1. Maaari mo bang ibahagi sa amin ang kuwento sa likod ng iyong Wattpad username?
Hraefn - the Old English of Raven
Medyo nahilig ako noon sa goth-related stuff at ang raven ang isa sa mga naging symbols niyon. Gusto ko rin ang name na raven kaya hinango ko roon ang username ko. But since, medyo common ang raven, naghanap ako ng pwedeng alternative. At ang Old English niya—which is Hraefn, ang nahanap ko. At 'yon ang ginawa kong Wattpad username.
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makapagsulat ng kahit anong kuwento na walang limitasyon, ano ang magiging tema nito?
Kung magsusulat ako ng kuwentong walang limitasyon, sa tingin ko, gusto kong magsulat na may temang 'change vs tradition'. 'Yan kasi 'yung struggle na nakikita ko sa society ngayon. The world is gradually deviating from the traditional norms. Nagbabago na ang beliefs at standards ng tao. Nakukuwestiyon na rin ang morality, ano na ba talaga ang tama o mali. What is right and wrong in a world without an absolute truth? Parang gusto kong i-explore 'yan sa story. At kung isusulat ko siya, under genre ng Action/Fantasy/GL siguro.
3. Ano ang pinakamahirap na aspeto ng pagiging manunulat?
For me, it is to finish stories and meet the deadlines on time, and without having writer's block.
4. Saan mo nakikita ang sarili mo pagkalipas ng limang taon?
Hopefully, still writing and publishing stories. 😌
5. Ano ang iyong inspirasyon sa kuwento mong "The Ace of Salvatore"?
Volleyball. I've always been a fan of volleyball—UAAP, PVL, SEAG, international leagues, etc. And of course, kay MG. She's been my volleyball crush, at siya ang naging inspirasyon ko sa isa sa main leads ko sa TAOS, which is Coach Reese Villarosa.
6. Ano ang iyong greatest fear bilang isang manunulat?
Greatest fear bilang isang writer ay 'yong dumating ang panahon na hindi ko na kayang magsulat, o 'yong panahon na kailangan ko nang tumigil sa pagsusulat.
It's every writer's fear, I guess.
7. Anong genre ang gusto mong subukan na isulat? Bakit?
Historical fiction. Gusto kong subukan ang isang kuwento na may 'touch' ng history/past.
8. Bakit mo naisipang magsulat ng kuwento? Ano ang nagtulak sayo upang magsulat?
Boredom. 😅
At saka na-inspire din akong magsulat dahil sa kakabasa ko ng wattpad stories noon. I want to write what I want to read.
9. Ano ang favorite motto mo bilang isang manunulat? Bakit?
Write, no matter what.
10. May maipapayo ka ba sa mga bagong manunulat?
Write for yourself first. Write what you want, do your best. Impress yourself first with what you wrote. H'wag n'yo munang intindihin kung may magbabasa o wala, kung magugustuhan ng readers o hindi. Don't be discouraged with the idea of it. Kung mahal mo ang story, kung nagugustuhan mo ito at na-e-excite kang basahin ito, expect na magugustuhan din ito ng readers mo o ng magiging readers mo. And lastly, don't give up on your passion. There will be ups and downs, but it's okay. It's normal. If you really love writing, just don't quit. It'll all be worth it in God's time.
11. Ano ang mensahe mo sa iyong mga mambabasa?
Thank you so much for always supporting me! I appreciate you all! Nandiyan pa rin kayo kahit ang bagal ng updates ko. Hugsss!
FIVE FUN FACTS / TRIVIA ABOUT YOU OR YOUR STORIES:
1. I'm a big fan of Evanescence.
2. My comfort music is rock music, specifically goth and symphonic.
3. A fountain pen user and collector.
4. As per my mom, left-handed ako nung bata ako. Kaso pinilit nila pati ng mga Tita ko noon na sanayin ako maging right-handed, hanggang sa naging right-handed nga ako. Though may ilang tasks na mas comfortable akong gamitin ang left hand ko hanggang ngayon, pwera na lang talaga sa pagsusulat.
5. I started writing The Ace of Salvatore in 2019 pero hindi ko siya pinost sa Hraefn account ako. I used a dummy account instead. Nilipat ko lang ang TAOS sa Hraefn account ko last April 2022.
THEME: Magsulat ng kuwento na may tatlong elemento na babanggitin: Jowa. Alapaap. Sopas.
Sopas sa Calle 13
"Dinah, ano na?! Asan na 'yang jowa mo?!" inis na sabi ng kaibigan kong si Tottie.
"Hindi sumasagot, eh." Bakas na rin ang pagkairita sa boses ko.
Mahigit isang oras na kaming naghihintay kay Jojo rito sa kanto ng Calle 13, isang kalye sa lugar kung saan dayuhan kami. May tiyahin daw rito si Jojo na binisita nito nung nakaraang araw. Nagandahan ito sa lugar kaya inaya na kami ni Tottie na magbakasyon dito. Pumayag naman kami at susunduin dapat kami ni Jojo pero wala pa ito.
Madilim na ang paligid at wala nang tao o sasakyang dumadaan. Mabuti na lang at may poste ng ilaw sa kinatatayuan namin at sa tapat ay may maliit na karinderya.
Nagpasya kaming kumain muna lalo't gutom na rin kami.
Una kong nabuksan ang kaldero ng sopas. Mukhang masarap! Amoy pa lang ay para na kaming nasa alapaap!
"Paborito 'yan ng kostumer namin dito, hija," sabi ng ale na may kislap ang mga mata.
Bigla na lang akong nagulantang nang biglang sumigaw si Tottie. Halos maduwal ito at nahihintakutang nakaturo sa mangkok ng sopas.
Nagimbal ang buong pagkatao ko at napatakip sa bibig nang sundan ng tingin ang itinuturo nito. Sa sopas ni Tottie ay nakita ko ang putol na daliri ng tao.
At tuluyan na akong napaiyak sa hilakbot lalo na nang makita ko ang tattoo sa daliri—ang pangalan ko.
"J-Jojo—" anas ko bago tuluyang magdilim ang kamalayan ko matapos tamaan ng isang matigas na bagay ang batok ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro