Q3 (iv) News From Around Wattpad
THIS IS IT, FLASH IT ULIT?!
Nagbabalik na naman ang flash fiction writing contest ng AmbassadorsPH! Para sa buwan ng Setyembre, hinahamon namin kayong gumawa ng flash fiction na naglalaman ng tatlong salitang aming babanggitin.
Magsulat lamang ng maikling kuwentong mayroong 250-300 na mga salita, Taglish, Filipino, o Ingles man ito, at kahit na ano pa ang nais mong genre.
Handa na ba kayo para sa tatlong elemento? Ihanda na ang inyong mga panulat at simulan na ang pagsusulat!
Ang tatlong elemento para sa buwan na ito ay...
Abangan ang buong detalye sa Write-a-thon Challenge book ng AmbassadorsPH!
Wazzup, FanFicPH!!
Ber Season na naman...Ngayong panahong ito, natatangi ang ating mga ngiti sapagkat nalalapit na naman ang kapaskuhan. Malamang marami na namang NBSB at NGSB na malamig ang pasko... subalit huwag malungkot nandiyan naman ang mga oppa upang magpakilig sa nilalamig mong puso't pag-ibig.
Mula September 5 - September 24, 2023, maaari kayong magpasa ng inyong mga entry para sa contest ng WattpadFanFicPH na pinamagatang A Chance with Cha Eun Woo. Bisitahin lamang ang profile ng WattpadFanFicPH para sa buong detalye!
Oras na para mabigyan ng pagsubok ang mga tagahatid ng kilig! Abangan ang patimpalak ng WattpadRomancePH na magtatampok ng mga akda ng Wattpad Ambassadors. Mula sa pagbabantay at pagsusulong ng mga ppatimpalak na ito, ngayon, ang mga Ambassador naman ang susubok na sumulat ng kuwento ng pag-ibig.
Abangan ang kanilang akda, pagka't ang boto niyo ay may mahalagang papel na gagampanan dito!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro