Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IV. Lovers

(Nak byuntistic ito na yung sinasabi ko haha, miss you na!)

IV.

Nandito ako sa likod ng lumang building ng school. Hinihintay kong dumating si jongin, sinabi ko kasi sa kanya na makipagkita sa akin dito after ng class.

Napahawak ako sa chest ko, ang lakas ng tibok ng puso ko. Ano kayang magiging sagot niya? Ano kayang magiging reaction niya? Matutuwa kaya siya? Magagalit? Pero sana wag naman.

"Soo!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si jongin na tumatakbo papalapit sa akin. Bumagal bigla ang mundo ko, ganito pala ang pakiramdam nito. Akala ko noon, hindi totoo yung mga ganitong klaseng pakiramdam, mali pala ako.

"Uh? Soo?" Bumalik ako sa katinuan ko nang mag salita siya. Napalunok ako.. Lalong dumagdag ang kagwapuhan ni jongin ngayon.

"A-ahh. S-sorry. May naisip lang ako..." napangising aso siya..

"Anong naisip mo---No, SINONG naisip mo?" Pinakaemphasize niya pa yung word na 'sinong'...

"Ako ba?" Dagdag niya, alam ko pabiro niyang sinabi iyon.. napayuko ako at napakagat sa daliri ko. Ninenerbyos ako. Alam ko kadiri, pero habit ko na 'to.

Ilang minuto din akong masagot.. paano nga ba magsimula? Eh kung maging straight forward na lang ako? Pwede ba?

"E-eh kung sabihin kong Oo. M-magagalit ka?" Nakayuko pa rin na sabi ko, wala akong narinig na respond. Feeling ko maiiyak ako ng di oras... Nagalit ba siya?

Nag angat ako ng tingin. Blankong nakatingin siya sa akin. Mas lalo akong natakot...

"A-ah, j-jongin... Ano... I love you, please accept me..." napayuko ulit ako, nangingilid na ang mga luha ko. Please, wag kang pumatak...

After 5 seconds, sumagot din siya pero sa sagot na iyon, tuluyang tumulo ang mga luha ko.

"sorry kyungsoo but i can't accept you.." pagkatapos ay iniwan na niya ako. Wala man lang siyang sinabing dahilan kung bakit hindi niya ako magustuhan.

Wala na, tapos na ang friendship namin...

Dapat pala hindi na ako umamin.

---

"Baekhyun pigilan mo akong sugurin yang uling na yan. Kung hindi masasapak ko talaga yan!" Nanggigigil na bulong ni yeol kay baek. Tinap lang siya nito sa likod. Nasa cafeteria kasi kami at kamalas malasan ay nasa katabing table naka-upo si jongin. Kasama ang bestfriend niya si sehun, si luhan at saka yung babae noong isang araw , si Krystal.

Nakatitig lang ako ako kay jongin na nakaakbay kay krystal at kay jessica na kadarating lang. Sa pagkakaalam ko magkapatid si krystal at jessica..

Napayuko ako, bakit ba kasi nagkagusto ako kay jongin? Bakit ba kasi hindi na lang ako naging babae? Alam ko naman na hindi papatol si jongin sa kauri niya.

Pumatak nanaman ang mga luha ko. Ang sakit... ang tanga ko naman. Umamin ako kahit alam ko ang posibleng mga mangyari.

Naramdaman ko na lang may humahaplos sa likod ko. Sa tingin ko si chanyeol iyon. Palihim kong pinunasan ang mga luha ko at nag angat ng ulo. Napatingin ako kay chanyeol na nakangiti lang sa akin pero hindi siya ang humahaplos sa likod. Tapos si baek naman nakita kong nasa cashier at binabayaran ang pagkain niya.

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang nakangiting si kris.. Agad akong napatayo sa inuupuan ko...

"H-HYUNG?!" Sigaw ko, feeling ko nakatingin silang lahat sa akin. Pero di talaga ako makapaniwala... Napangiti ako ng malaki and threw myself at him. Natawa siya at ginulo ang buhok ko.

"How's my little Soo? Ang tagal na nating hindi nagkikita" sabi niya. Kinurot ko siya sa tagiliran. Naalala ko , parang kanina lang ang emo ko, tapos ngayon ang hyper ko na.

Tama, kailangan kong kalimutan na lang ang kahihiyan ko. Time to move on.

"Ayos lang ako ako, paano mo nalaman na nandito kami?" Nginusuan ni hyung si chanyeol at baekhyun. Nag thumbs up ang dalawa.

"Balita ko kasi BH ka kaya nandito ako para asarin ka." Biro niya, hinampas ko ang balikat niya. Nag sorry siya at sinabi na pumunta talaga siya school dahil may hinanap siyang form para sa trabaho niya. Kapag daw kasi hindi napasa iyon agad, baka mafire siya.

Magkasama kami hanggang matapos ang klase, wala na rin naman ako class noon kaya sinamahan ko na siya. Matagal tagal na rin noong huli kaming mag usap.

Nasa parking lot na kami. Late na kasi, hinatid ko lang siya dito.

"Hatid na kaya kita soo?"offer niya. Napangiti lang ako.

"Wag mong sabihin na nahihiya ka pa rin? Come on soo. Ang tagal na nating magkakilala eh.." tatango na sana ako para pumayag nang maramdaman kong may humawak sa wrist ko. Napalingon ako pagkatapos napalunok. Nagsimula din bumilis ang tibok ng puso at namamawis na din ako.

"Hindi siya nahihiya, di siya makasagot dahil may maghahatid na sa kanya.." sabi ni jongin. Cold ang expression niya kay hyung. Ilang minuto din nang magets ni hyung, tinignan niya ako na parang tinatanong kung siya nga. Tumango ako.

"Okay, soo. Bibisita ako sa bahay niyo bukas. Baka hinahanap na ako ni tita. Bye" tinanguan ko lang siya at nagdrive na siya paalis. Parehas lang kaming nakatingin ni jongin sa kotse hanggang sa nakaalis na ito.

Napatingin ako sa mga kamay namin. Nakahawak na siya sa kamay ko. Bibitaw na sana ako pero hinigpitan lang niya lalo ang pagkakahawak sa akin.

"J-jongin.. uuwi na ako..." hindi siya sumagot at hinila na ako palayo. Napatingala ako, pumapatak na din ang ulan. Nagpahila lang ako sa kanya hanggang sa waiting shed, hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko..

"J-jongin, pwede ka nang bumitaw.." sabi ko pero hindi parin siya nakikinig.

"Wag mo na siyang papuntahin sa bahay niyo bukas.." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit naman?! Pwede siyang pumunta doon hangga't gusto niya"

"Wag kang tatawa sa harapan niya"

"Anong? Jongin ano bang sinasabi mo?"

"Wag mong hahayaan na hawakan ka niya.." mas humigpit ang hawak niya sa akin. ang sakit na. Kumakawala na ako pero ayaw niya pa rin.

"What the fvck jongin. Bitawan mo ako!"

"NO! FVCK! HINDI KITA BIBITAWAN KYUNGSOO! I'LL NEVER LET YOU GO! D@MNIT! WAG KANG TITINGIN SA IBA KUNDI SA AKIN LANG DAHIL AKIN KA LANG. YOU'RE FVCKING MINE! UNDERSTAND?!" Nanlalaki ang mga mata ko sa pagsigaw niya. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa pisngi ko. Hindi ko malaman kung matutuwa ba ko sa sinabi niya o maiinis.

Unti unting lumambot ang expression niya at natatarantang pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki niya.

"Fvck! Im sorry soo.. hindi ko sadyang sigawan ka. Sorry..." aniya at niyakap ako. Hinaplos haplos niya ang buhok ko.

"Sorry kung iniwan na lang kita kahapon. Sorry kung ang rude ko kanina, na sumabat ako sa inyo ng lalaking yun... Hindi ko mapigilan, sorry i'm just fvcking jealous." Humiwalay ako sa yakap at tinignan siya. Naghihintay ng sagot.

"I... i like you soo." Sabi niya. He slowly cupped my face at unti unting lumapit sa mukha ko. Automatic na napapikit ako dahil alam ko na ang mangyayari.

When our lips touched,

Butterflies started to flap their wings inside my stomach,

Fireworks started to boom,

And the taste of our lips....

Sweet...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro