V. Ex
V.
"I'll pick you up later after class ,okay?" sabi ni jongin. Napangiti at tumango ako. He kissed my forehead bago siya umalis. Napahawak ako sa noo ko.
Apat na buwan na ang nakalipas nang maging kami at masaya ako. Kahit na minsan nilalandi pa rin siya ng mga babae, ayos lang. May tiwala ako sa kanya.
Sabi niya hindi niya ako sasaktan, kaya naniniwala ako sa kanya kasi mahal ko siya. Naglakad na ako papunta sa class ko at tumabi kay baekhyun. Nakapahalumbaba siya at nakatingin sa kawalan.. Baka nagkatampuhan sila ni yeol?
"Anong nangyari?" Tapik ko sa balikat niya. Medyo nagulat siya sa ginawa ko. He looked at me with those puppy eyes, argh.
"Naiinis ako kay chanyeol.. obvious naman na nakikipagflirt si nana sa kanya eh. Kaso pinipilit niya na friendly lang talaga yung bruhang yun. Sooooo!! Ayoko na! Bakit ba ang tanga ng bestfriend mo?" He whined. Natawa ako sa pagsumbong niya, hindi na siya nasanay kay chanyeol, lagi naman yan ganyan.
"Don't worry.. kahit ano naman flirt sa kanya ni nana, ikaw pa rin naman ang mahal niya. Kaya you need to trust him." Isang minuto din siyang nag isip bago tuluyan siyang nakumbinsi.. Sakto naman nito ang pagpasok ni prof. Lee sa loob ng room.
---
"Jongin? Saan tayo pupunta?"i asked. Ang akala ko kasi uuwi na kami pero iba yung daan na pinupuntahan namin.
"Basta...Secret... Just wait and see okay?" hindi na ako sumagot at sumandal ng maayos sa kotse. Ilang sandali pa lamang ay huminto kami sa isang malaking bahay. Malakas ang sounds mula sa likod ng bahay, parang may birthday..
Pinababa niya ako at hinila niya ako papasok ng bahay. Sinalubong kami ng maid at may inabot ito kay jongin. Ibinigay naman niya sa akin ang isang plastic.
"Suotin mo yan.. tapos pupunta na tayo sa likod ng bahay.." tumango lang ako, kinurot naman niya ako sa pisngi. Bakit ba gigil na gigil siya sa pisngi ko?
Pinapasok na niya ako sa malaking banyo ng bahay nila. Napatingin ako sa paligid ko, bahay ba nila ito? Ang laki talaga...
Inilabas ko ang susuotin ko sa loob ng plastic at tinignan ito... penguin? Costume to ah? (Yung suot po nila noon sa Exo'luxion Dot) Confused naman akong isinuot iyon at lumabas. Nakita ko si jongin na nakasuot ng bear costume
'Bearnini... ang cute' isip ko. Lumapit ako sa kanya and pinched jongin's nose. He chuckled at nanggigigil na hinalikan ang pisngi ko.
"Ang cute mo..."
"Hindi kaya, ikaw kaya ang cute." Natigilan kami nang makarinig kami ng tumikhim. Sabay kamong napalingon, nakita namin ang dalawang lalaki. Yung isa naka-sheep costume at nakaakbay naman sa isa na naka-bunny costume..
"Ano? Lalandiin mo pa yang boyfriend mo o ipapakilala mo na siya sa amin?" Tanong ng nakabunny. Hinila naman ako papalapit ni jongin sa kanilang dalawa at ipinakilala.
"Kyungsoo, this Zhang-Kim Junmyeon my brother and his husband Zhang yixing.. Hyungs si Do Kyungsoo, my soon to be husband" nandidiri na tumingin ang nakabunny kay jongin samantalang natawa lang yung nakasheep. Napayuko ako nakakahiya.
"Kailan ka pa naging corny, jongin? Oo nga pala kyungsoo, suho na lang ang itawag mo sa akin.."
"Lay naman ang itawag mo sa akin. Tara na sa likod.. Jongin hinahanap ka na ni Junhyun.." sabi nila at pumunta na kami sa likod ng bahay. Ang daming bata ngayon at tama nga ang hinala ko, may birthday. Costume party.
Tumakbo naman papalapit kay jongin ang isang bata na naka-puppy costume. Binuhat niya ito at hinalikan sa pisngi..
"Happy birthday hyun!" Ngumiti ang bata sa kanya at lumingon sa akin. Ngumiti ako.
"Hi! happy birthday! Im Tito kyungsoo! What's your name?" Tanong ko. Hindi sumagot ang bata, tumingin lang ito kay jongin na parang namomroblema. Ibinaba niya ang bata at nagsign language. So it means?
Tinanguan ako ni jongin..
"His name is zhang Junhyun, My Hyung's son, as you can see.. uhh, he can't hear us.. since birth na iyan. At alam mo ba parang anak na rin ang turing ko sa kanya" he looked at the boy so lovingly. napangiti lang ako ng malungkot, lumapit ako sa bata at niyakap ito.. nakita ko naman ang mga magulang niya na masayang nakatingin sa amin.
Kumalas ako sa pagkakayakap at kita sa mata ni junhyun ang tuwa. Ang sarap niyang tignan maghapon.
Kumapit siya sa kamay ko at hinila ako papunta sa cake. Natawa si jongin at sumunod sa amin.
---
"Pag nagka-anak tayo, ilan ang gusto mo?" Biglang tanong niya. Niyakap niya ako mula sa likod. At tahimik kaming nakatingin sa mga batang nag-eenjoy na naglalaro.
"Hmmm. Two?"
"Two lang?" Tumango ako at sumandal sa kanya. Ipinatong naman niya ang baba niya sa balikat ko.
"Ang cute siguro na parehas kayong nakasuot ng ganito.." tukoy niya sa penguin costume. Bigla na lang siya nag imagine nang hindi niya napapansin. Ang dalawang anak nila naka costume din katulad nila, ang cute isipin..
"Oo nga ang cute.. two cute little penguins.." parehas kaming napangiti, ang sarap isipin na magkakapamilya kami.
"Gawa na kaya tayo ng baby? Uwi na tayo" sabi niya at tinanggal ang hood ng costume. Sinimulan niyang halikan ang leeg ko hanggang sa balikat ko. Natawa ako..
"Tara..." birong sabi ko pero hindi ko inakalang sineryoso niya kaya hinila niya ulit ako pauwi at nangyari na ang alam niyo na... uhh
----
Naglalakad na ako palabas ng building ng school, kakatapos lang ng class namin. Sabi ni jongin ay maghintay ako sa gate dahil may gagawin lang siyang importante. Papalapit na ako sa labas nang makarinig ako ng ungol..
At dahil sa curiosity, hinanap ko kung saan nanggaling iyon.
Sa pinakadulong room iyon nanggaling at dahan dahan akong sumilip..
Doon bumagsak ang mundo ko.. Curiosity kills the cat ika nga nila..
Krystal , jessica and jongin... they're all half naked...
"Leave him already.. hindi ba nakipagrelasyon ka lang sa kanya dahil humingi ng tulong sa iyo si luhan, hindi ba? Ayaw niyang maging malungkot si kyungsoo, hindi ba? "
"oo nga,Nandito naman kami eh. You don't love him, right?" sabi nila, unti unting tumulo ang luha ko. Gusto kong humagulgol pero hindi ko kaya.. pagod na ako.
dahan dahan kong binuksan ang pinto. Kita sa mata ni jongin ang gulat.. Nginitian ko siya at inalis ang sing sing na ibinigay niya sa akin noong unang inangkin niya ako. Dahan dahan ko din itong inilapag sa sahig bago tuluyang umalis.
Nakita ko pa siyang nagmamadaling isuot ang damit niya. Naglakad ako ng mabilis, hoping na hindi niya ako maabutan, pilit kong pinupunasan ang luha ko na hanggang ngayon ayaw pa rin tumigil sa pagtulo.
Naramdaman kong may humawak sa braso ko, tumigil na ako sa paglalakad pero hindi ako humarap sa kanya.
"Soo.." hindi ako sumagot.
"Soo, im sorry... t-totoo ang mga narinig mo kanina pero soo, dati talaga kaibigan lang ang turing ko sa iyo pero minahal kita at mahal pa rin kita. Soo, sorry hindi ko inamin sa iyo to. Ayokong saktan ka, ayokong isipin mo na kaya tayo pa dahil hindi kita maiwan. No, kyungsoo. I love you so much. Please forgive me.." pagmamakaawa niya. Humarap ako sa kanya. Umiiyak na din siya ngayon.
"Hindi mo na kailangang magsinungaling pa sa akin ngayon. Naiintindihan ko naman jongin. Gusto lang naman nga na pasayahin ako ni hyung. Oo, inaamin ko sa loob ng apat na buwan naging masaya ako. Salamat sa mga nagawa mo jongin" ngumiti ako ng mapait. Umiling iling si jongin at hinalikan ang labi ko. Wag mong gawin yan jongin... nanghihina ako.
"No , soo. I'm not lying. Don't break up with me.. don't leave me please.. hindi ba, magkakaroon pa tayo ng baby penguins? Kyungsoo, i love you please.." he said between our lips. Bumitaw ako sa halik at pinunasan ang luha niya.
"i love you too pero sa tingin ko.. kailangan muna nating maghiwalay. It's for the best , hmm?" Sabi ko, hinawakan naman niya ang kamay ko na nasa mukha niya.
"Hindi mo na ba ako mahal, soo?"
"I still love you, pero sa tingin ko maaga pa jongin.. Narealize ko kanina lang na mas okay kung mag stick na lang tayo as being friends at tapusin muna ang pag aaral natin.." Hindi siya sumagot at umiiyak pa rin. Ayokong gawin to pero nakapagdesisyon na ako. Bumitaw na ako sa pagkakayakap niya at tumingkayad para halikan ang noo niya. Lumakad na ako palayo.
"Take care of yourself jongin.."sabi ko at Lumingon sa kanya.
"Balang araw malay natin magkita ulit tayo."
Then doon nagtapos ang first love ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro