II. Friends
(Para naman sa iyo to saeng! YourFangirlingUnnie Excited na ako sa ipupublish mo!)
II.
Eversince magkakilala kami ni jongin sa party ni luhan ay naging magkaibigan na kami. Nalaman kong popular talaga siya sa school, pero bakit ganoon? Never ko siyang nakilala? Siguro nga wala akong paki sa paligid ko. Ang alam ko lang kasing gawin, aral, kain at tulog.
"Soo, are you sure mapagkakatiwalaan yang si kim kai?" Chanyeol asked so suddenly. I smiled at him. Ano bang ipinag-aalala niya? Ang bait kaya ni jongin..
"Oo yeol. Wag ka ngang paranoid.. kanina pa tayo sa topic na yan eh. Ano bang problema?" Tanong ko, kanina pa kasi siya di mapakali at laging tanong ng tanong tungkol kay jongin.
"Masama lang pakiramdam ko na sasaktan ka niya soo.." worried na sabi niya. Tinap ko ang ulo niya ng tatlong beses, alam na niya ang ibig sabihin nun.
"Don't expect na hindi ako mag-aalala sa iyo, bestfriend kita at ayokong may mangyari ulit sa iyo. Kahit anong sabi mong wag akong mag-alala, hindi ko mapigilan kyungsoo!" Sabi niya sa ginawa ko. napangiti ako sa sinabi niya. Siya kasi ang laging nagtatanggol sa akin especially sa mga bullies ko, kaya natatakot na siyang may mangyari sa akin dahil minsan na akong naging uto uto sa pagkakaroon ng kaibigan.
Dahil doon never na akong nakipagsocialize. Hindi ko alam pero may something kay jongin kaya pinapasok ko siya sa buhay ko. Hindi ko din alam kung ano iyon pero malay niyo balang araw, masagot ko rin iyan.
"Salamat yeol. Alam ko naman iyon pero trust me on this one. Im sure naman na walang gagawin si jongin sa akin eh." Ngumiti ako yung genuine, para masigurado ko sa kanya na ayos lang ako. Napabuntong hininga siya.
"Okay, but if he did something stupid. Please remind me to break his neck." Natawa ako sa sinabi niya, he's such a good friend, really.
Napatingin si yeol sa wrist watch niya at nanlalaki ang mga matang napatayo sa inuupuan niya. Sa lakas ng pagkakatunog ng upuan niya ay napatingin ang ibang students sa amin.
"Sh*t! Nakalabas na si baek sa school niya! I have to go, see you later soo!" Hindi na niya ako hinintay sumagot at tumakbo na palabas. Alone nanaman ako.
Nakapahalumbaba lang ako nang may magpatong ng pororo drink sa harapan ko. Napatingala ako sa kanan ko, doon ko nakita ang nakangising si jongin. Nginitian ko siya at kinuha ang inumin sa harapan ko.
"Seriously? Pororo?" Binigyan ko siya ng judgemental look.
"Hey, don't judge me! Paborito ko kaya yan."
"Eh, bakit mo binibigay? Paborito mo pala" ngumiti siya ng pagkalaki laki.
"May extra pa ako incase of emergency at tamang tama nakita kita. Binigay ko na sa iyo yung isa para naman macheer up ka." Nahihiya akong nagthank you sa kanya. Di naman sa judgemental ako, i just found it cute. Mahilig siya sa pororo drinks.
"Oo nga pala, bakit nandito ka? Wala kang klase?" Umupo siya sa tabi ko at uminom sa apple flavored niyang pororo.
"Yup, umiikot ako sa buong school then nakita kitang mag isa. Nasaan si park?" Tanong niya. Sinabi ko naman ang dahilan sa kanya. Napa-okay siya at sumandal sa upuan.
Ilang minuto din kaming nag uusap nang may lumapit na babae sa amin. Nagulat na lang ako nang umupo ito sa lap ni jongin na para bang wala ako, bastos...
"Hey babe! Wanna hang out with me?" She asked. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
Napangisi si jongin pero lumingon sa akin para mag sorry... pinatayo niya ang babae sa pagkakaupo nito sa kanya. He whispered to her and i don't give a fvck about that. Ngumisi din ang babae sa kanya at hinalikan siya sa cheeks bago umalis.
Tinitigan ko lang siya, at naghintay ng sagot. Nagshrug din siya at tumawa.. Siguro wag ko nang tanungin sa kanya, sa tingin ko kasi hindi ko magugustuhan ang maririnig ko.
"Hindi ko na tatanungin kung anong pinag-usapan niyo pero bakit hindi ka sumama sa kanya? Okay lang naman kahit iwanan mo ako dito mag isa" his eyebrows furrowed. Sa totoo lang hindi ako magiging okay kung aalis siya.
"Kasama kita, bakit naman kita iiwan? Ikaw lang mag isa at saka isa pa may mamaya pa naman para doon." Ngumiti lang ako sa sinabi niya. inakbayan niya ako At ginulo ang buhok ko. I giggled ang kulit. Binitawan na niya ako pero nakaakbay pa rin siya sa akin.
"Thank you jongin"
"You're always welcome, soo"
---
"What do you mean na hindi mo ako masusundo?" Tanong ko kay yeol na nasa kabilang linya. Pabulong kasi siya kung magsalita, anong nanyari doon?
[After kong sunduin kasi si baek sa school, pumunta agad kami sa apartment niya pero di naming ineexpect na bibisita ang mama ni baek ngayon..]
"Pagkatapos? Anong problema doon?" Narinig ko pa siyang napabuntong hininga.
[Ayaw na niya akong paalisin eh. Magdidinner pa daw ako dito.. sorry talaga soo. Ayaw ko kasing maging rude]
"Okay lang.. if i know nagpapalakas ka lang sa mom ni baek . Sige na bye na." I heard him chuckle before he hangs up. Napailing na lang ako at ibinulsa ang phone ko.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa bus stop. Ilang sandali pa lamang nang makarinig ako ng malakas na busina, napatingin ako sa pinangagalingan nito. Nakita ko si jongin kasama yung babae kanina, sa kotse.
Seriously? Yung babae talaga yung nagdadrive?
I blinked twice.
"Tara soo! Hatid na kita sa inyo!" Sabi niya. I looked at the girl.. nakangiti lang siya. Siguro di naman siya masama.
"Ahh, thank you na lang jongin. Mas gusto kong nagcocommute eh at saka mukhang may lakad kayo baka Nakakaistorbo lang ako." Inilabas ni jongin ang ulo niya sa bintana ng kotse.
"Dali na! We insist! Wala naman kaming lakad eh. Tara na!" Umiling iling ako . Ayoko.. nahihiya ako eh.. nakita kong napasimangot siya at lumabas ng kotse.
"Krystal, mauna ka na. Ihahatid ko lang siya" narinig kong sabi ni jongin sa babae. Nagthumbs up lang siya at umalis na.. nanlalaki naman ang mga mata kong nakatitig sa kanya.
"Cute" he muttered. Namula ako sa narinig.
"B-bakit?"
"Wala lang, feel ko din magcommute eh. Tara na, lakad na tayo..." lumakad na siya pero hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko. Nilingunan niya ako at nagtataka kung bakit di pa ako sumusunod. Sorry , shocked pa rin ako eh.
"Aish! Ang bagal oh! Tara na! Baka maiwan tayo ng bus!" aniya . Nilapitan niya ako pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko. Ngayon ay hila hila na niya ako.
Napatingin ako sa mga kamay namin at napangiti..
Oo nga, siguro kakaiba na ang nararamdaman ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro