Q3 (i) Meet the Community
Simula na naman ng panibagong quarter! Ibig sabihin nito, may bago na namang isyu ang ating newsletter!
Para sa isyung ito, aming kinapanayam ang mga sumusunod:
Wattpad Writers: Gretisbored, LenaBuncaras, soulleal at vidacarryon
Wattpad Ambassadors: MelodyScarlet18 at CouncilXean
Halina't kilalanin natin sila!
***
WATTPAD WRITERS
Si Gretisbored ay nagsimula sa Wattpad noong ika-28 ng Marso 2014. Sa kasalukuyan, nakabuo na siya ng mahigit tatlumpong nobela sa Filipino. Ang paborito niyang paksa ay tungkol sa interracial relationships. Isa sa mga gustung-gusto niyang isulat noon ay ang Yuuki no Hana kung saan ang bidang lalaki ay Hapon at ang bidang babae naman ay isang Filipina. Ang book 1 nito ang siyang pinakamabilis niyang natapos sa lahat ng kanyang akda. Sa loob lamang ng 21 na araw ay nakabuo siya ng kuwento na mayroong 25 kabanata. Masasabing isa si Ryu Otsuji (Yuuki no Hana) sa pinakagusto niyang male lead.
Bata pa lamang ay mahilig nang magsulat si Gretisbored. Katunayan, labing tatlong taong gulang lamang siya noon nang mag-umpisa siyang magsulat ng nobela. Siyempre, dahil tinedyer, love story agad ang inumpisahan niyang isulat na pumatok naman sa kanyang mga kaklase't kaeskwela kung kaya naging popular siya sa high school. Dahil doon, nagpapasulat na ang kanyang mga kaklase ng tungkol sa pantasya nila sa kani-kanilang mga crush. Magiliw naman silang napagbibigyan ni Gretisbored dahil galante sila magbayad. :) Natigil lamang siya sa pagsusulat nang tumuntong na sa kolehiyo dahil kanyang napag-alaman na masyadong minamaliit ng mga intelektwal kuno ang mga nobelista sa Tagalog o Filipino. Nagpokus muna siya sa kanyang pag-aaral at nang makapagtrabaho na at maiayos ang kanyang pinansyal ay sinubukan niyang magsulat muli ngunit hindi naging madali ang lahat. Hanggang sa madiskubre niya sa hindi inaasahang pagkakataon ang Wattpad noong taong 2014.
>> I-click ito upang mabasa ang interview ni Gretisbored <<
***
Mula sa Lena0209, pinalitan ko na ito ng LenaBuncaras ngayon sa Wattpad. Galing ang unang username ko sa name at birthday ko. Nagpalit lang ako ng username dahil kailangan para sa mga darating na kontrata ko sa mga pini-pitch sa aking libro.
>> I-click ito upang mabasa ang interview ni LenaBuncaras <<
***
Kilala bilang si Leal WP sa Facebook, 20 anyos at ipinanganak noong Disyembre 2, 2003. Nag-umpisa magsulat noong grade 8 at itinuloy lamang iyon nang magsimula ang pandemic.
>> I-click ito upang mabasa ang interview ni soulleal <<
***
Ang kan'yang penname ay isang paalala para sa ating lahat na kahit ano man ang mangyari, humampas man ang pinakamalakas na alon sa atin, magpatuloy pa rin tayong lumangoy sa mga alon ng buhay. Ang kan'yang motto sa buhay ay: "Healing isn't linear". Siya ang nagsulat ng 'Pagsara sa Ating Kabanata' na kabilang sa mga nagwagi sa Write-a-thon Challenge 3.0 noong Pebrero 2024. Walang iba kun'di ang simpleng manunulat na si Vidacarryon o mas kilala bilang Vida. Nagsimula siyang magsulat gamit ang penname na ito noong ika-4 ng Setyembre 2021, at ngayon siya ay nakatapos na ng apat na epistolary, dalawang novella, at isang maikling liham. Sa bawat akdang kan'yang natapos isulat ay nakapaloob doon ang mga aral na nais niyang ibahagi sa mga mambabasa. Teen fiction ang madalas na genreng sinusulat niya. Sa kasalukuyan, tahimik niyang tinatapos ang kan'yang ongoing story sa Wattpad.
>> I-click ito upang mabasa ang interview ni vidacarryon <<
***
WATTPAD AMBASSADORS
Si MelodyScarlet18, o mas kilala sa palayaw na Mei, ay hindi naniniwala sa ideya na isang paraan lamang ang pagpapahayag ng damdamin. Buong buhay niyang idinaan sa pagbuo ng libro at mga tula ang mga damdamin niya. Karamihan ng pangalan ng mga karakter sa mga kuwento niya ay may malalim na kahulugan sa kwento o sa tunay na buhay niya. Ang iba ay nagmula sa malalim na word play o kaya nakapangalan sa mga kaibigan niya sa tunay na buhay. Sa kasalukuyan, siya ay nagsisikap na magtapos sa kursong BS Psychology kung saan lalong nabubuo ang paghanga niya sa iba't ibang pag-iisip ng tao. Nais niyang bumuo pa ng maraming kwento na makakaabot sa puso ng ibang tao.
>> I-click ito upang mabasa ang interview ni MelodyScarlet18 <<
***
Si Sean, na kilala sa kanyang pen name na Elixir John, ay isang talentadong manunulat na nagdadalubhasa sa mga nobelang LGBT at BL (Boys' Love), na nagmula sa kaakit-akit na lungsod ng Baguio. Sa kanyang malalim na pag-unawa at empatiya para sa LGBTQ+ na komunidad, ginagamit ni Sean ang kanyang husay sa pagsusulat upang lumikha ng mga kwentong humahaplos sa damdamin ng mga mambabasa mula sa iba't ibang uri ng pamumuhay. Ang kanyang mga nobela ay naglalakbay sa mga detalye ng pag-ibig, identidad, at personal na pag-unlad, na sumasalamin sa mga komplikadong dinamika ng mga relasyon ng parehong kasarian at mga hamon na kinakaharap ng mga indibidwal sa pag-intindi at pagtanggap ng kanilang sekswal na oryentasyon.
>> I-click ito upang mabasa ang interview ni CouncilXean <<
***
The team behind this quarter's newsletter: PrincessThirteen00, HoplessWings, and loveisnotrude.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro