Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Q3 (i) Panayam kay Gretisbored

1.  Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?

Hindi ko masyadong pinag-isipan ang aking username. Originally, it was Gretisbored2014. Ang Gret ay hango sa pangalan kong Margaret at dahil bored na bored ako nang mga panahon na nadiskubre ko ang Wattpad, iyon na rin ang dinugtong ko sa Gret. Obviously, ang year kung kailan ko natisod ang Wattpad ang siyang nilagay ko sa dulo.

Noong mga early years ko sa Wattpad, marami akong nakasalamuha na writers at book cover makers na rin. Isa sa kanila ay nagprisinta na gawan daw niya ng book cover ang isa kong kuwento. Tapos nakita ko na imbes Gretisbored2014 ang ilagay bilang author sa front cover, ginawa na lang niyang Gretisbored para hindi raw masyadong mahaba. Hindi ko agad ginamit iyon sa pag-alala na baka malito ang mga readers ko. Pero kalaunan, nakita ko rin ang logic ng sinasabi niya na mas madali raw tandaan ang Gretisbored dahil mas maikli.

2. Ano o sino ang nagsisilbing inspirasyon sa iyong pagsusulat?

Noong nasa Japan ako, nagsusulat ako para mawala sa isip ko ang homesickness. Iba kasi ang impact no'n lalo na kapag nag-iisa ka lamang. Naging motivation ko iyon kung bakit ang sipag-sipag ko noong magsulat.

Sa pagbuo naman ng mga characters, kapag bata ay mga pamangkin ko ang naging inspirasyon ko sa pagbuo ng kanilang mga pag-uugali o personalidad. Halimbawa na lang nito ang kambal sa Perfect Stranger na sina Marius at Markus. Hinango ko sa personalidad ng pamangkin kong lalaki ang character ni Marius at ang way niya ng pagsagut-sagot sa mga matatanda at pamangkin ko namang babae ang naging basis ng characterization ko kay Markus.

3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?

Isa sa pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat ay ang pagbuo ng plot at twist na magugustuhan ng target audience niya. Although I have a lot of successful stories in millions of reads, mayroon din naman akong mga kuwentong sablay sa panlasa ng mga mambabasa ko, subalit nang isinusulat ko ang mga iyon, inakala kong magugustuhan sila ng mga suki ko. Hayun, kapag nangyayari ang ganito nakakawalang-gana magsulat. Ang tagal ko na ngang hindi nakapag-update sa mga ongoing stories ko dahil nagsimula sa maraming reads agad, pero wala halos nagko-comment. So itinigil ko muna total naman ang dami kong ginagawa sa university. Babalikan ko na ang ang mga iyon kapag wala nang pasok sa school.

4. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?

Siguro ang isa sa mga maipapayo ko ay ang na-receive ko rin na advice noon sa isang batikang manunulat na may-ari na rin ng malaking pubhouse ngayon. Kung gusto mong maging matagumpay na manunulat dapat daw alamin mo ang kiliti ng iyong readers. Malalaman mo raw ito sa pamamagitan ng pagiging mapagmatyag sa paligid. Anu-ano ba ang nagti-trending lagi? Find out why a certain story is so popular among a specific age group. Tapos aralin mo raw ang characterization at plot ng mga kuwentong iyon, NOT BECAUSE you will copy them but because you want to see the pattern (e.g. characterization, plot, etc.)

Pero sa totoo lang, hindi ko rin iyan nasusunod. Mahirap magbasa eh. Sa nature ng trabaho ko na marami nang required reading, wala na akong panahon para magbasa ng trending stories. Ang concern ko na lang ngayon since maraming naglipanang nobela sa Filipino, sinusulat ko na lang kung ano ang gusto kong mabasa. That way, may mababalik-balikan ako kapag ako'y bored. Pwede rin iyang sundin ng mga bagong manunulat: WRITE WHAT YOU WANT TO READ.

5. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?

Maraming salamat sa lahat ng binigay ninyong oras, pera, at pagmamahal sa aking mga akda. I will always be thankful. Pasensya na lang po kung hindi ako mabilis mag-update. Sinisikap ko naman kapag hindi ako busy pero nitong huli, ang dami-dami lang talagang kailangang matapos. May you always continue on supporting my stories and loving my MLs and FLs. Sana balang-araw ay magkita-kita rin tayong lahat!



1. All my popular stories (at least a million reads) were written in Japan.

2. I didn't like the name Marius for my little boy character in Perfect Stranger, but I couldn't think of any other name that rhymes with Markus, the twin brother, so I took it.

3. The Jilted Bride was almost my love story had I been as brave as Alex. LOL!

4. When I was new on Wattpad, I submitted my manuscript to different pubhouses only to be rejected many times. Yuuki no Hana and The Jilted Bride were almost published by a popular publishing house; however, they wanted me to slash around 60% of the total word count for both books, so I decided not to pursue them anymore.

5. Perfect Stranger had several publishing offers. They even promised me that they will release it as soon as I agreed to it and they are willing to publish all chapters, no slashing of content. But I refused. :) It was not because I wanted to get even for all the rejections I received before. I was just scared that I would be tempted to sell the copyright to them because of the tempting offer.


THEME: Magsulat ng kuwento na may tatlong elemento na babanggitin: family secret, childhood friend, business.

BALAY DAKO

"Nara! Kailan ka pa dumating?" sabik kong salubong sa dati kong kababata. Niyakap ko pa ito sa tindi ng pananabik.

"Nez!" ngarag ang tinig ni Nara. Namumula pa ang mga mata na animo'y galing sa pag-iyak. Kinakitaan ko pa ito ng takot. Ganunpaman, saglit lang iyong rumehistro sa utak ko dahil inagaw ng sosyal niyang outfit ang atensyon ko. Napansin ko agad ang A-line white dress niya pati na ang stiletto heels. Nakita ko na kasi iyon sa isang fashion magazine.

"Nara." Sabay kaming napalingon sa guwapong tsinitong pinanggalingan ng tinig. Kahit may asawa na ako, napanganga pa rin ako sa kagwapuhan ng lalaki.

Nakita kong tila nataranta si Nara. Bigla itong nagpaalam at tumakbo pabalik sa bahay nila na kung tawagin namin ay Balay Dako dahil sa sobrang laki nito. Ito lamang ang kaisa-isang bahay sa lugar namin na gawa sa bato. Naging simbolo ito ng karangyaan and all things beautiful and elegant.

Gusto ko pa sanang sundan si Nara pero tinitigan ako nang masama ng tsinito.

Hindi pa ako nakakapasok sa amin nang biglang may tila sumabog mula sa Balay Dako. Napapiksi ako sa gulat. Paglingon ko rito nakita kong lumiliyab na ito. Nagkaroon ng komosyon at may nagdatingang ambulansya, bombero, at mga taga-media.

Lumabas na nakaposas ang tsinito pati na si Nara. Noon ko napag-alaman na ang kababatang simula't sapol ay kinaiinggitan ay anak pala ng isang drug lord. Na ang bahay na tinitingala ng karamihan sa amin ay may tinatago palang maitim na sekreto.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro