Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ika-siyam na Kabanata



Park Chanyeol.

Malapit ng magdilim nang mapagpasiyahan naming bumalik sa cottage. Kahit na nakakaramdam ako ng sobrang pagsakit ng ulo kanina ay hinayaan ko na lang si Baekhyun na maglibot-libot pa sa dalampasigan dahil baka hindi ko na ito magawa pang muli para sa kanya. So why not seize the moment? Minsan lang naman siya mag-request sa akin.

Pagdating namin sa cottage, hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o may anim na lalaki talagang nakaupo sa harap ng cottage namin at may mga dala silang mga bag. "Chanyeol! May tao sa cottage!" At hindi nga ako nagkakamali, may tao talaga kaya dali-daling tumakbo si Baekhyun papunta sa kanila. Gustuhin ko mang tumakbo kaso hindi ko na gano'n kayang kumilos ng mabilis, pahina na ako ng pahina.

Dadampot na sana ako ng bato kung sakali mang magnanakaw iyong mga taong iyon nang biglang niyakap nila isa-isa si Baekhyun at doon ko na napagtanto na mga kaibigan pala namin sila. Sina Sehun, Jongin, Jongdae, Kyungsoo, Minseok hyung, at Suho hyung iyong mga nakaupo sa tapat ng pintuan ng cottage namin ni Baekhyun.

"Anong ginagawa niyo dito, hyung?" Tanong ng magaling kong asawa kay Suho hyung habang binubuksan iyong pintuan ng cottage. Nakatayo lang ako ng medyo malayo sa kanila dahil nanghihina ako at sumasakit na naman ang ulo ko.

"Birthday kasi ni Chanyeol ngayon, diba? Kaya sumama na kami kay Sehun papunta rito," napansin naman ata nilang wala ako sa tabi nila kaya nagpalinga-linga sila ng tingin at napako ang mga mata nila sa akin.

Sinubukan kong wag ipakita na may nararamdaman ako at naglakad na ako papalapit sa kanila. "Eto na pala si birthday boy, eh!"

"Nag-abala pa kayong pumunta dito," inakbayan naman ako ni Jongdae at bahagyang napababa iyong balikat ko dahil sa bigat ng mga bisig niya.

"Jongdae, bitiw. Pagod ako," pero ang totoo, hindi na kaya ng katawan ko ang mga mabibigat na bagay at gawain. Lumalala na ang sakit ko.

"Arte naman nitong si Tenga!" Hindi ko na lang siya pinansin at nag-diretso na sa loob.

-

-

Hindi kami kasya sa cottage na ito kaya nag-renta ng mas malaking cottage si Suho hyung na kakasya kaming walo. Pamilyang-pamilya na talaga turing niya sa amin dahil ayaw niyang magkaka-hiwalay kami kung pwede naman kaming magsama-sama. Sana alagaan nila si Baekhyun kapag wala na ako.

Hindi ko alam kung napapansin ni Baekhyun iyong paghina ng katawan ko kasi kahit na ipinagbabawal sa akin ng doktor na gawin iyong mga mabibigat na bagay ay ginagawa ko pa rin kapag kasama ko siya. Medyo nawawalan na rin ako ng gana kumain, pinipilit ko lang na ubusin lahat ng mga nilalagay niya palagi sa pinggan ko pero kapag tulog na siya, tsaka ko sinusuka lahat ng iyon dahil hindi na kaya ng sistema ko ang sobra. Medyo pumayat na rin ako, iniiwasan ko lang na magsuot ng mga damit na magmumukha akong payat. Ang alam kong nahahalata lang ni Baekhyun ay iyong madalas na pagsakit ng ulo ko kasi hindi ko naman maitago dahil sobrang sakit, parang binibiyak iyong ulo ko. Hindi rin alam ni Baekhyun na nagpapacheck-up ako kapag hindi ko siya kasama. Ilang linggo na ang nakaraan pagtapos akong sabihan ng doktor ko na diagnosed cancer patient ako. Stage 3 na ang brain cancer ko at pinili kong hindi ipaalam kay Baekhyun iyon dahil nagsisimula pa lang ulit kami, ayaw kong masira na naman iyong bagong kami dahil sa sakit ko.

Napagpasiyahan naming magkakaibigan na magkaroon ng kaunting salo-salo ngayong gabi. Lahat sila abala sa pagtulong kay Baekhyun at Kyungsoo na magluto kaya ako ang inutusan nilang bumili nga mga iinumin namin. May nakita naman akong tindahan dito kaso kaylangan ko pang lumabas ng resort dahil nasa kabilang kalsada pa iyon. Nasa gitna ako ng paglalakad nang bigla na namang sumakit ang ulo ko at hindi ko na matandaan iyong daan papalabas ng resort. Bukod sa paghina ng resistensiya ko, pagkawala ng gana sa pagkain, pagsakit ng ulo, at panghihina ng pangangatawan, nagiging makakalimutin na rin ako. Sabi ng doktor ko parte raw ng pagkakaroon ng brain cancer ang pagkawala ng memorya pansamantala at kung maari, pwede nang tuluyang mawala ang memorya ko.

"Hey, mister, are you lost?" May babaeng umalalay sa akin dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. "Are you okay?" Pinilit kong tumayo at nag-thank you na lang ako sa kanya kasi bigla rin namang nawala iyong hilo na naramdaman ko.

Papatawid na sana ako ng kalsada kaso biglang nagring iyong cellphone sa bulsa ko at nakita kong si Baekhyun ang tumatawag, sasagutin ko na sana iyong tawag nang bigla akong nakarinig ng isang malakas na busina. Bago pa man din ako makagalaw ay naramdaman ko na lang ang pagtama ng bumper ng sasakyan sa akin, naramdaman kong tumama ang katawan ko sa kakahuyan at tuluyan na akong nawalan ng malay.




Byun Baekhyun.

"Baekhyun hyung! Hindi sumasagot ng tawag si Chanyeol hyung!" Sigaw ni Sehun mula sa salas. Tinatawagan niya si Chanyeol kasi gusto niya talagang sumama sa pagbili ng mga inumin kaso pinilit siya ni Jongdae na tumulong dito sa pagluluto. Balak sana ni Sehun na sumunod na lang kay Chanyeol kaso hindi nga sumasagot ng tawag ang magaling kong asawa.

"Baka pabalik na si Tenga kaya hindi siya sumasagot ng tawag," tumango na lang ako sa sinabi ni Jongdae kasi malapit na namang mag-tantrums si Sehun. Wala pa naman si Luhan hyung dito para amuhin siya. Ewan ko ba kela Kris hyung, Lay hyung, Luhan hyung, at Tao kung bakit hindi sila sumama rito.

Natapos na kami at lahat sa pagluluto ay hindi pa rin nakakabalik si Chanyeol kaya nagsimula na akong kabahan. Malapit lang naman daw kasi iyong bibilhan niya kaya imposibleng magtagal siya. Ako na lang ang naiwan dito sa kitchen at pagpunta ko sa salas, naabutan kong parang binuhusan ng malamig na tubig iyong mga kaibigan namin sa mga itsura nila ngayon.

"Oh, anong nangyari?" Kaswal kong tanong.

"Baekhyun. . ." At hindi ko alam na may ibibilis pa pala iyong tibok ng puso ko nang bigla na lang umiyak si Sehun at pilit na inamo-amo ni Jongin. Inabot sa akin ni Suho hyung iyong cellphone ko na hawak ni Sehun kanina at akmang itatago ko na iyong sa bulsa ko nang biglang nagsalita ulit si Suho hyung. "Buksan mo ang cellphone mo."

"Oh my," ang tanging sambit ko nang makita ko kung ano iyong nilalaman ng message na galing kay Chanyeol. Bigla na lang akong napaluhod dahil sa panlalambot ng tuhod ko. Ano bang meron? Picture lang naman ng asawa ko na naliligo sa sarili niyang dugo ang laman ng message niya sa akin.

Inalalayan ako ni Minseok hyung na makatayo at iginiya niya ako papunta sa sasakyan na dala nila kanina. "Sumunod na lang kayo sa ospital. Kung hindi niyo alam, magtanong-tanong na lang kayo. Magdala kayo ng damit na pamalit ni Baekhyun."

-

-

Walang maririnig sa sasakyan kundi ang malalim na paghinga nila Minseok at Suho hyung at ang walang tigil na paghikbi ko. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko na tumulo. Anong nangyari? Bakit duguan si Chanyeol? Tulirong-tuliro na ako kakaisip sa asawa ko at nanginginig na rin ang mga kamay ko sa takot. Takot na mawala sa akin si Chanyeol dahil mukhang matindi ang sinapit niya para maligo sa sarili niyang dugo.

-

-

Pagkadating na pagkadating namin sa ospital ay agad akong tumakbo palabas ng sasakyan. Naabutan ko pang binaba nila ang katawan ng asawa ko mula sa ambulansiya kaya dali-dali akong nagtungo sa kanya at hinawakan iyong kamay niya. Hindi siya gising, nakapikit lang siya at nalinis na rin iyong mukha niya pero may mga gasgas pa rin doon. "Chanyeol, gumising ka na, please. Hindi magandang biro ito."

-

-

Mahigpit lang akong nakahawak sa kamay ni Chanyeol nang bigla na lang akong pilit na hinila ng mga nurse palayo sa kanya dahil ipapasok na siya sa operating room. "Chanyeol! Gumising ka, please! Dok, gawin niyo po lahat ng makakaya niyo para maisalba niyo iyong buhay ng asawa ko!" Naghuhuramentado kong hiling habang hinihila iyong lab gown ng doktor na mag-aasikaso kay Chanyeol.

"Baekhyun, kumalma ka muna. Sige na, ipasok niyo na po si Chanyeol sa operating room," at tuluyan na akong napabitaw sa kamay ng asawa ko dahil sa malakas na paghila sa akin ni Minseok hyung pabalik.

"Minseok hyung! Asawa ko iyon! Paano ako kakalma kung alam kong nanganganib iyong buhay niya?!" Binitawan lang ako ni Minseok hyung noong naisara na iyong pintuan ng operating room kaya napaupo na lang ako sa sahig dahil sa sobrang panghihina.

"Walang maitutulong ang pagpapanic, Baekhyun. Magdasal na lang tayo para sa ikabubuti niya," hindi ko alam kung napakalma talaga ako ng malumanay na boses ni Suho hyung o talagang nakaramdam na lang ako ng pagod kaya bigla akong nawalan ng malay at napahiga sa malamig na sahig ng ospital.

-

-

Pagkadilat na pagkadilat ko ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang asawa ko na mahimbing na natutulog sa katabi kong kama at maraming mga benda ang nakabalot sa buong katawan niya. Parang gusto ko na lang pumikit ulit kasi paulit-ulit akong sinasaksak sa dibdib dahil sa lagay ng asawa ko ngayon.

"Baekhyun, gising ka na pala," napalingon ako kay Suho hyung na halatang-halata ang pagod sa mukha niya, mukhang gusto na rin niyang matulog dahil sa panghihiluka ng mga mata niya. "Gusto mo ba ng tubig?" Tumango na lang ako dahil parang tinakasan ako ng boses ko ngayon. Nanunuyo ang lalamunan ko kaya hirap akong makapagbigkas ng kahit anong salita.

"Suho hyung. . ." Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak nang bigla na lang akong niyakap ni Suho hyung ng mahigpit at ramdam ko ang pamamasa ng damit ko dahil sa pag-iyak niya. "Suho hyung, kamusta na si Chanyeol?"

Agad din naman siyang bumitiw sa pagkakayakap ko at mahigpit na hinawakan iyong dalawa kong kamay. Ibinalik ko naman iyong ngiti niya kahit na alam kong mapaklang ngiti iyon dahil hindi umabot sa mga mata niya ang saya. "L-ligtas na si Chanyeol," napahinga ako ng malalim dahil akala ko may masamang balita sa akin si Suho hyung pero hindi pa man din nakakalipas ang ilang minuto ay parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko at tuluyan na akong nabingi dahil sa dagdag pa niyang mga salita.






































"Baekhyun, may taning na ang buhay ni Chanyeol. May brain cancer siya at stage 3 na ito."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro