Final
Last. Still into you.. I still love you
6 years later
White , puro white.. may red carpet, may mga bulaklak, mga friends and relatives na naka gown and suit.. sobrang saya ngayong araw na ito.
"Soo, ready ka na ba?" Kinakabahang tanong sa akin ni baek. Binatukan ko siya.
"Gaga, Dapat nga ako ang magtanong sa iyo nyan." nagpout lang siya at yumakap sa braso ko. Pinitik ko ang noo niya. Ang arte eh.
"Eh, di ako mapakali.. paano kung magkamali ako? Paano kung matapilok ako sa sobrang kaba? Nakakahiya yun hindi ba?"natataranta niyang sabi, napailing ako at tinap ang ulo niya. Normal lang naman to, lalo na't ikakasal na siya.
Yup ikakasal na ang isang byun baekhyun. Ang groom? Syempre si park chanyeol, sino pa ba? After ng 10 years na relationship nila, nagdecide na si yeol na magpropose at anong nangyari sa proposal? Ayun nahimatay ang bakla.
"Wag kang kabahan... okay, isipin mo na lang ang posibleng mangyari after ng kasal. after ng kasal magiging masaya na kayo, magkakaroon ng pamilya at magandang buhay. O di ba? Ang sayang isipin. Kaya wag ka nang kabahan... " pagpapakalma ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya. Sobrang lamig ng kamay niya. Hinigpitan niya ang hawak sa akin at ngumiti. Bumitaw din agad ako dahil magsisimula na daw. Kinindatan ko siya bago iwanan .
---
Napangiti ako sa dalawang bagong kasal, paalis na ako sa reception nila sa isang resort dahil kailangan ko nang umabot sa flight ko pabalik ng L.A.
Matagal na akong nakatira sa L.A. 5 years na ako doon. Tinapos ko lang ang isa pang taon sa korea noon them after that kinuha na ako ng mom ko sa L.A., pagkatapos noong araw na iyon hindi ko na ulit nakita si jongin. Then after 5 years bumalik ako sa seoul para sa kasal nila chanyeol at baekhyun.
Di na ako nagpaalam kay yeol at baek dahil alam naman nila kung anong oras ang alis ko. Palabas na ako ng resort nang makakita ako ng tuta sa gilid, lumapit ako at binuhat ito..
"Hello.. Nawawala ka ba? Iniwan ka ba ng amo mo?" Sabi ko at hinaplos ang malambot na balahibo nito. Dinilaan naman nito ang kamay ko.
May collar sa leeg niya at tinignan ito, baka sakali makita ko ang owner niya..
'Monggu'
Yan lang ang nakalagay pero wala man lang cellphone number. Walang kwenta naman yung amo nito, paano maibabalik sa kanya yung aso niya?
"Monggu!" Sigaw ng isang lalaki. Natigilan ako sa paglalaro sa tuta nang makarinig ako ng boses. Familiar ang boses.... hindi kaya si..
Nag angat ako ng tingin at nakita ko siya... ang lalaking iniwan ko sa korea 5 years ago..
"Kyungsoo.." kita sa mata niya ang lungkot... Ang tagal na naming hindi nagkita, i... I missed him.
Ibinigay ko si monggu sa kanya, sa tingin ko kasi sa kanya si monggu. Kinuha niya ang tuta at ibinaba.. umupo ito sa harapan namin.
"H-hi..." ngiti ko. Ngumiti din siya...
"H-hello..." bati niya pabalik, pagkatapos nun ay natawa kami.
"Ang awkward, hindi ba?" Sabi niya sabay kamot sa batok niya. Cute...
"Ah, oo nga.." natawa ako, awkward talaga eh.
"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko.
"Nagbakasyon ako dito.. Hindi ko ineexpect na.. makikita kita ngayon"sabi niya at yumuko. Ilang sandali pa lamang ay naging seryoso siya.
"May...K-kinasal ka na?" mukhang kinakabahan niyang tanong, nagsimula na rin bumilis ang tibok ng puso ko.. Bumbalik ang dati...
"H-hindi... hindi pa ako kinakasal... i-ikaw?" Tanong ko pabalik. Baka sakali.. ngayon... Maibabalik pa namin ang dati... Kasi inaamin ko Mahal ko pa rin siya, at hindi nawala iyon.
"Ikakasal na ako..." aniya at ngumiti.. Ang sakit ng mata ko, pakiramdam ko tutulo na ang luha ko ng di oras.. Ibig sabihin lang nito, may iba na siyang mahal.
"C-congrats,N-nasaan ang fiancee mo?" Tanong ko. Nagulat ako nang hawakan niya ang kanang kamay ko at may kinuha siya sa bulsa ng pants niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang singsing iyon. Yun yung singsing na ibinalik ko sa kanya. Unti unting tumulo ang luha ko. Kasalanan mo 'to jongin, lagi mo akong pinapaiyak.
"It's fiance not fiancee.. Nasaan siya? Nasa harapan ko siya ngayon.." Hindi ko napigilang hindi mapangiti, natawa naman siya at niyakap ako.
"I missed you soo. I still love you at hindi ako magsasawang mahalin ka" aniya at hinalikan ang noo ko. Ipinatong niya ang noo ko sa noo niya. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko, napapikit ako sa sarap ng pakiramdam.
"I love you too, jongin. Sa loob ng anim na taon walang nagbago. Mahal pa rin kita.." mas lalong lumaki ang ngiti niya then he closed his space between us.
---
After 10 years..
"ASHER! KYUNGIN! BRUSH YOUR TEETH, RIGHT NOW! JONGIN! MAGHILAMOS KA NA, ANG BAHO MO NA!" Sigaw ko mula sa kusina. Naiistress na ako sa mga batang ito. Mana sa appa nila.
"Wait lang po eomma!" Sigaw ng ten years old kong panganay.
"Eomma, chi Poyoyo!" Sigaw naman ng 4 years old kong bunso.
"Mamayang konti na lang jagiya!" Sigaw naman ni jongin.
Dali dali akong pumunta sa sala at nakita sila kasama ang appa nila. Nakapatong ang ulo ni kyungin sa lap ni jongin samantalang nakakandong at nakasandal si asher sa appa niya.
Nakapameywang akong nakatingin sa kanila, napansin naman ako ni jongin at ngumising aso.
"Eomma, upo ka na kasi dito. Pagod ka eh.." sinamaan ko siya ng tingin. Natawa lang siya at inutusan na ang dalawang bata na magtoothbrush. Nang makaalis na ang dalawa ay tinap niya ang space sa tabi niya at pinaupo ako doon.
"Love you.." bulong niya pagkatapos hinalikan ang leeg ko. Natawa ako.
"Love you too.." i kissed his cheeks. Cheesy...
"Tara, gawa na ulit tayo ng baby.." hinampas ko siya ng pagkalakas lakas, mangiyak ngiyak naman siya sa sobrang sakit.
"Sorry naa." He whined, tumayo na ako para puntahan yung dalawa. mamaya nyan naglaro lang sila doon, nakuu.
"bebe soo naman eh!"
"Tumahimik ka jongin-- WHAT THE?! KYUNGIN ANONG NILAGAY MO SA MUKHA NG KAPATID MO?!"
"Eomma! Tanda na ako tuyad ni appa!"
"Kyungin! anong ginawa niyo sa shaving cream ko?!"
"Sorry appa!"
The two of them giggled. Napabuntong hininga kami at di nagtagal ay natawa.
"We love you po!!"
---
END
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro