Ika-siyam na Kabanata
Park Chanyeol.
Pangalawang araw na namin dito sa resort nila Suho hyung at uuwi na kami bukas ng umaga. Mabuti na lang dahil mabilis lang ang takbo ng oras, masyado kasing heavy ang atmosphere namin dito.
Lumipat na ng kwarto si Krystal, doon sa kwarto ni Suho hyung. Noong una nag-histerikal pa siya dahil ayaw niya lumipat pero wala na siyang nagawa noong sinigawan siya ni Suho hyung. Si Baekhyun naman, pinalipat ko sa kwarto ko, tutal nabakante na iyong isang kama doon. I'm serious when I said that when he's with me, his safety is rest assured. At saka ayaw ko ng dumagdag sa stress niya si Chen. Regularly, he's annoying but when there's a chaos, he's getting more annoying sa totoo lang.
Maaga akong nagising ngayon kaya naabutan kong mahimbing na natutulog si Baekhyun sa kabilang kama. Akala niya siguro tulog na ako kagabi pero hindi, magdamag akong gising dahil naririnig ko iyong mga paghikbi niya. Siguro mga one hour after niyang makatulog saka lang ako nakatulog. He cried himself to sleep.
"Baek," bahagya kong tinapik iyong pisngi niya at kinamot niya lang iyon. Cute talaga nito, hays. "Gising na po, Young Master Baekhyun."
Pero hindi talaga siya bumabangon. Nagbabawi siguro ng tulog at lakas. 4AM na ata siya natapos kakaiyak kagabi kaya hinayaan ko na lang siyang mahimbing na matulog doon. Wala rin naman akong balak na sumabay sa kanila sa breakfast, hindi ko pa ata kayang makita si Krystal dahil sa mga ginawa niya sa amin ni Baekhyun kahapon at mas lalong hindi ko kayang humarap kay Suho hyung dahil sa ginawa kong pagsuntok sa kanya. Kahit naman hinusgahan niya si Baekhyun, hindi pa rin nararapat na gantihan ko siya dahil una sa lahat, sa kanya kami nakadepende ngayon. Pangalawa, baka impulse lang iyon. Syempre may feelings siya kay Krystal kaya natural lang na ipagtanggol niya ito. Pangatlo, hyung ko siya.
Balak ko sanang magluto na lang ng breakfast namin ni Baekhyun sa kitchen at buong araw magkulong sa kwarto namin pero pagdaan ko sa dining area, bigla akong niyaya ni Suho hyung kumain. "Hyung, salamat. Pero sa kwarto na ako kakain. Hindi pa kasi gising si Baekhyun."
Nagulat kaming lahat nang biglang padabog na binagsak ni Krystal iyong hawak niyang kubyertos at nagmamadaling umalis. Napabuntong hininga na lang si Suho hyung at napakamot ng ulo. "Sige. Humingi ka na lang ng pagkain sa chef sa kitchen," tumayo siya at nag-excuse at susundan niya raw si Krystal, aamuhin na naman siguro. Ang swerte talaga ng magiging girlfriend at mapapangasawa nitong si Suho hyung. Bukod sa mayaman din siya, sobrang caring niya talaga.
"Chanyeol hyung! Okay na ba thi Baekhyun hyung?" Umiling ako. Halata naman kasing hindi siya okay eh. Matamlay kaya siya kahapon pagbalik namin dito sa resort tapos may crying session pa siya kagabi hanggang madaling araw diba? "Pupunta ako mamaya tha kwarto niyo! Makikipagbati na ako kay hyung!" Tumango na lang ako at nag-diretso sa kitchen.
Wala naman akong balak na ipakain iyong luto ng resident chef nila Suho hyung kay Baekhyun eh. Naisip ko na rin na ipagluto siya ng kahit anong edible dish to make him feel better. Feeling ko kasi matutuwa siya kapag ipinagluto ko siya kahit na hindi kasing sarap ng luto dito. It's the thought that counts diba? Pero sabi naman ng mga nakatikim na ng luto ko, masarap akong magluto. Hindi ko alam kung maiinsulto ako o ano kasi puro fried dishes lang naman niluluto ko. I ended up preparing the usual breakfast. Bacon, egg, fried rice, and hot chocolate. I even prepared a plating. Iyong egg ang nagsilbing mata while ginawa kong eyebrows iyong bacons, then yung fried rice iyong naging mouth. Halos mabaliw pa nga ako paano ko gagawing smiley face iyong plating eh.
Pagpasok ko sa kwarto namin naabutan kong gising na si Baekhyun at nakatayo siya sa veranda ng kwarto namin. Mukhang ninanamnam niya iyong hangin dito sa Cavite. Summer pero hindi naman kasi ganun kainit dito.
"Baek?" Muntik ko namang mabitawan iyong hawak kong tray na naglalaman ng almusal namin noong nilingon niya ako. Sobrang maga ng mata niya! Halos hindi ko na siya makilala!
"Ang p-pangit ko ano? H-hindi mo na rin ako gusto?" Napayuko siya.
Nilapag ko iyong tray sa bed side table namin at nilapitan siya. Hinawakan ko iyong kamay niya at pinagtama iyong mga mata namin. Pinagdikit ko na rin iyong noo naming dalawa, medyo napatingkayad pa siya dahil hindi ko na kayang i-bend pa iyong ulo ko para lang maabot niya ako. "No. You're still the most beautiful man I have ever seen. It is just that nagulat lang ako sa mga mata mo kasi sobrang maga. Kinagat ka ba ng ipis?" Haynako, Chanyeol. Sinungaling ka. Alam mo namang buong magdamag umiyak si Baekhyun eh.
Ngumiti siya at hindi pinansin iyong tanong ko. "Ano iyong dala mo?"
"Breakfast. Kain na tayo?"
Hinintay ko talaga iyong magiging reaction niya upon seeing the platings. Akala ko matutuwa siya at magte-thank you sa akin, pero hindi. Natawa nga siya kaso ininsulto niya lang iyong plating ko. "Ang epic naman nito, Yeol. Pero thank you kahit ang pangit ng plating mo ha?" At least back to Yeol na iyong tawag niya sa akin.
"Masarap ba?"
"Oo naman," napangiti ako, a cheeky one, pero biglang napalitan ng simangot dahil sa sunod niyang sinabi. "What do you expect? All bacons and eggs in this world have the same taste. Tsaka itong hot choco mo?" Itinaas niya pa iyong mug at nginisihan ako. "Pinaganda mo pa iyong term, eh Milo lang naman ito."
Hindi ko na lang siya pinansin. Kung ang kaligayahan niya ay asarin ako, sige magsawa siyang asarin ako, indeed love hurts. Pagkatapos naming kumain, nag-volunteer na si Baekhyun na siya na raw ang magliligpit habang ako naman ay maliligo. Rinig na rinig ko dito mula sa banyo iyong boses ni Baekhyun, kumakanta siya. Kinakanta na naman niya iyong kantang iyon. Iyong kanta na iyon kasi iyong lagi kong naririnig na kinakanta niya kapag mag-isa siya. Hindi pamilyar sa akin kaya baka self-composed iyong masterpiece na iyon.
Neoui misoe nae maeumi noganaeryeo
Nuni majuchyeosseulttaen
Dugeungeoryeo
Kahit ilang beses ko ng narinig iyang kanta na iyan hindi pa rin ako nagsasawa. Ang ganda kasi ng boses niya at ang ganda rin ng lyrics.
Oh~ neoui gaseume nae misoreul gieokhaejwo
Haruedo myeoccbeonssik
Saenggakhaejwo
Balak ko sanang kantahin sa kanya iyan. Gagawan ko ng sarili kong version, kaso marunong din naman akong mag-compose ng kanta kaya naisip ko, gagawan ko na lang siya ng kanta.
Oh~ neoege hago sipeun geu mal
You're beautiful
At gusto ko, iyong kanta na iyon ang magiging way ko para makapagtapat na ako ng tunay kong nararamdaman sa kanya. I want everything to be perfect that time. I want to put efforts for every little inch of that moment. I want it to be magical. Gusto ko hinding-hindi niya makakalimutan iyong araw na iyon. I want to make him happy in return. I want him to know that I will never lay my eyes on other girls and boys aside from him. I want to make him mine in the sweetest way.
-
-
Nasabi ko bang gusto ko lang mag-stay sa kwarto buong araw? Nasabi ko bang ayaw kong makita si Krystal ngayong araw? Nasabi ko bang bukas na lang kami lalabas ng kwarto kapag aalis na? Si Baekhyun kasi, pinilit akong lumabas ng kwarto. Ang boring ko raw kasama dahil ang tahimik ko. Aba, malamang! Nagmo-movie marathon kaya kami. Tsk!
Sabi ko sa kanya 'wag na kami lumabas kasi magang-maga talaga iyong mata niya pero nilabasan niya lang ako ng eyeliner. Saglit siyang naupo sa harapan ng salamin sa closet ko and boom! Hindi na gano'n kahalata na magang-maga iyong mga mata niya. Hindi ko naitago iyong pagkamangha ko sa ginawa niya kaya napagdiskitahan niya ako at nilagyan din niya ako ng eyeliner. Ilang beses niya pa ngang natusok iyong mga mata ko dahil napipikit ako palagi. Hindi talaga ako naglalagay ng eyeliner kasi malikot iyong mata ko pero hinayaan ko na lang siya na gawin ang gusto niya.
Naabutan naming naglalaro ng volleyball sina Minseok hyung, Chen, Kai, Kris hyung, Luhan hyung at pati na rin si Tao at saka kami nilapitan ni Sehun, si Baekhyun naman humawak sa akin pero ako na mismo iyong nagtanggal ng kamay niya sa braso ko. "Sige na Baek, usap na kayo ni Sehun."
"Ayaw ko siyang kausapin. Pakisabi doon na lang siya kay Luhan hyung," mukhang balak pa nila ata akong gawing messenger. Eh, magkatabi lang naman silang dalawa. Tsk. Ganito pala mag-away ang dalawang isip bata.
"Chanyeol hyung, pakithabi naman kay Baekhyun hyung na bati na kami. Pleathe!!!" Naiiling ko silang iniwan doon at nakisali sa paglalaro ng volleyball. Hindi rin naman nagtagal ay nakita ko na lang na nagyayakapan na silang dalawa sa isang sulok, kita mo na. Mga pabebe lang talaga.
Lahat kami napatigil nang dumating si Suho hyung at Krystal. Actually si Krystal talaga iyong dahilan kung bakit kami napatigil sa paglalaro, kahit si Sehun at Baekhyun nakatingin din sa kanya ngayon. Naka-two piece lang naman kasi si Krystal. Oo alam kong beach itong pinuntahan namin, pero hindi ba siya naiilang na magsuot ng kakarampot na tela tapos puro lalaki kaming kasama niya?
"Thexy nga mathama naman ugali," tinakpan na lang ni Baekhyun iyong bibig ni Sehun. Hindi niya kasi talaga kayang pigilan iyong sarili niya na magbigay ng side comments. Knowing Krystal papatulan niya si Sehun kahit na ba nacucute-an siya dito.
"Chanyeol!" At parang linta ng dumikit sa akin si Krystal. Bakit ba ganito siya? Kung makaasta siya parang wala siyang ginawa sa akin ah. Parang hindi niya sinaktan si Baekhyun kahapon. Marahas kong tinanggal iyong pagkakakapit ni Krystal sa braso ko. Sorry po. Hindi po talaga ako nananakit ng babae pero iba na kasi si Krystal. Mas lalong humahaba iyong sungay niya eh. Nagiging meanie at bitch na siya. Buti naman at nakaramdam si Suho hyung kaya hinila niya na si Krystal palayo sa amin. I guess whatever happens, our friendship will remain as solid as diamond. Walang makakasira sa pagkakaibigan namin. Not Krystal, not anyone.
Nilapitan ko si Sehun at Baekhyun. Mukhang okay na ulit sila kasi naririnig ko na iyong asaran nilang dalawa. Tsaka lively na makipag-usap si Sehun, he's very fond of Baekhyun. Parang second Luhan hyung na niya talaga si Baekhyun. "Hala, Baekhyun hyung! Hindi na tayo magkaklathe tha pathukan!" Nag-pout na naman si Sehun. Ang cute din nitong batang ito eh. Nakokonsensya na nga lang ako tuwing naaalala kong pinagselosan ko siya dati.
At oo nga pala, back to school na kami sa susunod na araw. Magiging parte na rin ng 1A si Baekhyun. Nako, subukan lang talaga nilang i-bully si Baekhyun, makakatikim sila sa akin. Wala akong balak na magkaroon ng bad image sa school pero ayaw ko lang talaga na inaagrabiyado iyong mga mahahalagang tao sa akin. Iyong pamilya ko, iyong mga kaibigan ko, at syempre, si Byun Baekhyun.
Ginulo ni Baekhyun iyong buhok ni Sehun at naupo ako sa tabi niya. Lagi ko sila nakikita dati na nag-uusap pero not this close. "Hindi ka kasi nag-aral ng maayos eh."
"Chanyeol hyung! Bawal ba ako lumipat tha 1A? Parehath lang naman kami ni Baekhyun hyung na conthithtent tha ranking, ah!" Gusto niya talagang kasama si Baekhyun, halata naman. Pero kapag pumasok na sa eksena si Luhan hyung, nakakalimutan niya si Baekhyun. Ewan ko kung totoo pero once nang natsismis si Sehun na bakla, na kaya siguro masyado siyang fond kay Luhan hyung ay baka gusto niya ito. Natawa na nga lang ako. Ano bang masama sa pagkakagusto sa kauri mo? Wala ka namang ginagawang masama diba? Masama na bang magmahal ngayon?
Napaisip ako sa sinabi ni Sehun. Oo nga ano. Apat na semesters na din siyang consistent na rank #5. "Ang alam ko kasi ang pwede lang makalipat sa 1A ay iyong consistent na naging rank #2 for 2 years eh," hindi ko naman pwedeng sabihin na ipapakiusap ko kay Tita na ilipat siya sa section namin kasi hindi nila alam na blood related kami. Ang alam lang nila parehas lang kami ng surname. And that will be unfair for Kwon Jiyong. Consistent na rank #4 din kasi siya katulad ni Baekhyun at Sehun eh.
"Ano ba iyan, wala na akong kauthap tha room kapag lumipat ng thection thi Baekhyun hyung," isa pang nakakatuwa kay Sehun ay ang galing niyang magpaawa. Simpleng pagtatampo lang naman at pag-aamok niya nagmumukhang nagpa-pacute siya. Aegyo.
"Sus! Ikaw pa ba! Madami ka kayang chix sa room natin!" Hindi ko naman ipagkakaila na may itsura itong si Sehun, medyo mahaba lang talaga yung baba niya. Pero hayop, dalang-dala niya.
"Ehhh!!! Alam mo namang ayaw ko tha babae diba hyung!!!" Pinagpapalo niya si Baekhyun sa braso, ako naman tumawa na lang sa itsura nilang dalawa. They surely resemble a good brotherhood.
"Bakit naman ayaw mo sa babae? Bakla ka ba, Sehun?" At dahil sa sinabi ko nabatukan ako ni Baekhyun. Ang liit niya pero ang bigat ng kamao niya. Nagta-transform talaga si Baekhyun sa iba niyang anyo kapag nasa mood siya. It's either malakas ang trip niya or nagiging sadista siya. Love hurts.
"Hindi ako bakla, hyung!" Mukhang naiiyak naman si Sehun na tumakbo kay Luhan hyung at nagsumbong na tinawag ko raw siyang bakla, tinawanan na lang siya ni Luhan hyung at sinabing hindi naman daw siya mukhang bakla. At dahil doon, bumalik na yung carefree na aura ni Sehun. Kilalang-kilala na talaga siya ni Luhan hyung. Kaso wala, ang cute niya kaya kapag nagta-tantrums siya.
"Ikaw ata bakla dyan kasi crush mo ako eh," nanlaki iyong mata ko sa sinabi ni Baekhyun. I mean, hindi ako matatakot na umamin na bisexual ako pero hindi ko kasi ineexpect na aasarin niya ako ng harap-harap.
"Kasalanan ko bang nabihag mo ang puso ko?" I rolled my eyes heavenly. Hah! Two can play this game, Baekhyun. Namumula na iyong mukha niya ngayon dahil sa sinabi ko. Natameme siya. Wala siyang masabi kaya tumakbo na lang siya papasok ng resort. Psh.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro