Ika-anim na Kabanata
Byun Baekhyun.
"Chanyeol!" Napapiyok ako nang maramdaman kong gumalaw iyong daliri ni Chanyeol na nakapatong sa kamay ko. Halos tumalon naman ako paibabaw sa kanya nang makita ko na unti-unting bumukas iyong mga mata niya. "Chanyeol! Gising ka na!" Natataranta akong akmang tatayo mula sa pagkakaupo pero naramdaman kong hinila ako ni Chanyeol pabalik sa upuan at mataman niya akong tinitignan. Kung pwede lang siguro akong matunaw, natunaw na ako dahil sa sobrang intense ng pagtingin niya sa akin ngayon.
"S-saan ka pupunta?" He asked with a crooked voice kaya inabot ko iyong bote ng tubig sa kanya at hinayaang inumin iyon. Nakakaawa ang sitwasyon niya ngayon sa dami ng pasa niya sa mukha at halatang nanlalambot pa rin siya sa sakit ng katawan niya kahit na isang buong araw siyang tulog.
"I-ipapatawag ko iyong doktor? S-sabi niya kasi tawagin ko siya kapag nagising ka na," pero hindi binitawan ni Chanyeol ang kamay ko at umiling lang. "Chanyeol, saglit lang. Malapit lang naman iyong headquarters ng mga nurse dito sa kwarto mo eh."
"'Wag na. Dito ka lang sa tabi ko," and that made me shut up kaya naupo na lang ako sa tabi niya. Sinundan ko naman ng tingin iyong kamay niya nang biglang may pinindot siyang button sa gilid ng higaan niya. "Hi, this is Park Chanyeol, the patient inside room 506. I'm awake right now."
Napakamot ako ng ulo dahil hindi ko napansin iyon kanina. Naramdaman kong ginulo ni Chanyeol iyong buhok ko kaya saglit akong napapikit, sinusubukan kong damdamin iyong kamay niya sa buhok ko dahil ngayon lang ulit kami naging ganito. "Tsk. Hindi mo kasi ginagala iyong mata mo eh."
"M-malay ko ba! Hindi naman kasi ako taong ospital eh," napaiwas na lang ako ng tingin dahil naiilang ako sa mga tinginan ni Chanyeol. Ayos na ba kami? "Kamusta na pala pakiramdam mo?"
"Medyo mabuti-buti na naman. Kaso medyo namamanhid pa rin iyong mukha ko at iyong parte ng tiyan ko na sinipa ni Daehyun. Gago talaga iyon! Hintay lang siya kapag gumaling na ako, gagantihan ko siya!"
"Language, Chanyeol," hindi ko na lang pinansin iyong panggagalaiti niya kay Daehyun bagkus, ipinagbalat ko siya ng mansanas na dinala nila Kai at Suho hyung kahapon noong dumalaw sila rito. Nasabi rin nila na babalik na sila sa Pilipinas ngayong gabi samantalang pupunta naman dito sa China si Sehun sa makalawa para magbakasyon ng isang linggo.
"Baek. . ." Napatigil ako sa paghihiwa nang marinig ko iyong nagsusumamong boses niya. Ngayon niya lang ulit ako tinawag ng ganyan simula noong bumalik ako, sobrang miss na miss ko na iyong dating kami. Hindi ako nagsalita pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Sana naman hindi bad news itong lalabas sa bibig ni Chanyeol ngayon. "S-sorry."
Nginitian ko siya at binitawan iyong hawak kong mansanas. Naupo ako sa gilid ng kama niya at hinawakan iyong isa niyang kamay habang hinahaplos ko naman iyong malambot niyang buhok. "Wala iyon. Naiintindihan ko naman."
Nginitian niya rin ako bilang tugon at pinilit na maibangon iyong sarili niya mula sa pagkakahiga. Nagulat ako nang bigla niyang hinalikan iyong dalawa kong kamay at binigkas ang mga salitang matagal ko ng hinihintay na lumabas sa bibig niya. "I love you so much, Park Baekhyun. Handa na akong kalimutan lahat ng mga nangyari sa nakaraan. Forgive me for all I have done to you and let's start anew."
Nakatulala lang ako sa kanya habang unti-unting bumubuhos iyong mga luha galing sa mata ko. Nakikipag-ayos na siya sa akin? Pinapatawad na niya ako? Matagal kong hinintay na dumating itong araw na ito kaya siguro hindi ako makagalaw sa kinalalagyan ko ngayon dahil sobrang nagbubunyi ako sa loob-loob ko. Sa wakas, tapos na rin ang paghihirap ko. Sa wakas, naputol na iyong nararamdaman kong guilt dito sa loob ng sistema ko. Napapikit na lang ako nang ipinulupot ni Chanyeol iyong mga kamay niya sa bewang ko at mas nilapit pa ang mukha niya sa akin hanggang sa nagdampi na ang mga labi namin. Naramdaman ko na rin na medyo nanginginig na si Chanyeol kaya pasimple akong dumilat only to see his crying face. Umiiyak din siya. Alam ko sa sarili ko na sobra akong nahirapan pero hindi ko rin inalis sa isipan ko na nahihirapan din si Chanyeol dahil sa kagagawan ko kaya hindi ko kayang magalit at kamuhian siya ng tuluyan. Sure, nagalit ako sa kanya sa muntik niyang pagpatay sa akin pero diba ako pa mismo ang sumundo sa kanya sa bar at ako pa mismo iyong nagtanggol sa kanya laban kay Daehyun? I guess, love can make everyone fool and I know that this love is always worth the pain.
Magkadampi lamang ang mga labi namin, walang gumagalaw nang biglang bumukas ang pintuan at nakarinig kami ng malakas na sigaw galing kay Kai. "Hala! Suho hyuuuuuuuuung!!!!" At mabilis rin namang nagsara muli ang pintuan.
Napabitiw kami sa halik at bahagyang natawa sa eksena ni Kai kanina. Naramdaman kong hinaplos ni Chanyeol iyong pisngi ko ng hinlalaki niyang daliri at binigyan na naman ako ng isang nakakasilaw na ngiti. "'Wag ka ng iiyak, ha? This time, I'll make sure na kung iiyak ka man ay dahil sa sobrang saya na. Mahal na mahal kita, Baek."
Nginitian ko siya at dinantay ang ulo ko sa malapad niyang dibdib. Ang lakas ng kabog nito dahil sobrang ramdam at rinig ko iyon ngayon. "I love you too, Yeol. Thank you."
-
-
"Haynako, Kai! Kita mong nag-aayos ako ng hospital bills ni Chanyeol tapos ganito lang pala madadatnan ko?! Ano bang masama sa pagyayakapan? Mag-asawa naman sila, ah!" Napalingon kami ni Chanyeol kay Suho hyung na nakakunot ang noo habang si Kai naman ay nakatakip ang mga mata ng dalawa niyang palad, parehas silang nakatayo sa gilid ng pintuan ngayon.
"Hindi, hyung! Kanina pagpasok ko nagha-halikan sila Baekhyun hyung at Chanyeol hyung! Hala!!!! Lagot ako kay Kyungsooo hyung! My virgin eyes!" Napailing na lang kaming tatlo sa sinabi ni Kai at tumabi sa akin si Suho hyung habang binibigyan ako ng tipid na ngiti.
"Kamusta na ang pakiramdam mo, Chanyeol?" Tanong ni Suho hyung at mukhang mag-uusap sila ni Chanyeol kaya umalis muna ako sa pagkakatabi sa kanya at dinikitan si Kai na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-get over sa nakita niya kanina.
"Ang OA mo!" Pinalo ko iyong balikat niya dahilan para mag-freak out na naman siya. Sabi niya okay lang naman daw sa kanya na makakita ng nagme-make out pero kasi hindi naman daw kami okay ni Chanyeol kaya nagulat siya ng sobra noong nakita niya iyong ginagawa namin kanina, it's not like we're having sex for everyone's sake! Simpleng matagal na peck lang naman iyong ginawa namin ng asawa ko kanina.
-
-
Dinischarge na rin namin si Chanyeol sa ospital noong araw na iyon dahil hindi na raw niya kaya pang magtagal sa lugar na iyon ng isa pang araw kasi nasusuka na siya sa mga naamoy niya sa paligidㅡna kahit ako rin naman. I loathe hospitals so much kasi puro may sakit lang ang nandoon. Hindi sa nandidiri ako pero it's such a traumatizing view for me seeing people coming in and out with different kind of sickness.
Noong gabing din iyon kami muling nagsimula ng panibagong buhay. Kung dati hindi kumakain si Chanyeol ng mga niluluto ko, that time ilang beses niya akong pinagluto ng pagkain dahil nasasarapan daw siya sa mga niluluto ko at mas magaling na ako magluto sa kanya. Hindi na rin niya ako sinisigawan, sa totoo lang ang layo ng diperensya ng pagtrato niya sa akin ngayon sa paraan ng pagtrato niya sa akin dati. Kulang na lang pagsilbihan niya ako sa mga paalala niya sa akin na tumingin daw ako lagi sa dinadaanan ko, na lagi ko daw bubunutin lahat ng mga nakasaksak sa bahay, na ayaw niya raw na uuwi sa bahay namin ng wala ako, at marami pang iba. Kung dati sobrang layo ng loob niya sakin, ngayon naman kulang na lang maging linta siya sa sobrang pagiging clingy sa akin. I am loving this kind of set up with him, at hindi ko na hahayaang bumalik pa kami sa dati naming sitwasyon.
"Ano ba, Yeol!" Pinalo ko iyong braso ni Chanyeol. Paano ba naman kasi! Niyaya ko siyang mag-grocery ngayon dahil day-off niya pero binabalik niya lang lahat ng mga nilalagay ko sa push cart namin. "Bakit mo ba binabalik lahat?! Kaya nga tayo nandito para mag-grocery!" Inis ko siyang tinabig at kinuha muli iyong ibinalik niyang dalawang gallon ng ice cream sa fridge. Kakarating lang kasi namin dito at ice cream section ang una naming nadaanan.
Tinapakan ko iyong paa niya dahil binalik na naman niya iyong ice cream sa fridge. Kukunin ko na sana ulit iyon nang bigla akong napaaray dahil kinurot niya ako sa tagiliran. "See that? Baby fats, baby. Halika na."
Nagdadabog akong sinundan siya hindi dahil sa ice cream kundi masakit iyong pagkakakurot niya sa tagiliran ko kanina. Dahil nga nagdadabog ako habang naglalakad at hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko at nabunggo ako sa malapad na likuran ni Chanyeol. Pag-angat ko ng tingin sa kanya, nakakunot ang noo niya habang nakahalukipkip siya at tina-tap ng paa niya iyong flooring ng mall. "Park Baekhyun."
Para naman akong isang bata na nagpa-padyak sa harapan ni Chanyeol regardless of those people passing. Gusto ko talaga ng ice cream kaya hindi ako papayag na aalis kami dito ng walang uwing ice cream. Kahit one gallon nga lang eh!
"A-ano?" napayuko ako. Magpapa-cute ako kay Chanyeol hanggang sa bilhin niya ako ng ice cream. Hwaiting, Park Baekhyun!
"Iba na lang kasi bilhin mo. Tignan mo nga iyong mga baby fats mo, oh," tinabig ko iyong kamay niya nang akmang kukurutin na naman niya iyong tagiliran ko. "Kita mo na, ni hindi mo nga gusto ipahawak sakin kasi nahihiya ka."
Tinignan ko siya ng masama. "H-hindi ako nahihiya! Masakit ka lang talaga mangurot!" Totoo naman eh. My baby fats don't have something to do with it, nanggigigil kasi siya sa mga baby fats ko kagabi pa kaya masakit iyong tagiliran ko ngayon. Nakatulog siya sa kakakurot nito.
"Hays, sige na nga," para namang nagliwanag ang mukha ko nang makita ko siyang naglakad pabalik sa fridge at kumuha ng ice cream. Kaso iyong nasa cone lang at mabilis na bumalik iyong inis na ekspresyon sa mukha ko nang iniabot niya sa akin iyon. "Tama na iyan, okay? At least binilhan pa kita. Tara na," halos madapa naman ako sa biglang paghila niya sa akin kasabay ng pagtulak ng cart namin na wala pang kalaman-laman kundi iyong mga eco bags na dinala ko kanina.
-
-
"Ah, sir, we strictly prohibit eating ice creams inside the store especially when it's not yet paid," napatigil kami ni Chanyeol sa paglalakad nang biglang hinarang kami ng isang saleslady ng grocery na ito.
"A-ah? Really?!" Natataranta kong tanong, bakit ko naman kasi nakalimutan iyon?! Hindi naman ito iyong first time na nakapasok ako sa ganito, eh. Sobrang nami-miss ko lang siguro kumain talaga ng ice cream at sobrang nag-eenjoy lang siguro ako na kasama si Chanyeol kaya ko nakalimutan iyon. "Y-you're not gonna put me into a jail and file a case against me, right?" Natawa na lang iyong saleslady sa akin at umiling bilang tugon, nakahinga naman ako ng maluwag.
Parehas kaming napatingin ng saleslady kay Chanyeol nang bigla siyang nilabas ng wallet at itinapat iyon sa mukha ng saleslady. "The owner of this store is one of my business partners, I can pay him anytime I want, so if you'll excuse us. We still have more things to do today," at naiwan naming nakayuko iyong saleslady doon sa kinakatayuan niya.
"What was that? Ang rude mo naman! She's telling me nicely na mali iyong ginawa ko tapos ginanon mo siya? Hoy, Chanyeol!" Binato ko siya ng tissue na nadaanan ko dahil hindi niya ako pinapansin at patuloy lang sa paglalakad.
Binalik niya sa tissue rack iyong binato ko at mahigpit akong hinawakan sa kamay. "Ayaw ko na pinipigilan ka sa mga bagay na gusto mong gawin," at hindi ko na napigilan ang pagpula ng mukha ko. My Park Chanyeol is back. He's definitely back to his old self.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro