa sila pinagbigyan na magpa-picture hindi kami makakaraan ni Baekhyun.
"Bakit ka tumigil?" Muntikan pa kami madapang dalawa dahil sa biglaan niyang pagtigil sa paglalakad, nakasunod lang ako sa kanya pero nililibot ko iyong paningin ko.
"Sigurado ka ba sa gusto mong gawin? Pwede ka naman ng bumalik sa Maynila, Yeol. Susunod ako pag tapos ng semester na ito," iniisip niya pa rin iyan. Pero diba nga kasi may misyon ako? At dapat magawa ko iyon bago kami makabalik ng Maynila? Dahil kung hindi, it's either itatakwil ako ni Yoora noona or ipapatapon naman ako sa China ni Suho hyung.
"Hindi pwede, Baek. May pinangakuan akong tao na dapat kasama kita sa pagbabalik ko."
Naninibago ako sa environment dito. Unlike kasi sa school namin sa Maynila, walang uniform dito. Wala ring aircon iyong mga classroom. Tapos 50 ata kami sa room, okay naman sana kasi malaki iyong room pero mainit nga. Summer pa. Kanina ko pa napapansin na sinisilip ako ng mga tao dito sa room namin. First time lang ata nilang makakita ng kasing gwapo ko. Kanina habang naglalakad kami ni Baekhyun sa corridor may nagpa-picture na naman sa akin hanggang sa dumami sila kaya iniwanan ako ni Baekhyun at naunang pumasok sa room ng walang paalam.
"Chanyeol hyung, ang cool mo talaga. First day mo pa lang ang dami mo ng fans oh!" Napailing na lang ako sa sinabi ni Jimin. Akala niya ba nag-eenjoy ako? Hindi kaya. Paano ba naman, itong katabi ko kanina pa ako hindi pinapansin. Si Frances at Jimin lang pinapansin niya. Kung hindi ko lang alam na nagseselos siya baka kanina pa ako ngumawa dito. Kaibigan ko na rin pala iyong dalawang kaibigan ni Baekhyun na si Frances at Jimin nga. Katabi ko sa kaliwa si Jimin, sa kanan naman si Baekhyun tapos si Frances. Nalaman ko rin na mag-syota pala si Frances at Jimin. Kawawa naman si Baekhyun ko, third wheel pa pala siya sa kanilang tatlo.
"Sanay na ako dyan, Jimin-ssi," narinig ko naman iyong pag-angil ni Baekhyun, kahit si Jimin tinawanan na lang ako. Baekhyun, Baekhyun, buti sana kung pinapansin ko sila eh.
"Ganyan din sila sa akin noong nag-transfer ako dito eh. Pero hindi ganyan kalala na halos hindi na madaanan iyong corridor!"
"Yabang mo, Jimin!" May lumipad naman na papel sa gilid ko papunta kay Jimin at parehas kaming napatingin kay Frances. Ang cute rin nilang dalawa. Parang aso't pusa.
-
-
Vacant time namin at humiwalay si Jimin at Frances dahil may pupuntahan daw sila kaya nagti-tiis si Baekhtun na ako iyong kasama niya kahit hindi niya ako pinapansin.
"Baek, kumain ka nga. Hindi ka nag-almusal kanina diba," hindi niya kasi ginagalaw iyong pagkain na pinabaon sa amin ni Auntie kanina. Tinanghali kasi kami ng gising kaya hindi na kami nakakain ng almusal. Ayaw ko namang malate sa pagpasok. First day na first day ko eh.
"Busog ako," pero hindi ako naniwala. Lumipat ako ng upuan, iyong sa upuan ni Frances para makaharap ko siya. Akmang tatalikuran na naman niya ako ng bigla akong nagsalita ng seryoso.
"Sige gumalaw ka, Byun Baekhyun. Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sayo," edi natahimik siya. Napirmi siyang nakaharap sa akin kaso naka-pout namanㅡnagpapacute. "Kumain ka na. Kung akala mo susubuan kita, hindi. Bilisan mo. May pupuntahan tayo."
"Saan naman?"
"Dito lang sa school. Bilisan mo. Kapag ako naunang matapos sayo iiwanan kita mag-isa dito."
-
-
Naglalakad kami papunta sa garden ng school. Napansin ko kasing ang ganda ng garden dito, pero mas maganda pa rin iyong garden namin sa school sa Maynila. Actually hindi ko alam kung bakit ko siya dinala rito. Ang alam ko lang inaantok ako at gusto kong matulog. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil hindi ako sanay na mahiga sa semento.
Nauna siyang maupo kaya hinilig ko yung ulo ko sa hita niya. "Shh. 'Wag kang magulo. Inaantok ako," pinikit ko na lang iyong mga mata ko. Hindi naman talaga ako makakatulog sa ginagawa ko ngayon dahil kama ang kaylangan ko hindi hita ni Baekhyun o damo.
"Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi? Pagtingin ko sayo kagabi tulog ka ah."
"Hindi. Hindi kasi ako sanay na natutulog sa lapag eh," mas lalo akong nakaramdam ng antok ng biglang haplusin ni Baekhyun iyong buhok ko. Sana ganito na lang kami palagi. Willing akong maghintay kahit pag-graduate pa namin maging kami ni Baekhyun, basta wala lang problema. Gusto ko happy lang kami.
"Dapat ginising mo ako para nagpalit tayo ng higaan."
"Ayos lang. Masasanay din naman ako."
"Ewan ko sayo, Chanyeol. Tigas ng ulo mo," mahina na lang akong napatawa.
Ano kayang ginagawa nila hyung doon sa Manila? Dinadalaw kaya sila nila Luhan hyung, Kris hyung, Lay hyung at Tao? May sawit pa rin kaya si Sehun? Nami-miss ko na agad sila. Pero kung ganito naman iyong magiging sitwasyon namin ni Baekhyun dito sa probinsya kahit hindi na ako bumalik ng Manila.
"Baek," pagtawag ko sa kanya. Hinawakan ko iyong dalawang kamay niya and the usual, napagdiskitahan ko na naman iyong nunal niya. Uunti-untiin ko na. Para malaman ko kung may mararating ba itong ginagawa ko sa buhay. "Alam mo namang may gusto ko sayo diba?"
"O-oo. Bakit?"
Tumayo na ako at tinignan ko siya ng diretso sa mata. Wala ng atrasan ito. "Pwede ba kitang ligawan?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro