Q3 (i) Panayam kay iammasteryel
1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
iammasteryel. Yung "Yel" po ay galing sa pangalan kong "Niel" na pronounced as 'Nyel'. And yung "Master" naman ay galing doon sa isang story na hindi ko na matandaan kung ano ang title pero ang tawag niya sa kanyang amo ay "Young Master". It should be "MasterYel" pero dinagdagan ko na lang ng "i am".
2. Gaano kahalaga sa iyo ang pagsusulat at bakit?
Sobrang halaga sa akin ang pagsusulat kasi dito ko nararanasan ang makatakas sa reality. Through my characters, pinaparanas ko sa kanila ang mga bagay na hindi ko nararanasan sa totoong buhay. At isa pa, ito rin ang naging coping mechanism ko kapag inaatake ako ng lungkot at anxiety.
3. Mayroon ka bang sariling akda na nais mong irekomenda sa mga hindi pa nakapagbabasa ng iyong gawa?
Yung "Her Pretty Little Game". This story will remind you that you don't have to use violence and get your revenge on someone. What has been done in the past is already done. All you can do is to move forward and focus on your goals in life. May mga life lessons kayong matutunan sa libro o story na ito na pwede rin ninyong ma-i-apply sa buhay ninyo. Plus, I give my 100% effort para sa story na ito, kahit hindi man siya ganun kaganda kung ikukumpara sa iba still recommended ang kwentong ito.
4. Ano ang kasulukuyang genre na isinusulat mo? Nais mo bang mag-venture out at sumubok naman ng ibang uri ng kuwento?
Mystery-Thriller ang kasulukuyang genre ng sinusulat ko which is exciting kasi hindi ito ang genre ko talaga sa pagsusulat. I'm just letting myself explore. And yes, gusto kong sumubok ng ibang genre. Action ang nangunguna sa listahan, next is Fantasy. Mahilig ako manood ng action and fantasy movies, pero hirap sa pagsusulat 'nun kaya parang nakaka-intrigang gawin.
5. Kung bibigyan ka ng pagkakataong pumili ng manunulat na magsusulat sa kuwento ng iyong buhay, sino ito at bakit?
Siguro si Kuya Vince, VChesterG. Pakiramdam ko kasi ang drama ng buhay ko at kayang-kaya niya i-pull off iyon. He's one of those writers na hinahangaan ko rin talaga.
6. Kung ikaw ay ma-i-stuck sa isang isla, sinong tatlong manunulat ang nais mong makasama? At bakit?
TheLadyInBlack09, Serialsleeper, HaveYouSeenThisGirl. Simply because I really admire the abovementioned authors. No words can explain how much I idolize these three. Actually, may idadagdag sana ako kaso hanggang tatlo lang. HAHAHA!
7. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang iyong buong proseso ng pagsusulat?
Ang totoo, hindi ko alam kung proseso na ba ang tawag dito pero nagsisimula ako sa pag-isip ng title at pagkatapos 'nun ay ang paggawa naman ng book cover. Sunod kong ginagawa ay isulat kung ano ang magiging plot ng kwento, twists, conflicts, and ending in bullet form. Syempre, hindi pwedeng walang kinakaing pagkain habang ginagawa ko ang mga 'yun.
8. Ano ang isang bagay na sa palagay mo ay dapat iwasan ng mga baguhang manunulat?
Comparison. Yung tipong laging ikukumpara ang mga gawa nila sa ibang mga sikat na manunulat pa. I used to be like that. Kaya hindi rin ako makausad sa mga sinusulat ko noon ay dahil lagi kong kinukumpara ang style ng pagsusulat ko sa style ng iba o yung progress ko sa progress nila. Then I realized na hindi siya healthy. Magsulat ka lang ng kung anong gusto mong isulat. Your platform, your rule. Focus on your stories kumbaga.
9. Ano ang iyong pinakahindi makalilimutan na karanasan bilang isang manunulat?
Yung makapagtapos lang ng nobela at masulat yung salitang "Wakas" o "The End" ay isang bagay na rin na hindi ko makakalimutan. Pero yung maging libro ang mga sinusulat ko ay isang karangalan na at hinding-hindi ko makakalimutan kaya sobra ang pasasalamat ko sa mga taong naging bahagi ng tagumpay kong iyon. Gusto ko lang din idagdag na ang makatanggap ng ganitong imbitasyon ay isang karangalan na para sa akin at hindi ko rin ito makakalimutan kaya maraming salamat po.
10. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?
Five years from now, sana nakapagsulat na ako ng more than ten (10) novels na mamahalin ng maraming mambabasa. Still writing for sure and by that time, sana, mas nag-improve na ang writing style/skills ko. Hindi ako titigil sa pagsusulat kahit ilang writer's block pa man ang mararanasan ko.
11. Ano ang iyong maipapayo sa mga bagong manunulat?
Siguro ang maipapayo ko lang sa mga bagong manunulat ay iyon 'yung 'wag matakot tumanggap ng kritisismo dahil para rin naman iyon sa ikabubuti ng mga sinusulat nila at isusulat pa nila. Hayaan ninyo ang sarili ninyong mag-enjoy at mag-explore. Do not pressure yourself. Keep on writing! Fighting!
FIVE FUN FACTS / TRIVIA ABOUT YOU OR YOUR STORIES:
1. Yung mga bagay na hindi ko nagagawa in real world, binibigay ko sa characters ko. Best example na dito ay yung talent sa pagkanta.
2. Yung story ko na "Once Mine" ay nakabase sa kwento ng isa kong kakilala. With her permission, I was able to complete the novel. But of course, mas lamang ang fiction doon. Yung "plot twist" lang ng buhay niya ang ginamit ko. She and my partner, in fact, composed an original song that was also used in the story.
3. Mahilig ako sa kulay itim na gamit.
4. Mahilig po akong kumain ng Choco Mucho at uminom ng SM Bonus Apple Juice Drink. Ang specific, pero legit po yan.
5. Hindi po ako nakakatulog kapag walang gamit na kulambo sa paa.
THEME: Magsulat ng kuwento na may tatlong elemento na babanggitin: Jowa. Alapaap. Sopas.
STRANGER
"Mag-isa ka lang yata ngayon, Ma'am Rina?"
Napatingala ako sa biglang nagsalita. Nilapag niya ang sopas na madalas kong—namin, order-in.
"Si sir Josue po?" patuloy niyang tanong na mas lalong nagpalungkot sa akin. Tinutukoy niya ang jowa ko.
"We broke up." Malamim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago ngumiti kay Diana, ang service crew sa La Karinderya. I've known her for quiet some time now. Suki kasi kami rito.
Tulala akong napatingin sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. He used to sit there. Biglang nag flashback sa akin ang lahat ng masasayang araw namin na magkasama.
He cheated on me.
Hindi pa man ako nangangalahati sa pagkain ay lumapit muli si Diana at sa likuran nito ay isang lalaki na pakiramdam ko'y hindi nalalayo sa edad kong bente sinko.
"Puno na kasi at ito na lang ang available na upuan, pwede naman po siyang maki-share sa'yo, diba?" alangang sambit ni Diana kasabay ng pagkamot ng ulo. Hindi pa man ako nakakasagot ay umupo na ang lalake at abot hanggang tainga ang ngiting nakatingin sa akin.
Pansin kong kinuha niya ang kanyang phone at nagpatugtog habang naghihintay ng kanyang order. Napatigil ako nang marinig ang kanta. Pinapatugtog niya ang Alapaap ng Eraserheads, ang paboritong kanta ni Josue.
"Sorry, paborito ko kasi." I raised a brow as if I asked him. "I'm Kenneth by the way." He offered his hands pero hindi ko pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain.
"Wag kang masungit baka ma-in love ako sa'yo, sige ka." He smiled again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro