Third quarter na ng taon! Ibig sabihin nito, may bago na namang isyu ang ating newsletter!
Para sa isyung ito, aming kinapanayam ang mga sumusunod:
Wattpad Writers: Winter_Solstice02, Hraefn, daninininino, iammasteryel
Halina't kilalanin natin sila!
---
Wattpad Writers
Si Winter Solstice o Florife Quico sa totoong pangalan ay isang OFW na kasalukuyang nagtatrabaho bilang Nanny sa bansang Turkey. Kahit noong bata pa siya ay mahilig na itong magbasa ng mga pocketbook at isa ito sa mga dahilan kung bakit isa na siyang manunulat ngayon. Nagtatrabaho na siya sa abroad nung inumpisahan niyang isulat ang una nitong nobela na pinamagatang Lawrence, the Hotelier. Si Winter ay may dalawa nang anak na lalaki.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni Winter_Solstice02.<<
Si Hraefn ay nag-umpisang magsulat sa Wattpad noong September 2013. Action-Romance ang paborito niyang genre. Ang pinakaunang kuwentong isinulat niya ay ang Never Wake the Demon na na-publish under Summit Books - Pop Fiction noong 2018. Sa ngayon ay naka-focus siya sa pagsusulat ng GL stories, ang The Ace of Salvatore na isa na ring published book under Pop Fiction, at ang kaniyang ongoing, The Devil in a White Coat.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni Hraefn.<<
daninininino or also known as Dani in her social media accounts is a simple living creature who loves to write and found peace in writing. Dani started creating stories when pandemic strikes, she started writing FanFiction novels and as the year goes by, she started exploring things and that's when she read Around Amadeo by ynamoreata and it inspired her to write her first epistolary entitled "Luha". She loves reading and writing especially when it's raining because it brings her comfort. She's a reader of Jonaxx, Inksteady, thexwhys and her co-writers. She also wants to explore other genre soon!
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni daninininino.<<
Si iammasteryel ay kilala rin bilang Niel Gonzales sa kanyang social media accounts. Kasalukuyang nakatira sa Bacoor Cavite at nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Secondary Education, majoring in Mathematics. Nagsimula siyang mag-sign up sa Wattpad taong 2015 pero naging aktibo lamang siya sa kanyang social media accounts noong October 2022. Mahilig siyang mangolekta ng mga libro lalo na kapag published ng PSICOM publishing house. Isang manunulat na humahanga rin sa kapwa-manunulat kagaya na lamang nina TheLadyInBlack09, HaveYouSeenThisGirl, Serialsleeper, VChesterG, at marami pang iba. Mahilig siyang magbasa ng mga romantic-comedy at mystery-thriller na klase ng storya.
>>I-click ito upang mabasa ang interview ni iammasteryel.<<
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro