Q3 (i) Panayam kay vidacarryon
1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
Ito 'yong panahong gusto ko ng bagong simula, kasama na roon ang paggawa ng bagong writing account sa Wattpad. Bago pa man ako gumawa ng bagong account, kasalukuyan ko nang sinusulat ang 'A Week Before the Plan'. Nagustuhan ko ang pangalan ng pangunahing karakter ko roon na si 'Vida'. Balak ko sanang palitan ang pangalan niya pero hindi puwede kasi may dahilan na kung bakit iyon ang pangalan niya, kaya hinayaan ko na lang na magkapareho kami ng pangalan. Napili ko ang 'Vida' dahil ang ibig sabihin nito ay 'Life' at dinugtungan ko ng 'carry on' para maging palatandaan sa akin na ano man ang mangyari, ilang bagyo man ang pilit na magpatumba sa akin, life must carry on.
2. Ano o sino ang nagsisilbing inspirasyon sa iyong pagsusulat?
Ang pinakauna kong inspirasyon sa pagsusulat ay ang best friend ko, siya rin ang nagpakilala sa akin sa Wattpad. Siya ang naging tulay para makatakas ako sa mundong magulo, dinala niya ako sa mundo kung saan hindi ko kailanman inakala na mamahalin ko: ang pagbabasa at pagsusulat. Nagpapasalamat ako sa kan'ya dahil simula noong umpisa nandoon na siya para suportahan ako, hindi man pulido at maayos ang pagkakasulat ko, nag-tiya-tiyaga pa rin siyang basahin ang mga 'yon. Dahil sa kan'yang walang sawang suporta pinagpatuloy ko ang pagsusulat hanggang sa nakita niya/namin ang pagbabago at progreso ko sa larangang ito.
Isa rin sa mga naging inspirasyon ko ay gusto kong isulat ang mga akdang gusto kong basahin o 'di kaya ay isulat ang mga gusto kong maranasan o gusto ko lamang magbahagi ng aral o leksyon sa buhay. Minsan ay gusto kong lang talagang magsulat dahil doon ay napakikinggan ang mga hinaing ko at hindi lamang naririnig.
3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?
Ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat ay ang pagkawalan o pagka-ubos ng mga tamang salita para ipaintindi, ipahiwatig o ilarawan ng husto ang mga naiisip kong pangyayari sa utak ko. Iyong gusto kong magsulat pero natatameme na ako kapag sinubukan kong itipa ang mga ideya sa isip ko. Kaya rin ako natatagalan sa pagtapos ng mga nobela o epistolaries ko.
Isa pa ay ang pagdududa sa kakayahan ko bilang manunulat. Minsan naiisip kong baka hindi talaga para sa akin ang pagsusulat pero tuwing naalala ko ang mga komento at papuri nila sa mga akda ko nabubuhayan ako ng loob at nagkakaroon ng rason para magpatuloy sa pagsusulat. Hindi man ako madalas magsulat ngayon pero magsusulat at magsusulat pa rin ako.
4. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Sa umpisa talaga ang pinakamahirap. May mga pag-aalinlangan tayo gaya ng baka walang magbasa, baka hindi maganda, at kung ano pa. Pero wala namang nag-umpisa na perpekto na agad ang gawa. Minsan lang tayo mabuhay kaya itodo na natin. Gawin mo kung ano ang gusto mo, kung saan ka masaya. Gusto mong magsulat? Go! Natatakot ka? Go pa rin! Basta alam mong makapagbibigay ng aral, at mabuti naman ang sinusulat mong mga nobela, huwag kang mag-alinlangan na ibahagi ito. Sulat lang nang sulat, darating din ang mga nakatadhanang mambabasa mo. Sabi nga nila, kung para sa 'yo, para sa 'yo.
5. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?
Isa kayo sa mga natupad kong dasal sa Kan'ya. Salamat sa paglalaan ng oras sa pagbabasa ng mga akda ko. Salamat sa walang sawa niyong suporta para sa akin. Salamat sa paniniwala at salamat sa pagmamahal sa akin at sa mga karakter ko. Sana may natutunan kayo mula sa aking mga akda at sana isabuhay niyo ito. Maraming salamat, dahil hindi ko maaabot kung nasaan man ako ngayon kung hindi dahil sa inyo. Masaya ako at lubos na nagpapasalamat na dumating kayo sa buhay ko, lalo pang nabigyan ng kulay ang isa sa mga naging takbuhan ko tuwing napapagod ako: ang pagsusulat. Mahal ko kayo!
FIVE FUN FACTS / TRIVIA ABOUT YOU OR YOUR STORIES:
1. Hindi talaga ako mahilig mag-outline. Lagi lang akong go with the flow o 'di kaya naman ay may plano pero nasa isip lang palagi.
2. Ang 'Once a Cheater, Always a Cheater?' at 'Pagsara sa Ating Kabanata' ay inspired sa past namin ng best friend/first love ko.
3. Sa banyo ako madalas nakakaisip ng mga bigating scenes at mga nakakagulat na plot twists. Ewan ko rin kung bakit doon.
4. I love tragic movies/stories. Para sa akin mas satisfying siya, mas tumatatak sa akin, mas naaalala ko, at mas dama ko ang kuwento.
5. Mahal na mahal ko ang dagat kahit na minsan lang naman ako nakakarating doon dahil walang dagat dito sa amin.
THEME: Magsulat ng kuwento na may tatlong elemento na babanggitin: family secret, childhood friend, business.
Abuela, how did you handle your six kids while trying to grow a tiny business into a major business at the same time?" my granddaughter asked. Amusement and curiosity were evident in her eyes.
A smile painted on my lips when I heard that same question again. Every time people learned that I was a widow when I started our business in our chocolate factory, they asked that question because I think they were amazed by how I managed to be a mom and a businesswoman at the same time. They were amazed by how all six of my kids graduated from college with flying colors and are now successful in their own careers.
"What's your secret, Abuela? Are you superwoman?"
I laughed. "No, Apo."
She pouted her lips, waiting for more.
"So, I have this childhood friend who grew up in a very strict family. He was our neighbor back then, but we became friends when he helped me escape from my abusive father. Then, as years passed, we fell in—"
"Abuelo?" singit niya.
I smiled. "We fell in love, but. . . unfortunately he died due to cancer. . ."
"So, he's not Abuelo. . ."
"Nope, but he is the reason why I've reached this far. He taught me that everyone needs a home where they'll get the strength to face all of those hurricanes in life. It's not really a family secret, but not every parent knows this one; that is, building a home for your children and not just a house."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro