Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Ika-apat na Kabanata



Park Chanyeol.

Nandito kami sa ospital ngayon. Akala ko ako lang at buong pamilya ni Baekhyun ang pupunta dito pero nagulat ako nang makita ko si Sehun sa labas ng bahay nila, kaya imbis na sa sasakyan ko sumakay si Baekhyun at iyong buong pamilya niya, sa sasakyan ni Sehun sila napasakay. Buti na lang napadpad bigla si Chen doon sa village nila Baekhyun. Ewan ko ha, pero malakas ang kutob ko na nag-sstalk si Chen, hindi basta-basta maliligaw iyan. Isa yata siya sa mga pinakatsismosong lalaki na nabuhay sa balat ng lupa.

"Kunot na naman yung noo mo," sinubukan ni Chen na gawing straight iyong noo ko pero tinabig ko lang siya. Nasa operating room na kasi Mama ni Baekhyun. Si Baekhyun? Ayon, nakayakap kay Sehun. Tsk! "Selos ka ano?"

"Haynako, Chen. Isa pa talaga. Bakit ka pa ba kasi sumama dito?" Minsan kasi nakakairita na rin si Chen. Minsan gusto ko na lang sapakin pero respeto pa rin. Kahit na ganyan iyan hyung ko pa rin iyan. 2 months lang naman.

"Ikaw kaya nagsama sa akin! Bigla mo na lang akong pinapasok sa sasakyan mo. Ang sarap ng jogging ko eh," nagdemo pa siya. Ugh, kakainis.

"If I know naman sinadya mo talagang mapadpad doon sa village nila Baekhyun. And knowing you? Tamad kang maglakad, tumakbo pa kaya? Nako not me, Chen," pinalo niya ako nung towel niyang puno ng pawis. Kadiri talaga!

"Ang sama mo sa akin! Hindi ba pwedeng magbagong buhay?" Napahawak ako sa baba ko, minsan masarap din kaasaran itong si Chen basta nababara.

"Pwede naman," ngumiti siya ng malapad. "Pero you're an exception," inambahan niya akong babatuhin ng towel pero hinilamos ko na lang iyong palad ko sa mukha niya. Ayaw na ayaw niya kasing ginagawa ko sa kanya iyon, palibhasa kayang sakupin ng isang palad ko iyong buong mukha niya.

Hindi ko ata kayang tagalan iyong kaabnormalan ni Chen kaya tumayo na lang ako at sumilip doon sa pintuan ng OR. Kasalukuyang may tinatahi iyong Daddy ni Suho hyung sa dibdib ng Mama ni Baekhyun. Ilang oras na sila sa loob, parang magta-talong oras na pero hindi pa rin tapos iyong operasyon. Naramdaman ko na lang na may nagpatong ng ulo sa malapad kong likuran. Aba ganito pala yung malungkot na Baekhyun, clingy.

"Magiging ayos din ang lahat," ngumiti ako at ginulo ng bahagya iyong buhok niya. "Ayan na! Tapos na sila, Baekhyun!" Nakita ko na kasing nagtanggal ng surgical gloves at mask iyong Daddy ni Suho hyung.

"Kamusta na po Mama ko?" Tanong ni Baekhyun sa Daddy ni Suho hyung na kakalabas lang ng OR.

"Successful iyong operation though kung hindi pa naagapan baka hindi na natin naisalba ang buhay ng Mama mo, stage 3 na kasi. Kumalat na yung cancer cells, pero himala na rin siguro na hindi gano'n kalala iyong pagkalat nito. Kung tutuusin parang stage 1 lang iyonh cancer niya," lahat kami nakahinga ng maluwag sa sinabi ng Daddy ni Suho hyung. "Ah. Chanyeol, pwede ba kitang makausap privately?" Tumango na lang ako.

Pagkatapos, nag-excuse na iyong Daddy ni Suho hyung dahil may aayusin pa raw siya. Inutusan ko naman si Chen na bumili ng makakain namin para sa lunch, noong una ayaw niya pa kasi nga maglalakad lang siya, there's no way na ipapagamit ko sa kanya iyong sasakyan ko ano! Mabuti na lang at nag-volunteer si Sehun na samahan siya kaya ayan, umalis si Chen kasama niya.

"Papa, Baekbom hyung," napangiti na lang ako dahil sa pag ngiti ni Baekhyun. Contagious talaga ang ngiti niya. Sobrang nakakahawa. Napansin niya atang nakatingin ako sa kanya kaya nilapitan niya ako at niyakap. "Salamat, Chanyeol. Utang namin sayo iyong second life ni Mama."

Napakamot na lang ako ng batok. "Ah, wala iyon. Wala naman akong naitulong kung tutuusin."

"Pero ikaw iyong nag-suggest dito. Salamat talaga, Chanyeol."

Iniwan ko muna sila saglit doon at nagtungo sa opisina ng Daddy ni Suho hyung at naabutan ko silang dalawa na seryosong nag-uusap. "Suho hyung? Kaylan ka pa dumating?"

Pero imbis na sagutin ako ay marahas niya akong pinaupo sa upuan sa harap ng table ng Daddy niya. "Chanyeol," napamasahe si Suho hyung ng sentido. Ano na naman ginawa ko? "Alam mo ba kung gaano kamahal iyong operasyon na ginawa ni Daddy kanina?" Napailing ako. Sa totoo lang I'm not knowledgeable enough about that. Basta ang gusto ko lang gumaling iyong Mama ni Baekhyun. That's all. I don't care how much it'll take me to pay for it.

"Chanyeol anak, milyon kasi iyong halaga ng operation na iyon. Nakwento sa akin ni Junmyeon kung gaano mo gustong tulungan iyong anak ng inoperahan namin, pero kasi kapag nalaman ito ng mga magulang mo paniguradong mapapauwi sila ng wala sa oras galing sa China," okay lang. Gusto ko nga iyon. "Nalaman ko rin na sinabi mo pala kay Baekhyun na free ang service dito sa ospital namin?"

"S-sorry, Uncle. Wala na kasi akong maisip na ibang paraan para mapapayag siya eh."

"Kung ako lang iyong nag-opera sa Mama niya kanina, sige hindi ko na papabayaran, pero kasi iyong mga kasama ko sa loob ng OR kanina, mga professionals, hindi lang basta licensed doctors sa ibang bansa iyon. They flew away from other countries to the Philippines just to make this operation successful because to be honest? There's 0 chances na makakasurvive ang Mama ni Baekhyun. What I said earlier were all lies, pero she survived and that's a miracle."

"How much would it cost po ba, Uncle? Magkano ba lahat ng kaylangan kong bayaran?"

"500,000 pesos, Chanyeol. Exclusive of the hospital fees, balato ko na rin sayo iyon," napatingin ako kay Suho hyung, naiiling niya akong tinignan. Saan ako kukuha ng 500,000?! Sure, may pera akong ganyan sa bank account ko pero paniguradong magagalit sina Mommy at Daddy kapag nalaman nilang nag-withdraw ako ng ganyan kalaking amount.

"Hanggang kaylan po?"

"'Til the sun sets, today," para akong binagsakan ng langit at lupa dahil sa sinabi ni Uncle at bigla na ring sumakit ang ulo ko. Kaya kong ilabas iyong 500,000 na iyan pero hindi ko alam kung saan ako pupulutin after malaman nila Mommy at Daddy iyong gagawin ko.

"Okay po. Magwi-withdraw ako ngayon na rin. Salamat, Uncle," bagsak ang balikat ng lumabas ako sa opisina ni Uncle. Narinig ko pa ang huling pag-uusap nila ni Suho hyung bago ako tuluyang makayo sa office niya.

"I told you, Dad. He's gonna do everything just for Baekhyun. Sana hindi mo na sinabi sa kanya. I'm willing to pay that 500,000."

"No, Junmyeon. You can't do that. I know malapit sa atin sila Chanyeol but 500,000 isn't just a small amount of money. It can feed thousands of people."

-

-

Wala sa sarili akong nag-drive pabalik ng ospital, galing kasi ako sa bangko. Pinayagan nila akong mag-withdraw ng gano'n kalaking pera pero nagpadala sila ng notice kay Mommy at Daddy sa China. I'm doomed.

"Chanyeol, okay ka lang? Bakit parang maputla ka?" Hindi ko inaasahan na sasampalin ko palayo iyong kamay ni Baekhyun na nagbabadyang hawakan ako.

"S-sorry. Pagod lang ako, pakisabi kay Tita pagaling siya. Hindi na naman siguro ako kaylangan dito dahil si Sehun na maghahatid sa inyo pauwi diba?" Tumango siya. Bakit ang bitter ko ata ngayon?

"Hyung, thalamat. Ingat tha pagda-drive," dati napapatawa ako ng lisp ni Sehun pero ngayon hindi na. Ewan. Nagseselos ako, naiinis ako tapos dumagdag pa itong problema ko na ito.

-

-

Hindi pa man din ako nakakasakay ng sasakyan ko ng biglang nagring ang cellphone ko. Pagtingin ko sa caller ID, kinabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Si Daddy ang tumatawag.

"D-daddy? Whatㅡ"

"Be home before 8PM. We will talk, Park Chanyeol."

Yeah. I'm really doomed. Tumawag pa sa akin si Yoora noona asking what happened, turns out tinawagan din siya ni Daddy at pinapauwi sa bahay ng ganoong oras.

Great Chanyeol, great! You just made your perfect Mom and Dad their way home. How stupid. I never dreamed of this, I want them to come back as our Mom and Dad not as Mr. and Mrs. Park who are always busy with their business in China.

-

-

Saktong 8PM nang dumating ako sa bahay at dalawang duffel bags ang sumalubong sa akin. What do I expect from my Dad? Isang mahigpit na yakap naman ang naramdaman ko. How long did I last experienced this? Gaano na ba katagal simula noong huli kong naramdaman na may Ina akong handang sumuporta at gumabay sa akin? I missed her scent so much. I hugged her back only to find her crying on my chest. Mas matangkad kasi ako kay Mommy, abnormal ata talaga height ko.

"My dear, Chanyeol," oo gusto ko na umuwi sila dito galing China kaso hindi sa ganitong rason. Hindi sa dahil papalayasin na ako sa bahay namin. "I missed you so much, son."

"I don't know where or with whom did you spent the money I've worked hard but one thing for sure is you're not using your brain, Park Chanyeol."

Isang tao lang ang may kakayahang magpabilis ng tibok ng puso ko. Isang tao lang ang may kakayahang magpakaba sa akin ng ganito. Kahit papaano namiss ko rin yung baritono niyang boses. I looked at him. Hindi maikakaila ang katandaan sa mukha niya at halatang pagod na pagod siya.

"I won't hear out any of your explanations so, leave."

"Daddy! Wala sa usapan natin na papalayasin ng bahay si Chanyeol! He can't afford a living!" Sabat ni Yoora noona.

So nagkaroon na pala ng family meeting kanina? Hah. All my life, parehas kaming kontrolado ng parents namin. Buti nga medyo nag-loosen up na iyong grip nila, dati talaga para lang kaming robot ni Yoora noona na sumusunod sa gusto nila, specifically sa mga gusto ni Daddy.

"You have to pay for it, Chanyeol. 30 days. Spend 30 days of your life without us, without my money. I don't care where will you live or what will you eat. I just want to teach you some things. You don't spend big money just like that! Halos magkanda kuba kami ng Mommy niyo sa China para lang mabigyan kayo ng maayos na buhay!" At ngayon kami ang sisisihin niyo? Great, just great.

"I'm thankful to have both of you as our parents, I really do. But while you're busy making money at China, you didn't realized that you're losing your children, don't you? And I didn't spend that money over an unimportant matter. Dad, Mom, you don't know it actually saved someone's life," nagulat silang tatlo sa sinabi ko.

Hindi na ako mag-eexplain, tama na siguro iyong nalalaman nila. At least alam nila na hindi ko sinayang iyong pera na iyon sa walang kabuluhang bagay. Kahit na ganyan si Daddy, malambot pa rin ang puso niyan pagdating sa pagtulong sa kapwa. Trust me, there's still a little bit of kindness left in his heart, hindi lang halata.

Bumitiw ako sa pagkakayakap ni Mommy at dinampot ang mga bag na naglalaman ng mga damit ko. "I'll take the consequences of my actions. I'll be leaving."

-

-

Ang una kong ginawa pagkalabas ng village ay maghanap ng ATM para i-check kung pina-freeze ba ni Daddy iyong mga card ko. Nakahinga naman ako ng maluwag nang malaman kong hindi niya ginawa. I'm still thankful kahit na pinalayas niya ako ay hindi niya ginawa iyon dahil wala akong balak maging pulubi sa loob ng 30 days.

Guess who's sleeping on his car for this night?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro